/0/66816/coverbig.jpg?v=75957c0493508daeb0931f9972fdb561)
Do you once imagine a place where there's a high paying job but cheap prices of supplies and low bills of rent, water and electricity? Sitio De Villasarza is known because of it. Many people move here because they believe that there's a lot of advantages offered for their family and life. But what if this place has a hidden goal and this benefit is just a plain plan to lure people inside? The three youngsters, Yuki, Deiji and Michelle were living under the same roof in the girls dormitory. The three of them face a different and strange experience inside the Sitio De Villasarza together with Michelle's twin brother, Michael. And they soon met Glenn, classmate of Michael who offered them help and protection. They meet a lot of people and they also fight together as the number of their group keeps decreasing. Can they still be alive or they will be dead before help arrives?
Napamulat ang mata ni Yuki sa biglaang pag-iyak ng isang sanggol na hawak niya. Muntik na siyang magulat ng maalala na wala naman siyang sanggol na anak. She was about to stand up while still holding the baby but she realize that she was only sitting at the top of a high wall while leaning against Deiji. Her room mate. Sa walang kakayahang tumayo ay iginala na lamang niya ang kanya mata.
She saw a nightmare she'd never imagined would even happen in real life. A bunch of zombies trying to reach them. With that, a flashback came into her mind with scenarios on how they end up in that kind of situation.
BIGLANG sumigaw dahil sa inis si Michelle nang buksan niya ang telebisyon sa kwarto ng kanilang apartment. Nakalagay kasi dito ay 'no signal' gayong oras iyon ng paborito niyang anime series.
"Baka sa antenna lang." Pagpapakalma sa kanya ng kambal na si Michael.
"Bawal dito sa dorm ang lalaki. Nandito ka na naman daw kasi Michael sabi ng t.v. namin." Pang-iinis naman ni Deiji sa lalaking kambal ni Michelle.
Ang tinutuluyan kasi nila ay isang Dormitory na para lamang sa babae ngunit palaging nakatambay si Michael sa kanilang kwarto. Samantalang sa kabilang building naman ang boys dormitory.
"Ako na naman nakita ni Ate Deiji." Nakangusong sagot ni Michael habang ginagalaw-galaw ang antenna ng t.v. upang makanood ang kakambal.
Natatawang nakikinig na lamang si Yuki sa tatlo habang nag-aayos para sa trabaho. Isa siyang hotel keeper hindi kalayuan sa kanilang dorm at pang-apat na buwan na niya ngayon dito. So far, gustong-gusto niya ang trabaho dahil malaki ang sweldo at tipid sa gastusin kaya malaki ang naiipon niya. Bukod pa sa binibili niyang pasalubong para sa pamilya na nasa labas ng Sitio De Villasarza.
Maayos naman ang trabaho ng asawa at hindi sila pinapabayaan. Gusto niya lamang tulungan ito dahil lumalaki na ang mga bata at wala pa silang naiipong dalawa.
"Wag niyo ikakalat ang mga gamit ko, pakiusap." Nakataas na kamay at kunwari ay nantataray na pakiusap niya sa kambal na palaging nangingialam ng mga gamit niya tuwing wala siya.
"Si Michelle kasi gustong gusto lagi pakialaman drawer mo kasi lagi ka daw may chocolates sa mga gamit." Panunuro ni Michael sa kapatid.
"Ikaw din naman. Mas malaki ka nga kumagat ei!" Pagbabalik naman ni Michelle
"Ahhhh!" Napatingin ang tatlo kay Deiji dahil sa biglaang pagtili nito.
"Bakit?" Tanong agad ni Yuki dito.
"Walang signal 'yong WiFi. Trinay ko din sa data ng both sim ko. Wala pa din." Pagsusumbong ni Deiji kay Yuki.
Pare-pareho silang napatingin sa t.v. na hanggang ngayon may nakalagay na 'no signal'. Nagmamadali silang tatlo kunin ang kanya-kanyang phone para icheck ang signal.
"Wala din ako." Ani Michael na nakatingin pa din sa kanyang phone at kinalikot-kalikot ito.
"Ako din." Mahinang sambit ni Yuki sa kanila.
Napatingin naman silang apat kay Michelle na may pagtatanong na ekspresyon. Dahan-dahan namang umiling ito sa kanila.
Bagsak ang balikat na lumabas ang apat sa kanilang kwarto upang magtanong sa iba. Maya maya pa ay bigla sila nakarinig ng malakas na pagsabog mula sa labas kasabay ng iba't ibang malalakas na tilian mula sa iba't iba ring tao.
Nag-uunahan palabas ang mga tao mula sa dorm upang matingnan at masilip kung ano ang nangyayari sa labas. Tila pare-pareho silang mga walang alam sa mga nangyayari.
"Michelle, humawak ka sa kamay ko." Biglang ani Michael dahil nakakaramdam siya na may nangyaring masama at hindi maganda.
Humawak naman si Michelle sa kamay ng kambal habang nakasunod silang dalawa kay Yuki at Deiji na ngayon ay papalabas na ng dorm.
"Anong meron?" Tanong ni Yuki sa ibang kasamahan sa dorm na naunang nakalabas.
"Hindi din namin alam. Bigla na lang sila nagtatakbuhan." Sagot naman ni Madrid. Ang kanang kamay ni Nanay Pasing sa paghahanda ng kanilang pagkain.
Tinuro nito ang mga taong takot na takot na nagtatakbuhan papunta sa kabilang direksyon. Tila mula sila sa direksyon ng gate ng Sitio De Villasarza.
Lumapit naman si Deiji sa isang hollow blocks na magkapatong saka umakyat dito.
"Ate Deiji, baka mahulog ka." Paalala ni Michael habang hawak hawak pa din ang kamay ng kambal.
May kataasan kasi ang inakyatan nito. Hindi niya alam ay laking squatter ang dalaga sa labas ng Sitio at sanay sa akyatan ng pader at puno.
Mula sa taas ay nagmasid si Deiji. Naisip niya na sana ay mula sa ikatlong palapag ng kanilang kwarto niya na lang sana sinilip at tiningnan kung hindi sila bumaba at nagmadaling makaisyoso.
Kita niya ang mga taong nag-uunahan papunta sa gawi nila. Sinundan niya ng tingin ang tinatakbuhan at iniiwasan ng mga ito. Nagtataka pa siya ng may kakaibang itsura ang tumatakbo at sumusunod sa isang babae. Niliitan niya pa lalo ang mga mata niya upang makita ng maayos ang itsura nito.
Laking gulat niya ng bigla na lang may lalaking tumalon mula sa gilid ng babaeng tumatakbo saka siya kinagat sa leeg. Lalo pa bumigat ang mga paa ni Deiji ng biglang itingala ng lalaki ang ulo na may kasamang balat at laman ng babae mula sa leeg na kinagatan. Sa sobrang panghihina niya at nagmamadaling makababa ay muntik muntik na siyang mahulog. Mabuti na lamang ay nakaalalay sa kanya ang kambal at si Yuki.
"Anong meron?" Pagtatakang tanong ni Yuki sa kaibigan.
"T-tak... bo..." Nanghihina pang sambit ni Deiji. Lahat ng kasama niya sa dorm ay nagtataka sa inaasal niya.
"Takbo!" Pilit na sigaw ni Deiji saka hinila sa kamay si Yuki at Michelle na hawak pa din ni Michael ang kabilang kamay.
Nagtataka man ang tatlo ay wala silang nagawa kundi sumabay na lamang sa takbo ni Deiji.
Puno ng pagtataka ang mukha ng lahat sa sigaw niya. Tumatakbong sinilip ni Deiji ang ibang kasamahan sa dorm ngunit napahinto siya ng makitang mga nakatayo pa din ang mga ito at nakatingin sa kanilang magkakaibigan at nagtataka kung bakit din sila natakbo.
Napahinto din ang tatlo at napatingin sa kanya saka tumingin sa tinitingnan ni Deiji. Medyo nakakalayo na sila. Sabay-sabay nanlaki ang mga mata ng mga ito ng bigla na lamang may mga taong mukhang nagwawala at wala sa tamang pag-iisip na sinugod ang mga kasamahan sa dorm.
"What the hell?" Takhang sigaw ni Michael na may bahid ng takot.
Lalo sila natakot ng may dugong nagsiagusan mula sa mga parteng kinakagatan ng mga nababaliw na tao.
Pagkatapos itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa kabuuan ng kanyang tatlong-taong kasal kay Colton, buong pusong nangako si Allison, para lamang makita ang kanyang sarili na napabayaan at itinulak patungo sa diborsyo. Nanghina ang loob, nagsimula siyang muling tuklasin ang kanyang tunay na sarili—isang mahuhusay na pabango, ang utak ng isang sikat na ahensya ng paniktik, at ang tagapagmana ng isang lihim na network ng hacker. Nang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, ipinahayag ni Colton ang kanyang panghihinayang. " Alam kong nagkamali ako. Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Gayunpaman, si Kellan, isang dating may kapansanan na tycoon, ay tumayo mula sa kanyang wheelchair, hinawakan ang kamay ni Allison, at nanunuya, "Sa tingin mo, babalikan ka niya? Mangarap ka."
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!