/0/72162/coverbig.jpg?v=59e9d603c81e4cf6a55456e7bf40d4f6)
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
"Rachel, ikaw, walang kuwentang babae ka. PUMUNTA KA SA IMPYERNO!"
Tila nakasuot ng maskara ng galit ang lalaki sa king-size na kama. Ang kanyang mga mata'y nagliliyab sa poot. Samantala, gigil na gigil ang kanyang mga ugat sa noo at bisig habang sinasakal ang payat na leeg ng babae.
Inaantok at wala pa sa ayos ang babae, ngunit nararamdaman niyang may mali. Hindi siya makahinga!
Napadilat si Rachel Bennet, pagod pa mula sa pagtulog. May isang pares ng kamay sa kanyang leeg, sinasakal siya hanggang sa mawalan siya ng buhay. Habang siya ay nalilito, nilalamon din sya ng takot at pagkataranta
Nang malapit nang maubusan ng hangin ang kanyang mga baga, nagising ang kanyang diwa at nagsimulang magsipa-sipa. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinilit na kumawala sa nananakit sa kanya.
Ngunit hindi niya maitulak man lang ang lalaki. Sa halip, nihigpitan pa nito ang hawak sa kanyang leeg na naging sanhi ng pagkamula at pagkalabo ng paningin ni Rachel.
Bam!
Bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang mayordomo. Namutla ang kanyang mukha sa kanyang nakita, ngunit hindi niya sinayang ang oras. Nagmadali siyang pumunta sa kama, hinawakan ang braso ng lalaki habang sumisigaw, "Mr. Sullivan! Mr. Sullivan! Bitawan mo siya! Mapapatay mo siya!"
"Karapat-dapat siyang mamatay!" Naglalaway at tila nasisiraan na ng bait ang lalaki habang nagsasalita.
Alam ng mayordomo na hindi niya mapipigilan ang lalaki sa pisikal na paraan, kaya't lumuhod siya sa tabi ng kama at nagmakaawa para sa buhay ni Rachel. "Mr. Sullivan, maawa ka! Kapag pinatay mo siya, magugulumihanan ang iyong lola sa kanyang libingan. Hindi siya makakapagpahinga nang payapa!"
Lola?
Nang marinig ang sinabi ng mayordomo, bahagyang lumuwag ang pagkakasakal ni Victor Sullivan.
Sinamantala ito ni Rachel upang makatakas sa kanyang pagkakahawak at gumapang palayo. Bumangga ang kanyang likod sa headboard at nanatiling nakayakap sa sarili. Nakatitig siya kay Victor, nanlalaki ang mga mata sa takot.
Nang makita ng mayordomo ang pagbabago sa kilos ni Victor, nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi. "Mr. Sullivan, huminahon ho kayo! Magiging opisyal na ang inyong diborsyo ngayong araw. Hindi mo na siya muling makikita! Pakiusap, maawa ka sa kanya, alang-alang sa kanyang ina. Siya ang nagligtas sa iyong lola nang minsan itong manganib, hindi ba? Kaya pakiusap, kumalma ka!"
Nakuha ni Victor ang punto ng mayordomo. Kaya't tumayo siya mula sa kama at tahimik na isinuot ang kanyang damit pantulog. Sunod, tumalikod siya kay Rachel at nagsalita gamit ang boses na kasing lamig ng yelo.
"Sasabihan ko si Ivan na ipadala rito ang mga papeles ng diborsyo. Pirmahan mo ito, at pagkatapos ay lumayas ka na. Ayaw ko nang makita pa ang iyong pagmumukha kailanman."
Pagkatapos niyang mag-iwan ng isang huling tingin na puno ng galit, umalis na siya sa silid kasama ang mayordomo.
Sumakit ang mga tainga ni Rachel sa ingay ng pagbagsak ng mga pinto. Tinakpan niya ang kanyang sarili ng kumot, nananatiling gulat na gulat. Namumutla ang kanyang mukha. Samantala, ang kanyang puso'y tila kumakalabog sa kanyang dibdib.
Yumuko siya at tiningnan ang kanyang katawan. Siya ay ganap na hubad, at puno ng maiitim na pasa ang kanyang walang kapintasang balat.
Dahil sa adrenaline na dumadaloy sa kanyang mga ugat, hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit o kirot hanggang ngayon. Ngunit ngayong nalampasan na niya ang paghihirap, naramdaman na rin niya ang pananakit ng buong katawan. Masakit ang lahat sa kanya.
Sinubukan niyang maghanap ng maisusuot pero wala siyang makitang anumang pambabaeng damit sa aparador. Tanging mga pang-lalaking kamiseta at itim na mga amerikana lamang ang laman nito.
Pinili niyang kumuha ng isang kamiseta at pares ng pantalon upang suotin. Dahil pang-lalaki ang laki ng pantalon, sumasayad ito sa sahig habang siya'y naglalakad.
Dagdag sa sakit ng kanyang katawan, naramdaman din ni Rachel ang paparating na matinding sakit ng ulo. Habang dumadaing ay pumunta sya sa sofa upang makaupo. Isinandal niya ang kanyang ulo at pumikit. Unti-unting pumasok sa kanyang isipan ang mga alaala na alam niyang hindi kanya.
Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang mga alaala na iyon ay pag-aari ng dating may-ari ng katawang ito, ang babaeng nagngangalang Rachel. Matapos niyang tahimik na intindihin ang mga bagay-bagay, sa wakas ay nakarating siya sa dalawang konklusyon.
Mula sa pagiging Shelia Davis patungo sa pagiging Rachel Bennet, siya'y muling isinilang.
Ang dating may ari ng katawang ito ay isang walang kwentang babaeng baliw na baliw kay Victor. Ang kanyang ina ay nagkasakit at namatay kamakailan lang, habang ang kanyang ama ay isang miserableng taong walang silbi.
Noong sandaling iyon, may kumatok sa pinto.
Naputol ang pagninilay-nilay ni Rachel. Isang malamig na tinig ang nagsalita mula sa labas ng kwarto. "Maaari ba akong pumasok?"
Agad itinaas ni Rachel ang laylayan ng kanyang pantalon at nagmadali upang buksan ang pinto. Nakatayo sa labas ang isang matangkad at nanlulumong lalaki. May hawak itong bungkos ng mga papel.
"Ivan." Mabilis na nahanap ni Rachel sa kanyang alaala ang pangalan ng lalaki.
Iniabot sa kanya ni Ivan Chaves ang mga dokumento at isang panulat. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. "Inutusan ako ni Mr. Sullivan upang ihatid ka palabas sa oras na pirmahan mo ang mga papeles ng diborsyo."
Tiningnan ni Rachel ang mga dokumento habang inaalala ang sinabi ng mayordomo kanina. Ngayon ang ikalawang anibersaryo ng kasal nila Victor at Rachel. Ngunit simula ngayon, ito rin ang magiging wakas ng kanilang pagsasama.
Naiplano ba ang kasunduan sa diborsyo ng wala pa sa isang oras? Talaga yatang kinamumuhian ni Victor si Rachel.
Kinuha niya ang kasunduan at inisa-isa ang bawat pahina, maayos na pumipirma ng "Rachel Bennet" kung saan kailangan. Natapos siya sa loob ng wala pang tatlumpung segundo.
"Heto na," sabi ni Rachel habang ibinabalik ang mga papel kay Ivan at kinlik ang bolpen.
Tiningnan siya ni Ivan, gulat at nakataas ang mga kilay. Hindi niya inasahan na magiging ganoon lang iyon kadali. Nang hilingin ni Victor na dalhin niya ang kasunduan, sinabihan siya nito na ayaw ni Rachel pumirma kaya baka kailangan niya itong puwersahin.
"Ayaw mo bang basahin muna ito?" tanong ni Ivan. Hindi pa rin niya kinukuha pabalik ang mga papel.
Tumaas ang kilay ni Rachel at walang pakialam na sinagot, "Huwag na."
"Hindi ka ba interesado sa kung ano ang makukuha mo mula sa diborsyong ito?" Nakakunot na ang noo ni Ivan, patindi nang patindi ang pagkalito.
Nakataas pa rin ang kilay ni Rachel habang inaayos ang kanyang pantalon. Binigyan niya si Ivan ng isang matamis na ngiti. "Hindi ko na iyan kailangan pang basahin. Alam ko na may dalawa lamang na maaaring mangyari. Una, malulubog ako sa utang at kaagad na mawawalan ng pera. Pangalawa, aalis ako sa kasal na ito na walang dalang pera. Sigurado ako na bumuo si Victor ng isang grupo ng mga natatanging abogado upang bumalangkas ng pinakamainam na opsyon para sa kanya."
Dumilim ang mga mata ni Ivan. Sa wakas, kinuha niya ang mga papel ng diborsyo at sinabing, "Hinihiling lamang ni Mr. Sullivan na umalis ka na walang dalang kahit ano mang ari-arian niya."
"Kung gayon, siguraduhin mong pasalamatan mo siya sa ngalan ko." Tunay na walang pakialam si Rachel. Ang nagmahal kay Victor ay ang dating may-ari ng katawang ito, hindi siya. Balewala sa kanya kung mamatay man o hindi ang lalaki.
Hindi naman niya gusto ang isang marahas na lalaking katulad ni Victor bilang asawa, isang lalaking kayang sakalin hanggang sa mamatay ang kanyang maybahay. Ngayon ay nagkaroon siya ng isa pang pagkakataon upang mabuhay, at balak niyang gamitin ito ng wasto.
Napatingin si Ivan sa leeg ni Rachel.
"Nais mo bang tumawag ako ng doktor para sa iyo?"
Panandaliang naguluhan si Rachel bago maalala ang mga pasa sa kanyang leeg. Itinaas niya ang kanyang kamay upang damhin ang mga ito. Nagbalik sa kanya ang pakiramdam na sinasakal siya at kinailangan niyang umiling para makalimutan ito.
"Huwag na. Salamat. Ayos lang ako. Hindi naman ganoon kasakit," sagot niya, sabay kibit-balikat.
"Kung gayon, paki-ligpit na ng iyong mga gamit." Bumalik sa normal ang tono ni Ivan: malamig at pormal.
Tumango si Rachel at umalis ng kwarto ni Victor nang nakapaa, patuloy pa ring hinihila ang kanyang pantalon. Mahaba-haba ang kanyang lalakarin bago makarating sa sarili niyang kwarto. Labis na kina-iinisan ni Victor si Rachel, kaya't ayaw na ayaw niyang makasalubong ito sa pasilyo. Dahil doon, nasa kabilang dulo ng malaking bahay na ito ang kanyang kwarto.
Kailangan niya ng halos dalawang minuto upang makarating doon.
Dating silid-imbakan ang kanyang kwarto. Ngunit hindi nagtagal matapos ang kanilang kasal ay lumipat na si Rachel dito. Itinulak niya ang pinto at mabilis na pumasok sa makitid na daanan.
Napakaliit ng kwarto. Mayroon lamang itong laman na isang kama at isang tokador. Masyado pang magkalapit ang mga ito, kaya't halos wala nang puwang para makalakad ng maayos.
Wala rin masyadong gamit na kailangang i-empake si Rachel. Maliban sa kanyang mga koloreteng nakakalat sa ibabaw ng mesa at ilang mga damit, wala na siyang ibang mga gamit. Nagpalit muna siya ng sariling damit bago isinilid ang iba sa isang maleta.
"Ayan, na-empake ko na ang lahat. Aalis na ako. Sana hindi na kita muling makita, Ivan! Paalam!" pahayag ni Rachel, malamig at tunog walang pakialam ang kanyang boses, habang hinihila ang kanyang maleta sa kahabaan ng pasilyo.
"Rachel, saan ka sa tingin mo pupunta?" Biglang bumukas ang mga pintuan ng elevator at lumantad ang isang babaeng naka-business suit. Rinig ang malutong at matalas na tunog ng kanyang mataas na takong sa bawat hakbang niya sa marmol na sahig. Akmang-akma ito sa kasing-talas niyang boses.
Si Serena ay isang vampire-werewolf hybrid. Ang kanyang mga magulang ay pinatay sa harap mismo ng kanyang kabataan, inosenteng mga mata at siya ay kinuha ng Alpha Tyler ng Black Moon Pack. Hindi sila eksaktong nagpalaki sa kanya. Sa halip, ginawa nila siyang kasambahay at ipinagbili pa siya bilang isang sex slave nang maglaon. Sa lahat ng mga taon na ito, ang tanging pinagmumulan niya ng suporta ay si Brandon, ang anak ni Tyler. Isang araw, pagkatapos magtrabaho ng buong puso, natuklasan niya na matagal na siyang niloloko ni Brandon sa kanyang tunay na asawa. At parang hindi na ito maaaring lumala pa, ipinahayag sa kanya na si Alpha Tyler ang pumatay sa kanyang mga magulang. Parang tuluyan na siyang binalingan ng mundo. Ngunit bigla na lang, dumating sa kanyang buhay ang isang gwapo at malapit nang maging makapangyarihang Alpha na nagngangalang Peter, na sinasabing siya ang kanyang asawa. Na may mapanganib na kapangyarihan sa kanyang dugo na itinuturing siyang banta sa mga bampira at werewolves, at isang mahiwagang kaaway na nagplano laban sa kanya sa dilim, maaari bang magwagi si Serena sa lahat ng mga pagsubok na ito kasama si Peter sa kanyang tabi?
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
[Cute Baby + Secret Identity + Powerful hero and heroine!] Minahal ni Caroline si Damian nang buong puso sa loob ng limang buong taon. Inialay niya ang sarili sa kanya at namuhay nang mapagkumbaba para sa kanya. Gayunpaman, nang humarap ang mag-asawa sa isang krisis, umaasa siya na ang balita ng kanyang pagbubuntis ay maaayos ang kanilang pagsasama, ngunit ang nakuha niya ay isang kasunduan lamang sa diborsyo. At ang masaklap, habang siya ay manganganak, siya ay nahulog sa bitag ng isang tao at ang kanyang buhay ay nasa panganib. Matapos makayanan ang ganoong nakakapangit na karanasan, determinado siyang putulin ang lahat ng relasyon sa lalaki. Limang taon na ang lumipas, muli siyang lumabas na nakataas ang ulo, bilang CEO ng isang sikat na kumpanya. Yung mga dati. Natikman na siya ngayon ng bully ng sarili nilang gamot. At unti-unting lumabas ang katotohanan tungkol sa nakaraan... Nasilaw sa bagong kumpiyansa ni Caroline, gustong makipagbalikan sa kanya ng dating asawa, ngunit pumikit na lang siya sa mga pag-usad nito. desperadong nakiusap si Damian, "Honey , kailangan ng baby natin ang magulang niya please remarry me!"
NAGTAGO siya sa Isla Lutherio upang kalimutan ang nabigong pag-ibig kay Lucy na napangasawa ng kapatid niyang si Martin. Ngunit sa halip na mapanatag ang kaniyang isip, mas lalo iyong gumulo at nakisali pa ang kaniyang puso. Hanggang saan aabot ang pag-ibig niya kung ang babaeng napupusuan ay milya ang layo ng edad sa kaniya? Jasson Luther is eighteen years older than Samara. Maaakusahan na nga siyang cradle's snatcher, mapagkakamalan pa siyang pedophile. Kaya naman para pigilan ang kakaibang nararamdaman sa anak ng mayordoma at driver nila, ibinaling niya ang atensiyon sa iba. Subalit, paano kung ang batang si Samara ay unti-unting nagdalaga? Ang musmos na katawan ay unti-unting nagkakaroon ng kurba. Mapigilan pa kaya niya ang nadarama? Does age really matter? O, mapapa-Yes, Master niya ang dalaga?
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”