Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / It's You (Tagalog)
It's You (Tagalog)

It's You (Tagalog)

5.0
20 Mga Kabanata
208 Tingnan
Basahin Ngayon

Dancing inside a palace filled with shining lights and smiles, music of euphonious romance makes her heartbeat thumps fast than usual. She can't see anything but happiness, she wants to hug cupid and shout that this is a dream come true! She feels like she won't wish for anything, but an explosion came and her world came crushing next. Revelations are pouring down like rain and she doesn't know where to find a shield to keep sane, everything is making her crazy which sooner made her the rebellious woman she is...

Mga Nilalaman

Chapter 1 Miracle

"HELLO, MOST HANDSOME, Dad!" Isang mahigpit at sabik na yakap ang isinalubong ng batang si Sunny sa kaniyang ama pagkarating nito sa field ng kanilang school kung saan naka-parking ang kotse ni Will. She immediately planted a sweet kiss right into her father's cheek, she actually showered him plenty of kisses that triggered his chuckles out.

"Doon palang busog na agad si Daddy,ah!" humahalakhak na ani Will, tumayo siya bago abutin ang pink Hello Kitty bag ng anak. Diretso sila sa pinto ng passenger's seat, pinagbuksan niya ang bata bago tulungang maka-pasok. "There you go, my princess... Safety now, let's put your seatbelt on cause your barouche will take you to your castle now."

Sunny giggled. "You know what Dad? We have this new teacher in English subject po. She's too kind and too pretty, she looks like a living princess actually," manghang pagbabalita ni Sunny sa ama, her set of chinky eyes were twinkling like a bright stars. It resembles her mother's eyes, actually everything about Sunny makes Will think about her mother. Carbon copy nito ang bata sa maraming bagay.

"Really, baby?" Sinulyapan muna niya ang naka-ngiting anak bago ayusin ang sariling seatbelt. "Parang okay ka nang wala na si Teacher Marca? You forgot about her that fast?"

"Not really po, but teacher Sappy is too kind. She's too sweet as well, marami pong classmates namin ang nagsasabing para siyang si Snow White. Disregarding the fact that she's just wearing a school uniform, but she's still pretty and adorable."

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Will dahil sa mga kuwento ng anak, he never heard her talk about someone that way. There's one time, but she's not referring to any of her teachers nor to any person but to a fairytale princess. His daughter has a strong and habitual liking for princesses, that's why her amazement towards her new teacher explains why.

"And my boy classmates wants to be her boyfriend." Biglang nahaluan ng iritasyon ang kaniyang masayang pagkukuwento, sumilay rin ang maliit na umbok sa kaniyang mapupulang labi. "Boys..."

Humalakhak si Will, "what's wrong with that?"

Natutuwa siya hindi lamang dahil sa kanilang pag-uusap ng kaniyang anak, natutuwa rin siya sa paraan nito ng pakikipag-usap; ang kaniyang mga ekspresyon at mga ginagamit na salita. She's really like her mother, not just beautiful also bright and intelligent... Hindi magtataka si Will, few more years to go sasakit na rin ang ulo niya sa kabilaang binatilyong dadalaw sa kanilang tahanan para umakyat ng ligaw. Iniisip pa lamang niya'y tila sumasakit na ang puso niya, wala siyang ideya kung ano ang magiging basehan para piliin ang binatang pagkakatiwalaan niya para sa puso ng anak...

"Seriously, Dad? Mga bata pa sila and yet teacher Sappy is too old to be their girlfriend." Maarte pa itong humalukipkip na tila ginagaya ang apo ng katulong nila, si Rolen talaga kung anu-ano ang itinuturo sa bata.

"But they are just boys, baby...And little boys are tend to have crushes or gir-"

"Crushes?!" bahagyang tumaas ang malambing nitong tinig dahil sa napansin sa tinuran ng kaniyang daddy. "That's too many. It should be just one, Dad. ONLY ONE PO!" she exclaimed. "Boys even at the early age po should know the importance of loyalty and honesty, teacher Nathalie taught us that before."

See? She's too young and at the same time too matured. A six year old kid, preaching an adult not just once but for the nth time now. Madalas napapahiya nalang si Will sa sarili dahil sa mga pananaw ng kaniyang anak, subalit tama naman si Sunny roon. Mahalaga para sa isang tao ang katapatan, especially when it comes to love.

Isang malaking bagay na hindi niya naibigay sa babaeng kaniyang minamahal nang labis noong mga panahong nasa tabi pa niya ito, bagay na hindi niya na-ipadama sa kaniyang sinisinta noong panahong mayroon pang pagkakataon. Bagay na hindi nito na-ialay noong mga araw na nasa tabi pa niya ito at magagawa pang dinggin ang lahat ng kaniyang sasabihin, madarama pa ang kaniyang pag-ibig...

Will dramatically stared at the afternoon sky, the sun is too broad. It's too bright and at the same time too hot. Ang kaniyang mga tikhim na hindi na agad mabilang, ang pagpintig ng kaniyang dibdib ay bigla nalang naglalagablab at hindi niya 'yun masupil.

Outside their car are some students that is currently walking on the wide soccer field with their friends, others are with their parents who probably taking them home for lunch. Nanatili ang tingin niya roon habang bumubuhos sa kaniyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. He's currently watching the warm yet bright afternoon background when someone's entered the view, when someone's made him bolt from the blue.

Napa-balikwas siyang bigla mula sa kaniyang inu-upuan para lamang mas lumapit pa sa salamin ng kotse't mas silipin ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa labas. She's a little bit far from them but his heart says they're already so near to each other, so close that when he run fast within the six meters distance he could reach and touch her again.

Damn! Is this real?!

Hindi niya makumpirma kung bakit bigla siyang nakakaramdam ng kung ano sa katawan, more like a high blood pressure or something? Basta! Hindi siya mapalagay, ang puso niya'y nagwawala at nais niyang maghabol ng hininga. Naguguluhan si Will ngunit puso niya ang nagwiwika ng sagot dito, she's alive!

My God!

His world suddenly stopped from spinning so fast, all of his thoughts suddenly went out of his brilliant brain and his heart... His crazy heart is now thumping so fast that he's afraid it would escape any minute from now.

May mga luhang namuo sa gilid ng nag-iinit niyang mga mata habang ang paghinga para sa kaniya ay parang naging isang parusa, he barely even swallow his own saliva. He was left freezing, completely paralyze in his then comfortable position.

Until Sunny suddenly poked him in his arm three times. "Daddy! Daddy!" tunog excited ito at napapa-padyak pa nga sa kaniyang upuan. "Daddy look!" she said while she's pointing somewhere, sa lugar kung saan huling tumingin si Will. Sa lugar kung saan gustong-gusto niyang tumakbo subalit tila nawawala siya sa sarili't maski na ang pagbaba at paglalakad lamang ay hindi niya mabatid kung paano ba sisimulan.

"Daddy, look!" she insisted, "do you see that girl in yellow green uniform, huh? That's Teacher Sappy, she's very pretty right? How I wish I would grow up just like her."

Nanlaki ang parehong mga mata ni Will dahil sa sinabi ni Sunny, sa naging kumpirmasyon niya sa mga bagay na gumugulo sa binata. Pigil-hininga s'yang nagbalik ng tingin sa soccer field kung saan kasalukuyang naglalakad si teacher Sappy hawak ang ilang mga libro at gamit nito.

No! She can't be her. Marami namang babaeng may ganoong pangalan, at hindi imposibleng mayroon rin itong kamukha o kahawig... But was it still a coincidence if the person who owns the same name looks quite the same as her too?

Kasabay ng paninigas pang lalo ni Will ay ang pag-igting ng hawak niya sa manibela ng kaniyang kotse. Para siyang isang bombang bumibilang na sa pagsabog, kaunting kalabit pa.

"W-what's her last name, baby?" his voice croaked, making him stutter.

He then held his breath tightly, part of him wants to hear the right answer but part of him is wishing that he's just missing her so much that he's hallucinating right now. Sappy was in heaven now, she's resting peacefully with the almighty father.

"Amm... Reyez po 'ata, Dad?" She gave him a half-shrugged. Unsure of her answer, "I barely remember, e. Hindi ko po kasi madalas marinig. Why po, Dad?"

Mariing na-palunok si Will, pansamantala niyang iniwan ang naglalakad sa labas na si Sappy para lingunin ang anak at kumpirmahin dito ang sa kanina'y bumabagabag.

"Tell me, is it... Aralez? Sapphire Jean Aralez?"

Nanlaking bigla ang mga mata ni Sunny na animo'y mata ng haponesa, namilog maski ang maliit nitong labi. Sa reaksyon palang ng kaniyang anak ay nangatog na'to, something with her shocked face sent shiver all over his body.

"Yes, Dad. It's Aralez," she responded innocently.

JEZUS!

"How did you know po? Are you classmates before?"

Mariin ipinikit ni Will ang mga mata, imbes na sagutin ang anak ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang kaniyang pusong dumadaing. Nag-ilag siya ng tingin kay Sunny upang hindi mapansin ng bata ang mumunting mga butil ng luha sa kaniyang mga mata at ang pabulong na mga murang kaniyang binibitiwan... Natigil lamang si Will nang walang anu-ano'y bigla na lamang lumabas ng sasakyan si Sunny at agad na sinalubong ang palapit sa direksyon nilang si teacher Sappy.

Gulat ang una nitong ekspresyon ngunit kalaunan ay gumuhit din sa kaniyang manipis na labi ang matamis na ngiti, niyakap niya pabalik si Sunny. She bent a bit for the kid, they talked about something Will can't hear cause aside from the fact that his own heart remains untamable, he's also inside his freaking car and he still don't know if he's allowed to see her or show himself to her. Kakayanin kaya nila ang makitang muli ang isa't isa?

Para bang binabangungot nang gising si Will; still can't believe who's standing right before his eyes... Sapphire is very alive and she's there, standing at the same ground he's in. Breathing the same air he breaths and seeing everything he sees. Well, hindi pa lahat dahil hindi pa siya nito nakikita habang siya'y nakilala na niya agad ang dalaga.

Oh God! I can't believe it... But thank you for this miracle!

Pinilit niyang igalaw ang kaniyang mga paa kalaunan upang maka-labas ng kotse, sabay niyang pinatatag ang nanghihina niyang mga hita upang maka-tayo sa harapan ng dalaga. Still astonished, surprised, shocked and whatever adjective that is. Basta, ang silakbo ng kaniyang puso ay ibang-iba sa nakalipas na anim na taon.

But despite the harsh beats of his heart, he's still thankful for this miracle happened to him today. He didn't knew miracle exists until this happened, he saw someone he believed for a long time already dead. Naka-bibigla ngunit naka-tutuwa, nakaka-iyak subalit nagpaka-tatag si Will at lumabas siya ng kotse gaya ng kaniyang nais mangyari.

"Teacher Sappy, I want you to meet my Daddy po." Inilahad ng aliw na aliw na si Sunny ang kaniyang kamay sa direksyon ng Daddy nito nang masulyapan niya ang palapit na si Will... Lumipad naman agad kay Will ang magagandang mga mata ng dalaga, lumawak ang ngiti nito para kay Will tsaka ito tumango.

"Nice to meet you, Sir," anito sa mababa at malamyos na tinig.

Nagtaasan ang mga balahibo sa braso at batok ni Will, kay sarap pa ring pakinggan ng tinig ng dalaga. Tingin niya nga lang ay may malaking ipinagbago ito subalit nasisiyahan pa rin siyang makita ito ngayon. Her voice is a music to his ear.

"And Daddy, she's teacher Sappy. My new English teacher, 'yung kinu-kuwento ko po."

Will's eyes never left her face even if they're already causing awkwardness, he's really spellbound by her presence and undenying beauty... Sapphire is undeniably gorgeous right now, more than before... Mas kaaya-ayang tingnan ang ayos nito ngayon kaysa noong mga panahong mahilig pa siya sa headband na may malalaking ribbons, bracelets and all accessories a teenager could be fond of. He must say, he finds her a woman now. A decent, matured, adorable and beautiful woman.

With that simple black hairclip in her straight brown hair, it highlights her fair skin very well. Her smooth slim face remained sexy, nasa-ayos rin ang kaniyang naka-arko at makakapal na kilay. Kaunting makeup lang para sa kaniyang mga mapupungay na mata at na-depina na ang hugis nito, mas kapansin-pansin din ang kulay almond niyang balintataw. Her nose remained very long and very narrow while her captivating lips didn't changed a bit, it's still in perfect proportion. Very bright and shinny, it looks soft and pretty nice to kiss... But hold your horse, Will! Don't get that far.

Nais maiyak ni Will sa harapan ng dalaga, nais niyang igawad ang ubod-higpit niyang yakap dito. Nais niyang bawiin ang anim na taong nagka-walay sila kahit sa isang yakap lamang... Damn! He's been longing for her so bad, he doesn't just missed her it's beyond that.

But does Sappy feels the same way too? Naaalala niya rin kaya ang binata? Gulat rin kaya itong makita si Will? Nais niya rin kayang hagkan ito at yapusin nang mahigpit?

Tell me you still do, because never in my wildest dream I forgot about you. Never a second I forgot about our love and our memories, maski sa pagtulog ay baon ko ang lungkot sa pagka-wala mo, Sappy!

Ngunit lahat ng kaniyang kahilingan ay itinaboy ng isang matamis na ngiti mula sa labi ng dalaga, inosente iyon at walang nakikita si Will na kahit ano sa mukha nito. Ibang-iba sa nararanasan ng binata sa kaniyang sarili ngayon.

"Sunny is really a nice girl, Sir. And I want to take this opportunity to thank you for being a good parent to raise such wonderful child like her," she complemented. Really? She has a sweet-tongue now, huh?

Ngunit wala si Will sa tamang huwisyo para ipagdiwang ang papuri nito. All he could hear right now was his very frustrated heart, the indifference and tiny disappointment. Napapa-tanga siya kay Sapphire, binabalot siya ng hiwaga. Nais niyang magtanong ngunit hindi niya alam kung saan o paano mag-uumpisa?

His head is obviously failing miserably.

"Dad..." Sunny poked him again on his right arm, her dad was being preoccupied a lot. "Kinakausap ka po ni teacher Sappy," bulong nito nang matagalan na sa pagsagot si Will.

"Ahh..." Napakurap-kurap si Will at agad na suminghap ng hangin nang malirip niyang kanina pa siya hindi humihinga. "I-I'm sorry, sorry..." Humalakhak siya't napa-kamot sa kaniyang batok. "Where were we? Ammm, Sunny! Yeah, she is. She's great." Simple niyang kinastigo ang sarili at idinaan na lamang sa pagngiti ang kahihiyang kaniyang dinanas.

Gayun naman ay ngiti lang din ang isinukli ni Sappy sa kaniyang katimangan, may pagkunot sa noo nito ngunit wala naman siyang negatibong reaksyon rito. Kapagkuwan ay nilingon nito ang bahagyang nag-iingay niyang cellphone, sinuri niya iyon sandali bago sila sulyapang muli.

"I'm sorry, Sunny, Sir," kapwa nito tiningnan ang dalawa. "But I have to go now. May meeting kasi ang faculty and I'm running out of time."

"A-ayos lang, Sappy," wala pa rin sa huwisyo si Will. Tinampal siya ni Sunny sa binte kaya't bahagya siyang nagising sa reyalidad. "I mean teacher Sappy, we'll be alright here... And nice meeting you too," and seeing you will always be the nicest thing in the world.

Sapphire touched Sunny's face once again. She smiled, see you around, Sunny..."

Nang mawalang tuluyan si Sapphire sa kanilang harapan ay tsaka pa lamang nagbalik ang supply ng oxygen sa lungs ni Will, abot-abot tuloy ang kaniyang paghingal. Halos mapa-upo siya sa hood ng kaniyang kotse dahil sa labis na panghihina, but despite of that the smile she draw over his face remains plastered there.

Napapa-taas tuloy ng kilay si Sunny, ubod-laki ng pagtataka sa mukha nito. Tanging ngiti lang din ang sukli ni Will sa anak, kapagkuwan ay hinila niya ang bata para yakapin nang mahigpit...

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY