Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Lifetime Bodyguard
Lifetime Bodyguard

Lifetime Bodyguard

5.0
19 Mga Kabanata
281 Tingnan
Basahin Ngayon

MAGMULA nang maging abala sa ahensiya ang mga magulang ni Athena, ay naging kainip-inip ang buhay niya. Wala nang panahon ang mga ito sa kanya. At sa sobrang pagkainip ay naghanap siya ng excitement sa ibang tao at lugar-na naging sanhi ng pagkadisgrasya niya. Akala niya makukuha na niya ang atensiyon ng mga magulang ngunit lalo lamang siyang natali sa pagkainip nang bigyan siya ng papa niya ng personal driver at bodyguard. Naibaling niya ang inis sa driver niyang si Sean, dahil may pagkasimpatiko ito. Pero habang tumatagal na kasama niya si Sean ay unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito, nabaliwala na niya si Errol na matagal nang may pag-ibig sa kaniya. Ngunit kung kailan mahal na niya si Sean ay saka naman ito pinapalitan ng papa niya. May lihim sa pagkatao ni Sean. Ang lihim kaya nito ang sapilitang maglalayo sa kanila? O ang labis na pagmamahal ni Errol sa kaniya?

Mga Nilalaman

Chapter 1 Athena's boredom

"SO, how's your family's business, Athena?"

"My parents' business," pagtatama ni Athena. Naiinis siya sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa business ng papa niya.

Magkatabi sila ni Errol, habang nakaupo sa stool chair sa tapat ng bar counter. May kalahating oras na silang naroon at nakadalawang baso na siya ng tequila. Iyon ang tanging lugar na dinadayo niya sa tuwing naiinip siya sa bahay niya.

Ngumisi si Errol, ang kaibigan niya'ng matagal nang may pagsinta sa kanya, subalit hanggang ngayon ay hindi niya siniseryoso. Hindi niya alam kung bakit, mabait at mabuting kaibigan naman iyo sa kaniya. Maraming lalaking gusto siyang ligawan pero hindi naman naitutuloy ng mga ito.

Hindi naman siya pihikan, wala pa talaga sa isip niya iyon. At isa pa, siya mismo ay hindi marunong mag-entertain sa mga manliligaw niya. Sinusungitan niya ang mga ito, lalo na kapag may nakita siyang hindi niya nagustuhan sa isang lalaki.

"Bakit ba hindi ka masaya sa business ng papa mo? Hindi basta-basta ang Security and Investigation Agency business, Athena. Kahit anong tanggi mo, malaki pa rin ang naitulong ng ahensiya nila sa paglaki mo," wika ni Errol.

Tinitigan niya ng matalim si Errol. Tama naman ito, halos lahat ng kinakain niya araw-araw at ginagastos sa pag-aaral ay katas ng paghihirap ng mga magulang niya sa naturang ahensiya. Kaya wala siyang karapatang isumpa ang ahensiya dahil lang naging kainip-inip ang buhay niya magmula noong mag-focus sa negosyong iyon ang mga magulang niya.

"Hassled and stressful ang trabaho. Kaya ako pinag-aral ni Papa ng Law para makatulong sa business niya sakaling nagkaproblema. At never kong pinangarap na maging abogada," protesta niya. Sinaid niya ang laman ng baso niya.

"E, bakit nag-aral ka pa? Bar exam na lang ang ipapasa mo lawyer ka na. Sayang naman ang panahon na iginugol mo sa pag-aaral. Ano ba talaga ang gusto mo?"

"Alam mo kung ano ang gusto ko."

"Huwag mo sabihing hanggang ngayon pangarap mo pa ring maging chef?"

Sinipat niya si Errol. Nakatitig lang ito sa baso ng wine nito. Pagkuwa'y binalingan niya ang sariling baso na wala nang laman. Nilalaro niya iyon sa kamay saka humiling sa bartender na salinan ulit ang baso niya. Tumalima naman ang guwapong bartender. Agad niyang kinalahati ang kasasaling serbisa.

"Gusto kong magkaroon ng sarili kong restaurant, at kilalanin sa buong mundo ang luto ko," aniya.

"Wow! Kamusta naman ang law subjects na ipinasa mo tapos pagluluto lang pala ang babagsakan mo?"

Nayamot siya sa sinabi nito. Binato niya ito ng mahayap na tingin. "Huwag mong nila-lang ang pagluluto, Errol! Hindi ka mabubusog kung walang taong marunong magluto!" singhal niya rito.

"Fine. Handa pa rin akong suportahan ka... dahil mahal kita."

Sinaid niya ang laman ng baso niya saka inilabas ang wallet niya. Nagmamadaling dumukot siya ng limang-daang piso saka iniabot sa bartender bilang bayad sa mga nainom nila.

"Aalis na ako," aniya saka tumayo.

"Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Errol.

"Gusto ko nang matulog." Walang likod-lingon na iniwan niya si Errol.

Kung kailan lulan na siya ng kotse niya ay saka naman niya naramdaman ang pagkahilo. Imposible ika niya na tinamaan na siya ng nainom niyang tequila. Tatlong baso lang naman niyon ang nainom niya. Nagmaneho siya kahit hindi maganda ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang hindi na masyadong traffic kaya hindi siya natatakot magpatakbo ng mabilis. Wala pang isang buwan siya natutong magmaneho.

Subalit nang nasa kahabaan na siya ng kalsada ng Edsa ay biglang umikot ang paningin niya. Pakiramdam niya'y naduduwal siya. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya namamalayan na napapahigpit ang kapit niya sa manibela, at hindi niya napansin na hindi na tama ang daang tinatahak niya. Bigla na lamang nanilim ang paligid niya makalipas na damhin niya ang kirot sa ulo buhat sa malakas na pag-alog ng sasakyan.

NAGISING si Athena buhat sa naaamoy niyang sariwang bulaklak. Bumungad sa kanya ang malungkot na mukha ng kanyang ina. Nakaupo ito sa silya sa kanyang tabi. Nang makita siya'ng nakamulat ang mga mata ay sumigla ang mukha nito.

"Diyos ko! Salamat naman at nagising ka na, anak. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Elena.

"Okay lang po. Bakit po ako narito?" inosenteng tanong niya, nang mapansin na nasa loob siya ng hospital room.

"Naaksidente ka kagabi, anak. Hindi ka naman lasing. Ang sabi ng doktor, bumaba ng seventy over sixty ang blood pressure mo kaya ka nahilo. Sabi ko naman sa iyo huwag ka na masyadong magpuyat. Ilang beses na kitang sinasaway pero matigas ang ulo mo," tugon ni Elena. Pumalatak na ito.

"Nahihirapan na po akong matulog sa gabi," dahilan niya.

"Paano kasi panay ang layas mo kaya ka inaabot ng umaga sa lansangan. Kaya hindi mo masisi ang papa mo kung palagi kang pinapagalitan at hinihigpitan. Anak, ikaw lang ang anak namin kaya hindi mo kami masisi kung tratuhin ka namin na parang bata. Mahal ka namin at hindi namin gugustuhing mapahamak ka."

Hindi na lamang siya kumibo.

Tumayo si Elena nang bumukas ang pinto. Awtomatiko namang naibaling niya ang tingin sa matangkad na lalaking pumasok. Napako ang tingin niya rito, lalo na nang ngumiti ito. Nanilay ang mumunting biloy nito sa magkabilang pisngi. Barber cut ang buhok nito na tila kagugupit, katamtaman ang kaputian ng kutis nitong makinis. Pero ang umagaw sa pansin niya ay ang almond shape nitong mga mata na may blonde'ng eyeballs. Maganda ang pagkakahubog ng matangos nitong ilong na mas pinaganda ng maninipis nitong labi na naghuhugis puso at natural ang pamumula. Matikas ang tindig nito, na lalong nagpapahubog sa matipunong pangangatawan nito'ng sinuutan ng bughaw na polo-shirt at fitted black jeans. Itim na rubber shoes ang sapin nito sa paa.

"Siya na muna ang magbabantay sa iyo, Anak. Meron akong mahalagang meeting na pupuntahan. Babalik din ako mamayang ala-una para kausapin ang doktor kung puwede ka nang lumabas," mamaya'y wika ng kanyang ina, na siyang pumutol sa lumalawak niyang imahenasyon.

Nagtaka siya. "S-sino siya, Ma?" pagkuwa'y tanong niya sa ginang.

"Siya si Sean, isa sa bagong security ng agency. Siya na ngayon ang bagong driver mo, at sabi ng papa mo ay personal bodyguard mo na rin. Criminology graduate siya kaya mapoprotektahan ka niya," ani Elena.

Napamata siya. Tinangka niyang bumangon ngunit napahiga siyang muli nang biglang kumirot ang ulo niya. Hindi matanggap ng sistema niya na magkakaroon siya ng bodyguard. Naisip niya na lalo lamang maging kainip-inip ang buhay niya kapag palaging may nakabuntot sa kanya, at malalaman ng papa niya ang lahat ng kilos niya.

"Hindi ko na siya kailangan, 'Ma! Ano bang akala n'yo sa akin, batang paslit?" protesta niya.

"Anak, hindi na namin ma-monitor ng papa mo kung saan ka nagpupunta. Walang tumatagal na driver sa iyo dahil sa ugali mo. Lumalaki na ang kompanya kaya nawawalan na kami ng oras para ma-monitor ang kilos mo. Kahit malaki ka na at alam naming kaya mo na ang sarili mo, hindi puwedeng pabayaan ka namin. Babae ka, hindi puwedeng hahayaan ka naming masunod ang layaw mo."

Nanggalaiti siya. "Iyan naman kayo, e! Puro kayo business!" iyon lang at pumihit siya patalikod sa kanyang ina.

Akmang hahawakan nito ang balikat niya pero iniwaksi niya ang kamay nito. "Okay. Babalik ako mamaya," sabi na lamang ni Elena.

Narinig niya ang pagsara ng pinto.

Panay ang singhap niya habang pinipigil ang kanyang pagluha. Naisip niya, hindi na siguro magbabago ang mga magulang niya. Magmula kasi noong mamatay ang totoong may-ari ng agency na pinamamahalaan na ngayon ng papa niya ay tuluyan nang nawawalan ng panahon sa kanya ang mga ito. Mula pa noong magkaisip siya ay hindi niya madalas kasama ang mga ito. Secretary ang mama niya sa naturang ahensiya kaya palagi din itong wala. Noong Private Investigator pa lang ng nasabing ahensiya ang papa niya ay bihira niya ito nakakasama sa mga okasyon. Palagi itong wala sa bahay nila. Lalo na ngayon, ni sa almusal, tanghalian o hapunan man ay hindi niya nakakasabay ang mga ito. Wala siyang matandaan na magagandang childhood memories dahil pag-aaral lang ang inatupag niya, at pagkatapos ng klase ay sinusundo na siya ng katiwala nila. Hindi niya naranasang maglaro kasama ng ibang bata.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY