/0/73920/coverbig.jpg?v=62a774123a2e45ca8e1dddb2d579f846)
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
"Ibinigay ko na ang sarili ko sa'yo. Bakit hindi mo pa hiwalayan si Janet?" mapang-akit na tanong ng babae. Nakahubad siya mula baywang pataas at nakapatong sa isang lalaki.
"Ayokong marinig ang pangalan niya kapag magkasama tayo." Pinisil ng lalaki ang dibdib ng babae sa sobrang pananabik, dahilan upang mapaungol sa sarap.
Mukhang hindi natuwa ang babae. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig. "Hindi puwede! Ampon lang siya. Mas mahalaga pa ang aso namin kaysa sa kanya. Ano bang meron sa kanya na wala ako?"
Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan niya sa baywang ang babae at umindayog nang mas madiin, dahilan para mapasigaw ito at mapasambit ng pangalan niya habang umuungol.
Nakatayo si Janet Lind sa tapat ng pinto, tahimik na nakikinig sa lahat ng nangyayari sa loob ng silid. Ang pagod niyang mga mata ay unti-unting naging malamig nang mapagtanto ang nangyayari.
Kadarating lang niya mula sa ospital.
Si Hannah, ang babaeng nagpalaki kay Janet mula pagkabata, ay na-diagnose na may malalang cirrhosis sa atay tatlong buwan na ang nakalipas. Kailangang ma-transplantan siya agad ng atay. Dahil dito, kinailangan ni Janet na mag-ipon ng pera para sa gastusin sa ospital.
At ang mas malala pa dito, inagaw ng nakababata niyang kapatid ang kanyang nobyo. Pakiramdam ni Janet ay unti-unting gumuguho ang buong mundo niya.
"Narinig mo ba ako? Kailangan mo nang magdesisyon ngayong gabi. Ako o siya. Pumili ka." Pinagsusuntok ni Jocelyn Lind ang dibdib ni Steve Carter, desperadong marinig ang sagot nito.
Sinipa ni Janet ang pinto at matalim na tiningnan ang dalawa. "Huwag mo nang pahirapan ang sarili niyo. Ako na ang magdedesisyon para sa kanya. Lalaki lang siya. Kung gusto mo siya, iyo na."
Kahit pa tila walang emosyon ang boses ni Janet, durog na durog ang puso niya nang makita na ang lalaking minahal niya ay nangangaliwa, at ang kasama pa ay kapatid niya.
Si Steve ay dating kaklase ni Janet sa kolehiyo. Guwapo siya, at galing sa isang mayamang pamilya. Tatlong taon siyang matiyagang nanligaw kay Janet.
Bago pa man sila grumadweyt, muli niyang ipinagtapat ang pagmamahal niya.
Ginawa niya iyon sa playground ng kanilang eskuwelahan. Puno ng estudyante ang paligid, at ang lahat ay pinapanood ang kanilang romantikong tagpo. Nang marinig ng lahat ang pagtatapat, naghiyawan sila sa tuwa. Sa gitna ng kasiyahan, pumayag na rin si Janet na maging nobyo ito.
Pero ngayon, ang sakit ng pagtataksil ay parang tinik na pilit niyang nilulunok. Habang nakatitig sa dalawang taong minsang naging mahalaga sa kanya, mahigpit na niyukom niya ang mga kamao, dahilan upang bumaon ang mga kuko sa palad.
Nagmadaling itinulak ni Steve si Jocelyn palayo, nagsuot ng pantalon, at bumaba ng kama.
Muntik pa ngang matumba si Jocelyn. Lubos na ikinagalit niya ang mga sinabi ni Janet.
Ginawa niya ang lahat para lang makuha ang isang mayaman at guwapong lalaking gaya ni Steve.
Samantalang si Janet ay walang ginawa ngunit nakuha ang loob ng lalaki. Ito ang lalo niyang ikinainis.
Si Janet ay isa lang namang ampon.
"Anong pinagsasasabi mo? Parang ikaw pa ang nakipaghiwalay kay Steve. Hoy, bruha ka. Si Steve ang tumapos sa inyo. Ambisyosa!" Nang-aasar na ngumisi si Jocelyn habang hinihila ang kumot upang ipulupot sa katawan. Pagkatapos ay tumingin siya kay Steve at nagtanong, "Steve, ano nga ulit 'yung sinabi mo sa akin kanina? Sabihin mo rin 'yon kay Janet!"
Ang nangyari sa kanila ay dahil lamang sa bugso ng damdamin. Nawalan lamang si Steve ng kontrol sa sarili matapos tuksuhin ni Jocelyn.
Lumuhod si Steve at hinawakan ang pulso ni Janet. "Janet, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko."
Bagaman puno ng luha ang mga mata ni Janet, tiningnan niya si Steve na para bang kinakasuklaman niya ito. Kapag nagdesisyon na si Janet, wala nang makakapagpabago nito.
Binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Steve. "Pasensya na, Steve. Ayokong makipagrelasyon sa taong nadumihan ni Jocelyn. Bagay kayo. Tapos na tayo."
Napasinghap si Jocelyn. Samantala, halos mabaliw na si Steve, pero ni katiting na lungkot ay hindi mabanaag sa mukha ni Janet. Uminit ang dugo ni Jocelyn. Hindi umaayon sa gusto niya ang nangyayari.
Hindi na nagsayang ng oras si Janet para makipagtalo. Simula't sapul, palaging nakikipagpaligsahan si Jocelyn sa kanya. Tila ba labis siyang natutuwa kapag nakukuha ang bagay na mahalaga sa kanya. Noon, mga laruan ang inaagaw. Ngayong sila ay matanda na, ninakaw ni Jocelyn ang kasintahan ng kanyang kapatid.
Sanay na si Janet. Ang tanging pinoproblema niya ngayon ay ang gastusin sa medikal ni Hannah.
Nang siya ay papalabas na, narinig niya ang kalabog ng mga yabag mula sa pasilyo.
"Hatinggabi na. Anong kaguluhan ito?"
Nagmadaling lumapit sila Bernie Lind at Fiona Duncan, mga adoptive parents ni Janet, matapos marinig ang komosyon.
Si Bernie ang unang pumasok sa kwarto. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakaupo sa kama ang kanyang anak na walang suot, maliban sa kumot na nakabalot sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo? Malapit ka nang ikasal. Bakit ka nasa kama kasama ang ibang lalaki?!" sigaw niya.
Niyakap ni Jocelyn ang sarili at tumingin kay Bernie. Namumula ang kanyang mga mata. Nagtiim ang bagang niya, pilit na pinipigilan ang galit.
May kasunduan ang pamilya Lester at ang pamilya Lind na ipakasal ang kanilang mga anak pagdating ng tamang panahon. Ang fiance ni Jocelyn ay isang anak sa labas, at matagal na siyang pinalayas ng pamilya Lester sa kanilang bahay. Mahirap siya at walang disenteng trabaho. Isa siyang tambay na nagsasayang lamang ng oras sa wala. Ayaw ni Jocelyn na makasal sa kanya.
Naniwala siyang isang mabuting lalaki ang nararapat sa kanya.
"Buntis ako!" sigaw ni Jocelyn, sabay turo kay Steve. "Buntis ako at siya ang ama, kaya hindi ako puwedeng makasal sa iba. Mas mabuti pang itigil mo na ang kasal."
Nabigla si Steve. Ilang beses lang silang nagtalik ni Jocelyn. Paano siya mabubuntis?
"Kalokohan! Kailangan mong magpakasal sa pamilya Lester!" Nagngingitngit sa galit si Bernie. Gusto niyang sampalin si Jocelyn dahil sa kanyang katangahan.
Ang kanyang dangal ay nakasalalay sa kasal. Paano niya haharapin ang pamilya Lester kapag tinanong siya kung bakit itinigil ang kasal?
Agad na lumapit si Fiona at pumuwesto sa harap ng anak niya para protektahan ito. Palagi niyang pinangangalagaan si Jocelyn at bihirang-bihira niya itong pagalitan. Nag-aapoy sa galit ang asawa niya, at hindi niya kayang makita na sinisigawan si Jocelyn.
"Bernie, bakit ka ba nagagalit kay Jocelyn?" umiiyak na tanong ni Fiona. "Huwag mong kalimutan na may isa pa tayong anak. Si Janet. Puwede rin siyang makasal sa pamilya Lester."
Walang anak sina Bernie at Fiona sa umpisa ng kanilang pagsasama. Dahil sa matinding pressure mula sa matatanda sa pamilya Lind, napilitan silang ampunin si Janet. Makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nagdalang-tao si Fiona at isinilang si Jocelyn.
Doon nagsimulang lumalim ang galit niya kay Janet. Ang presensya ni Janet ay nagpapaalala ng mga panahong hindi siya makabuo ng anak. Kapag nakikita niya ang ampon, naiinis siya nang walang dahilan.
Mula nang maipanganak si Jocelyn, naging kampi si Fiona sa sariling anak at lalong pinabayaan si Janet.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, lumaking mas maayos si Janet kaysa kay Jocelyn sa lahat ng paraan. Lalong tumindi ang galit ni Fiona sa kanya.
Sa ngayon, galit na galit si Janet sa mga sinabi ni Fiona. "Si Jocelyn ang ipinakasal ninyo sa pamilya Lester, hindi ako! Bakit ko papalitan ang mahal mong anak na may kinakalantari?"
"Inalagaan ka namin sa loob ng maraming taon. Binihisan. Pinakain. Panahon na para suklian mo ang kabutihan namin, Janet," mahinang sagot ni Fiona, ngunit kita sa mga mata niya ang pagiging tuso. "Gusto mo ba talagang maoperahan ang pinakamamahal mong kasambahay? Kami na ang sasagot sa gastusin sa ospital basta pumayag kang ikaw ang ipalit kay Jocelyn sa pamilya Lester."
Napangisi si Jocelyn. Sa mga mata niya, bagay na bagay sina Janet at ang anak sa labas ng pamilyang Lester.
Nanggigil si Janet sa galit nang marinig ang sinabi ni Fiona. Gayunpaman, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng doktor. Kaunti na lang ang natitirang oras ni Hannah.
Kaka-graduate pa lang ni Janet at wala siyang kakayahang bayaran ang pagpapagamot ng dating kasambahay.
Kahit inampon nina Bernie at Fiona si Janet, hindi naman talaga nila ito minahal. Si Hannah, ang kasambahay ng pamilyang Lind, ang tunay na nagpalaki kay Janet. Para siyang lola na hindi kailanman nagkaroon si Janet. Hindi niya kayang iwan ito nang mag-isa.
Nang mapansin ang pag-aalinlangan ni Janet, lumapit si Fiona sa kanya. "Darating din ang panahong kailangan mong mag-asawa. Bakit hindi mo na lang kami tulungan at pakasalan ang anak ng pamilyang Lester? Ibibigay ko agad ang pera sa sandaling makasal ka."
Nanginig ang mga paa ni Janet habang nakatitig sa kanya ang lahat. Kailangan na kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ni Hannah.
Pagkatapos ng ilang sandali, tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Iniyuko niya ang ulo at mahinang sinabi, "Sige. Pakakasalan ko siya."
Si Hera Louisiana Reyes ay isang outcast ng kaniyang pamilya. Siya ay itinuturing na isang itim na tupa at tinatrato nang masama. Sa kaniyang mga kapatid, siya lang ang hindi nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Isa siyang waitress ng isang sikat na restaurant ngunit natanggal dahil sa pananampal niya sa pinsan ng kaniyang amo. Naghanap siya ng trabaho at isang araw ay may bigla na lang sumulpot na lalaki at nag-alok sa kaniya ng isang trabaho na may malaking sahod. Kahit desperado siya, tinanggap niya ang trabaho. Ngunit hindi niya alam na ang trabahong naghihintay sa kaniya ay magdadala lamang sa kaniya ng sakit at kakaibang sarap na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw ay natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na may kakaibang relasyon sa kaniyang Amo?
Palaging tinitingnan ni Ethan si Nyla bilang isang mapilit na sinungaling, habang nakikita niya itong malayo at insensitive. Pinahahalagahan ni Nyla ang paniwala na mahal niya si Ethan, ngunit nakaramdam siya ng malamig na pagtanggi nang mapagtanto niyang hindi gaanong mahalaga ang lugar niya sa puso nito. Hindi na sinisikap na basagin ang kanyang panlalamig, umatras siya, para lang mabago niya ang kanyang diskarte nang hindi inaasahan. Hinamon niya siya, "Kung kakaunti lang ang tiwala mo sa akin, bakit mo ako itabi?" Si Ethan, na dating may pagmamalaki, ay nakatayo ngayon sa kanyang harapan na may mapagpakumbabang pagsusumamo. "Nyla, nagkamali ako. Mangyaring huwag lumayo sa akin."
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
SEVEN DEADLY SINS 1: Wrath of the Original Wife She was once called a perfect wife and a perfect mother, but everything changed when she found out that her husband had an affair with someone else. After a years of leaving his husband behind, she will be back to let everyone taste her fiery wrath. She shall bring back all the things where it deserve and fight for her marriage, even if she will seduce her husband again and playfully picking a game of fire. She who had a kind-heart, but that completely vanished after she decide herself to learn everything about violence. She must bring the organization who abused her down to its ashes and achieve the peace she always hoped for. As she continues seeking vengeance, unexpected truth starting to unveil. She learns that she’s not just an ordinary wealthy business woman, but had a golden blood running through her veins. What kind of wrath does the original wife can provide?
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
Noong araw na nalaman ni Lilah na buntis siya, nahuli niyang niloloko siya ng kanyang nobyo. Muntik na siyang patayin ng kanyang walang pagsisisi na kasintahan at ng kanyang maybahay. Tumakas si Lilah para sa kanyang mahal na buhay. Nang bumalik siya sa kanyang bayan makalipas ang limang taon, nagkataon na nailigtas niya ang buhay ng isang batang lalaki. Ang ama ng bata ay naging pinakamayamang tao sa mundo. Nagbago ang lahat para kay Lilah mula sa sandaling iyon. Hindi hinayaan ng lalaki na makaranas siya ng anumang abala. Nang binu-bully siya ng kanyang ex-fiancé, crush niya ang pamilya ng hamak at umupa rin siya ng isang buong isla para lang mapahinga si Lilah sa lahat ng drama. Tinuruan din niya ng leksyon ang galit na galit na ama ni Lilah. Dinurog niya ang lahat ng mga kaaway niya bago pa man siya magtanong. Nang sumubsob sa kanya ang hamak na kapatid ni Lilah, ipinakita niya rito ang isang sertipiko ng kasal at sinabing, "I'm happily married and my wife is much more beautiful than you!" Nagulat si Lilah. "Kailan ba tayo ikinasal? Last I checked, I was still single." Na may masamang ngiti, "Mahal, limang taon na tayong kasal. Hindi ba ito na ang oras na magkaanak tayo?" Nalaglag ang panga ni Lilah sa sahig. Anong kalokohan ang pinagsasabi niya?