/0/33196/coverbig.jpg?v=20220927160744)
"`Di ba kapag mahal mo, hahabulin mo..."
"`Di ba kapag mahal mo, hahabulin mo..."
PROLOGUE
NAPALUNOK AKO NANG GAGAPIN ni Kim ang mga kamay ko na nakalapag sa mesa. Napatitig ako roon saka nag-angat ng mukha. Nasa isang sikat na restaurant kami ngayong gabi. Bago siya magsalita ay malapad na ngumiti muna siya sa akin.
"I'm so excited to see you tomorrow at the altar. Wearing..."
Pinutol ko ang sasabihin ni Kim sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo ko sa mga labi niya. Sinundan ko `yon ng matamis na ngiti. "Sshh. Enough of exchanging sweet words. Reserve them for tomorrow."
"You know these sweet words won't ran out. I love you, Seb..."
"I love you, too..."
Pagkatapos no'n ay kinintalan ko siya ng halik sa gilid ng kanyang mga labi at lumunok. Sobrang saya ko, dahil sa wakas, ikakasal na kaming dalawa. Sa loob ng ilang taong paghihintay, heto na, mangyayari na. Ilang oras na lang.
Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang tulog ko mamaya dahil tulad ng palagi ay siya lang ang nasa isip ko-si Kim.
Kung sa mga pelikula, ang mga babaeng malapit nang ikasal ay sobrang saya ang nararamdaman, ganoon din ang mga lalaki. Ganoon din kami. O kaya mas doble pa ang sayang nararamdaman namin.
Ilang taon din kaming nagplano para sa aming dalawa. It's now a relief. Pero mas excited ako sa susumunod pang buwan at taon na kasama si Kim.
Pagkatapos naming kumain ay marami pa kaming napagkuwentuhan. Kung ano-ano lang. Kalahati yata ng pag-uusap namin ay nauuwi sa titigan. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang babaeng niyaya kong pakasalan. Noong araw na nakita ko siya ay alam ko nang nag-iisa siya, na bukod tangi siya. Na walang ibang babae na makakapagpasaya sa akin kundi siya lang.
Sobra ko siyang nari-respeto at walang oras o minuto ang lumilipas na hindi siya sumasagi sa isip ko.
She's the one, she's really the one.
Wala akong ibang babaeng hihintayin sa altar kundi si Kim lang. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi siya. Masasabi kong napakasuwerte ko sa kanya dahil sa maraming bagay at um-oo siya sa alok kong kasal sa kanya.
Noong um-oo siya, walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo. Bukas nga ay kasal na namin. Hindi na yata ako makapaghintay. Daig ng excitement ko ang pagdalaw ng antok ko sa `kin. Hindi ko yata magagawang ipikit ang mga mata ko dahil nangangamba akong baka paggising ko ay late na. O `yong... ayaw kong ang bride ko pa ang maghintay sa akin sa simbahan.
Hinatid ko si Kim sa bahay nila. "Tumawag ka kapag nakauwi ka na, ha?" paalala niya sa akin nang makababa na siya ng kotse.
"Opo," sagot ko at ngumiti. Gumanti rin siya ng ngiti sa akin.
Nang makarating nga ako ng bahay ay tumawag ako. Sumagot agad siya. "Nakauwi ka na ba?" Iyon ang bungad sa akin ni Kim.
Humugot ako nang malalim na hininga. Marinig ko lang siya ay para nang nagpa-flashback sa utak ko ang magandang mukha niya. Napakaganda ni Kim. At araw–araw akong in love sa kanya. Alam kong ganoon din siya sa akin. Nararamdaman ko `yon. "Nandito na," sagot ko. "Matulog na tayo." Pero sa tingin ko nga ay hindi ko kayang matulog. I wanted to sleep but I doubted if I could.
"I love you," sabi pa niya.
"Mahal na mahal kita. Hindi na talaga ako makapaghintay sa sasabihin mong 'I do.'
"Yes, I do," natatawang wika ni Kim.
Tumawa rin ako. "You really are excited, huh?"
"Of course. Matagal nating hinintay `to, `di ba? I can't wait, baby."
"Me, too."
Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang tawag dahil ayaw daw niyang makita ko siyang may eyebags bukas. Pero ako heto, nakatitig lang sa puting kisame na animo ay nakapinta sa kisame ng kuwarto ko ang magandang mukha niya. Nakangiti siya sa akin.
Nakatulog pa rin ako. Nagising ako ng alas singko. Ilang oras lang yata ang tulog ko. Bago ako bumangon ay tumitig muna ako sa larawan niyang nakapatong sa mesang nasa tabi ko. "This would be our unforgettable wedding, baby," pagkausap ko sa larawan ni Kim. Kuha iyon noong nagbakasyon kami sa Boracay.
May sorpresa ako pagkatapos ng wedding ceremony namin mamaya. Pagkatapos mismo ng kasal namin ay tutulak kami sa Hawaii para sa honeymoon namin. Iyon ang hindi niya alam dahil ang alam niya lang ay doon kami tutuloy sa bahay na regalo ni Papa para sa amin.
Mabilis akong naligo, nagbihis, at bumaba na.
Pagdating namin sa simbahan ay marami na ang mga tao. Kasama ko sina Mama at Papa.
Halos lahat ng kaibigan namin ni Kim ay inimbitahan namin. Gusto namin, ang lahat ng taong naging parte ng relasyon namin ay makasaksi sa pagselyo ng pag-iibigan namin. Ilang minuto lang ay dumating na si Kim. Mas lumapad ang ngiti ko. Humugot ako nang malalim na hininga. Ni hindi ako mapakali dahil excited talaga akong makita siya nang malapitan at gustong-gusto ko na siyang halikan.
Tumunog na ang kampana.
Nagsimula na.
Nagsimula nang maglakad ang mga ring bearer at flower girls. Sunod-sunod na `yon. At ang pinakahihintay ng lahat-lalo na ako ay ang wife-to-be ko. Napakaganda niya sa suot niya. Mas lalong tumingkad ang ganda niya dahil sa tamis ng ngiti niya... pero agad din namang napalis ang ngiti niyang iyon.
Kumunot-noo ako. Nahulog ang hawak niyang bouquet. Tumulo ang mga luha niya, umiling-iling at pagkatapos ay tumakbo palayo. Parang nagtalo-talo ang iba't ibang tanong sa utak ko. "Kim! Kim!" Halos mamaos yata ako sa kakatawag sa kanya. Hindi ko siya magawang habulin dahil parang tinakasan ng lakas ang mga binti ko.
NAGING MAINGAY ANG PALIGID pero nawala agad iyon sa pandinig ko.
Namanhid ang puso ko at dumaloy iyon sa mga ugat ko na naging sanhi nang panghihina ko. Napaluhod na lang ako sa carpeted na sahig. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Para akong nabingi at tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko, ang paglunok ko, at maging ang pagpatak ng mga luha ko sa sahig na animo para akong nasa pelikula na pulos slow motion habang pinatutugtugan ng madramang kanta.
Parang hindi pa tumitimo sa isip ko ang nangyayari. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung anong tanong sa utak ko ang uunahing sagutin ng utak ko, o kaya'y ni isang tanong ay wala akong kayang sagutin. Para akong tinarakan ng punyal sa dibdib, at agad na hinugot iyon sa akin. Para akong binunutan ng pakpak at ngayon ay hindi ko na magawang gumalaw para lumipad. Para akong kinunan ng tubig sa katawan hanggang sa makaramdam ako nang labis na pagkauhaw. Parang... ah, hindi ko na kaya.
Sabik. Nagtatanong. Gulong-gulo. Hindi alam ang gagawin. Umiiyak.
Ni hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay ako lang ang tao sa simbahan, kinakausap nila ako pero ni isang salita ay walang pumapasok sa radar ko. Naramdaman ko ang mahigpit na mga kamay na humawak sa kamay at balikat ko. Itinayo ako ng kung sino. Walang rumirehistrong pangalan sa isip ko. Hinahawakan ako ng lalaking katabi ko-sigurado akong ano mang oras ay puwede akong bumagsak at hindi ko na ulit alam kung paano pa ang bumangon. Pakiramdam ko ay sobrang hina ng katawan ko. Para akong lantang gulay... walang imik, hindi ko kayang gumalaw, walang buhay. Animo halaman na ilang araw nang naghihintay ng tubig-ulan para mapawi ang uhaw.
Paunti-unti ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil hindi talaga ako makarinig. Sumigaw ako pero ni sarili kong boses ay hindi ko marinig. Sumakit na ang lalamunan ko pero ni isang salita ay wala akong kayang pakinggan.
Sobrang kunot na ng noo ko nang humarap sa akin si-Mama. Sa wakas ay nakaalala na rin ako. Nagsasalita siya, pero wala akong marinig. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "Mama..." sambit ko. Naririnig ko na ang sarili kong boses pero napakahina niyon.
"Kaya mo `to. Malakas ka. Umalis na muna tayo rito," sabi ni Mama. Medyo malinaw na sa ngayon ang mga sinasabi niya. Nakakarinig na rin ako pero mahina. Sobrang hina.
Inakay ako ni Papa, hanggang sa makarating kami sa kotse.
"Ano'ng nangyari, `Ma?" tanong ko, hindi maalis ang titig sa kanya.
Hindi sumagot si Mama. Tumulo lang ang mga luha niya. Niyakap niya lang ako nang sobrang higpit. Nang kumalas ako, umiling ako na parang matatanggal na yata ang ulo ko sa sobrang pag-iling.
Humawak ako sa ulo ko, pababa sa tenga ko. Kumikirot ang ulo ko, ayaw kong makarinig ng kahit na ano. Sumikip ang dibdib ko kaya napahawak din ako roon. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Hindi maampat ang mga luha ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
Hindi ko rin kayang ipaliwanag ang mga nararamdaman ko sa ngayon. Isang bagay na kinaiinisan ko dahil ayaw ko ng mga bagay na ganoon. Gusto ko, lahat ng bagay ay napapaliwanag sa akin sa tuwing naguguluhan ako.
Pero ang taong dapat na makasagot at may kayang magpaliwanag sa akin sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung nasaan. Saan ba siya nagpunta? Tinakasan ako at hindi ko alam kung nasaan na siya.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang maiinit na kamay na humawak sa bagsak kong mga palad. Napatitig ako roon. Saka nag-angat nang mukha...
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
Nadama ni Thea na hindi na siya magiging masaya muli pagkatapos niyang pilitin na pakasalan ang kasumpa-sumpa at misteryosong pilay, na tinawag sa pangalang, Mr. Reynolds. Nabalitaan na ang kanyang bagong asawa ay pangit at napakasama. Dahil dito, inihanda ni Thea ang kanyang sarili na tiisin ang kanyang malungkot na pagsasama. Ngunit nakatanggap siya ng isang malaking pagkabigla pagkatapos. Inulan siya ng buong pagmamahal ng kanyang asawa. Pinaramdam niya sa kanya na espesyal siya.
Si Corinne ay naglaan ng tatlong taon ng kanyang buhay sa kanyang kasintahan, para lamang masayang ang lahat. Itinuring niya siyang walang iba kundi isang bukol sa bansa at iniwan siya sa altar upang makasama ang kanyang tunay na pag-ibig. Matapos ma-jilt, ibinalik ni Corinne ang kanyang pagkakakilanlan bilang apo ng pinakamayamang tao sa bayan, nagmana ng isang bilyong dolyar na kapalaran, at sa huli ay tumaas sa tuktok. Ngunit ang kanyang tagumpay ay umaakit sa inggit ng iba, at patuloy na sinubukan ng mga tao na ibagsak siya. Habang isa-isa niyang hinarap ang mga manggugulo na ito, tumayo si Mr. Hopkins, na kilalang-kilala sa kanyang kalupitan, at pinasaya siya. "Tara na, honey!"
Napilitan si Katie na pakasalan si Dillan, isang kilalang bastos. Kinuya siya ng kanyang nakababatang kapatid na babae, "Ampon ka lang. Bilangin mo ang iyong mga pagpapala sa pagpapakasal sa kanya!" Inaasahan ng mundo ang mga paghihirap ni Katie, ngunit ang kanyang buhay may-asawa ay nagbunga ng hindi inaasahang katahimikan. Nasungkit pa niya ang isang marangyang mansyon sa isang raffle! Tumalon si Katie sa mga bisig ni Dillan, kinikilala siya bilang kanyang lucky charm. "Hindi, Katie, ikaw ang nagdadala sa akin ng lahat ng swerteng ito," sagot ni Dillan. Pagkatapos, isang nakamamatay na araw, lumapit sa kanya ang kaibigan noong bata pa ni Dillan. "Hindi ka karapatdapat sa kanya. Kunin mo itong 50 milyon at iwanan mo siya!" Sa wakas nahawakan ni Katie ang tunay na tangkad ni Dillan—ang pinakamayamang tao sa planeta. Nang gabing iyon, nanginginig sa kaba, binanggit niya ang paksa ng hiwalayan kay Dillan. Gayunpaman, sa isang nangingibabaw na yakap, sinabi niya sa kanya, "Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mayroon ako. Ang diborsiyo ay wala sa mesa!"
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP