"You dont have to thank me Mrs. Winston, ginawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko pa habang walang emosyon sa tono ng boses ko. "For now I have to go, tatawagan na lang kayo ng secretary ko about sa bills and payments," dagdag na saad ko pa at nag- shake hands na lang ulit kami for the last time then I immediately turn my head back and started to walk.
I am Wayne Ferrer, isa ako sa pinakamagaling na abogado ng bansa-- hindi 'yun sa pagmamayabang because I'm just telling the truth. Truth is my second name!
My name is very well-known on this field, hindi na 'yun nakakapagtaka.
They called me 'Lawyer of No-Failed-Cases' hindi ko naman na siguro kailangan pang ipaliwanag sa inyo ang tungkol do'n, right?
Because ever since I started defending my clients inside of the court, wala pa akong naitatalo. They trust me enough reason why I already built my own firm.
The WHF Law Firm.
Ever since ay 'yun naman talaga ang pinangarap ko dahil gusto ko na ako ang boss when it comes to the firm. Hindi ko rin kasi gusto 'yung ibang Law Firm na pipilitin kang humawak ng kaso na labag sa loob mo.
I don't want to defend someone who's guilty from their doings because I still have principles in life.
Hindi ako nag abogado para ipagtanggol ang mga maling tao. I'm here because aside from I'm good at this... I want to help those people to be free from wrong accusations.
You'll never expect how smart I am when I'm inside of the court-- and on bed. I'm very much single but I still choose the women I have sex with dahil ayaw kong mawalan ng lisensya in instant kapag may nangyaring issue.
TULUYAN na akong pumasok sa loob ng office ko at pabagsak na naupo sa swivelling chair ko. I immediately grab the white folder na nakapatong dito sa lamesa dahil may panibago na naman akong kaso na kailangang hawakan this coming week.
Ngunit hindi pa man nagtatagal ay biglang bumukas 'yung pinto ng opisina ko kahit na wala naman akong narinig na katok.
Bago ko pa man batuhan kung sino 'yun ay narinig ko na ang sunod-sunod na palakpakan.
I gave my famous poker face when I recognized him. Bastos talaga ang ugali ng lalaking 'to, abogado pa naman pero hindi marunong kumatok. Pero dahil kaibigan ko siya kaya pinagsawalang bahala ko na lang 'yun dahil sanay na rin naman ako.
By the way, he's Attorney Brent Ong, he's a Company Lawyer. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Legal Department siya sa El Zey Group...yung isang kompanya ng barkada ko na si Zeid. Hindi ko pa specialization ang Company Law dati kaya hindi ko 'yun natanggap pero okay na rin yun dahil masyado akong busy sa pagiging Trial Lawyer ko.
Dito siya nagtatrabaho sa firm ko, siya ang pinakaunang abogado na pumasok dito matapos kong maitayo ito kaya malapit ko na rin siyang kaibigan.
"Bravo! Bravo! Bravo!" Sunod-sunod na wika niya habang lumalapit na siya dito sa lamesa ko. "Congratulations, for the n'nt time ay napanalo mo na naman ang isang mabigat na kaso Ferrer." dagdag na saad pa niya.
Napa iling naman ako habang napapangiti dahil do'n. Muli ko na lang na ibinalik ang aking atensyon sa binabasa ko nang maupo na siya sa harapan ng lamesa.
"Hanga na talaga ako sa'yo." Sabi pa niya.
"Tsk. That's not hard as I expected," I answered simply.
"Hayys. Ikaw na talaga ang magaling. So? Tara, celebrate tayo mamaya?" tanong niya.
"Pass. May next case ako na dapat reviewhin," sagot ko na hindi man lang siya binabatuhan nang tingin.
"What? May next case ka na agad? Iba talaga!" Hindi makapaniwala wika niya. "About naman saan 'yan ngayon?" He asked.
Sasagot pa lang sana ako nang ma-interrupt kami dahil sa mga katok sa pinto mula sa labas...
"Come in!" sagot ko at pareho kaming nakatingin sa dahan-dahan na pagbukas ng pinto.
I saw Yella... Brent's secretary holding a black folder, isa lang siyang intern dito sa firm ko dahil naghihintay na lang siya sa resulta ng bar exam bago siya maging ganap ng Lawyer.
"Good afternoon Attorney Ferrer, Good afternoon Attorney Ong." Pagbati niya sa aming dalawa.
Nag-nod na lang ako.
Sanay na kasi siya na kapag hindi niya nakita si Brent sa office nito ay tiyak na nandito lang 'yun sa office kaya siguro siya nandito.
Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin.
"Attorney, nasa may lounge po ngayon si Miss--"
"I knew it, siya na naman?" Putol ni Brent sa sinasabi ng kaniyang secretary.
Ibinalik ko na lang ulit ang paningin ko sa binabasa ko dahil I have nothing to do with their topic.
"Yes po Attorney Ong." Mahinang sagot ni Yella at nakita ko pa sa peripheral vission ko ang pag abot niya kay Brent ng folder na hawak niya.
Tinanggap naman 'yun ni Brent at saglit lang na tiningnan 'yun at saka napabuntong hininga.
"I told her countless times na hindi pa ako available for Pro-bono." Mahinahon na wika ni Brent dito.
"Willing naman daw po siyang mag bayad ng kalahati Sir."
Napabuntong hininga ulit si Brent. I understand him dahil minsan may makukulit talaga na kliyente na hindi makaintindi kapag hindi pa available ang pro-bono.
"I already told to her na babalikan ko na lang ang kaso niya kapag available na ako sa pro-bono, kailangan ko pang unahin yung mga fully paid na. Ang kulit niya talaga. Bumalik ka na lang sa pwesto mo at 'wag mo na lang siyang pansinin." Wika pa ni Brent at isinarado na 'yung hawak niyang folder.
"Pero Sir, nasa waiting area po kasi siya ngayon. "- Yella.
"Hayaan mo siya, maghintay siya sa wala." sagot pa ni Brent. Wala na lang akong comment kung paano niya asikasuhin ang mga kliyente niya dahil iba-iba naman kami ng pamamaraan.
Narinig ko na lang ay ang pagkakasara ng pinto at pagkatapos no'n ay ang pag-buntong hininga na naman niya
"Nakakastress talaga, mukhang kailangan ko talaga na uminom mamaya." Wika niya. Napa iling na lang ako habang natatawa. Alam ko naman na kahit hindi siya stress ay mag iinom siya.
"Talagang makulit ang Leigh Devon na 'yun." Rinig ko pang bulong ni Brent na naging dahilan nang mabilis na pagbato ko sa kaniya nang tingin habang nakakunot ang noo ko.
Wait? Leigh Devon?