Kunin ang APP Mainit
Home / Bilyonaryo / The Black Moon Series I: Landon Montelumiere
The Black Moon Series I: Landon Montelumiere

The Black Moon Series I: Landon Montelumiere

5.0
16 Mga Kabanata
33 Tingnan
Basahin Ngayon

Matapos mabigo ni Landon sa isang misyon na ikinamatay ng kanyang fiancée at ang mga kasamahan, nagtungo siya sa probinsya ng La Consolacion upang hanapin muli ang sarili. Ngunit imbis na maging tahimik ang pamumuhay niya roon, mas lalo lang siyang nagimbal nang masaksihan niya ang pagkamatay ng isang binatang naging parte na ng kanyang pananatili sa probinsyang iyon. Kailangang tumakas ni Carmen Zeta mula sa mga tauhan ni Wilson Juico dahil saksi siya kung paano pinaslang ang kanyang kapatid sa kamay ng mga ito. Kaya naman nagpunta siya sa Maynila upang humingi ng tulong at dahil sa Black Moon Secret Organization, magkukrus ang landas ng dalawa. Paano kung malaman ni Zeta na hindi lang siya ang nag-iisang saksi sa nangyari sa kanyang kapatid noon? Paano kung malaman naman ni Landon na ang babaeng kasalukuyang bahagi ng kanyang misyon ay ang nag-iisang susi sa pagkamatay ng kanyang kasintahan? Makuha kaya nilang dalawa ang hustisya sa pagkamatay ng mga taong malapit sa kanilang puso lalo na kung madiskubre nilang hindi lang isa ang kalaban nila kundi isang napakalaking sindikato?

Mga Nilalaman

Chapter 1 PROLOGO: Ang Kapalaran ni Lindon

"NOEL, mag-iingat pa rin kayo kahit na nandiyan kayo sa La Consolacion, ha? Hindi natin alam kung paano gumalaw si Gilbert. Ayoko man mag-isip pero nakakabahala, eh..."

Sinikap ng mag-asawa na ngumiti sa harap ng bagong kasal na sila Max at Esther habang kausap nila ang mga ito sa pamamagitan ng video call. Alam nila ang ibig nitong sabihin. Dalawang buwan na ang nakalipas ay namatay ang isa nilang kasamahan sa Eagle Organization dahil sa isang aksidente ngunit alam nilang hindi aksidente ang ikinamatay nito. Naniniwala silang hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin silang isa-isahin ni Gilbert hanggang sa maubos silang lahat para ang apat na pamilyang nagtayo naman ng organisasyon ang pababagsakin ng lalaki.

"Pwede bang huwag n'yo munang isipin 'yan? Importante ang selebrasyon ninyo ngayon. Sayang lang at hindi kami nakapunta. Ang layo kasi namin sa inyo," nakangiting saad ni Janice habang karga ang panganay na anak na si Lindon.

"Janice, anim na buwan na ang tiyan mo. Mag-iingat ka. Huwag ka na muna kayang magtinda sa palengke."

Nakangiting umiling si Esther sa suhestyon ng asawa. "Hayaan mo siya. Kapag hindi niya naman na kaya saka naman-"

Napatayo sa kinaupuan ang mag-asawang Noel at Janice nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa kabilang linya.

"Max! Esther! Ano'ng nangyayari?!" nagpa-panic na tanong ni Noel.

Mabilis ang kabog ng dibdib nilang mag-asawa dahil naibaba ni Max ang cellphone kung kaya't puro kadiliman lang ang nakikikta nila.

"G-Gilbert..."

Sa nanginginig na boses na iyon ni Max, nagkatinginan ang mag-asawa. Agad na niyakap nang mahigpit ni Janice ang anak na nakakandong ngayon at mahimbing na natutulog. Nanahimik silang dalawa at nakiramdam.

"Hindi ba't sinabi ko sa inyo na iisa-isahin ko kayo? Hindi n'yo ba pinaniwalaan ang banta kong 'yon o sadyang matatapang lang talaga kayo? Akala n'yo hindi ko kayo bibisitahin? Hindi ba kayo natuwa sa surpresa ko?" kasabay noon ay ang nakakatakot na paghalakhak ni Gilbert.

"N-nagmamakaawa kami. Kunin mo na ang lahat ng gusto mong makuha. Gusto mo ba ng pera? Alahas? Ari-arian-" tanong ni Max.

"Nang-iinsulto ka ba? Hindi mo ba naalala kung ano ang gusto kong makuha sa inyo? Buhay ni Melanie ang kinuha ninyo sa akin kaya buhay n'yong lahat ang kukunin ko!"

Napaigtad ang mag-asawa nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril galing sa isang armalite. Halos huminto ang pagtibok ng kanilang mga puso nang marinig ang pagbagsak ng mga ito.

Pipindutin na sana ni Noel ang end call button ngunit narinig niya ang isang kaluskos mula roon.

"Kung ako sa 'yo, hindi ko pa puputulin ang tawag na 'to..."

Nanlaki ang mga mata nila nang makitang kinuha ni Gilbert ang cellphone at hinarap silang dalawa. May bahid ng dugo ang buong mukha nito at nakangiti sa kanila.

"Long time, no see, Noel..."

Isang nakakapanindig-balahibong ngisi ang nakapagpalunok sa lalaki. Nanginginig ang mga kamay nito habang mahigpit na hawak ang cellphone.

"Hindi mo kailangang magsalita dahil alam ko naman na nagulat ka sa pagpunta ko. Akala n'yo ba hindi ko alam? Akala n'yo nakatakas na kayo sa akin? Hindi! Kahit kailan, hinding-hindi ko kayo tatantanan hanggang sa mapatay ko kayong lahat." Napahilamos ang lalaking nasa kabilang linya. "Alam mo ba kung gaano kasakit mawalan ng isang asawa, Noel? Paano kung patayin ko sa harapan mo ang panganay mong anak, si Janice, at ang bata sa sinapupunan niya? Matuwa ka kaya?"

"G-Gilbert...nakikiusap ako sa 'yo-"

"Hindi ba ako nakiusap sa 'yo noon? Hindi ba ako lumuhod sa harapan mo para sabihing huwag mong idamay ang asawa ko? Gagantihan ko kayo ni Janice. Magtago na kayo kasi kahit pa tumakas kayo sa La Consolacion ngayon pa lang, hindi ko kayo bubuhayin bago kayo makapunta ng Maynila."

Ang lalaki mismo ang pumutol ng tawag.

"A-ano'ng gagawin natin, Noel?" Ibinaba ni Janice ang anak sa kama at hinihintay ang kanyang sagot.

Hindi siya makapagdesisyon. Mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang, nagtatawanan sila nina Max ngunit ngayon, puno na sila ng takot dahil sa pagdating ni Gilbert.

"Kailangan na nating umalis. Kumuha ka na ng mga damit at ilagay sa bag. Magmamanman ako sa labas. Paniguradong matagal na tayong minamatyagan ni Gilbert nang hindi natin namamalayan. Tawagin mo ako kapag tapos ka na."

Tumango lang si Janice at saka nagpunta siya sa sala upang tawagan si Henriciero. Kahit papaano'y nabawasan ang kaba niya nang mabilis nitong tanggapin ang kanyang tawag.

"Noel, napatawag ka."

"H-Henry, tulungan mo kami...nakikiusap ako. Patay na sina Max at Esther. Sumugod si Gilbert sa kasal nila. Hindi namin alam kung gaano karami ang pinatay ng grupo niya pero patay na silang dalawa, Henry. Kami na ang isusunod niya," sunod-sunod na sabi ni Noel.

"T-teka. Hindi ko maintindihan. Kumalma ka muna. Ano'ng ibig mong sabihin? Pinatay ni Gilbert sina Max at Esther? Imposible naman yata iyon dahil nasa ibang bansa si Gilbert-"

"Hindi ako nahihibang, Henry! Nakausap ko pa siya gamit ang cellphone ni Max! Please, kaya kong ipaliwanag 'tong lahat mamaya. Kailangan lang naming ng matutuluyan kapag narating namin ang Maynila."

Pasimple siyang sumilip sa bintana upang tingnan ang paligid. Walang tambay sa tindahang nasa tapat lang ng bahay nila. Wala ring mga naglalakad sa labas dahil alas siete na ng gabi. Tahimik na ang buong paligid.

"Matutulungan ko kayo. Hintayin n'yo ako riyan. Nasa byahe kami. Kasama ko sina Sixto at Miguel. Malapit na naman kami."

"Nasa isla pa kami, Henry. Kinse minutos para makuha ko ang jeep sa daungad. Huwag tayo roon magkita."

"Sige. Magkita tayo roon sa Dorca's. Ayos lang ba sa 'yo 'yon?"

Tumango siya. "Sige. Magkita tayo sa Dorca's. Sisikapin naming umalis nang mas maaga-aga para walang makapansin sa amin."

"Mag-ingat kayo, Noel. Hihintayin ko kayo..."

Matapos ang tawag na iyon, binalikan niya sa kwarto si Janice na sininasara ang zipper ng ikalawang bag na nakalagay sa kama.

"Umalis na tayo." Kinuha ni Noel ang dalawang bag at isinukbit sa magkabilang balikat.

"T-teka. Saan tayo pupunta? May pupuntahan na ba tayo pagdating natin sa daungan?"

"Tumawag na ako kay Henry. Magkikita kami sa Dorca's. Halika na. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa paligid."

Kinarga ni Janice ang apat na taong gulang na anak at sinundan ang asawa na nagtungo sa likod-bahay. Maingat silang sumampa sa bangka at nilisan ang kanilang maliit na tahanan.

"Natatakot ako, Noel..."

Nakita ng lalaki ang panginginig ng kamay ng asawa habang nakayakap pa rin sa anak. Malapit na sila sa daungan nang marinig ang isang pagsabog galing sa nilisan nilang tahanan.

Napasinghap silang dalawa. "Diyos ko po!"

Mas mabilis na nagsagwan si Noel. Hindi pwedeng hindi sila makaligtas sa balak ni Gilbert. Kailangan niyang magpakatatag upang mabuhay sila.

Kinuha niya ang susi nang makatapak sila sa daungan. Agad niyang inilagay ang mga bag sa likod ng jeepney. Mabilis rin ang pagkilos ni Janice at sumakay na sa passenger's seat. Habang hinihintay ang asawa, iniupo niya si Lindon sa kanyang tabi at sinigurong may bala ang mga nakatagong baril sa compartment.

"Tumawag ka kay Henry. Sabihin mo, nasa daungan na tayo at paalis na."

Agad na kinuha ng babae ang cellphone at tinawagan ang lalaki ngunit hindi ito sumasagot. Pagsampa ni Noel ay saka lang nabunutan ng tinik si Janice.

"Noel..." Pinindot niya ang loud speaker button.

"H-Henry, ako ito...si Janice. Nasa daungan na kami...paalis na."

"Mabuti kung ganoon. Ayos lang ba kayo?"

"P-pinasabog nila ang bahay namin," naiiyak na tugon ng ginang.

"Huwag kayong mag-alala. Ligtas kayo sa pupuntahan natin. Malapit na kami kaya umalis na kayo riyan."

"Magkita tayo sa Dorca's, Henry..."

Binilisan ni Noel ang pagpapatakbo sa kakarag-karag niyang jeep. Pasalamat na lang siya at wala masyadong bumibyahe sa oras na ito ngunit nang mangalahati sila ay may napansin siyang kakaiba sa sasakyan.

"J-Janice..."

Nilingon siya ng asawa. Mukhang nakutuban na nito ang balak niyang sabihin.

"A-ano 'yon?"

"Kunin mo ang papel na nasa bulsa ng damit ko. Ilagay mo sa loob ng damit ni Lindon."

"M-may problema ba?"

"Nawalan tayo ng preno."

Naisahan sila ni Gilbert. Hindi niya dapat in-underestimate ang kayang gawin nito. Napakabilis nitong kumilos. Ni hindi man lang niya naramdaman na mayroong nagmamanman sa kanila.

Mabilis na kinuha ni Janice ang papel na iyon at sinunod ang asawa.

"Ano'ng gagawin natin?"

"Wala tayong gagawin sa ngayon pero kung sakaling bumilis pa ito, ibabangga ko ang jeep sa isang poste. Bahala na, Janice. Kailangan mong mabuhay at ni Lindon. Hindi ko maipapangakong mabubuhay ang batang nasa sinapupunan mo pero gusto kong makaligtas kayong dalawa." Nakatingin siya san aka niyang kinukuskos ang mga mata.

"N-Noel..." Nangingilid ang luha ng babae.

"Tawagan mo na ulit si Henry-"

Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang sasakyan ang bumangga sa gilid ni Noel. Sa sobrang lakas ng impact nito ay napakayap si Janice sa kanyang anak upang kahit papano ay maprotektahan ito sa panganib bago sila mawalan ng malay.

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Henry nang madaanan ang isang kalsada na mayroong nakatagilid na sasakyan. Napalunok siya sa kaba dahil sa malayo pa lang ay kilala niya na kung kaninong sasakyan iyon. Mabilsi niyang tinanggal ang seat belt at nilingon si Miguel na noon ay nakikipaglaro sa anim na taong gulang na si Sixto.

"Miguel, lalabas lang ako, ha? Titingnan ko lang kung ano'ng nangyari doon sa labas."

"Okay, Dad. Please hurry. Pupuntahan pa natin sina Tita Janice."

Hindi lang masabi ng lalaki ang masamang balita sa anak kaya bumaba na siya. Mabigat ang kanyang mga paa na naglalakad tungo sa insidenteng iyon. Dalangin na kahit dalawa man sa mga taong sakay noon ay buhay pa.

Inilihis niya ang yellow tape upang makapasok sa loob.

"Kakilala n'yo po?" tanong sa kanya ng isa sa mga pulis na lumapit.

Tumango siya bilang sagot. "Ano'ng nangyari?"

"Nabangga sila ng isa pang sasakyan na walang tao sa loob. Hindi namin alam kung ano'ng himala ang nangyari pero isa lang ang nakaligtas sa kanila, iyong bata..."

Lakad-takbo niyang tinungo ang isang ambulansya nang makitang naroon si Lindon.

"Lindon!" tawag niya sa batang may benda sa ulo at may nakapasak na oxygen sa bibig.

"Kilala n'yo po?" tanong ng lalaking nasa loob.

"Opo. Lindon Sta. Inez. Anak siya noong mag-asawa."

"Kayo po ba si Henriciero Montelumiere?"

Alanganin siyang tumango. "Bakit?"

Inilahad nito ang isang sulat. "Mukhang para sa inyo po ang sulat na iyan."

Nannginginig ang mga kamay niyang tinaggap iyon at binuksan.

Henry Montelumiere,

Alam kong may darating na pangyayari sa buhay naming mag-asawa na kakailanganin namin ng tulong mo at alam kong ito na ang tamang panahon na iyon. Hindi ko alam kung buhay man o patay si Lindon habang binabasa mo itong sulat pero gusto kong magpasalamat. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay namin kung hindi dahil sa iyon. Kung sakali man na buhay ang anak namin, maari mo ba siyang dalhin sa bahay-ampunan para naman may mag-alaga sa kanya habang wala na kami ni Janice? Ito lang ang una't hiling namin. Gusto man namin silang bigyan ng magandang buhay, hindi na mangyayari.

Sana naiintindihan mo kung bakit ko sinulat ang liham na ito. Makikisuyo lang ako sa huling pagkakataon kaya sana mapagbigyan mo ako. Maraming salamat, Henry.

Nagmamahal,

Noel

Napaupo siya sa sampahan ng ambulansya nang makita ang pagdala ng mga labi nina Noel at Janice sa sasakyan ng purinarya. Napakabigat ng eksenang iyon sa kanyang puso.

Ako na ang mag-aalaga sa kanya, Noel. Hinding-hindi ko siya pababayaan. Ipinapangako ko sa 'yo na matatamasa niya ang lahat ng bagay na gusto mong ipalasap kay Lindon. Pinapangako ko 'yan.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY