/0/38606/coverbig.jpg?v=3c78daaf99f8b721ef49f45cb1a9d507)
TAHIMIK akong nakatingin sa kawalan. Tanaw ko mula sa veranda ang nagniningning na ilaw sa kabayanan. Napabuntong hininga ako. How I wish I could be one of them---isang ordinaryo na malayang mamuhay bilang normal. Ako si KEINTH LUCAS HARRISON, galing sa pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Monica. Wala akong kaibigan, and I used to be alone since then. Pero mas ginusto ko ang maging ganito, kaysa malaman ng ibang tao ang sekreto ko, or should I say.. SEKRETO ng pamilya ko.
Maxine's POV
BINABAYBAY ko ang maputik na daan papuntang kabilang baryo. Doon ako pumapasok, sa Wilford University, eskwelahan ng mayayaman. At hindi ako kabilang do'n.
Ako si Maxine Filmore, desi Nuwebe anyos. Isang kasambahay ang aking Ina, at sampung taon na itong naninilbihan sa mga Alfonzo. Mabait ang mag-Asawa. Sa katunayan, ang mga ito ang nagpapaaral sa akin, at bilang kabayaran ay tumutulong ako kay Nanay tuwing walang pasok.
Sinipat ko ang suot na relo. Alas Otso na kaya mas binilisan ko pa ang paglakad, alas Nwebe ang pasok ko at hindi ako pwedeng malate.
Nakakainis, wala man lang ni isang tricycle na dumaan kung kailan nagmamadali ako, idagdag pa ang pagkulimlim ng kalangitan hudyat nang nagbabadyang pag-ulan.
Sumimangot ako nang humarurot mula sa aking likuran ang isang kulay itim na sasakyan. Muntik nang matalsikan ng putik ang suot kong uniform. Kotse iyon ni Miss Beatriz, ang unica ija ng mag-Asawang Alfonzo. Kung gaano kabait ang mag-Asawa, kabaliktaran naman si Miss Beatriz. Saksakan ito ng kamalditahan at ubod ng yabang.
AGAD akong nagpunta ng rest room nang makarating ng Unibersidad. Mainam kong pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Papasok pa lang ako pero 'yong hitsura ko pauwi na. Napailing ako. Walang-wala ako kompara sa mga estudyanteng pumapasok dito. Pero kung hitsura rin lang ang pagbabasihan, kahit papaano, may ibubuga rin naman ako. Sabi nga nila para raw akong may foriegn blood. Mukha raw akong Koreana.
Matapos mag-ayos ay pumanhik na ako palabas ng rest room nang banggain ako ng dalawang babaeng papasok pa lamang, nabitawan ko ang mga dalang libro. Agad akong yumuko upang pulutin ang mga 'yon.
"Sorry," maarting wika ng isang babae'ng halata namang hindi sincere nang sabihin 'yon. "hindi kasi kita nakita, eh."
"Served right," anang isa pang babae na natawa.
Mas pinili kong huwag patulan ang mga ito at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. Sanay na ako. Ganito na ang naging buhay ko simula no'ng pumasok ako sa naturang Unibersidad. Gusto kong lumipat ng ibang eskwelahan. Ayoko dito. Mayayabang at arogante ang mga estudyanteng pumapasok dito. Subalit gusto ng mag-Asawang Alfonzo na dito ako mag-aral kesyo wala naman daw problema sa gastusin basta't pagbutihin ko lamang ang aking pag-aaral. Fortunately, graduating na ako ngayon taon sa kursong BSHRM. Sa awa ng Diyos maiaahon ko na rin si Nanay sa kahirapan.
PINILI ko ang umupo sa may bandang likod. Ilang sandali lang pagkatapos no'n ay dumating rin si Miss Gillany, Class adviser namin. At nagsimula itong magdiscuss.
NATAPOS ang unang klase na wala naman akong naintindihan. Wala ako sa mood at tinatamad ako.
Dahil sa alas Dos pa ng hapon ang next subject kaya nagpasya akong umuwi na muna. Wala akong pang-canteen. Isa pa, mas gusto kong iponin ang ibinibigay na baon ni Nanay kaysa aksayahin ito.
Tulad ng lagi kong ginagawa ay naglakad ako papuntang sakayan. Walking distance lang ito mula sa eskwelahan kaya matiyaga ko itong nilalakad araw-araw. Napatakbo ako nang magsimulang umambon. Mabuti na lang at nakarating ako agad sa waiting area bago pa man lumakas ang buhos ng ulan. Dumukot ako ng panyo mula sa bag upang punasan ang mangilan-ngilang patak ng ulan sa aking mukha nang hindi sinasadyang tangayin ito ng hangin. Maagap akong humakbang para maabutan ito subalit kasabay nang paghakbang na iyon ay ang pagharurot ng isang motorsiklo. Agad akong nakaiwas subalit dala nang pagkabigla ay nawalan ako ng balansi.
Napatili ako kasabay ng aking pagbagsak. Nakita ko rin ang pagbagsak ng nakamotorsiklo at pagpaikot-ikot nito.
Pinilit kong tumayo upang sumaklolo, batid kong mas nasaktan ang sakay ng motor.
"Kuya, okay ka lang?!" tanong ko sa malakas na tinig habang paingka-ingkang lumapit rito. Nakasuot ito ng helmet kaya't hindi ko makita ang mukha nito.
Tinulungan kong bumangon ang mamá hanggang sa ito'y makaupo.
"Kuya, okay ka lang?" ulit ko pang tanong. Subalit hindi ko inasahan ang aking naging reaksyon nang maghubad ito ng helmet. Sandali akong napatanga at nakatunghay lamang sa mukha nito; katamtaman ang kapal ng kilay, matangos na ilong, mamula-mulang mga labi, at idagdag pa ang medyo singkit na kulay abo nitong mga mata. Paano nagkaroon ng ganito kagwapong nilalang dito sa Sta. Monica? Maraming gwapo sa Wilford pero parang hindi ordinaryo ang taglay ng lalaking kaharap ko. At parang gusto kong ma-insecure sa kinis ng mukha nito.
"Are you stupid?!" bulyaw ng lalaki na nagbalik sa aking huwesyo. Salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa akin. "Basta-basta ka na lang tumatawid nang hindi tumitingin kung may sasakyan o wala?!"
Parang bólang naglaho agad ang paghanga ko sa kaharap. Nagpanting ang mga tenga na napabuga ako ng hangin. Tinawag ako nitong tanga.
"A-ano kamo?" hindi makapaniwalang tanong ko pa. "Hoy Mister, nasaktan din naman ako, ah! At saka tingnan mo nga 'tong uniporme ko, ang dumi na! Sino kaya 'tong mabilis magmaneho akala mo kaniya 'yong daan!"
Umarko ang kilay ng lalaki, p-um-laster sa mga labi nito ang tila naiiritang ngiti.
"And now it's my fault. Do you have any idea how much my Harley Davidson is? Kahit magtrabaho ka pa buong buhay mo, hindi mo mababayaran 'yan!"
Tumingin ako sa motor. Lihim akong napalunok nang makitang sira ang kaliwang side mirror niyon. Hindi ko alam kung ano ang tatak ng motor pero basi sa klase ay mukha itong mamahalin.
Tingalang napasunod ako ng tingin nang tumayo ang lalaki at tinungo ang motor. Ang tangkad nito. Siguro isa itong basketball player. Ang cool.
Maya-maya pa ay pinaandar na ng lalaki ang motor at pumaharurot. Magpoprotesta pa sana ako pero mabilis na itong nawala sa paningin ko. Inis akong nagpapadyak sa kalsada at mangiyak-ngiyak na sinundan ng tingin ang daang tinahak nito.
Grabe, napaka-antipatiko naman no'n. Ang sama ng ugali. Hindi man lang nag-sorry Muntik na akong mabangga. Siguro sa Wilford din nag-aaral 'yon. Ang yabang, eh!
---
Author's POV
TILA umuusok na ang ilong ni Maxine sa inis nang makauwi sa mansyon. Nagulat ang kaniyang Ina nang makita ang hitsura niya bagamat hindi na lamang ito nag-usisa pa, at ayaw niya ring magkwento. Agad siyang dumiretso sa maid's quarter at naligo.
Dahil sa hapon pa ang pasok niya ay inutusan muna siya ng kaniyang Ina na bumili ng groceries.
UNANG tinungo ni Maxine ang vegetable's section. Muli niyang sinipat ang listahang ginawa ng Ina bago nagsimulang pumili. Akmang kukuha siya ng isang buong repolyo nang kamay nang kung kanino ang kaniyang nahawakan. Awtomatikong nilingon niya iyon para lamang lunuwa ang mga mata.
"Ikaw?!"
TEASER Paano nga ba ma-in-love ang isang BADBOY.. With who has everything; wealth, looks, and popularity. A BADBOY who is certified cassanova yet a fussy one. A BADBOY who believes on his on point of view: “Women are just toys and for lust satisfaction only. No more, no less.” Pero paano kung magbiro si DESTINY, at siya ang mapagdiskitahan ni kupido? Magagawa niya kayang lunukin ang ego at sundin ang itinitibok ng puso? Find out how a CEBUANA Girl captured the hearth of a BADBOY, Byun Baekhyun.
(The CEO’s Obsession is the original title of this story but Tubong Leyte si Danica, naive at may pagka-ignorante---sa madaling salita, probinsiyana. Walang pangarap at kontinto na lamang mamuhay sa bukirin kasama ng mga magulang. Tanging ang kaibigang si Lily at kasintahang si Andrie ang nakakasalamuha niya simula pa pagkabata. At nang dumating sa puntong kinailangang umalis ni Andrie para magtrabaho sa Maynila ay naging mahirap para kay Danica. Sobrang ma-mi-miss niya ito. Pero dahil sa may tiwala naman siya sa huli ay nagawa niya ring pumayag hawak ang pangakong babalikan siya nito. Pero paano kung mabalitaan niya na lamang na ikakasal na ito? Magagawa niya kayang ipaglaban ang kasintahan at isama pabalik ng Leyte O ibang groom ang kaniyang mabingwit?
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Pagkatapos itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa kabuuan ng kanyang tatlong-taong kasal kay Colton, buong pusong nangako si Allison, para lamang makita ang kanyang sarili na napabayaan at itinulak patungo sa diborsyo. Nanghina ang loob, nagsimula siyang muling tuklasin ang kanyang tunay na sarili—isang mahuhusay na pabango, ang utak ng isang sikat na ahensya ng paniktik, at ang tagapagmana ng isang lihim na network ng hacker. Nang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, ipinahayag ni Colton ang kanyang panghihinayang. " Alam kong nagkamali ako. Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Gayunpaman, si Kellan, isang dating may kapansanan na tycoon, ay tumayo mula sa kanyang wheelchair, hinawakan ang kamay ni Allison, at nanunuya, "Sa tingin mo, babalikan ka niya? Mangarap ka."
Si Rhonda ay isang manliligaw na babae sa isang pagkakamali. Matapos mawalan ng trabaho ang kanyang nobyo ng maraming taon, hindi niya naisip na bayaran ang kanyang mga bayarin. Inuna niya ang kanyang mga pangangailangan bago ang kanya.Siya rin ang nag-baby sa kanya para hindi siya ma-depress. At paano niya ito binayaran? Niloko niya si Rhonda kasama ang kaibigan niya! Napakasakit ng puso ni Rhonda. Sa kabila ng panloloko niyang ex, sinamantala niya ang pagkakataong magpakasal sa isang lalaking hindi pa niya nakikilala. Eliam—tradisyunal na lalaki ang kanyang asawa. Sinabi niya sa kanya na siya ang mananagot sa lahat ng mga bayarin sa bahay at hindi na niya kailangang magtaas ng daliri. Tinira siya ni Rhonda, at naisip niyang isa siya sa mga lalaking mahilig magyabang sa kanilang kakayahan. Naisip niya na ang kanyang buhay mag-asawa ay magiging isang buhay na impiyerno. Sa kabaligtaran, si Eliam pala ay isang mapagmahal, mahigpit, at maunawaing asawa. Pinasaya niya siya para umakyat sa corporate ladder. Higit pa rito, tinulungan niya siya sa mga gawaing bahay at binigyan siya ng libreng kamay upang palamutihan ang kanilang tahanan. Hindi nagtagal bago sila nagsimulang sumandal sa isa't isa na parang isang team. Tagalutas ng problema si Eliam.Siya ay hindi kailanman nabigo na dumating sa pamamagitan ng para sa Rhonda sa tuwing ito ay nasa isang dilemma. Sa isang sulyap, para siyang ordinaryong tao, kaya hindi maiwasan ni Rhonda na tanungin siya kung paano niya nagawa ang napakaraming mahirap na bagay. Mapagpakumbaba itong tinalikuran ni Eliam. Sa isang kisap-mata, umakyat si Rhonda sa tuktok ng kanyang karera sa tulong nito. Naging maganda ang buhay para sa kanila hanggang isang araw. Natisod si Rhonda sa isang global business magazine. Isang lalaki sa front page ang nakatitig sa kanya. Nasa kanya ang mukha ng kanyang asawa! Ano ba naman! Kambal ba siya? O may tinatago ba siyang malaking sikreto sa kanya sa lahat ng ito?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Nadama ni Thea na hindi na siya magiging masaya muli pagkatapos niyang pilitin na pakasalan ang kasumpa-sumpa at misteryosong pilay, na tinawag sa pangalang, Mr. Reynolds. Nabalitaan na ang kanyang bagong asawa ay pangit at napakasama. Dahil dito, inihanda ni Thea ang kanyang sarili na tiisin ang kanyang malungkot na pagsasama. Ngunit nakatanggap siya ng isang malaking pagkabigla pagkatapos. Inulan siya ng buong pagmamahal ng kanyang asawa. Pinaramdam niya sa kanya na espesyal siya.
In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspian, that wasn't the case. Exchanging wedding vows doesn't guarantee that they will love each other forever. Marriage doesn't guarantee love. And love isn't always enough.