Love Me Again
Trust me again
Everyone has their own believes in life, and for Jamara Nicole Domingo, she believes that she deserve a better man, a man who's handsome, smart, sweet, and loyal. At the age of 19, she already have a high standard when it comes to boys that's why up until now, she still NBSB. There's one guy tha
Chapter 1 Late
Halos lumipad na ako sa pagtakbo nang sobrang bilis papuntang room. Paano ba naman kasi, hindi ako ginising ng kapatid ko nagkataon pa na may ibe-bake kami ngayon.
"Mabubungangaan na naman ako nito," bulong ko sa aking sarili at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Humaharang na sa mukha ko ang walang suklay na mahaba kong buhok pero wala muna akong pakialam.
Kahit habol ang hininga ay nakangiti akong napahinto malapit sa room.
"Mukhang hindi pa ako late, nandito pa sila," sabi ko habang tinatanaw ang iilang tao na nasa loob.
"Hoy bakla! Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang baliw, late ka na nga, e,"
Tumigil ako sa pagngiti at nagtatanong ang mga matang tinignan ang nagsabi n'on.
"Anong late? Nasa room pa nga ang classmates natin," ani ko saka tinuro ang classroom.
"Tanga! Ibang section 'yan, kanina pa kami nasa lab. O siya mauna na ako may inuutos pa si sir. Ciao!"
"Teka lang, Jestoni!" Habol ko.
"It's Jessi, not Jestoni," maarteng pagkakabigkas nito. "Oh I forgot, ikaw na pala 'yung kumuha ng mga malaking container sa canteen."
Pagkatapos sabihin iyon ni Jessi ay tumalikod na siya at iniwan akong mag-isa rito.
'Di na talaga siya makaka-kopya sa 'kin.
"Napakamalas talaga, arggh!" I stomped my feet in so much frustration.
Nakabusangot akong naglakad papuntang canteen. Kasalanan talaga 'to ng kapatid ko, paulit-ulit ko pang sinabi sa kanya na gisingin ako nang maaga pero wala. Hays.
'Pero okay na rin 'to, bawas sermon, hehe' isip ko.
Ano kaya pwedeng gawin para hindi ako matakam sa ibe-bake namin ngayon? Hindi ko naman naisip na pwede pa lang mangyari 'to, gusto ko lang naman mag-bake at magpatayo ng sariling pastry sa future pero hindi ko naman akalain na ganito kahirap magpigil.
Marupok pa naman ako sa pagkain. Buti nga kahit papaano ay napipigilan ko ang sarili kong pumapak. I'm so proud.
"Ano ba 'yan ang sikip!" malakas na sabi no'ng babae sa 'di kalayuan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
Masikip? Ang laki pa nga ng space palibot sa kaniya.
"Sinabi mo pa. Bakit kasi may dambuhala rito?" sabi naman no'ng isa.
Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya habang pasulyap-sulyap sa lalaking nasa harapan nila.
Parang nakita ko na siya somewhere.
Nakatayo ito at at may hawak na malaking burger at large coke sa magkabilang kamay. Nakasuot ito ng makapal na salamin, hindi naman siya sobrang mataba. Matangkad lang siguro siya malaman, dagdag pa na malaking polo shirt at pantalon ang suot niya. Mas lalo siya nagmumukhang malaki.
Dire-diretso lang siyang naglakad na para bang walang naririnig at nakikita sa paligid niya.
"Miss! Lumayo ka nang kaunti baka maipit ka!" sigaw sa 'kin ng babae.
Inis ko silang binalingan at akmang pagsasabihan na mali ang ginagawa nila nang mawala sa paningin ko ang lalaki kasabay nang pagbalik ko sa katinuan.
May kukunin pa pala ako. Lagot!
—
"Ngayong mayroon na tayong food na ise-serve for the foundation day, anong drinks and dessert naman ang gusto ninyo?" tanong ni Sir. Lachica habang palakad-lakad sa harap at nakikipag-eye-to-eye sa mga kaklase kong naka-upo. Habang ako ay ilang oras nang nakatayo sa dulo ng lab. This serves as my punishment for being late.
"Sir! Dirty ice cream for dessert," sabi ni Kate habang nakataas ang kamay.
"Ano? Bibili tayo?" tanong ni Jared.
"HRM students tayo, bakit bibili?" nakataas ang kilay na tanong ni Kate.
"Any suggestion?"
Natuon ang atensyon namin kay sir na katatapos lang isulat ang suggestion ni Kate.
Tumahimik na ang dalawa at sinamaan ng tingin ang isa't isa bago ibaling ang tingin kay sir.
"Pustahan may future 'tong dalawang 'to," bulong ng katabi kong si Melissa, late rin.
Siya ang weird kong classmate. Tahimik siya pero bigla-bigla na lang magsasalita. Kadalasan sa ganitong situation. Siya rin ang unang nakakaalam ng chismis dito. Tahimik pero matinik.
Nginitian ko na lang siya ng tipid.
"Okay na sa 'kin 'yon, sir," ani ng isa kong kaklase.
Hanggang sa sunod-sunod nang nagsipag-ayunan ang iba pati na rin ako. Sa huli napagdesisyunan na dirty ice cream ang sa dessert, coffee jelly at buko naman sa drinks.
"That's for today, pag-usapan ninyo na kung sino-sino ang gagawa ng ihahanda ninyo for foundation day. Class dismissed." Kinuha ni sir lahat ng gamit niya at naglakad na paalis.
"Ms. Domingo," gulat akong napatingin sa pintuan kung saan nandoon si sir. Akala ko umalis na siya.
"I hope that was the last time that you'll be late. Kakausapin ko na ang parents mo kapag naulit pa 'to. Understand?"
Dali-dali akong tumango habang nilalabanan ang mga titig ni sir. Pagkakita niya sa naging tugon ko ay umalis na siya. Hoo! Parang binabasa niya ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya.
"Hoy, Jam! Tara na, para kang naestatwa riyan,"
Nagbalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Kate. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong kasama na niya sina Jared, Dwayne, Mika, pati si Melissa. Hindi na ako nagulat na kasama siya, kahit sa iba naming classmate ay ganiyan siya, kabute.
"Bakit?" I mouthed.
"Anong bakit? Tanga, kakain na tayo!" malakas na sabi ni Kate. Nakatanggap siya ng kurot kay Mika dahil sa sinabi niya.
Napatawa na lang ako at hinayaan siya, ganiyan talaga siya magsalita kaya laging may war kapag magkasama sila ni Jared.
Tumakbo agad ako palapit sa kanila at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen. Sa aming anim ay sina Kate at Jared lang ang maingay, nag-aasaran, sina Dwayne at Mika naman ay naghaharutan, at kaming dalawa ni Melissa ay tahimik lang.
"Wala si Claris?" tanong ni Jared.
"May nakikita ka ba?" tanong ni Kate kay Jared na agad nitong inilingan.
"Edi wala! Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako," ani Kate ngunit pabulong lang ang huli.
Pinamulahan siya ng mukha kaya napayuko siya. Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano. Mukhang ako lang ang nakarinig ng huli niyang sinabi dahil hindi nag-react si Jared.
Pagkarating namin sa canteen ay kaming apat lang nina kate, Jared, at Melissa ang naupo. Ang mag-jowa ang nag-order ng pagkain nila.
As always, nagbabangayan na naman sila, minsan ay nakikisali si Mel pero parang may sariling mundo talaga ang dalawa, ayaw magpasali.
Will You Love Me?
Anong gagawin mo kong isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang bestfriend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglan
Until We Meet Again
Ang magkaroon ng childhood bestfriend ang isa sa maganda at hindi natin makakalimutan na pangyayari sa ating buhay ng ating pagkabata. Yung halos araw-araw kayong magkasama sa paglalaro. Sabay kayo nangangarap sa buhay ng mga nais niyong mangyari kasama ang pangako na magkasama niyo ito tutuparin.
Waiting You To Love Me
“I will wait for you, until you are done loving her.” – Sunny Miles Enriquez. We can all love. We can all be hurt. Sunny is a rich and rugged woman. Kilala siya bilang mahirap saktan na babae dahil sa tapang ng ugali nito, but what they see are not true. Sunny will do everything she can to mak
UNTIL I FALL AGAIN
Si Hera at Apollo ay naging magkaibigan. Apat silang magkakaibigan, si hera, apollo, maia at eris. Ang pagkakaibigan ay hindi matitibag ngunit sa pagkakaibigan nila may namumuo nang lihim na pagtingin si Apollo kay Hera. Araw, araw ay may nagcoconfess kay Apollo at araw araw may umiiyak dahil sa kan
FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY (FILIPINO)
WARNING: [R-18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT When Ara met the most annoying man on earth, Daniel, she actually met the man of her dreams. Her knight in shining armor who's willing to protect her, no matter what. They might be like cats and dogs, but he fields her life with roses and
TEMPT ME
Antonius Altamirano is a complicated man with a very complicated heart. After his divorce, he married the woman whom he got pregnant, the famous actress Selene Arnaiz, even if he loved someone else, his long-time mistress, Dr. Leann Zubiri. But the marriage and his love for Leann didn’t
Will You Unmarry Me?
In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspian, that wasn't the case. Exchanging wedding vows doesn't guarantee that they will love each other forever. Marriage doesn't guarantee love. And love isn't always enough.
Hide Me, My Majesty
A young troublesome, brave and fearless woman named Cachet loved adventures and revealing secrets. Her curiousity about their kingdom grew when the orphanage decided to throw her in the royal capital of Xenia. However, her curiousity lead to a shocking truth that made her say these words, "Hide me
Don't Leave me, Arianne
Why do people feel the pain after falling in love? Is your first love your last or does it come to your life to strengthen your belief about love and life? #JACKY Series 1
Faulty Love
When Katalina first saw Vicente, she knew the man was different from everyone else. But why after she gave everything to him, the man only gave her pain and resentment? After a few years, they met again. Will she be able to keep her promise to herself that she will never get fooled by this man aga
Desire Love
Isang dalagang ina na punong puno ng responsibilidad sa buhay ang magiging katulong sa bahay ngisang sikat at mayaman na CEO ng isang wine company. Masayahin at positibong tao si Aleighn habang ubod naman ng sama ng ugali ang isang Craige Aldomar na walang ibang ginawa kundi laitin at maliitin an
Linguistic Love
'Ang lahat ng koreano ay manloloko!' 'Kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng koreano!' April Santiago, ang babaeng may malaking galit sa mga koreano dahil sa kaniyang ama at dahil sa pagkamuhi ay dinamay niya ang iba at nilait niya ito. Paano kung turuan siya ng leksyon dahil sa kaniyang ginawa
Unforgettable love
Hindi inaasahan ni Mianara Sol na ikakasal sya sa kagustuhan ng kanyang lola at namayapang ina. Matapos nyang bigyan ng second chance ang dating kasintahan ay malalaman nya naka arrange marriage din ito katulad nya. Another untold stories will revealed. Hindi nya inaasahan ang isang estrangherong la
Take Me Back To Paradiso
Dignity in exchange of liberty? Vera Imani Aragon, is a well-known model. She grew up surrounded by wealth and the ability to do whatever she pleased. She chooses to fight for her passion no matter how many challenging periods she would encounter. She will remain devoted to her desires. However, it
You're The One For Me
Hindi makakalimutan ni Sandy ang huling gabi niya sa Seoul bago siya umuwi ng Pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng lolo niya para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa apartment niya. And that guy stripped infront of her. Nang muli silang magkaharap ay nalaman niyang ito ang lalak
Mr. Billionaire, Don't English Me
Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di niya kilala at di aakalain mayroon itong amnesia. In
HE IS OLDER THAN ME
Si Annie ay isang sixteen years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang ama. At si Edmon na kuya niya ang naging pinuno ng mga bantay nito. Kahit na hindi naging maganda ang simula ng kanilang pagkikita ay nakadama pa rin siya ng kakaiba para sa lalaki. Sa hind
Don't play with me, Doctor
In a family it is inevitable that someone will deviate in the footsteps of being an entrepreneur. Kj Dela Vega is the only man in their Dela Vega clan to deviate from the footsteps of his family by being a businessman and he preferred his dream of becoming a medicine student from Saint Mary Heart Un
For Once Choose Me Please!
Nagkagusto lang naman ako sa lalaking gusto ko. But I never thought of getting married right away, getting married is a very important thing for me. I should be happy. because, I will marry the person I want. But kabaliktaran, Hindi masaya ang kasal namin may mga kasinungalingan na tinatag, palagi
