Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Unattainable Love
Unattainable Love

Unattainable Love

5.0
20 Mga Kabanata
44 Tingnan
Basahin Ngayon

Eunice Reyes, a 21-years-old girl who was kept being rejected everytime she applied a new job but remained persistent and still continued finding even though there's a lot of possibility that she'd be rejected again. Eunice's persistency lead to a worthwhile. She was hired as what she wished to be, a chef in the luxurious restaurant. As she work on this restaurant, she had met a lot of people that became part on her life. She met the unattainable man she thought, the man who diverted her broken heart into unexpected happiness, the man she had like at first heard of voice. Nathaniel Oliveros is so eminent and high, he is like a star and a moon in the night sky. He cannot be reach easily, that's what other people thought of him, so was Eunice. But that's just what Eunice thought because when she finally interacted to Nathaniel, her perspective towards him had changed. As they kept on interacting almost everyday, their feelings to each other developed more. One day, in a journey wherein they are both present, an unexpected tragedy will come that will lead to start their love story. They'll be stranded in a deserted island, where it soon to be their home. A place that will soon to witness of how they'll show their love for each other, and a place that soon to be fill of happy and sad memories. But the question is, will Eunice feel happy knowing that Nathaniel's love just appear suddenly because of a partial loss of memory? Will she feel relieve knowing that his memories will soon be back and she'll eventually be forgotten by him? Or will she still aspire the unattainable love?

Mga Nilalaman

Chapter 1 Prologo

"Baby, kung ang english ng gwapo ay handsome, ano naman ang maganda?" tanong ko sa napaka-cute na batang kaharap ko. Nanggigigil nga ako sa sobrang ka-cute-an niya, kung hindi lang talaga lalaylay ang kanyang chubby cheeks kapag pinisil, naku, hindi talaga ako magsasawang pisilin ito.

"Ma'te!" He giggled while pointing me. Napangisi naman ako, oh diba? Ako nga sabi ang maganda. Alam niyo na, hindi nagsisinungaling ang bata, lalong-lalo na itong cute kong baby.

Nag-himay muna ako ng isda bago ko iyon sinubo sa kanya. "Wow, very good baby. Oh ito naman, kung ang english ng matangkad ay tall, ano naman ang pandak?" Pinunasan ko ang gilid ng labi niya, ang kalat talaga kumain.

"Ma'te and Emboy!" Pagkasabi niya roon, parehas kaming natawa.

Noong umulan kasi ng katangkaran, mahimbing lang yata kami na natutulog. Wala namang problema, mas gusto ko pa nga na maging pandak kaysa maging matangkad kasi siguradong mauuntog lang ako lagi.

Habang pinagmamasdan ko siya na nawawala ang mata dahil sa labis na pagtawa, hindi ko maiwasan na mapangiti. Sumagi sa isip ko ang mga magulang ko na nasa magandang palasyo, kung saan walang sakit at lungkot na nararamdaman.

Ma, Pa, lumalaki na po ang bunso ninyo. Pinapangako ko na aalagaan ko siya ng mabuti, mamahalin ng sobra, at palalakihin bilang isang mabuting tao gaya ninyo. Sana patuloy niyo pa rin kaming gabayan kahit nasa kabilang buhay na kayo.

I was 18 years old and my little brother was 1 year old when my parents both died because of sickness. Noong panahon na iyon ko naranasan ang matinding sakit sa dibdib ko. Hindi ko matanggap, mali man na kuwestiyunin ang Nasa Itaas nagawa ko pa rin dahil sa labis na emosyong naramdaman ko. Hindi ko matanggap na sabay Niyang kinuha ang mga magulang ko.

Pero kalaunan, naintindihan ko rin kung bakit. Natanggap ko na rin ang pagkawala nila, dahil kung patuloy akong magluluksa, alam kong hindi ko maalagaan nang mabuti ang kapatid ko. It took me years before I accepted their loss.

Ngayon, masaya na ako na masilayan araw-araw ang magandang ngiti ng kapatid ko. Marami man ang hindi tanggap 'yung pag-iral namin sa mundong ito at kahit kaunti lang ang nakakapansin sa halaga namin, masaya na akong makasama lang ang kapatid ko. Atleast mahal namin ang isa't-isa.

Kasalukuyan pa akong nagpapakain sa bunso kong kapatid, at kasalukuyan pa kaming nagkakatuwaan nang biglang lumapit si Lola dala-dala ang kanyang tungkod.

Pareho kaming natahimik ni Emboy mula sa pagtawa. Automatic na tumayo ang kapatid ko at lumapit sa akin, ini-akap niya agad ang matatambok na braso sa leeg ko.

Napangiti ako sa simpleng galaw niya. I caressed his back as I heard his heavy breathing.

Hays, eto talagang baby ko oh. Dalawang taon na kaming nakatira dito pero hindi pa rin sanay sa intimidating na aura ni Lola. Pero alam kong lilipas din ang panahon, masasanay din siya.

"Magandang gabi, Lola!" masiglang bati ko sa matanda. Seryosong tingin lang ang sinukli niya, pero kahit na gano'n nanatili pa rin akong nakangiti at masigla.

Si Lola Ester ang Ina ni Papa. Sa kanya kami ipinagbilin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Noong una, naging pahirapan ang pagtira naming magkapatid dito kasi noon, ang mga tiyahin at mga pinsan ko ay dito pa nakatira, hindi nila kami tanggap kasi nga daw dagdag palamunin lang.

But eventually, my two auntie together with their children, leave us with Lola. Bumukod na sila sa kanilang mga asawa kaya kaming tatlo nalang ni Emboy at Lola ang nakatira dito sa katamtaman at medyo old style na bahay. Matagal na rin kasing nasa kabilang buhay si Lolo Gusting.

Narinig ko ang paghikab ni Emboy kaya napatingin ako rito. Pumipikit-pikit na ang dalawa niyang mata.

"Ma'te, antok na Emboy..." bulong nito sa tainga ko, his head were comfortably resting on the right side of my neck.

Malapit na nga pala mag-alas otso kaya siguro inaantok na 'to. Inayos ko muna ang pagkakaupo niya bago hinaplos ulit ang likod.

"Dalhin mo na 'yan sa kwarto para makapagpahinga na, pagkatapos ay bumalik ka dito para makakain ka na rin." nagsalita si Lola sa harap namin, mukhang kakain na rin yata siya.

I smiled at my Lola. "Sige po, 'La. Babalik din ako agad para maihain ko na 'yung ibang pagkain." Pagkain lang kasi ni Emboy 'yung kinuha ko kanina. Mas nauuna kasing kumain ang kapatid ko kaysa sa'min.

Seryoso lang na nakatingin si Lola sa akin sa likod ng kanyang mga salamin. "Kaya ko na 'to, Eunice. Sige na, iakyat mo na 'yang kapatid mo." mahinanon na sabi niya.

Dahan-dahan na akong tumayo karga si Emboy. Napangiwi pa ako dahil muntik na akong mawalan ng balanse, sa chubby ba naman ng katawan niya ewan ko nalang kung mabuhat ko pa 'to ng maayos.

Either way, I still carried him upstairs. Mahimbing na siyang humihilik pagka-higa ko sa kanya sa kawayang katre. Hinila ko hanggang dibdib niya 'yong kumot at hinalikan sa pisngi bago bumaba.

Kasalukuyan nang kumakain si Lola pagbaba ko, tumaas ang sulok ng labi ko noong makita ang isang plato na meron nang ulam at kanin.

"Salamat, 'La." Tango lang ang sagot niya, nagpatuloy na rin siya sa pagkain kaya gano'n na rin ang ginawa ko.

"Lola, maghahanap po pala ako ng trabaho bukas. Dadalhin ko nalang din si Emboy para wala kang maging problema bukas." Kinuwento ko kay Lola ang naisip ko kanina.

Kahit sa mga simpleng bakery or carenderia lang ako, ayos na ayos na. I didn't finished my culinary arts course because of the lack of money. Kinailangan kong tumigil sa pag-aaral para hindi mabaon si Lola sa utang.

Natanggap ko na rin naman na hindi talaga siguro para sa akin ang field na 'yon, or maybe para sa akin pero hindi pa sa ngayon. Because of that, I just poured all my attention to Emboy.

"Pwede mo namang iwan si Emboy dito para hindi ka na masyado mahirapan bukas at para na rin hindi lumala ang dinadala ng bata. Alam mo Eunice na mas mahihirapan ang kapatid mo kapag laging pag-"

Mabilis akong natawa ng mahina at ngumiti ng malapad kay Lola. Si Lola talaga oh.

"Lola naman, ayos lang po, ano ka ba. Medyo natatakot din kasi 'yong si Emboy sayo. Ngumiti ka kasi ng madalas Lola, mas lalong tatanda ang maganda mong mukha, sige ka." Sinubukan kong ilipat ang topic at pilit na pinapaligaya ang boses.

Tumingin ako kay Lola at nakita siyang seryoso lang na nakamasid sa akin. Kahit anong iwas ko sa topic na 'yon, hindi talaga ako makakawala kay Lola.

"Eunice, hindi habang buhay na iiwasan mo ang tungkol sa bagay na 'to. Hindi habang buhay na parang wala lang ito sayo. Alalahanin mo ang kapatid mo, Eunice. Tumatakbo ang oras at bumibilis. Hinding-hindi mo matatakasan ang katotohanan na may sak-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Lola nang tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng pinagkainan.

A lone tear escaped from my eyes as soon as I turned around. I'm sorry Lola, pero hindi ko pa kayang tanggapin, hinding-hindi ko matatanggap kahit kailan.

Nagising ako nang may naramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Pikit ang mga mata na ngumiti ako, alam na alam ko na kung sino 'to. Siya 'tong naging alarm clock ko sa umaga dahil sa mga mumunting halik niya.

I opened my eyes and his chubby cheeks welcomed to my sight. I pinched it slightly before stretching my arms to ask for a hug.

"Madandang umaga, Ma'te! Emboy love you!" unang salita niya ngayong araw, he responded my open arms.

Kaagad kong pinupog ng halik ang pisngi niya. Napa-cute na bata!

"Ma'te loves you more, baby."

Ma'te is the combination of 'Mama' and 'Ate'. Ako ang nagsabi sa kanya na iyon ang itatawag niya akin. He innocently asked why, I explained to him that I would be the one who would take the role of being his mother and sister.

Ang dami niyang tanong at nahihirapan akong sagutin iyon. He's just 3 years old and I know he couldn't understand the happenings yet and what had happened to our parents.

Nang matapos na kami mag-agahang tatlo, kinausap ko si Emboy na maghahanap ako ng trabaho ngayong araw at iiwan ko muna siya kay Lola.

Yeah, I decided to just listen to my Lola because she's right. Hindi habangbuhay na iiwasan ko 'yon.

Ayaw pa pumayag ni Emboy noong una, umiyak pa nga eh. Sinabi ko na mabait naman si Lola Ester, sinabi ko rin sa kanya na pinaghanda ako ni Lola kagabi ng pagkain kaya hindi dapat siya matakot o maintimida.

Buti nalang at napapayag ko. Hindi kasi sanay si Emboy na mawalay sakin kahit ilang oras lang, kahit naman ako gano'n din. Sanay kami na magkalapit lagi. We're inseparable.

Dahil alam naman na ni Lola Ester kung anong mga gamot ang ipapainom kay Emboy, wala na akong naging problema.

Nakaalis ako sa bahay ng matiwasay. Pero gaya ng araw-araw kong nararamdaman, bumabagabag ang isang isipin na dumudurog sa akin. The thought that I've been trying to avoid, but sadly, it couldn't be forever be avoided.

Emboy inherited my parents' disease. The disease that caused my parents to die, a disease that I wanted so bad to be gone.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 20 Kabanata XIX   07-02 19:00
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY