/0/26501/coverbig.jpg?v=3d12978302634333b661e988acda1f1d)
Professional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family na wala na ata siyang mahihiling pa dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Well, maliban na lamang pala sa kanyang Daddy na wala nang ibang ginawa kung hindi ay ipagtulakan siya na humanap na ng mapapangasawa. At the age of 29 kasi ay single parin siya dahil na rin siguro sa sobrang focus niya sa kanyang trabaho bilang isang doktor. Kung kailan naman nakahinga na siya ng malalim pagka-alis ng kanyang ama para magbakasyon sa Berlin, ay saka nagkrus ang landas nila ng lalaking naka-one night stand niya sa isang isla kung saan siya nagbakasyon, buwan na ang nakakaraan. She tried to ignore his presence and pretended she doesn't know him. Pero mas makulit pa ata ito sa Daddy niya dahil simula nang magkita sila ulit ay wala na itong ibang ginawa kundi ang kulitin siya para yayaing lumabas. Maiiwasan pa kaya niya ang makulit na estrangherong ito kapag nalaman nitong buntis siya at tanging siya lamang ang pwedeng ama ng batang dinadala niya?
Dahan-dahang ipinikit ni Sandra ang kanyang mga mata habang nilalasap ang lasa ng red wine na kanina pa niya iniinom.
Kasabay ng pagguhit nito sa lalamunan niya ay ang pagbalik ng imahe ng kanyang ama habang nililitanyahan siya nito dahil sa 'di niya pagsipot sa pamangkin ng business partner nitong gustong ipakilala nito sa kanya.
"Alam mong halos dalawang oras nang naghihintay sa'yo si Richard para sa dinner date ninyo kanina!"
"Kinancel pa niya ang flight niya papuntang Barcelona para lang ma-meet at maka-kwentuhan ka, for him to get to know you more..." tinapunan pa siya nito ng masamang tingin.
"What is wrong with you Sandra?"
"Dad, I told you. Marami akong pasyente kanina sa ospital. Alangan namang iwanan ko na lamang ang mga 'yon for the sake of that Richard na 'di ko man lang nakikita pa..."
"Sa hindi na nga ako magkaintindihan kanina dahil punong-puno ang ER dahil sa bus na nadisgrasya sa McArthur highway. I'm a doctor, that's why I need to be there and do my job right, rather than what? Going on a date while I'm leaving my ER full of people who needs my help?"
"Wala na bang ibang doctor 'don? Ano ba naman ang isang araw lang na break para magkaroon ka man lang ng oras para sa sar---"
"Para makipag-blind date Dad? Come on! I'm a doctor, and before I take the oath as a doctor alam naman natin na dapat patient first before anything. Saka sino ba kasi na naman iyang Richard na 'yan at bakit ba gustong-gusto niyong makilala ko?"
Humalukipkip naman ang ama niya habang nakatingin parin sa kanya.
"Anak, believe me, I understand you and your duty as a doctor... But this is different. You know how interested this man is."
"Hija, Richard really wants to meet you. And this guy is willing to wait for you if ever you finished earlier in your hospital duties. He's more interested in you lalo na noong nagkwento ako sa kanya on how dedicated you are pagdating sa profession mo..."
Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng kanyang ama. 'Di talaga ito magpapatinag na ipilit ang gustong pakikipagkita niya sa Richard na sinasabi nito na kanina pa bini-build-up sa kanya.
"He just want to meet you Sandra. Pero paano mong makikilala si Richard eh ni hindi mo nga sinipot 'don sa dinner date ninyo dapat... I thought you are going to fit him in your schedule?" Nakita na naman niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Please, Dad. I have no time for this..." Pakiusap niya sa ama niya na hindi man lamang binawi ang matiim na pagkakatitig sa kanya. She get a hold of herself before saying anything na magpapahaba ng usapan nila dahil alam niya naman na hindi magpapatalo ang kanyang ama sa mga valid reasons niya.
Pagkatapos niya sa kanyang huling pasyente kanina ay tumuloy siya sa bahay nila para kumuha ng ilang damit. Halos alas nuwebe na rin ng makarating siya sa bahay nila dahil dalawang oras ang layo nito sa Parañaque kung saan siya nagtatrabaho. Idagdag pa ang traffic na nadaanan niya sa airport road na di maiwasang daanan para makarating sa village nila.
Paalis na rin sana siya pabalik ng condo niya para umidlip ng madaanan niya naman ang Daddy niya sa sala na naghihintay pala sa kanya. Kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay harapin ito kahit alam niya kung ano na naman ang sasabihin nito.
"Sandra ano pa ba ang gusto mo maliban sa halos pagtira mo sa Ospital? Wala kanang oras para tumigil man lang kahit dalawang araw dito sa bahay o sumama sa amin ng Mommy mo para maipakilala ka namin sa mga kaibigan namin kapag lumalabas kami..."
"Ni hindi mo nga maayos 'yang itsura mo. Look at you, natutulog ka pa ba?" Tanong ulit ng Daddy niya na parang sirang plaka dahil sa ilang ulit niya nang narinig ito dito.
"What is wrong with the way I look? Dad, you know how busy I am. Uunahin ko pa bang magpa-ganda at magpa-sexy habang maraming tao ang naghihintay at nangangailangan ng serbisyo ko?" Nagsimula na naman siyang mainis sa Daddy niya.
"What I'm saying is... Sandra anak, hindi ka na bumabata... You are already 29. Kailan ko ba makikita ang mga apo ko sa'yo? I think you need to start finding your man and marry him."
"Bukas-bukas niyan wala ka na sa calendaryo pero di mo namamalayan dahil busy ka sa mga pasyente mo sa halip na naghahanap kana dapat ng mapapa..."
"Oh, dear God!" Pina-ikot niya ang mga mata bago lingunin ang kanyang ama.
"Dad pwede ba? Give me a break! Bakit ba lagi niyo nalang pino-problema hanggang ngayon ang lovelife ko? If the right guy comes, then maybe it's time. But Dad, I have my priorities now at alam mo naman na nasa huli pa 'yang paghahanap nang kung sino mang lalaki para pakasalan." Nagpakawala siya ng buntong-hininga.
"Maybe I'm still not ready for that stage Dad. Maybe for now, doing my job as a doctor is what's making me happy." Pakiramdam niya ay lalo siyang nai-stress sa naririnig na naman niya sa Daddy niya kaya pinutol niya na agad ang susunod na sasabihin pa nito.
"Ang sa amin lang ng Mommy mo..."
"Dad. Darating din tayo diyan... Isa pa, 'di naman ako nagmamadali. Napakadami ko pang iniisip ngayon para idagdag pa yang pag-aasawa o date date na 'yan.." Alam niya na magsasalita pa ulit ang Daddy niya kaya bago 'yon ay agad niya na itong hinalikan para magpaalam.
"Good bye Dad. Idadaan ko pa itong mga gamit ko sa condo bago ako bumalik sa hospital. Kulang yung duty resident ko for tomorrow that's why I have to be there early." Buntong hininga na lamang ang naisagot ng Daddy niya at walang nagawa kung hindi ay tingnan na lamang ang paglalakad niya papunta sa pinto. Pero bago pa man siya makahakbang palabas ng bahay nila ay nagsalita pa ito ulit.
"Just don't work too much anak okay? Wala ka pa ngang asawa o anak pero kung makasubsob ka sa trabaho tinalo mo pa ang may binu-buhay at pinapag-aral..."
"You should enjoy your life anak. Buti sana kung may asawa ka na at an---"
"I love you Dad... I need to go, and please, don't worry too much okay? I don't want to see you stressed lalo na sa kakaisip nang kung ano-ano. " Kumaway pa siya bago lumabas ng pinto. Pinangunahan niya na agad ang Daddy niya dahil alam niyang hahaba na naman ang mga sinasabi nito sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya bago lumagok ulit ng wine nang maalala ang pinag-usapan nila ng Daddy niya 4 days ago.
Kasalukuyan kasi siyang nasa isa sa mga isla ng Romblon para sa dalawang araw na bakasyon. Ni-recommend lamang ito sa kanya ng kaibigan niyang si Gianna na nagtatrabaho sa isang ticketing office at isa pa, talagang kailangang kailangan niya na ring umalis muna kahit ilang araw para lamang ma-relax kahit papaano.
She feels suffocated.
Stress na stress na rin kase siya sa trabaho niya bilang isang doktor sa isang pribadong ospital ng Parañaque. Dumadagdag pa ang mga magulang niya na wala nang ibang ginawa kung hindi ay kulitin siya, para lamang ma-ipakilala sa mga anak ng kaibigan o hindi kaya ay kakilala ng mga ito at itulak para mag-asawa na.
Sa edad kase na bente nuwebe ay wala pa siyang boyfriend na nadadala sa bahay nila na big deal naman sa mga magulang niya. Dahil na rin siguro sa tatlong magkakapatid ay iisa siyang babae at siya na rin ang bunso sa mga ito na wala pang asawa.
Dahil na rin sa pagiging abala bilang doktor ay 'di na rin niya namalayan na malapit na rin pala siyang lumagpas sa kalendaryo na siya namang iniisip niya ngayon. Wala na kasing ginawa ang Daddy niya kung hindi ay itulak siyang makipagkilala sa kung sino para daw makahanap na siya nang mapapangasawa dahil di na daw siya bumabata.
Hindi naman siya mapili sa lalaki. Hindi rin siya mataba at lalong di naman siya pangit pero hindi rin niya alam kung bakit kada may nagbabalak na ligawan siya ay agad niya itong bina-basted at iniiwasan. She's not even a perfectionist pero may mga katangian din kasi siyang basehan para sa lalaking magugustuhan niya kapag nagkataon. Maging 'yong anak ng director ng ospital kung saan siya nagtatrabaho ay sumubok na ring ligawan siya pero hindi rin niya alam kung bakit sa gwapo at yaman nito ay 'di niya naramdamang kiligin o magkagusto dito.
Marami na rin siyang naging pasyente na nagbalak ligawan siya. Yung iba pa nga ay nagpapadala ng kung ano-ano para lang magpa-impress sa kanya pero talagang wala siyang nagustuhan sa mga ito kahit isa. Masaya na siya na umiikot ang buong araw niya sa mga taong natutulungan niyang gumaling sa mga sakit nila. At nabubuo na ang araw niya kada may lumalabas na pasyente sa operating room niya at sinasalubong siya ng pasasalamat dahil sa buhay na naisalba na naman niya.
Ganun kasimple lang umiikot ang araw niya at masaya na siya doon.
Nasa gitna naman siya ng malalalim na pag-iisip nang may narinig siyang boses sa gilid niya.
"An ocean breeze puts a mind at ease..."
Wala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suggestion ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos, kalimutan na lang ang gabing iyon.Pero hindi sumang-ayon ang tadhana kay Hillary. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng isang gwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na niya muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes-ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo, at bango. At ang loko, pinilit siyang saluhin ang wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sabihin sa kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wala siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
Bossy, strict, hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Coleen Brylle Castro, isang Chief Engineer nang isa sa malaki at sikat na Luxury Cruise Ship na lumilibot sa buong mundo. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na ina-aksaya para lamang makipagkilala o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makikilala niya ang 21 years old na bubbly, playgirl, spoiled brat na rich kid at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi kulitin siya? At anong gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit di niya pa rin mapigilang mainlove dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
"I didn't plan on falling in love with someone else." 'Yan ang salitang hinding-hindi makakalimutan ni Gilliane dahil sa isang pangyayaring nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Pagkatapos siyang takbuhan ng lalaking mapapangasawa niya sa araw ng kanilang kasal, sa harap ng altar at napakaraming tao, doon niya natutunan na walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. That true love is not measured by how long you are together because in the end, it all just doesn't matter when your partner has lost his feelings for you. Pagkatapos ng lahat ay napagdesisyunan niyang umuwi na muna ng Pilipinas upang paghilumin ang mga sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi. Her bestfriend was afraid she would self-destruct. Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Gilliane ang isang napakaguwapong lalaki. They talked without giving each other's name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Nakailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Dahil sariwa pa kay Gilliane ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng long-time boyfriend, ayaw niya munang mapaugnay sa kahit na sinong lalaki. She stopped going in the bars. Ngunit waring talagang pinagtatagpo sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Sebastian Villaraza, isang mahusay na surgeon sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan ni Gilliane. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng tadhana sa kanya sa muling pagkikita nila?
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Pagkatapos itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa kabuuan ng kanyang tatlong-taong kasal kay Colton, buong pusong nangako si Allison, para lamang makita ang kanyang sarili na napabayaan at itinulak patungo sa diborsyo. Nanghina ang loob, nagsimula siyang muling tuklasin ang kanyang tunay na sarili—isang mahuhusay na pabango, ang utak ng isang sikat na ahensya ng paniktik, at ang tagapagmana ng isang lihim na network ng hacker. Nang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, ipinahayag ni Colton ang kanyang panghihinayang. " Alam kong nagkamali ako. Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Gayunpaman, si Kellan, isang dating may kapansanan na tycoon, ay tumayo mula sa kanyang wheelchair, hinawakan ang kamay ni Allison, at nanunuya, "Sa tingin mo, babalikan ka niya? Mangarap ka."
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Nagulat ang lahat nang lumabas ang balitang engagement ni Rupert Benton. Nakakagulat dahil ang masuwerteng babae daw ay isang plain Jane, na lumaki sa probinsya at walang pangalan. Isang gabi, nagpakita siya sa isang piging, na nabighani sa lahat ng naroroon. "Wow, ang ganda niya!" Ang lahat ng mga lalaki ay naglaway, at ang mga babae ay nagseselos. Ang hindi nila alam ay isa pala talagang tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo ang tinatawag na country girl na ito. Hindi nagtagal at sunod-sunod na nabunyag ang kanyang mga sikreto. Hindi napigilan ng mga elite na magsalita tungkol sa kanya. "Banal na usok! So, ang tatay niya ang pinakamayamang tao sa mundo?" "Ganun din siya kagaling, ngunit misteryosong designer na hinahangaan ng maraming tao! Sinong manghuhula?" Gayunpaman, inakala ng mga tao na hindi siya mahal ni Rupert. Ngunit sila ay nasa para sa isa pang sorpresa. Naglabas ng pahayag si Rupert, pinatahimik ang lahat ng mga sumasagot. "Bilib na bilib ako sa maganda kong fiancee. Malapit na tayong ikasal." Dalawang tanong ang nasa isip ng lahat: "Bakit niya itinago ang kanyang pagkakakilanlan? At bakit biglang nainlove si Rupert sa kanya?"
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.