Savannah
Pumikit ako at sinamyo ang masarap at malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Iba talaga ang hangin sa probisya kaysa sa kalakhang maynila. Dahil summer ngayon ay maaga pa lang ay tirik na ang araw. Ngunit napakapresko at lamig ng hangin kaya hindi mo gaanong mararamdaman ang init.
Napakasarap pagmasdan ng mga kulay luntiang mga puno at mga damo. Gayo'n din ang mga alagang hayop na nasa paligid gaya ng baka, kambing at mga manok na nagsisipag gala lang sa paligid ng bakuran.
"Beshie, kamusta ka dito? Na-enjoy mo ba ang mga tanawin?" Napalingon ako kay Bea nang magsalita ito sa likuran ko. Naririto ako sa isang maliit na kubo na nasa ilalim ng isang napakalaking puno ng mangga dito sa likod bahay nila Bea sa probinsya nila. Gawa lang ito sa kawayan at pawid ang bubong nito. May dalawang mahabang upuan sa magkabilang gilid at maliit na lamesa sa gitna. Tanaw mula rito ang malawak na lupain na may ibat-ibang uri ng mga nagtataasang mga puno gaya ng niyog, sanging at iba pa. At may mga mangilan-ngilang alagang hayop doon. May ibat-ibang uri rin ng mga halaman dito naman sa bakuran na pinalilibutan ng mga magaganda at ibat-ibang kulay ng mga paru-paru.