/0/26347/coverbig.jpg?v=4032eb25ebbd59ee8d0cc448443decf8)
"I didn't plan on falling in love with someone else." 'Yan ang salitang hinding-hindi makakalimutan ni Gilliane dahil sa isang pangyayaring nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Pagkatapos siyang takbuhan ng lalaking mapapangasawa niya sa araw ng kanilang kasal, sa harap ng altar at napakaraming tao, doon niya natutunan na walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. That true love is not measured by how long you are together because in the end, it all just doesn't matter when your partner has lost his feelings for you. Pagkatapos ng lahat ay napagdesisyunan niyang umuwi na muna ng Pilipinas upang paghilumin ang mga sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi. Her bestfriend was afraid she would self-destruct. Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Gilliane ang isang napakaguwapong lalaki. They talked without giving each other's name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Nakailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Dahil sariwa pa kay Gilliane ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng long-time boyfriend, ayaw niya munang mapaugnay sa kahit na sinong lalaki. She stopped going in the bars. Ngunit waring talagang pinagtatagpo sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Sebastian Villaraza, isang mahusay na surgeon sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan ni Gilliane. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng tadhana sa kanya sa muling pagkikita nila?
Cambridge, Massachusetts
Kanina pa naghihintay si Gilliane sa bar na iyon. Doon nila napagkasunduang magkita nang nobyo niya. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang nobyo kahit na nakatira sila sa iisang apartment. He had been busy with his studies. Minsan ay halos sa library na ito nakatira. Patapos na si Stefan sa med school kaya naman masyado na itong abala na pati siya ay di na minsan naaalalang tawagan.
Nais niyang mag-relax naman ang nobyo kaya niyaya niya itong lumabas nang gabing iyon. Nakalimutan yata nitong may usapan silang magkikita. Kung hindi pa siya nag-text ay hindi pa aalis ng library si Stefan para puntahan siya.
Gilliane loved Stefan so much. Sinundan niya hanggang sa Vancouver ang binata kahit na ayaw sana ng mga magulang na mawalay siya sa mga ito. Hindi niya pinagsisihan ang naging pasya. Kahit na walang panahon si Stefan sa kanya dahil sa pagiging busy ng binata, alam niya na mahal siya nito. Mananatiling mahal habang buhay.
Hindi lamang niya maiwasan na bahagyang mairita tuwing nakakalimutan siya ni Stefan. Naiintindihan naman niya ang kaabalahan ng nobyo ngunit sana ay maintindihan din nitong babae siya. Ayaw na ayaw ng mga babae na hindi pinapansin. Ngunit hindi magrereklamo si Gilliane, hindi magde-demmand. Ayaw niya rin kasi na madagdagan ang stress ni Stefan sa pag-aaral nito. Alam niya na lilipas din ang pagiging busy nito at siya naman ang aasikasuhin nito araw-araw. Matiyaga na lamang siyang maghihintay sa bar.
Kaka-order lang niya ng ikalawang white wine nang maramdamang may tumabi sa kanya. Halos wala sa loob na nilingon niya ito. Isang Pinoy, agad niya itong nabatid dahil sa itsura at simpleng pananamit nito. Isang napakaguwapong Pinoy. Kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang matanto ang daloy ng kanyang isipan. Ayaw niyang makaramdam ng paghanga sa ibang lalaki, lalo na kung lalaki sa isang bar. Kahit pa Pinoy at guwapo ito.
Ibinaling ni Gilliane sa ibang direksiyon ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang hawak na inumin. Narinig niyang humingi ng beer ang lalaki sa bartender. Pinakiramdaman niya kung aalis na ang lalaki pagkakuha nito ng beer ngunit nanatili ito.
"Pinay?"
Alam niya na siya ang kausap ng lalaki. Ang sabi niya ay hindi siya lilingon. Kapag hindi niya ito pinansin, lulubayan din siya nito kagaya ng ginagawa niya sa ibang lalaki na nagpapapansin sa kanya. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay lumingon siya. Tila may pwersang nagpapagalaw sa kanyang ulo para lamang lingunin at tingnan ito.
Nakangiti na kay Gilliane ang lalaki. Bakas sa mga mata nito ang interes at paghanga. Waring may pumitlag sa kanyang puso nang matitigan ang guwapo nitong mukha.
"Is this seat taken?"
Bahagya siyang natauhan sa narinig niyang pagsalita nito. Hindi niya mapaniwalaan na humahanga siya sa isang lalaki na hindi niya nobyo. Nasobrahan lang marahil siya sa caffeine kaya ganoon na lang ang reaksiyon ng puso niya. Hindi iyon pumipitlag sa lalaking hindi si Stefan. Kay Stefan lamang dapat ang kanyang mga mata lalo na ang kanyang puso kaya mali na tumingin pa siya sa iba dahil may nobyo na siya.
"I'm taken." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Gilliane at iniwan ang nagtatakang lalaki.
Nagmamadali siyang lumabas ng bar. Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kanyang puso. Hindi pa rin nagnonormal ang pagtibok ng kanyang puso. Nais takaga niyang pagtakhan ang naging reaksiyon sa estranghero. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may lalaking lumapit sa kanya sa bar at sinubukang makipagkilala. Minsan ay may mga lalaking biglang lumalapit sa kanya at hinihingi ang number niya o kaya ay nagpapapansin sa kanya. Ngunit iyon ang unang pagkakataon na labis na napukaw ang kanyang atensiyon at damdamin. Parang may iba sa lalaking iyon.
Nang makita ni Gilliane si Stefan na palapit sa kanyang direksiyon ay napagpasyahan na lang niyang huwag nang gaanong pakaisipin ang nangyari. Hindi iyon importante. Buburahin na rin niya sa kanyang isipan ang lalaking doon niya lamang naman nakita.
Wala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suggestion ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos, kalimutan na lang ang gabing iyon.Pero hindi sumang-ayon ang tadhana kay Hillary. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng isang gwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na niya muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes-ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo, at bango. At ang loko, pinilit siyang saluhin ang wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sabihin sa kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wala siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
Bossy, strict, hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Coleen Brylle Castro, isang Chief Engineer nang isa sa malaki at sikat na Luxury Cruise Ship na lumilibot sa buong mundo. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na ina-aksaya para lamang makipagkilala o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makikilala niya ang 21 years old na bubbly, playgirl, spoiled brat na rich kid at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi kulitin siya? At anong gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit di niya pa rin mapigilang mainlove dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
Professional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family na wala na ata siyang mahihiling pa dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Well, maliban na lamang pala sa kanyang Daddy na wala nang ibang ginawa kung hindi ay ipagtulakan siya na humanap na ng mapapangasawa. At the age of 29 kasi ay single parin siya dahil na rin siguro sa sobrang focus niya sa kanyang trabaho bilang isang doktor. Kung kailan naman nakahinga na siya ng malalim pagka-alis ng kanyang ama para magbakasyon sa Berlin, ay saka nagkrus ang landas nila ng lalaking naka-one night stand niya sa isang isla kung saan siya nagbakasyon, buwan na ang nakakaraan. She tried to ignore his presence and pretended she doesn't know him. Pero mas makulit pa ata ito sa Daddy niya dahil simula nang magkita sila ulit ay wala na itong ibang ginawa kundi ang kulitin siya para yayaing lumabas. Maiiwasan pa kaya niya ang makulit na estrangherong ito kapag nalaman nitong buntis siya at tanging siya lamang ang pwedeng ama ng batang dinadala niya?
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"