/0/26252/coverbig.jpg?v=2128e84d3dbdea140fcbe7bd4b3c9c9e)
Freya Faye Guzman is an Architech working at Kairus Company, a friend of his brother. When her eyes meet his perfectly sculpted body, her wild side begun to emerge. She was hypnotize and fell for his charisma in a hard and ruthless way. At first, everything seems to be so good. Their relationship is way more sweeter and filled with hot and sexual adventure, but one person barging in made a chaos out of their perfect picture relationship. They broke up. They part ways. And meet again. Will they able to fix their relationship that ended years ago, or would they start a new life together?Could they bring the loves they had before, or they will choose to live their own life without each other? Abangan at tunghayan ang kwento ni Freya at Kairus.
"Hay nako! Ang usok usok naman dito!" Reklamo ko habang palinga linga ng tingin sa magkabilang sulok ng kalsada.
Kakarating ko lang dito sa manila at didiritso ako sa bahay ng bestfriend ko. Alam mo na, tayong mga mahihirap hindi na aarte kapag inalok ng magandang offer ng kaibigan natin. She was rich... No! Her parent rather.
Napakalot ako sa aking batok habang nagpapadyak padyak. Ang tagal naman ni Pinky, asan na kaya yong bruhildang yon?
Pinagpagan ko ang aking suot na floral dress na sky blue habang nakatingin sa aking relo. Bagong bili pa naman ang hills na ginamit ko ngayon tapos paghihintayin lang ako nang babaeng yon ng ganito katagal? She said she's comming pero asan na siya?
Pinoy na pinoy talaga! Kahit maliligo palang sasabihin nang ON THE NA AKO. Sarap pag-umpugin.
"Best! Hop in!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko ang isang Lamborghini na sasakyan. Literal na namilog ang aking bibig dahil sa gulat at excitement.
"Bongga! Sa'yo to best?" Hindi makapaniwala kong tanong. Dinilatan ako ng mata ni Pinky bago sumagot.
"Hindi no! Hiniram ko lang ito sa kaibigan ng pinsan ko. Mamaya na tayo mag chit-chat dahil mahaba ang kailangan nating pag-usapan." She screamed excitedly.
Mabilis kaming nakarating sa mansion nila Pinky at sinalubong naman kami ng mga kasambahay nila upang kunin ang mga gamit ko.
Ang saya palang mamuhay sa ganito karangyang pamilya no? Maganda na nga ang bagay, aircon pa lahat ng kwarto. Hindi kana magugutom at mabibili mo pa lahat ng gusto mong bilhin. There's no need to save dahil alam mong sobra sobra naman ang pera niyo sa bangko. Kaso, hindi kami ganito kayaman. We're not even rich. Simple lang ang buhay namin, si mama ay isang guro sa pampublikong paaralan sa Padada habang si papa naman ay nagtratrabaho sa comelec.
Masaya naman kami kahit paano sa buhay. Kahit lunod kami sa utang ay wala kaming sinusukuan. Mahal na mahal ko sila pariho kaya napagdesisyonan kong dito sa manila nalang humanap ng trabaho. Nandon naman ang kambal kong kapatid na lalaki na si Craige para alagaan sila mama at papa, kaya panatag na ako don. Susunod din naman sila dito.
"Oh, kumusta na sina tita at tito sa probinsiya? Si Criage? Damn! Baka mas lalo nang gumuwapo si baby Craige ko!" Kinikilig na tili ni Pinky.
Nakaupo kami ngayon sa engrandeng hapag nila habang kumakain ng pananghalian.
"Will you shut your mouth, best? Wag kang mag assume sa kapatid ko. Titirahin kalang non tapos boom! Finish na!" Sita ko sa kanya habang sumusubo ng kanin.
Ngumiwi siya sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay sa ere.
"Wag mong siraan si Craige sa akin, best. I'm not easily get turn-off." She flipped her hair.
"I'm telling you the truth. Marami na ang lumalapit sa akin habang nagpapatulong na piliting panagutan sila dahil biniyak daw sila ng kapatid ko. Like, duh! Bakit sila nagpabiyak di ba?"
Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga araw na yon. My brother is such a Greek god, handsome, masculine and jaw drooping. Kung sakaling hindi ko nga siya kapatid baka naging isa na ako sa mga naghahabol sa kanya.
I can't blame those girl, talagang heartrob ang datingan ni Craige kaya madami naring nasasaktang babae. Marami nang nabibiyak hindi lang puso pati bataan.
"Ang kapal naman ng mga mukha nila. Asa pa sila magiging akin lang si Craige. Desperada na'kong desperada wala akong pakialam!" Uminom siya ng tubig habang naghahabol ng hininga. Ang lakas talaga ng tama ng babaeng to sa kapatid ko.
"Wala kang pinagkaiba sa kanila." Ismid ko. "Humahabol kahit tumatakbo na palayo ang hinahabol. Hindi ba kayo napapagod?"
"Bakit naman ako mapapagod aber? Wait! Kailan ang dating nila dito sa manila?" Kuryuso niyang tanong. Kumislap ang kanyang mga mata habang naghihintay sa sagot ko.
"Next week. Mabuti nalang at napilit ni Craige sina mama at papa. Ang tigas pa naman ng ulo non, ayaw iwanan ang probinsya."
"Nasanay kasi sila don. At tsaka maganda naman ang probinsya, ah. Mas sariwa ang hangin don kung ikokompara dito na polluted na nga ang init init pa." Sabay naming niligpit ang aming pinagkainan at muling nag kwentuhan. "Makikita ko na si Craige!"
I heaved a sigh while looking at Pinky. She sounded so obsess with my brother.
"Sa K.F Construction Company ako magtratrabaho, Pinky. Hindi ba do'n karin?" Tanong ko sa kanya. Mabilis siyang tumango habang napapaisip.
K.F Construction Company was also known as Sandoval's Construction Company, pero mas preferred ng lahat na Sandoval's Construction Company ang itawag dito dahil ito naman talaga ang original na name ng kompanya, napalitan lang no'ng ang anak na ng dating CEO ang namahala.
"Kailan ka nag-apply?" Taka niyang tanong. "Really, doon ka talaga mgatratrabaho? Baka mamaya tinitrip mo lang ako."
"I'm serious. Nirecommend ako ng isa sa mga Stockholder ng company dahil nakita nila yong design ko. Malaki daw ang maitutulong ko sa kompanya nila." Tugon ko. Ngumisi siya sa akin at sinundot ako.
"Sabi ko sa'yo noon palang, eh! Ayaw mo pang makinig sa akin. Well then, hi my bestfriend Architect!" Nagtawanan kami ni Pinky habang nagkukulitan. We both studied architecture in college back then. Sa tuwing nahihirapan kami sa math, sa halip na sa akin siya mag paturo kay Craige siya lumalapit. At ang kambal ko naman na puno ng kalandian sa katawan nag-eenjoy.
Minsan nga hinahanap niya pa sa akin si Pinky kapag hindi ito bumibisita sa bahay. Lagi ko naman siyang pinapaalalahanan na huwag si Pinky dahil kaibigan ko siya.
I was just protecting my friend from my own brother. Ayaw ko kasing maipit kapag dumating ang panahong magkalokohan na. Kilala ko si Craige, kaliwa't kanan ang babae niya kaya wala akong tiwala sa kanya na magiging tapat siya kay Pinky at hindi niya ito sasaktan.
"Wait asan na ba yong pinsan mo? Si Tantan?" Kuryuso kong tanong kay Pinky. Kinunutan niya ang ako ng noo habang may pagdududa sa kanyang mata.
Bawal bang hanapin ngayon si Tristan Ace Valdez? Kaibigan ko rin naman yong pinsan niya, ah?
"Bakit mo siya hinahanap, aber?" She asked like she was trying to trap me in her deduction.
Inikotan ko siya ng mata bago nag slice ng steak.
"Malamang matagal ko na kaya siyang hindi nakikita. Ano bang iniisip mo diyan?"
Ngumuso siya sa akin.
"Nasa garden siya sa may pool area. May inaayos lang. Wag kang mahuhulog sa lalaking yon, gagawin kalang niyang toy." Seryoso niyang banta. Well, hindi naman ako madaling mahulog sa lalaki at tsaka matagal ko na siyang hindi nakikita. Naalala ko lang naman siya dahil nabalitaan kong dito sila lumipat nong umalis sila sa probinsiya.
"Not gonna happen." I assured. "I'm here to work and not to find boy to play with fire. I'm tired of that game, leaving them horny at bitin na bitin. Kilala mo naman ako, playgirl ako ngunit hindi ako nahuhulog agad agad. Just a play, best. Kapag nagkainitan na diyan ko na tatakasan." I added, laughing. Inilingan ako ni Pinky at natawa narin.
"Yeah, I remember what happened to Joshua. You seduced him and invited him for steamy sex tapos nong libog na libog na raw siya hindi kana mahagilap." We both burst into laughter. "Ganyan rin ang sumbong sa akin ng iba pa. Mukha sila ang dapat mag-ingat sayo dahil pasasakitin mo lang ang puson nila dahil sa sobrang bitin."
I smirk at her statement.
"Exactly!" I grinned. "Good luck, boys!"
"Ipagdasal mo lang na huwag dumating kaagad ang Prince charming mo. Baka imbes na bitinin mo mag pa buntis kapa." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"I'm not desperate, best. I'm not like you." Alma ko sa kanya.
"Let see, best. Darating din yan." She wink.
Thinking about what she said send crept into my system. Sa dami kong pinagtripang lalaki sa buhay ko ay hindi na ako maniniwalang may lalaki pa na para sa akin. Base on my experienced tayo naman kasi ang pumipili ng gusto nating makasama sa buhay, kaya nga ang dami kong naging EX dahil pinili kong sagutin sila at paikutin sa mga kamay ko.
Hindi naman ako proud na marami akong naging EX. Ang importante ay ma-enjoy ko ang pagiging single ko habang hindi pa dumadating ang lalaking inilaan sa akin ni god--kung meron man.
Kahit mahirap kami kahit papaano ay nakatulong din ang ganda ko, no. Nabaon kami sa utang dahil gusto ng magulang namin na maabot namin ang kursong gusto namin.
I'm so thankful for having a great parent in this lifetime. Lahat na ata ginawa nila para hindi kami mahirapan ni Craige. Kabila kabila ang utang namin mapasaya lang nila kami. Kahit hindi namin hilingin ay kusa nilang binibigay sa amin ang bagay na gusto namin. It's the time to pay, it's payback time. Walang na akong ibang iinisip kung hindi ang magtrabaho upang tuluyan nang maihaon sa hirap ang mama at papa ko.
Luluwas sina mama at papa dito kasama si Craige at titira sila sa isang apartment. Susunod din ako sa kanila kapag nandito na sila, ipinagtubos kasi namin ang bahay namin sa probinsya upang makabayad sa utang namin kaya pinangako ko sa sarili ko na bibilhin ko yon pabalik... Kapag may ipon na ako. Magtutulungan kami ni Craige para don.
"Ligo muna ako nanglalagkit na ako sa sarili ko, eh." Paalam ni Pinky sa akin, tinanguan ko lang siya bilang sagot. Nangmakaalis na si Pinky papunta sa kwarto niya ay lumabas ako pansamantala. Gusto kong maglibot sa mansyon.
Lumabas ako at pumunta sa pool area. Maganda ang paligid ng mansion dahil may mangilan-ngilan silang bulaklak sa gilid at nakakahalina ito sa mga mata.
Gusto ko ring magkaroon ng ganitong bahay.
Namamangha ako habang nakatingin sa malaking pool. Lumapit ako dito bago ko hinubad ang aking suot na sandal. I soaked my feet in the water while staring above. Mabuti nalang at hindi mainit ngayon.
"Freya?" Naagaw ang aking attention nang may marinig akong familiar na boses. Mabilis na gumawi ang aking mga mata kay Tantan na may dalang dalawang malilipit na paso. "Yeah, its you! Long time no see."
Hindi ko mapigilang ma starstruck kay Tantan dahil naka jersy short lang ito. Nakabalandara ang namumutok na muscle at pandesal niya sa harap ko. Ang matigas niyang dibdib ay parang ginagayuma akong hawakan iyon. Fuck--he's so hot.
"Ang hot mo na!" I exclaimed. Natawa siya at kinindatan ako. Binaba niya ang mga pasong dala niya ang sinalubong ako ng yakap. Ugh! I can felt his hot body on me. Grabe nakakaakit naman tong si Tantan ang sarap lapain. "Grabe sarap mong yakapin... Tigas." Pilya kong sabi.
He grinned at me again.
"Sarap mo rin yakapin, Frey. Ang lambot sarap dakmain." He licked his lips seductively. Inikotan ko siya ng mata at tumingin sa dibdib ko.
"Ang manyak mo parin hanggang ngayon." Ismid ko at tinarayan siya.
Hmm... Totoong malaki ang ipiinagbago niya ngayon. Mas lalo siyang naging gwapo at hot.
Pero, hindi ako madadala sa mga ganyan. It's a big no... NO!
"Manyak agad? Pinuri lang naman kita dahil pinuri mo ang hotness ko, tapos manyak agad? Nakakasakit ka ng damdamin." He frowned.
"Tse! Tigilan mo ako!" I hissed. Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Kidding. So, asan ang pinsan ko?"
"Nasaloob naliligo."
Tumango siya sa akin at muling binuhat ang dalawang paso.
"Oh sige, ayusin ko lang ang mga ito. Mamaya na natin ituloy ang kumustahan." Iwinagayway niya sa ere ang dala niya at umalis na.
Nagpalinga linga ako sa paligid at dumako ang aking paningin sa isang lalaking nakatingin sa akin. Nakasuot lang siya ng sweatpants habang walang pang itaas na suot. Punong puno ng pawis ang kanyang huwad na dibdib at... Abs. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa perpekto niyang abs, hindi ko mapigilan mapakagat labi. Ang sarap shit!
Bakit ang halay halay ko ngayon? Bakit naman kasi ang gwapo gwapo ng mga lalaki dito. Isa pa itong nakahubad na ito. Nakatulala lang ako sa pandesal niya kasi parang umuusok ito dahil sa sobrang hot.
"Ahem." Napukaw ang aking atensyon nang tumikhim si kuyang gwapo.
Mabilis na nag-init ang magkabila kong psinge. He caught me staring at his abs---damn! Kasalan niya naman yon. Bakit kasi naghuhubad, eh. Babae lang ako at madaling maakit.
"Yes?" Tanong ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init na kumalat sa buo kong katawan.
"Kairus nga pala. Kairus Fidel Sandoval." He offerer his hands on me.
Natulala pa ako sa kanya nang makita ko ang mukha niya sa malapit. Napalunok ako ng laway. His eyes were brown at mas lalo itong nahahalata dahil sa makapal niyang kilay, mukha siyang masungit dahil nakakunot at magkarugtong ang mga ito. His eye lashes curves beautifully, made every blinks of him stop the word, his pointed nose makes him more handsome. Bumaba ang aking tingin sa nakaawang niyang labi. Hindi ko mapigilang lawayan ang aking labi dahil nakakaakit itong tignan.
Ang sarap halikan. Siguro sobrang lambot nito.
"Nangangalay na ang kamay ko, miss." Napakurapkurap ako. Hiyang hiya akong nag-iwas ng tingin.
Umayos ka nga Freya. Don't let this man affect you this much.
"Freya." Maikli kong pakilala. "Freya Faye Guzman." I added. Nag shake hands kami. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyong lumatay sa aking ugat nang maglapat ang aming kamay.
"Nice to meet you, Faye." He smiled.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili.
"Freya nalang."
He chukled and shook his head.
"Faye sounds so beautiful for you." He grinned.
Damn! Ano daw?
"Ahh--ikaw bahala." Naiilang kong sagot. "Sige pasok na ako. Ituloy mo na ang trabaho mo. Sinusweldohan ka dito para maging hardenero hindi para lumandi." Umawang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko. Nag dilim ang kanyang tingin ngunit hindi ko na siya hinintay na magsalita, naglakad na ako papasok.
Ramdam na ramdam ko parin ang bayolenteng pintig ng aking puso. Hinawakan ko ang dibdib ko at mariing pumikit. Lalaki lang siya Freya... Attracted kalang sa kanya.
Ang gwapo naman kasi. Sinong hindi maaakit sa ganon kagwapong lalaki.
Hardenero nga lang.
Tsk! Mas inuna niya pa ang makipaglandian sa akin kaysa sa trabaho.
"Oh, Frey? Papasok kana?" Nakasalubong ko sa daan si Tantan. Tinanguan ko siya.
"Napagod kasi ako. Mamaya nalang ako maliligo..." Kapag wala na yong hardenero niyo.
"OK." He nodded. "Nakilala mo na si Kairus?" Tanong niya.
I was caught on guard when I heard his name again.
"Ahhh--O-Oo." Utal utal kong sagot. Kumunot ang kanyang noo. "Bye! Pupuntahan ko lang si Pinky." Mabilis ko siyang tinalikuran at tuluyan nang pumasok sa loob.
Damn! Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Anong ibig sabihin nito?
Kairus Fidel Sandoval? Ang gwapo ng pangalan parang gentleman na badboy--fvck! Stop it Freya. He's a bastard and a freaking hardenero!
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.