Get the APP hot
Home / Young Adult / Settled To The Bad Guy
Settled To The Bad Guy

Settled To The Bad Guy

5.0
10 Chapters
18 View
Read Now

About

Contents

Jehan Monhador is satisfied with her life even though she can't meet her biological father. She is wealthy, has a small group of reliable friends, and a man she intended to marry. Her life, which was intended to be happy, became chaotic after she met a man who goes by the name of Thunder. After leaving her own birthday party, she ran across this guy in a club. The same guy who had kissed her that night on the dance floor. She gave a false name to the man when he asked for hers. The guy who keeps expressing his affections for her despite knowing he would be turned down. Upon getting to know him better, Jehan discovers who Thunder is and his connection to her life. Who would have imagined that if Jehan had simply revealed her true identity to him that evening, there would have been no commotion at all?

Chapter 1 THUNDER

Tunog ng acoustic music ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa bar. Halos wala akong makita habang nakikipagsikuhan sa mga tao na nakaharang sa daan. Ang iba sa kanila ay may hawak pang baso ng alak na tumatapon na sa sahig. Nakatuon ang tingin ng mahapdi kong mga mata sa bar counter. Kailangan kong makarating doon bago pa man may tumulong luha sa pisngi ko.

“A glass of Malibu Sunset, please.”

“Right away, ma’am!” nakangiting sabi ng bartender.

Sinamaan ko siya ng tingin na siguro ay hindi niya nakita nang tumalikod siya para kumuha ng baso. Gusto kong ibunton sa ibang tao ang lahat ng sama ng loob na meron ako ngayong gabi, pero sa tingin ko, hindi ko iyon magagawa. Hindi ako pwedeng gumawa ng iskandalo—hindi pwede sa mga oras na ito.

I just turned nineteen today. May natitira na lang akong tatlong oras bago matapos ang special day na ito. Suot ko pa rin ang red dress na advance gift sa akin ni Vhan; ang napaka-loyal kong boyfriend!

Hindi ba dapat nagsasaya ako sa mga oras na ito? Pero nasaan ako? Heto, tumakas sa sariling birthday party at ipinagmukhang kawawa ang sarili.

“Here’s your glass of Malibu Sunset, ma’am!” Inusog ng bartender ang baso sa harapan ko.

Pinakatitigan ko iyong mabuti. Getting wasted in public is not my thing pero ito lang ang tanging option na meron ako. Hindi bale na, kilala ko naman ang may-ari ng bar na ito. Kapag may nangyaring masama sa akin, paniguaradong maaaksyunan kaagad.

Inabot ko ang baso at sumimsim doon.

Ang plano kong isang baso lang ay nasundan ng isa, dalawa at isa pa. Nag-aalinlangan pa ngang ibigay sa akin ng bartender ang pang-apat na baso.

“Sorry, miss but I think… you owe me a drink.”

Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko ang may-ari ng kamay na nakapatong sa kamay kong nakahawak sa baso ng alak. Nararamdaman ko na ang epekto ng alak kaya humilig ako ng ulo para silipin at kilalanin siya.

Malinaw pa sa relasyon namin ni Vhan ang paningin ko kaya sigurado akong lalaki siya. Mahaba lang ang blonde niyang buhok kaya nakapuyod. Matangkad rin siya. Nakasuot siya ng black leather jacket na bumagay sa itim niyang leather jeans at itim ring cargo shoes.

Pagkatapos ko siyang pasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa ay ibinalik ko ang mga tingin ko sa kaniyang mukha. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing gwapo siya. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya kanina. Tumilapon tuloy sa counter ang alak nang maalog ang baso.

“Because when I looked at you, I dropped mine.”

Sinundan ko siya ng tingin nang maupo siya sa bakanteng stool sa tabi ko. Para ba akong nabingi. Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na tambol ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. May sinabi siyang drinks sa bartender na agad naman nitong ginawa.

“That was a pick-up line,” aniya saka ako nilingon. Huli na para umiwas ako ng tingin. The closer he is, the more handsome he becomes.

“Mag-isa ka lang?” Doon lang muling dumaan sa isipan ko si Vhan. Hindi ako tumango para kumpirmahin pero hindi rin naman ako umiling para magsinungaling.

“So, what’s the tea? Birthday mo or something?” Sa pagkakataong ito, ako naman ang pinasadahan niya ng tingin. Saglit lang naman niya akong tiningnan, hindi tulad ng ginawa ko sa kaniya kanina. Umiwas siya ng tingin para lingunin ang bartender nang dumating na ang inorder niyang inumin.

“Birthday ng k-kaibigan ko.” Inabot niya ang inumin niya at sumimsim doon habang sa akin nakatuon ang mga mata niya.

“I mean, galing ako sa party ng kaibigan ko.” Tumango-tango siya nang maibaba niya sa counter ang baso ng alak. “Banned ba sa party ang alak? Bakit ka nandito?”

“Nandito ako kasi—” Natigilan ako nang maalalang hindi ko nga pala siya kilala. Pero minsan, mas magandang mag-share ng nararamdam sa mga taong hindi natin kilala. Hindi ganoon kasakit sakaling may masabi silang hindi maganda.

“Nahuli kong may ibang babae ang boyfriend ko,” pag-amin ko. Hindi naman kami magkakilala at sigurado akong hindi na kami magkikita pa.

“May boyfriend ka na pala.” May panghihinayang sa boses niya. Muli siyang sumimsim ng alak sa basong hawak niya. “Paano mo naman nasabing ibang babae niya iyon? Baka naman kakilala lang.”

“I literally saw it with my two eyes! He kissed her!”

Bumalik ang lahat ng pagkairita ko na naiwaksi na sana ng alak kanina. Binalot kami ng mahabang katahimikan na binabasag ng acoustic music sa background hanggang sa wala na ngang nangahas na magsalita sa aming dalawa. Tahimik naming ininom ang kani-kaniya naming alak hanggang sa maubos ang mga ito at muling humirit ng isa pa.

“Ikaw? Bakit ka nandito?” Hindi na nga ako nakatiis at nagsalita na. Ayaw ko namang mag-iwan ng bad impressionn. Maliban pa roon, hindi yata ako papayag na sa buhay ko lang siya makikiusyuso.

“Ayaw akong payagan ng magulang ko na dalawin si Lolo si sa bahay niya.” Bakas sa boses niya ang pagkadismaya. “Dadalawin ko lang naman ‘yung tao. Hindi naman ako makikihati sa mana.”

“Oh, so you’re rich, huh?”

Umiling siya. “Nope. I’m Thunder. You are?” Natawa ako. Tawa na halos ikahulog ko sa stool na kinauupuan. Mabuti na lang talaga at mabilis niyang naiharang ang braso niya para pigilan yung mangyari.

Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na walang pagdadalawang-isip ko namang tinanggap habang tumatawa pa rin. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likod ng malaya kong kamay para pigilan ang sarili sa pagtawa. Kapag naglaro nga talaga ang tadhana. Sino bang mag-aakalang makakahanap ako ng taong mag-aalis ng problema ko sa lugar na ito?

“I’m Aquinah.”

“Aquinah, gusto mong sumayaw?” Magkahawak pa rin ang mga kamay namin nang magtanong siya. Umiling ako pero mukhang hindi niya napansin yun dahil tumayo na siya. Hinila niya ako papunta sa dance floor.

Pumapailanlang pa rin sa ere ang acoustic music. Nilalabanan ko naman ang pagkahilo. Naramdaman ko ang pag-angat niya sa mga kamay ko upang ipatong ito sa kaniyang magkabilang balikat. Umangat ako ng tingin nang hawakan niya ako sa magkabilang gilid ng aking baywang.

Pinakatitigan niya ako nang maigi.

“Aquinah, do you know that kissing can burn atleast 6 calories per minute? Do you wanna work out with me?”

“Susmaryosep!” Ano ka ba namang bata ka! Saan ka pumunta kagabi?” salubong na sermon sa akin ng ginang na nakasuot ng floral dress at may pag-aalala sa boses niya. Siya si Nanay Dolor, ang isa sa pinakamatagal na naming kasambahay.

Nakayakap ako sa sarili ko habang walang sapin sa paa na hinihintay siyang pagbuksan ako ng gate. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na siyang tanging nadampot ko nang magising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko rin nahagilap ang suot kong stilettos. Mabuti na lang at may naipit akong pera sa likod ng case ng cellphone na siyang ginamit kong pamasahe para makauwi. Agad akong pumasok nang bumukas ang gate.

“Alam mo bang muntik ng atakehin ng sakit niya ang lolo mo nang malamang nawawala ka sa party?” Nanlaki ang mga mata ko at huminto sa paglalakad. Nahihilo pa rin ako. Bago pa man ako matumba sa kinatatayuan ko ay nagpatuloy na ako sa paglakad.

“Si mommy po?” Para akong hinahabol sa paraan ng paglalakad ko. Tinted ang glass wall sa living room kaya imposibleng hindi ko makita ang mukha ko bago ako tuluyang makapasok sa main door. To tell you, hindi iyon kaaya-aya.

“Nasa mansion pa ang mommy mo. Pinapasabi rin niya na tawagan siya sakaling dumating ka na. Saan ka ba kasi galing?” Naririnig ko ang paghahabol ng hininga ni Nanay Dolor, siguro dahil sa pagmamadali niya para maabutan ako.

Huminto ako sa paglalakad nang nasa gitna na ako ng living room. Maging ako ay naghahabol din ng hangin. Napahilig ako ng ulo sa kaliwa at napaisip din. Saan nga ba ako galing?

Sa pagkakaalala ko, matapos kong makita si Vhan na may kahalikang babae sa bandang garden area ay tumakbo ako papunta sa main gate. Abala noon ang guard on duty sa pagpapapasok ng mga nahuling bisita kaya madali akong nakalabas.

Tumakbo ako palayo at agad na pumara ng taxi. Sumakay ako sa taxi na iyon at bumaba sa pamilyar na bar. Pumasok sa loob, naupo sa stool na nasa counter at may naki-upong lalaki sa tabi ko. Kinausap niya ako, niyayang sumayaw at—

“Jehan, hija, okay ka lang ba?”

At hindi Aquinah ang pangalan ko…

“Po? Maliligo po muna ako.” Patakbo akong umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko.

The said party took place at Lolo Martin’s mansion house. Nakainom na ako bago pa man ako umalis nang hindi nagpapaalam. Mas lalo akong nalasing sa dami at sari-saring alak na nainom ko sa bar. Wala na akong maalala pagkatapos akong yayain ng lalaking ‘yun sa dance floor at halikan.

Halikan? Hinalikan ba talaga niya ako?

Napasapo ako sa noo habang ang kabila kong kamay ay nakaalalay sa handrail. Nakayuko akong humakbang pababa sa hagdanan. Habang nasa shower kanina ay kumukulo ang tyan ko kaya napilitan akong bumaba para maghanap ng makakain. Nakapag-cologne na ako at mouthwash pero nakakaamoy pa rin ako ng masangsang na amoy ng alak.

“Where’s Jehan?” Boses ni Mommy ang nagpatigil sa akin sa paglabas ko sa kusina bitbit ang box ng cookies at canned soda na nakuha ko sa ref. Kapapasok pa lang niya sa main door kaya naisipan kong umatras para magtago pero nahuli niya ako.

“Saan ka pumunta kagabi? Ha, Jehan Xaimylle? Wala na bang natitirang respeto riyan sa pagkatao mo at basta ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam? Paano kung inatake ng sakit niya sa puso ang lolo mo?”

Naririnig ko ang mabibigat niyang hakbang. Kahit pa nakayuko ako, alam kong dito siya sa direksyon ko pupunta. Umangat ako ng ulo nang mahagip ng tingin ko ang itim na sandals niyang suot. Sandali kaming nagkatitigan. Ako na ang naunang umiwas ng tingin. Narinig ko siyang sumigaw nang mahina siguro para pakawalan ang pagkainis niya sa akin.

Umangat ako ng tingin nang talikuran niya ako. Medyo na-surprise ako sa ginawa niya. Himala na wala siyang sinabi tungkol sa pagiging grounded ko for a month. Ang tipid din ng naging sermon niya sa akin. Well, siguro napagtanto niya na hindi na talaga ako bata at nakakahiya kay Vhan kung ipagpapatuloy niya ang mga makaluma niyang pagdidisiplina sa akin.

Speaking of that guy… Wow! Hindi man lang yata ako naalala.

“Aalis ka po ulit, mom?” tanong ko nang mapansin ang mga maletang ibinababa ni Lali.

“May unfinished business transaction pa ako sa Seoul. Umuwi lang naman ako rito para umattend ng birthday mo. But look what you did!” Nakatalikod siya sa akin pero base sa pagkumpas ng mga kamay niya, halatang ubos na ang pasensya niya.

Nakatayo lang ako roon buong minuto ng pagbaba ni Lali sa mga maleta. Si Lali ang katuwang ni Nanay Dolor sa mga gawaing bahay. She’s two years younger than me at si Mommy ang nagpapaaral sa kaniya. Ngumiti ako kay mommy nang lingunin niya ako. Kumuha siya ng pera sa wallet niya, binilang ‘yun saka inabot sa akin. Mula nang gastahin ko sa isang araw lang ang laman ng credit ko last year ay hindi na niya iyon muling pinahawak sa akin.

“Dadalawin ko na lang ho si lolo mama—”

“No,” madiin niyang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. Maging sina Nanay Dolor at Lali ay natigilan sa pagtaas niya ng boses. Idagdag pa na hindi pa ako tapos magsalita. "Hindi mo pwedeng dalawin ang lolo mo. My god, Jehan! Gusto mo na ba siyang mamatay?”

Hindi ito ang unang beses na muntik nag atakehin sa puso si Lolo nang dahil sa akin. Halos kaedaran ko na rin nga daw ang sakit niyang iyon. Ilang oras pa lang akong naipapanganak noong namatay si Lola—ayon sa kwento ni Nanay Dolor. Kaya siguro ganoon na lang din kailap sa akin ni Lolo. My existence reminds him of the death of my late grandma. Kaya minsan, ako na lang din talaga ang umiiwas na lumapit sa kaniya.

“Nanay, ikaw na ulit ang bahala rito sa bahay. Magmessage ka lang kung sakaling importante.”

Kumaway ako kay Mommy bago niya itinaas ang windshield ng sasakyan sa gilid niya. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa tuluyang lumabas sa gate ang sasakyan na maghahatid sa kaniya sa airport. Isasara na sana ni Nanay Dolor ang gate nang may humintong kotse sa harap. Bumaba roon ang dalawang babae na hindi ko inaasahan.

“Jehan!” Nakakarindi ang mga boses nila. There’s a girl with short hair who’s a bit smaller than the other girl with long ash hair. They are Charmaine and Aquinah—my bestfriends.

Obviously, nagsinungaling ako sa lalaking humingi ng pangalan ko sa bar kagabi. Hindi ko naman siya kilala kaya bakit ko ibibigay ang identity ko sa kaniya? Pinapasok na ni Nanay Dolor ang kotse at pinayagan ang driver na igarahe ito. Maliban kina Cham at Quin na bumaba sa kotse at sumalubong ng yakap sa akin, may isa pang tao na bumaba mula naman sa driver's seat.

Si Vhan Austin Llorico.

Inayos niya ang pagkakatakip ng kaniyang buhok sa kaniyang noo habang naglalakad papalapit sa akin. Malawak ang mga ngiti niya na siyang ikinahugis-parisukat ng kaniyang mga labi. Akala ba niya madadala ng mga ngitian niya ang ginawa niya kagabi?

“Nag-bar ka? Hindi ka man lang nag-aya!” Napangiwi ako sa sinabi ni Aquinah tsaka siya pilit na nginitian. Magkatabi kaming nakaupo ni Vhan sa sofa. Sila naman ni Cham ang magkatabi sa kasalungat na sofa at nilalantakan ang brown cookies na inihanda ni Nanay.

“’Di ba, Vhan?” dugtong pa nga niya.

Nilingon ko ang katabi kong tahimik lang na nakatingin kay Quin. Salubong ang mga kilay niyang natatakpan ng dark brown at bagsak niyang buhok. Sa limang buwan na naming mag-on ni Vhan, ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nagtaas ng buhok. Nagkibit-balikat siya bago tinapunan ng masamang tingin si Quin.

“Pero seryoso? Bakit ka nga tumakas?” This time, si Cham naman ang nagtanong. Sumulyap ako sandali kina Vhan at Aquinah na patuloy sa pagpapalitan ng masasamang tingin.

“May nakita kasi akong naghahalikang palaka sa party ko kagabi. Alam niyo naman kung gaano ako naiinis sa mga palaka 'di ba? Kaya ayun, ako na 'yung nag-adjust para sa kanila. Nahiya pa, eh!”

“Sana binato mo!” sabat ni Vhan.

Hindi ko alam kung nakuha ba niya ang ibig kong sabihin sa metaphor na ginamit ko para sa kaniya at kay Aquinah na siyang pinaghihinalaan kong babae na kasama niya kagabi. Naikuyom ko nang mahigpit ang kamay kong nakalimutan kong hawak pala niya. Umalingawngaw tuloy sa buong sala ang malakas at baritono niyang sigaw.

Ang lakas lang talaga ng loob niyang nambabae sa mismong birthday party ko at kaibigan ko pa!

“It’s animal cruelty, honey. Ayokong manakit ng mga pangit na nilalang. Alam mo na, baka mas lalong pumangit kapag nasapol sa mukha!”

“Hay, mabuti na lang ako, maganda,” puri ni Aquinah sa sarili. She's checking her new nail art design na pakiramdam ko, kanina pa niya fini-flex sa akin. Paki-alam ko sa kung maganda, masisira rin naman iyan kapag nagsabunutan kaming dalawa.

Aquinah and Vhan are grade school buddies, got separated and haven’t communicated in middle school and then met each other again last year because of me. Sa lahat ng babaeng umaaligid kay Vhan, sa kaniya ako pinaka-insecure.

It’s given that she’s tall, pretty and brainy but aside from that, she’s Vhan’s secret crush way back grade school. Inamin sa akin iyon ni Vhan nang minsang mag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Nagbalak din daw siyang ligawan sana si Quin pagtuntong nila sa middle school pero hindi nangyari dahil lumipat sa school namin ni Cham si Aquinah.

But she’s one of my best friends now. Ayoko siyang paratangan ng walang matibay na ebidensya. Pero sa mga ikinikilos nilang dalawa, parang may something kasi. Idagdag na rin na kapareho niya ng dress na suot kagabi ang babaeng kasama ni Vhan.

Ang balak kong matulog kanina ay nauwi sa panonood ng series na request ni Charmaine. Hindi ko nga alam kung natapos ko ba ang unang episode. Nakatulog kasi ako. Nang magising ay nakahiga na sa kama at malalim na ang gabi.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong bumaba. Patay na ang mga ilaw, maliban sa mga ilaw sa labas ng bahay na tumatagos sa tinted glass wall sa salas. May itinabing pagkain sa akin si Nanay Dolor sa mesa na iinitin ko na lamang sa microwave.

“Gising ka na?” Naistatwa ako sa kinatatayuan, sa harap ng microwave, nang may nagsalita sa direksyon ng bukas na pinto ng kusina. Naaninag ko si Vhan na pumasok sa dining area.

“Nagugutom ka?” Nilagpasan niya ako. Umupo siya sa isa sa mga upuan sa dining. Nakabalot sa katawan niya ang comforter na sumasayad na sa sahig. Pasimple ko siyang inirapan bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan niya at inilapag roon ang bowl ng ulam.

“Hindi ka umuwi?” Ipinatong niya sa mesa ang kaniyang kaliwang siko tsaka nakapangalumbabang humarap sa akin. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay bumalik ako papunta sa ref para kumuha ng maiinom na soda. Bitbit ang soda ay naglakad ako pabalik sa mesa at naupo sa kaharap niya na upuan.

“Sinong boyfriend ba naman ang uuwi nang hindi nakakausap ang girlfriend niyang nag-bar mag-isa at may kasamang ibang lalaki?” Natawa ako sa tinuran niya. Coming from the guy who kissed someone else in his girlfriend’s birthday party.

“Excuse me? Sino ang may kasamang ibang lalaki?”

“Ako siguro?”

“You are talking nonsense, Mr. Llorico!” pagtatapos ko ng usapan. Mukhang nahihinuha ko na kung saan pupunta ang usapan namin kung magpapatuloy kami sa ganoong topic.

“I've been ringging your phone since I heard that you're nowhere to be seen in your own party last night. Guess what? Lalaki ang sumagot. Baka naman may plano kang magpaliwanag?” Hindi ko pa nache-check ang phone ko kaya hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi niya.

Huwag naman sanang ‘yung lalaki sa bar ang sumagot ng tawag niya. Kung ‘di, mababaliktad ang kwento at lalabas na ako ang nagch-cheat sa kaniya. Pinakatitigan ko siya na siyang ginawa niya sa akin. Bakit parang pakiramdam ko, ako itong nah-hot seat sa aming dalawa?

“Sino ‘yung lalaking kasama mo?” Umarko ang natural na mataray kong kilay. Napalunok din ako ng sariling laway. Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa’t isa kung saan ay ako na ang kusang sumuko noong huli. Inabot ni Vhan ang soda. Binuksan niya ito bago ibinalik sa harapan ko.

“Guilty?’ Mabilis akong umiling.

“Why would I? Baka ikaw?” Buntong-hinga lang ang isinagot niya sa naging tanong ko.

Nakangiti siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad siya papunta sa tabi ko tsaka ginulo ang katamtamang haba ng bagsak at natural na brown kong buhok. Naiirita akong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko’t baka may mahulog na hibla sa pagkain ko. Hindi man ako sigurado kung si Aquinah ba o hindi ang babaeng iyon kagabi, walang duda namang siya iyon.

Kilalang-kilala ko siya kahit pa nakatalikod.

“Tutal nakapag-usap naman na tayo, uuwi na ako. Ikaw na ang magsabi kay Nanay D na umalis na ako,” ani niya.

“Nang ganitong oras?” Nilingon ko siya. Alas-dos pa lang ng madaling araw. Walang pag-aalinlangan naman siyang tumayo. Hinatid ko siya ng tanaw nang makalabas na sa gate ang kotse niya.

You will know that you truly love the person if you can see yourself with him in the future. Wala akong nakagisnang ama habang tumatanda at ayokong maranasan ng magiging anak ko sa future ang ganoong pangungulila. I can see Vhan to be that kind of Dad for my future kids. Pero sa mga ikinikilos niya ngayon, unti-unti nang nagiging malabo ang pangarap na iyon.

Sabi nga nila, trust your instincts. Paano ko ba mapapaamin si Vhan nang hindi ako nagmumukha na parang pinagdududahan siya?

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY