Uh, how long has it been? Uminit na lang ang pwerta ko sa upuan, hindi pa dumadating ang bebe ko. I checked my wristwatch. It's 7:30 in the evening. I got here at six so technically, isa't kalahating oras na akong naghihintay rito. Pati atensyon ng ibang tao'y nakuha ko na sa tagal kong nakatanga at mag-isang tinutungga ang pitsel na may lamang tubig.
Patience, Grellen. A prince always comes out so late. Just act naturally and don't let other people bother you, my inner mind told me as I comb my lengthy fingers through my smooth, shaggy dark hair. Pinasadya ko pa sa sikat na salon ang buhok ko para lang hindi ako magmukhang chaka ngayong gabi. Inayos ko rin ang kurbata ko na halos bumaba na. Konting pagpag sa tuxedo and voila! Mukha na uli akong tao.
After a while, a man dressed in casual attire walks straightly in my direction. Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit ay kitang-kita na ng dalawang mata ko kung gaano siya ka-captivating.
Bakat na bakat ang kanyang dibdib sa suot niyang white polo. Naghuhumiyaw ang muscles nito. Napakagat-labi ako. Well, I don't need to see what's inside of his clothes, I already know how yummy it was. Damn body of his! He's so hot than the fire flaming that surrounds me!
His hair was perfectly done as well. He looks so neat dahil wala rin siyang facial hair. And his pearl gray eyes attract me so bad. He's indeed a perfect boyfriend material.
Naupo siya sa tapat ko at ipinatong ang kanyang mga siko sa mesa. He folded his hands, looking at me with a cold expression.
"What's this important thing you wanted to discuss?" he asked.
"Bakit hindi muna tayo um-order ng pagkain?" alok ko nang may ngiti sa aking mga labi. Tumawag ako ng waiter at inabutan kami ng menu.
"Thank you," sabi ko sa waiter. Ngunit nagulat ako sa kanyang inasta nang ibalik niya ang menu sa waiter. Did he refuse to order?
"I'm a busy man, Grellen. What do you want? If you'd like to say something, spill it," aniya na may diin sa boses nito.
Bago ako nagsalita, kinondisyon ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtikhim at paghinga nang malalim.
"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, Marcus." Walang kurap akong tumingin nang diretso sa kanya. "I came here to tell you how much I feel about you. At first, I thought it's just an infatuation. Ang gaan ng loob ko sa 'yo noong una. Maybe because maganda ang pakikitungo mo kay Dad at sa aming magkakapatid.
"Pero habang tumatagal, lalong lumalalim ang paghanga ko sa 'yo until I finally fell for you, Marcus. Walang araw na hindi kita naiisip. All I think is you and me, one day. Magiging tayo rin." Nahihiya akong yumuko kamot-kamot ang aking batok "I'm hoping that everything I have imagined between us will no longer a fantasy. Let's make it a reality, Marcus," I expressed my feelings as my mouth curved into sweetest smile.
He went poker face and you couldn't read what's written on it. As expected.
"Sorry, but I love someone else," walang kaabog-abog na saad ng lalaking kaharap ko sa mga oras na ito. "Matagal na kaming may relasyon. Siya lang ang laman ng isip at puso ko and no one can replace her. She's special more than anyone else, Grellen."
It feels like my heart is crushed into tiny pieces just by hearing those words. I never knew about his love life status. He's too secretive when it comes to that matter. Masyado akong umasa. 'Di man lang ako dinapuan ng pagdududa na baka meron nang nagpapatibok ng kanyang puso.
Marcus is the only son of Mr. Michael Villan na isang tanyag na businessman sa Vescanna. They own bars, hotels and restaurants all over the country. Magkaibigan ang mga daddy namin in their youth days when they start a small business until they become billionaires.
Kasabay ng tuloy-tuloy na paglago ng kanyang pangalan ay palihim ko rin siyang pinapanood mula sa malayo. Saksi ako sa tagumpay na unti-unti na niyang nakakamit. A billionaire's son and the future CEO of their company... How stupid am I? Who wouldn't fall for that guy?
"Who is she?" I asked with tears dripping down my cheeks.
Sumandal siya sa upuan at tumawa nang pabiro. "You don't need to know. I told you, espesyal siya sa 'kin. Compare to her, you are nothing but a shadow that keeps on tailing me wherever I go."
"Bakit hindi natin subukan? Just once, if we didn't work, ako na mismo ang lalayo. Please, Marcus." I grabbed his hands firmly. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luhang pumapatak mula roon.
Kumunot ang noo ni Marcus. Binawi nito ang kamay na nakapatong sa palad ko. "Grellen, I told you. May girlfriend na ako. Ako na ang nakikiusap sa 'yo. Huwag mo na akong pag-aksayahan ng panahon. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki."
"No!" Tumayo ako at padabog na hinampas ang mesa. "Hindi mo ba kilala kung kaninong anak ako? Panganay ako ni Gregoire Radcliff, ang may-ari ng higit sa isandaang hotel sa buong mundo! 'Di hamak na mas mayaman ako kaysa sa babaeng 'yon! Iwan mo na siya at ako ang samahan mo!"
Sa lakas ng boses ko, hindi ko namalayang pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Hinayaan ko lang sila. Wala namang maitutulong ang pakiki-usyoso nila sa mala-teleserye naming eksena rito.
"You don't tell me what to do! May karapatan akong mamili kung sino ang gusto kong samahan at hindi ikaw 'yon!" Mistulang sumabog na bulkan si Marcus nang ipagsigawan niya sa lahat na wala kaming pag-asang dalawa. Shit! Wala nang mas sasakit pa sa malutong at mahapding sampal ng katotohanan!
"What's so special about that bitch? Huh? Tell me!" My voice cracked in extreme shouting.
"What's special about her? She owns something. A paradise where I can live in."
"A paradise... To live in?" I asked in curiosity. What kind of foolishness is he talking about?
Marcus didn't answer. He stood up and fix the wrinkles on the shoulder part of his polo. "Get a girl for yourself and shut your big mouth, baka sakaling bumalik ang respeto ko sa 'yo bilang anak ni Uncle Gregoire," ani Marcus. Ang yabang, ha.
Nilagay ko ang kaliwang kamay sa baywang ko. "At bakit mo ako nirereto sa babae? Baliw ka ba? Huwag mong ibahin ang usapan, Marcus Villan!" I cried out.
"I'll tell you why." Ngumiti ito nang nakakaloko. "To stop you from making such illusions that we have a chance to be together," he answered in an insulting way. Tinalikuran niya ako at naglakad na palayo.
Naiwan akong mag-isa sa table, wasak ang puso. Ito ang una at ang pinakamasakit na rejection na natanggap ko! I fell in love and in return, I received slashes. Mga sugat na hindi basta-bastang maghihilom.
Before the curtain shuts off, a strange woman caught my attention. She was sitting a few steps ahead from me and she quickly turns away when our eyes met. What makes her look odd is the way she dressed. Nakasuot siya ng bestidang itim na may mahabang manggas at black veil sa ulo. Hindi ko tuloy makita ang kanyang mukha.
Who cares? It's not like she has something to do with this. Anyone would be intrigued if someone screamed at the man's face in public!
***
Sakay ang bagong-bago kong Rolls-Royce EWB, dumiretso ako kasama sina Ronald at Eric sa bar na pagmamay-ari ng dating kasamahan namin sa agency. Mga kaibigan ko sila. Nagtatrabaho kami bilang undercover agents ng Special Undercover Service (SUS) under espionage action unit in Codaco City, Vescanna.
They were tailing my ass since the incident at the resto. Nakapwesto sila 'di kalayuan sa aming table at pinagsuot ko rin sila ng disguise to avoid blowing their cover. Using a microphone attached to my suit, malaya nilang naririnig ang pag-uusap namin through their wireless earplugs - loud and clear.
'Di ko na sana isasama ang dalawang ito, sadyang mapilit lang si Ronald at gustong maki-chismis. Kinaray pa si Eric na isa pang pasimuno ng kalokohang 'to. Mga kampon ni Marites, kalalaking mga tao!
Naghanap kami ng matinong mauupuan bago kami tumawag ng waiter para um-order ng alak at konting pambara. Pinili naming maupo sa gitna. Hindi gaanong maliwanag at hindi rin gano'n kadilim.
The wine has been served quickly. While waiting for the food to come, these jerks started to utter things that I know it's not healthy for my ears.
"Sino 'tong bakla na umasang makaka-dekwat ng Papa pero umuwing luhaan? Hahaha!" humahagalpak na tawa ni Ronald.
"What's so special about that bitch?" Eric mimicked my line, trying to imitate my voice. "Hahaha! 'Yong hitsura ni Grellen, akala mo buntis na naglilihi sa hotdog na may lipstick!"
"Hahaha! Walangh'ya ka! Anong brand ng lipstick, pre?" Si Ronald na kulang na lang, gawin niyang drums ang mesa sa lakas mang-hampas.
"Ashley Shine, bro!" tugon ni Eric na walang humpay sa katatawa. Kung may superpowers lang ako, malamang kanina pa kusang nabasag ang hawak kong baso sa kahangalan nilang dalawa.
"Hoy. Kung sumama kayo rito para lang pikunin ako, mabuti pa umuwi na kayo. You're not helping."
"Cheer up, man. Ikaw naman, hindi mabiro. Magsasayang ba kami ng oras na samahan ka kung ba-badtrip-in ka lang namin? We're here in those times na kailangan mo ng comfort. Mga kaibigan mo kami," ani Ronald.
Sinangayunan siya ni Eric. "Oo nga. Isipin mo. Maaga ang duty natin bukas sa trabaho at dapat tulog na kami ngayon pero ano? Nasa bar pa kami, sinasamahan kang magpakalunod sa alak nang pansamantala mong makalimutan 'yang boylet mong Papacologne. See? Ikaw lang ang inaalala namin."
"Alright, whatever you say." Tinungga ko ang baso na may lamang alak. Inalis ko ang selyo sa takip ng bote na hindi pa nabubuksan at pinuno muli ang baso at tumagay nang sunod-sunod.
Then, I dropped the glass and placed my right hand on my elbow. "Lahat na lang ng tao sa buhay ko na gusto kong makasama, kung hindi namamatay, nilalayuan ako. Am I a curse or what? No one wants to be with me! Every single people... They left hating me. Ano bang kailangan kong gawin para mahalin nila ako? I just want to feel that I'm worth it!"
"Pare, you don't need to do something for the sake of loving you back. Hindi natin mapipilit ang tao na gustuhin tayo. Sadyang hindi mo pa nakikilala ang taong karapatdapat para sa 'yo. The right person who sees your worth," Ronald advised with a serious look in his eyes.
"Hindi mo deserve ang magmakaawa, dude. Tama si Ronald. May darating sa buhay mo na ikaw ang una't huling pipiliin. Hindi lang si Marcus ang lalaki sa mundo. Millions of people around the globe, siguradong isa diyan ang magbibigay-ngiti sa malungkot mong mukha. Siguro, tanggapin at respetuhin na lang natin ang desisyon ni Marcus. Kung pilit mong isisiksik ang sarili mo sa kanya, ikaw rin ang masasaktan bandang huli," mahabang payo ni Eric.
Namangha ako sa love advices na binahagi nina Ronald at Eric, bagay na hindi ko inaasahang maririnig mula sa kanila. Kilala si Ronald bilang playboy at pampalipas niya ang pakikipaglandian sa kung sino-sinong babae. No strings attached. Ang ma-in-love, talo.
Si Eric naman, he's the opposite of Ronald. He never gotten into a relationship ever since. Quotang-quota na raw siya sa pambabasted ng mga babaeng napupusuan niya kaya sinusubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho sa halip na magsayang ng luha para sa taong hindi siya gusto.
Madalas nila akong asarin at sila ang kasama ko sa kalokohan. Not to mention, sila ang tipo ng lalaki na wala pang sapat na love experience. Sinong mag-aakalang papayuhan nila ako nang ganito kaseryoso?
An involuntary whimper escaped my lips as streams of tears flow down my cheeks. "Ang sakit ma-reject!" I sniffled between words, dinaramdam ang sakit at kabiguan ko kay Marcus.
"Don't let yourself burried by failure. Look at the bright side. Malay mo blessing in disguise pala 'yan. Sometimes, rejection leads us to something better. It's not the end for you, Grellen. Karapatan mong lumigaya at magagawa mo lang maging masaya kung tuluyan mo nang kalilimutan 'yang nararamdaman mo kay Marcus," Eric spilled his advice.
"2022 na, Grellen. Hindi na uso ang tanga-tangahan. Hindi bagay sa 'yo, babae lang ang gumagawa n'on!" If ever mang nasa mood ako, baka nahampas ko ng wine glass ang ulo ni Ronald sa sinabi niyang 'yon.
May pinupunto sina Ronald at Eric. Wala tayong magagawa kung ayaw sa atin ng tao. Love is something we cannot buy elsewhere. Hindi por que mayaman ka ay garantiyang mamahalin ka ng buong mundo.
I think it's best to accept the awful reality that Marcus will never be part of my life and I've got no space inside his heart. Masakit sabihin pero move-on na lang talaga ang solusyon upang magpatuloy sa buhay. I hate living in pain. I'm tired of fooling myself that a happy ending exists in such a tragic fairytale.
"Thank you for the broken heart, Marcus," mapait na sabi ko saka inutusan si Eric na punuin ang baso ko.
***
I woke up in my bed the next day. Grabe, matapos kong ubusin ang dalawang bote ng wine kagabi, I lost myself. Hindi ko namalayang nakauwi na pala ako ng mansyon.
Napabalikwas ako ng bangon nang masilayan ko ang mukha ni Gwen na nakasandal sa pader at tila hinihintay ang paggising ko.
"At last, you're awake, my dear brother," naniningkit ang matang wika ni Gwen. She is my younger sister at ang kasalukuyang katulong ni Dad sa pagm-manage ng kumpanya namin.
"What happened?" Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ako ng biglang pananakit ng ulo. Seems I still couldn't get away with my hangover.
"Your cop friends brought you late last night and I was here to look after you the whole time. Lasing na lasing ka at panay raw ang suka mo sa dami ng kinain at ininom mo." Humikab ito nang malakas. "Before they left, Ronald told me something revealing about you."
"About me?" Gwen attacked me and pinned me against the headboard. "Just what do you think you're doing?!"
Pinanlisikan niya ako ng mata. "Your friends were acting strange when they came here so I squeeze their mouths to tell the truth. You did it, didn't you?"
"Ang alin?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan, huling-huli ka na! You told Kuya Marcus about your feelings now tell me I'm wrong!"
"So?" Mariin niyang ibinaon ang likod ko sa headboard. "G-Gwen, ano ba! Nasasaktan ako!" daing ko.
"How many times do I have to warn you, stop fantasizing over that guy! Hindi ka nag-iingat!"
Grabe, napaka-siga ng babaeng 'to. Kung makasinghal akala mo siya 'yong nakakatanda. Kuya niya 'ko, matanda ako sa kanya ng isang taon baka nakakalimutan niya.
"Bitawan mo nga ako!" Pwersahan kong tinulak si Gwen nang ako'y makakalas ng tuluyan. "Isn't that enough na humantong sa rejection ang ginawa kong pag-amin kay Marcus? Naging tapat lang ako, Gwen. It's the only way I can think of to show how much I love him but my plans have fallen though. He's already been taken by someone else," katwiran ko naman.
Gwen laughed mockingly. "See? I told you. Kuya Marcus was incredibly tight lipped about his private life. Just because you haven't seen him hanging out with girls doesn't mean he wasn't dating anyone. Let him go if I were you. Huwag mong hintaying makarating 'to kay Dad at masira ang relasyon niyong mag-ama nang dahil lang sa lalaki."
"I was thinking about that, Gwen. Hindi mo na 'ko kailangang paalahanan pa," naka-irap kong sagot sa kapatid ko. "One day, magkikita rin kami ni Marcus at ipapamukha ko sa kanya kung anong klaseng tao ang itinapon niya na parang basura."
Umiling lang si Gwen. Mayamaya ay nakarinig kami ng tatlong magkakasunod na katok. "Pasok," Gwen shouted.
Niluwa ng pinto ang kasambahay naming si Mira. Amoy ko pa ang fried rice at bacon mula sa kanya. Suspetsa kong naggaling siya sa kusina at katatapos lang magluto ng almusal.
"Sir Grellen, pinapatawag po kayo ni Sir Gregoire sa baba. Gusto ka raw po niyang makausap," takot na sabi ni Mira. What makes her so scared?
"Si Dad?" Hindi makapaniwalang tanong ko na sinundan ko ng pag-tawa. "Alam na this. For sure, tatalakan lang ako n'on tungkol sa pag-uwi ko ng late kagabi."
"Mag-ingat po kayo, Sir." Tumango si Mira at lumabas.
Pagkasara ng pinto ay nagsalita si Gwen. "Feeling ko hindi e," pagkontra niya sa spekulasyon ko.
"How can you say so?"
"I don't know. I just have a horrible feeling. Come on, I'll come with you!" Dali-dali akong hinila ni Gwen palabas at hinatak pababa ng hagdan hanggang sa marating namin ang living room.
Nai-spot-an namin si Dad, nakaupo sa couch hawak ang cellphone nito. Kulang na lang ay mag-self destruct ang phone niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ro'n.
"Dad, what's going on?" Gwen caalled him. Dad pressed the side button of his phone at palakas nang palakas ang volume ng audio na pini-play niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sarili kong boses sa phone. I heard myself crying in anger. What on earth?! How did he know about last night?
C'mon, Grellen. It's common sense. Sa tindi ng ginawa mong pag-e-eskandalo sa restaurant, malamang may nangahas na kuhaan ka ng video at pinarating kay Dad!
"Care to explain the meaning of this?" gigil na tanong ni Dad, namumula ito sa galit nang itapon niya ang cellphone.
Dinampot ko ang telepono na lumanding sa paanan ko at sinipat ang nasa screen. Just as I thought. Isa 'yong video na kuha sa French restaurant kung saan maririnig ang argument namin ni Marcus!
No, please just be a dream! Dad's going to kill me!