Savannah
Tahimik kaming nag-aalmusal at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig. Nakatutok ang mga mata ko sa aking pagkain at hindi ko magawang tumunghay sa kanila. Ngunit ramdam ko ang pagsulyap nila sa akin. Nag-iinit ang aking mukha dahil sa labis na kahihiyan. Hindi ko talaga matandaan kung ano ang ngyari kagabi kaya hindi ko magawang tumingin kay Albrey, gayon din kay Ate dahil naman sa pagtulog ko sa kwarto ni Albrey. Gusto ko na lang magpalamon sa sahig. Ngunit isang tanong mula sa kapatid ko ang nagpatunghay sa akin.