/0/26684/coverbig.jpg?v=55765328d3644f2030f01082dda0ce78)
Drew Cast is a Filipino-American . At the age of 27, he is already the CEO of their family company. He has everything, Looks and power. A business magnate and a chic magnet. They called him a playboy and a jetsitter,because a lot of girls are linked to him but he was never been in a serious relationship . But he is not a cold-hearted man. He is Down to earth, Kind and a Humorous one. He will met the siga girl named, Isabeau. With a boyish behavior but with a pretty face and a great body. Sa una palang nilang pagkikita nasabi na niya sa sarili niya na hindi niya type ito, dahil sa mabunganga ito at parang walang kinakatakutan. He said that Isabeau is just the opposite of his ideal woman. But how come if he was wrong? Isabeau is also a fragile kind of woman that needs a protection from a man like him. Magugustuhan niya ba ito? Ang Kaso nakikita niya sa mga mata ni Isabeau na ang childhood friend nito ang gusto. Magtatagpo ba ang kanilang damdamin kahit magkaiba sila ng mundo at ng gusto?
ISABEAU
Naabutan ko si Lolo sa bahay nang hindi mapakali sa higaan niya. Hinihingal pa siya at may hawak siyang pamaypay. Kaya nagtaka ako.
"Lo' bakit po?" tanong ko sa kanya. Nilapitan ko siya at tinuro niya sa akin ang electric fan.
Hindi gumagana iyon. Bakit kaya? Tinignan ko ang saksakan, okay naman, pati na rin ang fuse.
Lumabas ako at nagtanong sa kapitbahay.
"Aling Elsa! brown out po ba?" tanong ko nang makalapit sa pinto nila.
"Naku Isay, naputulan kayo ng kuryente kanina. Sinabihan ko nga iyong naningil na hintayin ka, kaso hindi sila nagpapatawad eh," mahabang wika ni aling Elsa.
Nainis talaga ako sa narinig.
"Aling Elsa pwedi bang diyan muna si Lolo, pupunta muna po ako doon sa opisina ng kuryente," paalam ko.
"Sige Isay," pagsang-ayon niya.
Kadarating ko lang kasi galing sa pinagtatrabuhan kong karenderya. Cook ako roon slash waitress. Kaya hindi ko alam na naputulan na pala kami ng kuryente. Imbes na pangbayad kasi sa kuryente ay puro sa gamot ni Lolo napupunta ang kinikita ko. Malalim akong napabuntong-hininga.
Agad kong inalalayan si Lolo papunta kina aling Elsa dala ang electric fan niya.
Hindi na kasi siya pweding mainitan dahil aatakihin siya ng hika. May sakit na kasi sa baga si Lolo. Kaming dalawa na lang sa buhay kaya nagkakayod ako na makapagtrabaho para kumita ng sapat sa gamot at pagkain naming dalawa.
Pagkahatid ko kay lolo sa bahay ni Aling Elsa agad akong sumakay ng mountain bike ko at tumungo sa opisina ng bayaran ng kuryente.
Pagpasok na pagpasok ko agad akong suminghal. Sorry sila nababadtrip talaga ako eh.
"Miss ano ba naman kayo! Bakit niyo kami pinutulan ng kuryente?" singhal ko doon sa babae,at pinalo-palo ko pa ang sementong table ng cashier.
Nagtinginan sa amin ang mga tao sa loob ng opisinang iyon. Pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.
"Wait sandali lang po miss hinay-hinay lang, wag po kayong mag-i-eskandalo dito, ano pong pangalan?" mahinahon niyang saway sa akin.
"Roberto Montano!" singhal ko pa rin.
"Wait lang titignan ko." Tumingin siya sa monitor ng computer niya bago ako binalingan.
"Ah miss naputulan kayo ng kuryente kasi five bill na po kayong hindi nakapagbayad ng kuryente," paliwanag ng babae.
"Kahit na ilan pa 'yan, hindi dapat ninyo pinutol agad, paano kung namatay ang lolo ko dahil walang electric fan!" Sana wag naman po, taimtim kong panalangin.
"Juskoo naman kayo! Wala kayong patawad, magbabayad naman ako. Oh ito! Asikasuhin ninyo ngayon din ha!" malakas kung sabi sa kanya at inabot ang perang dapat pambili ko ng bigas at gamot ni Lolo ngayon.
"Sandali lang miss, may nakapila pa po."
"Ano? kailang-" naputol ang sasabihin ko dapat nang may nagsalita ng spokening dollar.
"Miss Beautiful, where's Danielle?" English na sabi no'ng baritonong boses na iyon. Nangunot ang noo ko at agad na tinignan kung sino iyon. Aba! Ang tangkad! Dibdib pa lang ang nakikita ko at ang umbok ng mga iyon.
Umangat pa ang tingin ko sa mukha niya. Lumingon siya sa akin. Blonde ang buhok, asul na mga mata, napakatangos ng ilong at maninipis na labi at napakapula ng mga iyon.
Binasa pa niya ng laway ang mga labing iyon. Kaya napalunok ako. Para akong nauhaw.
"Hey! What's wrong? May dumi ba ako sa mukha?" nakangising pukaw niya sa 'kin. Kaya napatanga ako.
Kala ko, English talaga magsalita. Mag-ri-ready na sana ako ng panyo kung sakaling dumugo ang ilong ko.
Lumingon ako doon sa cashier. Ayun tulala rin.
"Miss ano na? Kailangan ko na ngayon maibalik ang kuryente sa bahay!" inis ko nang pukaw sa babae.
Kaso doon siya sa foreigner nakatingin. Tsk!
"S-sir nasa opisina niya tatawagin ko lang po," sabi pa no'ng cashier na kumikinang ang mata na nakatunghay doon sa lalaking foreigner at nilagay pa sa likod ng tenga ang hibla ng buhok. Juskoo ang landiii!
"Okay thank you." Nakangiting tugon no'ng lalaki at kumindat pa, ayun tuloy parang bulateng nalagyan ng asin ang babae.
"Hoy! Ako ang unang nagrereklamo dito tapos ito agad ang aasikasuhin mo porket ba English to magsalita tapos gwapo, ganyan ka na?! Irereklamo ko itong opisina niyo!" singhal ko pa rin doon sa babae habang tinuturo ang kano.
Sinamaan niya ako ng tingin at pumasok na sa loob ng opisina. Bumaling ako sa kano.
"Hoy ikaw din ha! Masyado kang papansin ano, ginagamit mo pa yang itsura mo para lang masunod ang kailangan mo!" inis kong sabi doon sa tisoy.
Kinunutan niya ako ng noo at ngumisi sa akin.
"Are you talking to me?" Tanong niya at tinuro ang sarili niya.
Aba antipatiko!
"Oo!" malakas na sagot ko at tumango.
Nalukot ang mukha niya. "You're so noisy, can you please, speak in a low voice, I think lalabas ako sa opisinang ito, bingi na ako," reklamo niya sa akin.
Aba-aba namimilosopo pa.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang lumabas na si Pareng Dan.
"Oh what's happening here?" tanong niya na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng kano.
Agad akong nagsalita.
"Kasi pare, pinutulan kami ng kuryente ng walang pasabi. Alam mo naman na may sakit si Lolo 'di ba at nasa karenderya ako," malumanay kong paliwanag sa kanya.
"Gano'n ba? I'm sorry Pare kadarating ko lang din kasi galing cebu eh, kung nandito siguro ako, napagsabihan ko sila na huwag kayong putulan dahil alam ko naman ang sitwasyon ninyo," sabi niya sa'kin at inakbayan ako.
Namula yata ako sa ginawa niyang pag-akbay sa akin. Ang bango kasi niya. At saka ano kaya ang amoy ko ngayon? Naku! baka amoy araw! Bwesit!
Crush ko kasi si Danielle since elementary. Childhood friend ko siya. Ang gwapo niya kasi at mabait din. Mayaman sila dahil pag-aari nila ang electric cooperative na ito at marami pang iba. Kaso nga lang habulin ng mga chiqs. Pero tropa ko siya hanggang ngayon. Ang layo namin sa isa't-isa 'di ba?
Nakita kong tumingin sa amin iyong foreigner na nakakunot-noo. Nahiya ako bigla.
"A-ah sige na Dan, uuwi na ako. Aasikasuhin ko pa kasi si Lolo ," mahinahon kong paalam.
Tinapik ko ang kamay niya sa balikat ko. Inalis niya naman iyon at humarap sa akin.
"Sige na, agad akong magpapadala ng tauhan para mabalik ang kuryente ng bahay niyo." Nakangiti niyang sabi at pinisil ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawang kamay niya.
Tumango ako sa kanya at sumimangot.
Ngumiti siya."Your so cute!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako Dan! Sige na uwi na ako!" kunwari inis kong sabi.
Sinulyapan ko muna si kano bago ako naglakad palabas, parang feeling ko kasi masyado na akong napapahiya roon.
Ipinagkakanulo kasi ako ng pisngi ko, si Dan kasi!
Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Dan pero tuluyan na akong umalis doon.
DREW
Masyadong hyper ang babaeng iyon!
Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Danielle nang umalis iyong babae. Masyado yata siyang attached doon.
"Sino iyon? Ang hyper bro! Pero pagdating sa 'yo ang lambot." Natatawa kong saad.
"Yeah. She's Isabeau, pare. Siga, pero as you can see bro. She's very nice and pretty. And sexy also. Hindi lang mahilig mag-ayos. Kung wala lang sana akong girlfriend balak ko siyang pormahan para tumino sa pagiging babae." Natatawa niyang sabi.
Yes he's true, she's pretty kaso... kaso yung 'nice' nah! I don't know, parang laging may mic, ang lakas ng boses.
My type of girl is those who is opposite of that girl earlier. Teka, bakit ko iniisip ang bagay na iyon? I tilted my head and sighed.
"Hey, what's with you and your here?" Danielle asked me.
"I have something to tell you bro, " at pumasok na kami sa office niya para mag-usap.
****
Kinabukasan pinuntahan ko ang site ng pinapagawa kong restaurant . Wala ako ngayong meeting kaya naisipan kong pumunta ro'n.
Okay naman sa site kaya tinawagan ko muna ang Engineer niyon.
I dialed his number at nilagay ko ang cellphone ko sa tenga.
While I was talking to the engineer, I'm facing the street then I saw the girl yesterday nasa karenderya siya sa kabilang side ng street, in front of my restaurant.
She is wearing her loose shirt and faded blue jeans with a cap on his head. Pabaliktad pa ang pagkakasuot n'on. Kaya napailing na lang ako.
"Okay thank you, good job!.. You made it.. Okay I will send you something.. Okay.. Bye!" I said while smiling then I saw that girl looking at me.
So, I pretend that I was still talking on my phone but my focus is to her.
I smiled while looking at her. Hindi naman siya umaalis sa kinatatayuan niya at nakatitig lang din sa akin, tumagal din iyon, pero walang expression ang mukha niya.
I mounted a word 'your pretty huh!' I joke. Hindi ko alam kung naintindihan niya pero kumunot ang noo niya. Tapos tumingin pa siya sa likod niya.
I smirked at my thoughts. He's so cute. Parang ang sarap asarin ng isang 'to. I laughed at myself.
Nakita kong tinawag na siya sa loob kaya umalis na siya, pero tumingin pa siya ulit sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng karenderya.
Namasukan si Krista bilang yaya sa isang napakagandang bata. Hindi niya aakalain na napakasungit pala ng daddy nito na si Sir Jandro. Pero take note! Super hunk at single daddy. Kaso may rule ito, na dapat hindi siya magkagusto rito. Magagawa niya kaya iyon? Kung minahal niya na nga ito? Kahit pa ang sungit-sungit nito sa kanya.
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
"Huwag mong hayaang tratuhin ka ng sinuman na parang tae!"/Natutunan ko iyon sa mahirap na paraan. Sa loob ng tatlong taon, tumira ako sa aking mga biyenan. Hindi nila ako tinuring na manugang kundi isang alipin./Tiniis ko ang lahat dahil sa asawa kong si Yolanda Lambert. Siya ang liwanag ng buhay ko./Sa kasamaang palad, gumuho ang buong mundo ko noong araw na nahuli kong niloloko ako ng asawa ko. Kailanman ay hindi ako naging napakasakit ng puso./Upang makapaghiganti, isiniwalat ko ang aking tunay na pagkatao./Ako ay walang iba kundi si Liam Hoffman—ang tagapagmana ng isang pamilyang may trilyong dolyar na mga ari-arian!/Ang mga Lamberts ay lubos na nabigla pagkatapos ng malaking pagbubunyag. . Napagtanto nila kung ano ang naging kalokohan nila para tratuhin akong parang basura./Lumuhod pa ang asawa ko at humingi ng tawad. /Ano sa tingin mo ang ginawa ko? Binawi ko ba siya o pinahirapan siya?/Alamin mo!
Si Jennifer Bennett, ang karapat-dapat na tagapagmana ng legacy ni Bennett, ay nakipaglaban nang husto para sa pagkilala ng kanyang pamilya, ngunit nalampasan lamang ng isang impostor. Nahaharap sa mga maling akusasyon, pambu-bully, at kahihiyan sa publiko, kalaunan ay sumuko si Jennifer sa pagsisikap na makuha ang kanilang pag-apruba.//Nangakong babangon sa kawalan ng katarungan, siya ay naging bane ng mga nagkasala sa kanya. Ang pagsisikap ng pamilya Bennett na sirain siya ay nagpasigla lamang sa kanyang tagumpay, na humantong sa kanya sa taas na pangarap lamang ng kanyang mga karibal.//May nagtanong, "Nadarama mo ba ang pagkabigo ng iyong mga magulang?"//Na may mahinang ngiti, sinabi ni Jennifer, " Hindi mahalaga sa huli, nangingibabaw ang kapangyarihan."
Dahil sa gulo sa pamilya, si Zen Luo, ang dating pinakamayamang apo, ay naging isang alipin. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon, natuklasan niya ang sinaunang sikreto ng paghuhubog ng mga makapangyarihang sandata. Gamit ang kanyang katawan bilang sisidlan at ang kanyang kaluluwa bilang lakas, siya ay dumanas ng libu-libong pagsubok upang maging isang diyos! Ang kanyang pagbangon ay nagsimula sa pagtanggap ng mga palo at suntok. Sa gitna ng labanan ng mga makapangyarihan at digmaan ng mga lahi, siya ay tumindig bilang isang tunay na mandirigma. Gamit ang kanyang katawan na parang isang makapangyarihang sandata, tinalo niya ang lahat ng kanyang mga kaaway!
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.