/0/26957/coverbig.jpg?v=c148cc7a02be0d9d856bdb6d9c918c86)
Hindi inaakala ni Kamille na mahuhulog siya sa kanilang gwapong hardinero. Nasanay man siya na lahat ng gusto niya'y kaniyang nakukuha pero mukhang mahihirapan siya pagdating sa lalaking ito. Masyado itong mailap sa kaniya, at kahit halos ibandera na niya rito ang buong katawan niya ay hindi man lang siya magawang tapunan nito kahit kapirasong pagnanasa. Mapapainit ba niya ang damdamin nito para sa kaniya? O mabibigo siya sa unang pagkakataon pagdating sa isang lalaki? Posible bang mapansin siya nito? Paano kung hindi na lang pala basta pagkuha ng atensyon nito ang gusto niya? Paano kung pati puso niya ay nabihag na rin nito?
Napabalikwas ng bangon si Kamille nang marinig nya ang boses ng kanyang Yaya Hilda. Alas-otso na pala at late na naman sya sa eskwela.
Mabilis syang bumangon at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa sampayan. Magulo pa ang kwarto nya dahil hindi pa nya ito nagagawang harapin para ayusin.
21 na sya at graduating na sa kursong Tourism Management. Ito talaga ang pangarap nya noon pa at ngayon ay halos abot-kamay na nya ito.
"Naku, ikaw na bata ka, para saan pa ang alarm clock mo sa kwarto? Kung hindi pa kita ginising malamang na hanggang ngayon ay gumagawa ka pa ng mapa," sermon sa kanya ni Yaya Hilda.
Napakamot sya sa buhok at daling bumaba para kumain muna ng almusal.
"Yaya naman wag mo na po akong sermunan, halika kumain na lang tayo," nakangiting sabi nya sa kanilang katulong.
15 years na itong nagtatrabaho sa kanila at halos ito na ang nagpalaki sa kanya. Ito kasi ang palagi nyang kasama dahil madalas na wala naman sa Pilipinas ang mga magulang nya. Abala ito sa pagpapatakbo ng kompanyang iniwan ng lolo nya.
"Tapos na ako. Hala! Dalian mong kumain at late ka naman sa eskwela," paalala nito sa kanya
Tumango-tango na lang sya sa matandang katulong, sanay na sya sa mga sermon nito minsan dahil parang nanay na rin ang turing nya dito. Nginitian nya na lang ito habang kagat-kagat ang sandwich sa bibig nya.
Nagmadali na syang kumain at nagdiretso na sa banyo upang maligo, binilisan na lang din nya ang paggayak upang hindi na makapagsayang pa ng mga natitirang oras. Kahit na nga ba nag-aayos na lang sya ng mga dapat ayusin para sa nalalapit nyang graduation ay hindi dapat sya nagpapapetiks-petiks lang.
"Ya, alis na ako!" paalam nya at patakbong lumabas ng pintuan.
Sinundan lang sya ng tingin ng matanda, muntikan pa syang matapilok sa pagmamadali. Medyo mataas kasi ang takong ng sapatos nya.
"Ay sus maryosep kang bata ka!"
Dinig pa nya ang huling sinabi ng matanda, napangisi sya.
Natutuwa talaga sya sa Yaya nya, sa kabila ng pagiging busy ng mga magulang nya sa trabaho ay ito naman ang pumupunan ng mga pagkukulang para lang hindi nya maramdaman na mag-isa sya.
Paglabas nya ng pintuan ay naabutan nya ang driver nila na may kinakausap sa garden, hindi ito pamilyar sa kanya. Nakatagilid ito at sa tantya nya ay bagong mukha, kailan lang kasi ay pumanaw ang hardinero nilang si Mang Isko. Siguro ay ito ang bagong hardinero nila.
Lumapit sya upang tawagin ang driver dahil kailangan na nyang maihatid sa eskwela.
Nag-uusap ang mga ito at tila naabala sa pagdating nya.
"Ma'am Kamille, nandiyan ka na pala. Pasensya na at kinakausap ko lang itong bagong hardinero nyo. Ibinilin kasi sya sa akin ng Daddy mo," sabi ng driver nila.
Tiningnan nya ang lalaking kausap nito, matangkad ito at moreno. Hindi nya alam pero kusang napako ang tingin nya sa lalaki, ni hindi man lang sya nito tinapunan kahit isang tingin, hindi man lang ba sya babatiin nito?
Kakaiba yata ito sa lahat. Sa lugar nila ay sya lagi ang pinagpapansinan ng mga lalaki, pero itong lalaking nasa harap nya ngayon ay kabaligtaran naman niyon. Ramdam na ramdam nya ang pagkailang nito sa kanya.
"Franco, si Ma'am Kamille, nag-iisang anak nila Sir Ricky at Madam Verna," pakilala nung driver nila.
Noon lang ito tumingin sa kanya, sya naman ay inaaninag ng mabuti ang mukha nito, gwapo at matangos ang ilong, parang may lahi itong mexicano.
Bahagya lang itong yumuko matapos tanggalin ang malapad na sumbrerong suot-suot nito.
"Hello Franco. Nice to meet you. Pagbutihin mo ang trabaho mo dito ha, sana ay makasundo kita." Nginitian nya ito pero wala man lang itong kaimik-imik, napapasong iniwasan sya nito ng tingin.
Anong problema ng lalaking ito?
"Tara na Ma'am ihahatid ko na kayo," pukaw sa kanya ni Art.
Kinuha na nito ang gamit nya at naglakad na ito papuntang sasakyan, sya naman ay nawiwirdohan sa bagong hardinero nila. Gwapo pa naman sana ito. At infairness kahit na moreno ang balat nito eh parang ang bango-bango tingnan. Kaya lang ay parang may tililing yata. Hindi man lang makipag eye to eye contact. May lahi yatang aswang.
Natawa sya sa sarili pero mabilis din nyang pinawi 'yon. Kung ano-ano ang sinasabi ng utak nya. Umaarangkada na naman ang pagkahibang nya. Pero naguguluhan din sya sa sarili kung bakit tila apektado sya sa ikinilos nito. Siguro ay dahil hindi lang sya sanay. Nakaramdam kasi sya ng pagkapahiya sa sarili.
Sa huling pagkakataon ay tinapunan nya ulit ng tingin ang lalaki bago tumalikod. Hindi nya mabasa ang emosyong nakalarawan sa mukha nito. Sumunod na sya sa driver nila upang ihatid sya sa eskwela.
Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maalis sa isipan nya ang bagong hardinero nila. May bahagi ng pagkatao nya ang naiinis dahil hindi sya sanay aktuhan ng ganoon, lalo na ng lalaki.
"Kuya Art, ganoon ba talaga yun?" inis na tanong nya sa driver.
"Ha? Ano po yun Ma'am?" hindi yata sya naintindihan nito.
"Yung bagong hardinero. Ang weird nya ha?" napairap sya sa inis.
Tumawa lang yung driver nila.
"Naku Ma'am pasensya ka na kung hindi ka sanay sa ganoon. Pero sadyang tahimik lang talaga yun si Franco," paliwanag nito.
"Saan ba sya nakuha ni Daddy? Matagal mo na syang kilala?" parang bigla naman syang naging interesado.
"Apo sya ni Mang Isko, at oo matagal ko na syang kilala, kaya lang ay laging nasa bayan dahil doon nagmemekanino," anito.
Ah kaya naman pala. Hindi naman pala ito iba sa dating hardinero nila. Napatango-tango na lang sya, pero nagngingitngit pa rin ang kalooban nya dahil medyo nadismaya sya kanina.
Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Feel nya tuloy ang pangit nya dahil sa inakto ng Franco na 'yun pero hindi yata sya papayag na aktuhan lamang ng ganoon ng isang lalaki, hindi sya sanay at hindi nya matatanggap.
Napataas ang isang kilay nya at kapagkuwan ay bumuntong-hininga.
Ano kaya kung akitin nya ang lalaking iyon?
Sinisigurado nyang hindi sya nito matatanggihan kapag pinairal nya ang kapilyahan.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya dahil sa mga planong bigla na lang pumasok sa utak nya.
"Tingnan lang natin kung hindi makuha ng alindog ko ang atensyon mo Franco," bulong nya sa sarili.
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.
Sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal, nilagyan ng droga ng maybahay ni Joshua si Alicia, at napadpad siya sa kama ng isang estranghero. Sa isang gabi, nawala ang pagiging inosente ni Alicia, habang dinadala ng maybahay ni Joshua ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Nadurog ang puso at nahihiya, humingi si Alicia ng diborsiyo, ngunit nakita ito ni Joshua bilang isa pang pagtatalo. Nang sa wakas ay naghiwalay sila, siya ay naging isang kilalang artista, hinanap at hinangaan ng lahat. Dahil sa panghihinayang, pinadilim ni Joshua ang kanyang pintuan sa pag-asa ng pagkakasundo, at natagpuan lamang siya sa mga bisig ng isang makapangyarihang tycoon. "Kamustahin mo ang iyong hipag."
Nagulat ang lahat nang lumabas ang balitang engagement ni Rupert Benton. Nakakagulat dahil ang masuwerteng babae daw ay isang plain Jane, na lumaki sa probinsya at walang pangalan. Isang gabi, nagpakita siya sa isang piging, na nabighani sa lahat ng naroroon. "Wow, ang ganda niya!" Ang lahat ng mga lalaki ay naglaway, at ang mga babae ay nagseselos. Ang hindi nila alam ay isa pala talagang tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo ang tinatawag na country girl na ito. Hindi nagtagal at sunod-sunod na nabunyag ang kanyang mga sikreto. Hindi napigilan ng mga elite na magsalita tungkol sa kanya. "Banal na usok! So, ang tatay niya ang pinakamayamang tao sa mundo?" "Ganun din siya kagaling, ngunit misteryosong designer na hinahangaan ng maraming tao! Sinong manghuhula?" Gayunpaman, inakala ng mga tao na hindi siya mahal ni Rupert. Ngunit sila ay nasa para sa isa pang sorpresa. Naglabas ng pahayag si Rupert, pinatahimik ang lahat ng mga sumasagot. "Bilib na bilib ako sa maganda kong fiancee. Malapit na tayong ikasal." Dalawang tanong ang nasa isip ng lahat: "Bakit niya itinago ang kanyang pagkakakilanlan? At bakit biglang nainlove si Rupert sa kanya?"
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."