/0/67500/coverbig.jpg?v=b750712e8dda6c83820c96943c84ad4f)
Sa Panagip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat at ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan. PLAGIARISM IS A CRIME AND WILL BE PUNISHED BY THE LAW.
'Sa Panaginip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Ngunit hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan.'
"Andrea.." Bahagya akong gumalaw ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata.
"Gumising ka na, Andrea.." Narinig kong sabi nang pamilyar na tinig.
Idinilat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang kaibigan kong si Bea. Nakakunot ang kaniyang noo at halatang naiinis na.
"Oh, Ayan!" Inihagis niya sa harap ko ang kaniyang notebook. "Yan yung lecture natin kanina. Kopyahin mo nalang at magreview ka din. May long quiz daw tayo bukas."
Tinignan ko ang notebook niya at agad itong kinuha upang ilagay sa loob nang aking bag.
"Ang hilig mong matulog. Dapat ay mag' drop ka na. Matulog ka nalang sa inyo, tutal naman ay pumapasok ka lang dito para matulog." Sermon niya.
Sumilip ako sa bintana nang Library. Nakatulog na naman pala ako nang hindi ko namamalayan.
Tumingin ako sa makulimlim na kalangitan. Unti unti nang pumapatak ang ulan hanggang sa lumakas na ito ng tuluyan.
Pumangalumbaba si Bea at malakas na bumuntong hininga.
"Bakit ngayon pa umulan? Nakalimutan ko pa naman yung payong ko. Sabay ba kayong uuwi ni Paulo?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako.
"Hindi ko alam. Baka umuwi na siya." Simpleng sagot ko.
Inis siyang tumingin siya sa akin.
"Andrea, Boyfriend mo siya. Bakit hindi ka sigurado kung umuwi na siya? At bakit hindi kayo sabay? Nag uusap pa ba kayo? Hay nako.. Alam mo at alam nating lahat na sikat sa campus 'yang Boyfriend mo. Hindi lang 'yon.. Gwapo, Macho, Mayaman at Mahal na mahal ka. Kapag 'yan naagaw ng iba, sigurado, pagsisisihan mo!" Banta niya.
Bumuntong hininga ako bago muling sumilip sa bintana. Magsasalita na sana ako ngunit bigla akong inunahan ni Bea.
"Hindi mo siya mahal.."
Dahil sa sinabing iyon ni Bea ay tuluyan na akong napabaling sa kaniya.
"You don't love him. You just forced to say YES when he asked you to be his Girlfriend infront of many Students but the truth is.. hindi mo siya mahal." sabi niya na tila ba siguradong sigurado siya.
"Bea--"
"Hindi mo 'ko maloloko, Andrea. Magkaibigan na tayo mula pa noong mga bata tayo. Iisa ang galaw nang bituka natin. Kilalang kilala kita. Ayokong isampal sayo ang katotohanang 'yan noon pa, pero kailangan mong maging totoo lalong lalo na sa sarili mo. May gusto akong malaman at gusto kong totoo lang ang isasagot mo."
Nakaramdam ako ng kaba sa klase nang pagsasalita niya.
"Hanggang ngayon ba.. hinihintay mo parin siya sa panaginip mo?"
Kasabay ng tanong niyang iyon ay ang malakas na kulog at lalong paglakas ng ulan.
Hindi ko nagawang magsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya na tila nakikiusap sa kung anong bagay na hindi ko alam. Gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Mahal ko si Paulo pero--
"Kalimutan mo na siya, Andrea. Hindi siya totoo!" Madiing sabi niya.
Parang isang sampal sa akin ang huling sinabi niya. Kasabay ng unti unting pagtila nang ulan ang unti unti namang pagbuhos nang luha ko.
"You have to accept the fact, Andrea. He's not real. He's just a part of your dreams. Kahit kailan hindi siya magiging totoo. I'm sorry to say this.. Pero sa tingin ko, you are just hallucinating kaya mo siya nabuo."
NOTE:
This is a work of Fiction. Any names, character and incident are product of Author's Imagination. Any resemblance of an actual events, places, persons; living or death are purely coincidental.
Plagiarism is a Crime punished by Law.
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Pagkatapos itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa kabuuan ng kanyang tatlong-taong kasal kay Colton, buong pusong nangako si Allison, para lamang makita ang kanyang sarili na napabayaan at itinulak patungo sa diborsyo. Nanghina ang loob, nagsimula siyang muling tuklasin ang kanyang tunay na sarili—isang mahuhusay na pabango, ang utak ng isang sikat na ahensya ng paniktik, at ang tagapagmana ng isang lihim na network ng hacker. Nang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, ipinahayag ni Colton ang kanyang panghihinayang. " Alam kong nagkamali ako. Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Gayunpaman, si Kellan, isang dating may kapansanan na tycoon, ay tumayo mula sa kanyang wheelchair, hinawakan ang kamay ni Allison, at nanunuya, "Sa tingin mo, babalikan ka niya? Mangarap ka."
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.