Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Fearless
Fearless

Fearless

5.0
12 Mga Kabanata
43 Tingnan
Basahin Ngayon

Teaser Sa murang edad, natutunan ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid. Kaya, kahit na nahihirapan, pilit niyang pinagsasabay ang pag-aaral at ang pagtratrabaho. For her, nothing could ever beat perseverance and hard work to fulfil dreams. Because of her life struggles, she grew up to be confident and independent. Nabalewala lamang lahat nang ito nang siya'y tumuntong ng kolehiyo and she met her new professor in Philippine Constitution – Raven Vergara. Their first encounter was not actually nice since Raven did not like how she answered him while reciting. But just like an enigma, Raven, without noticing, became curious about how Joy was getting through every day with her life and where she was coming from. Paunti-unti, ang kaniyang mga nalalaman ang nagdala sa kaniya na magustuhan ang dalaga nang husto. They thought that their relationship was smooth-sailing. They were already both planning for their future and starting to build their names on their chosen careers. They both thought that their fearless love was enough to conquer their struggles. Hanggang sa lumapit ulit ang ina ni Joy...

Mga Nilalaman

Chapter 1 Prologue

"Any more questions, Ms. Perez?"

Ang bilis kong umiling do'n sa HR na nag-o-orient sa 'kin sa Company Policies and Regulations ng Jupiter. Si Ma'am Athena. Ang haba nga ng orientation namin! 'Di ako makapaniwala na aabutin pala 'to ng dalawang araw!

Hanggang ngayon pa rin, 'di ako makapaniwala na mapupunta sa 'kin 'tong trabahong 'to. Halos mahilo ako sa bilis din ng kaganapan sa buhay ko. Sino'ng maniniwala na from BPO industry, mapupunta na ako sa Law Firm?!

Iniisip ko pa rin talaga kung pa'no ako natagpuan nitong si Ms. Athena. Ang dami-dami naman sigurong aplikante na dumaan sa kanila, kaya pa'nong naging ako 'yong napili ng sourcing team niya?

Nagtataka pa rin ako, sa totoo lang, sa kuwento niya.

Basta.

Nakita niya raw 'yong resume ko sa isang job platform site 'tapos in-endorse niya raw 'yong resume ko sa client nila. 'Yong client naman daw nila, pina-contact naman daw ako, at in-schedule na ako sa Jupiter for an interview.

Ako naman, siyempre, g-in-rab ko na 'yong opportunity kasi nga, kailangan na kailangan ko na talaga ng trabaho. Pota kasi 'yong bruha kong katrabaho ko ro'n sa Lexus. 'Tang-ina niya. 'Lakas akong i-reklamo na inaway ko siya 'tapos ako raw 'yong naglalandi ro'n sa boyfriend niya... pota, ni wala nga akong balak magsayang ng oras sa lalake!

'Di ko pa rin talaga makakalimutan no'ng pinagharap-harap kami sa HR... ako pa 'yong lumabas na masama! Talaga! Palibhasa, friend no'ng bruha na 'yon 'yong HR. Ako 'yong nadiin!

Nanggigil pa rin ako kapag naalala ko!

Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Pasalamat na lang talaga't dumating 'yong opportunity ko kay Jupiter. Tinanong ko pa nga sa kanila kung fit ba ako sa position, kasi ba naman, ang hinahanap, Secretary raw. Siguro, madali lang naman... pero ang layo naman sa course ko! 'Tapos, undergraduate pa ako! Ano'ng laban ko naman sa may mga pinag-aralan?!

Pero sabi naman ni Ma'am Athena, okay lang daw 'yon sa client nila. Nahihiwagaan ako diyan sa client na 'yan, ha.

Kaso, kailangan ko tal aga ng trabaho, eh. Ayoko namang maging choosy, kaya pinili ko na.

"If that's so, you may now sign the contract and you may now start tomorrow." Ang tamis ng ngiti sa 'kin ni Ms. Athena pagkatapos niyang mag-explain. Ang lambing pa no'ng boses niya.

Ang galing nga niya. Kahit na ano'ng bato ko sa kaniya ng questions about sa contract, 'di naman siya hesitant na magpaliwanag. Chill lang. 'Di siya mukhang annoyed habang nagpapaliwanag ng provisions na naka-stipulate sa contract ko. Mabuti pa siya, kasi 'yong HR namin sa Lexus? 'Di naman sa pangungumpara, pero si Ms. Athena na 'yong pinakamagaling na HR na nakilala ko.

"Ah, Ms. Athena?"

"Hmm?"

"May I know po kung sino'ng superior ko sa client na binabanggit n'yo?"

'Buti na lang pala, naalala ko 'tong itanong.

"Ah! Si Atty. Vergara, sa kaniya ka pala mag-da-direct reporting."

Nanlamig akong bigla pagkarinig ko sa apelyedong 'yon. Pinatay ko na 'yon matagal na sa isip ko. Pinilit ko na siyang kalimutan. Grabe naman agad 'yong epekto.

Pero, teka, pota---

"P-po? Vergara?"

"Oo naman." Nahihiwagaan yata siya sa bagal ng pagkakasabi ko. "May problema ba?"

"Ah, wala naman, ma'am." Nginitian ko lang siya nang ngiwi. Imposible naman yatang siya 'yon. Ang daming Vergara sa mundo kaya! 'Di lang naman siya 'yong nag-iisang may hawak ng gano'ng apelyedo.

May katrabaho nga ako sa Lexus dati na Vergara. Niloko nga siya ng mga kasamahan ko dahil baka raw kamag-anak siya ng Vergara na alam ko, pero sabi niya, 'di raw. 'Tsaka, ang layo naman daw ng estado nila sa mga 'yon.

Kaya, malabong siya 'yan. 'Susko naman, ako lang 'to'ng gumagawa ng sarili kong multo.

Hapon na no'ng nakauwi na ako sa G Tower sa Shaw. Kahit na medyo nakakahapo 'yong traffic kahit na ang liit lang ng BGC at Mandaluyong, na-enjoy ko naman 'yong biyahe. Ang gandang pagmasdan lang sa sakay kong SUV 'yong kulay ng araw na humahalo sa langit. Napakapayapa.

"I thought, you're getting home late?"

"Hindi, ah." Sabay iling ko rito kay Yllena. Mukhang kakaligo pa lang niya dahil nakapusod sa tuwalya 'yong buhok niya.

Na siyang taranta ko naman kasi bitbit niya si Yñigo! Bruhang babaeng 'to!

"Adik ka ba? Magkakasakit 'yang anak mo sa ginagawa mo, eh!" kinuha ko na si Yñigo kaagad sa kaniya 'tapos ako na 'yong nagkarga. Grabe 'yong kaba ko!

Ang laki ng pagtataka niya sa ginawa ko kaya ang lalim din ng gusot no'ng noo niya. "Hey, what did I do wrong?!"

"Yllena, kapag bagong ligo ka pa lang, malamig 'yang katawan mo, 'di ba? Basa pa. Malamang, sensitive 'tong bata kasi malamig ka, kaya bawal mo siyang hawakan, lalo na bitbitin. Magkakalagnat 'to, alam mo ba?"

Ayun na. nanlaki na 'yong mga mata niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Minsan, kahit na naiinis ako rito kay Yllena na nagpabuntis sa lalakeng saglit lang naman niyang nakilala, 'di ko naman maiwasang 'di maawa. Bukod na nga sa tinakwil na siya ng buong angkan niya dahil sa mga pinaggagawa niya, iniwan pa siya no'ng lalake. Ngayon, hirap na hirap siya sa pag-adjust sa sitwasyon niya. Wala siyang alam kung pa'no mag-alaga ng bata.

Pero nandito naman ako bilang best friend niya. Ayoko siyang iwanan na ganiyan siya. Kung puwede ko nga lang siyang sumbatan na gumamit sana siya ng proteksyon no'ng nag-se-sex sila no'ng lalake, eh. H'wag na lang. Ayoko nang gatungan pa 'yong sama ng loob na dinadala niya sa mahabang panahon. 'Di nga lang yata 'to nagkukuwento sa 'kin, pero mukhang dumaan din 'to sa postpartum...

Mabuti na lang talaga't nagkita rin kami at nagkasama pa sa iisang bubong. Nagagabayan ko siya kahit papa'no.

Hinele-hele ko si Yñigo na bumubungisngis naman kapag nagka-clown face ako. Ang cute talaga ng batang 'to!

Si Yllena naman, narinig kong nagtaas na ng boses sa gulat. 'Di ko na siya ga'nong pinapansin kasi nga, 'yong focus ko, kay Yñigo.

Lumingon lang ako sa kaniya no'ng nakahabol na siya sa 'kin ng lakad pagkapasok ko sa loob ng apartment namin.

"Will he get sick now? Flu? Fever? My God, I didn't think of my actions earlier!"

"Kumalma ka lang." kaswal lang akong tumingin. "Sandali mo pa lang naman siguro nahahawakan si Yñigo, 'di ba?" tumango siya. "Baka naman, 'di pa nanuot 'yong lamig ng katawan mo sa kaniya. Next time, mag-ingat ka na. H'wag mo siyang hawakan na basa 'yong katawan mo, okay?"

Ang bilis naman niya ring tumango. Halata nga 'yong takot sa mukha niya sa mga sinabi ko. Nakikinig naman 'to sa 'kin lalo na kapag si Yñigo na 'yong concern niya.

Mabuti pa 'to, nakikinig. 'Di tulad ng isa pang kakilala ko.

"Thank you for the advice, Joy." Nilingon ko na siya pagkalapag ko kay Yñigo sa crib. "I really dunno what to do if you're not around."

'Di ko naman masisi 'tong babaeng 'to na lumaki siya as golden spoon ng Yuchengco. Rich kid mula pagkabata. Sunod sa luho lahat ng gusto. Na-cradle sa mga luho. Alam mong maraming biyaya ng privileges.

Kaya sobrang laking 360 degree turn no'ng dumating 'yong anak niya sa kaniya. No'ng unang kita namin ni Yllena pagkatapos ng maraming taon na nagkaro'n kami ng sari-sariling buhay, alam ko na agad na 'di siya marunong mag-alaga ng bata.

'Yon kasi 'yong mahirap kapag unexpected 'yong pagkakaroon ng anak. Ang daming kawawa. Lalo na 'yong bata na wala pang muwang, 'di na kompleto 'yong pamilya niya. Kasalanan ng mga matatanda, sinasalo ng mga bata. Ewan ko ba.

"Sira ka, matutunan mo rin 'yan. Kailangan mong matutunan 'yan, Yllena."

"I know..." napababa siya ng tingin. "It's just that, I am just scared as to how I'm gonna face this responsibility... alone." Nginitian na niya ako no'ng nag-angat siya ng tingin. "God, I'm being so dramatic again."

"Kaya next time, ha. Gamit-gamit din ng proteksyon kapag may time. Maigi na 'yong i-promote natin 'yong safe sex kesa sa huli na 'yong pagsisisi. Walang assurance sa mundong 'to kundi decisions lang natin."

"Yes, Ma'am."

Tingnan mo 'to, tawa-tawanan lang ako.

"I just hope Donita's here---"

"Ayokong makasama 'yong mga taong ayaw naman makinig sa 'kin."

Natigilan si Yllena sa mga sinabi ko. Galit pa rin ako sa ginawa ni Donita sa 'kin. Parang na-traydor ako. Sinabi ko nang h'wag nang balikan 'yong ex niyang ginago siya, hala, sige, binalikan pa rin kasi mahal niya raw.

Lecheng pagmamahal 'yan. 'Di naman kailangang maging toxic ng relasyon, ah!

Naging malungkot na 'yong mukha niya. "You know it hurts me every time you're this annoyed at Donita."

"Alangan namang maging plastic ako?"

"God, Joy."

"H'wag mong idamay 'yong Diyos sa 'kin." Inirapan ko pa siya. "Sige na. 'Sabi kasi sa 'yo, h'wag kang magbabanggit ng mga pangalang 'di naman kailangan sa pamilyang 'to."

Inirapan din ako ng bruha!

"Yeah, right. Anyway, change your clothes now. I did the saing a while ago. You know the drill, Joy."

Alam ko na 'yan kapag bumungisngis siya. Inirapan ko siya, pero alam naman niyang nagjo-joke lang ako.

Kakasabi ko pa lang na laking RK 'yang si Yllena. 'Di 'yan marunong magluto. Pahirapan pa nga no'ng tinuruan ko 'yang magsaing. Mga sampung sunog na kanin lang naman'yong naganap bago kami nakakain ng kahit papa'nong matinong lutong kanin.

Sandali lang akong nagpalit ng damit sa kuwarto bago ako nagluto sa kusina. Habang nagluluto, 'di ko maiwasang 'di isipin 'yong dalawang kapatid ko na napahiwalay sa 'kin...

Kumusta na kaya sila? Ano na kaya 'yong buhay nila? Naalala pa kaya nila ako? Anim na taon na rin simula no'ng umalis ako sa Maestranza. Hanggang ngayon, ang laki pa rin ng pagsisisi ko na iniwan ko sila kay---iniwan ko sila.

Hanggang ngayon nga, naririnig ko pa rin 'yong mga boses nila na nagmamakaawa na h'wag ko silang iwan; kitang-kita ko pa rin sa isip ko 'yong hagulhol nila, lalo na ni Cara, no'ng hilahin siya palayo sa 'kin at paalisin ako sa bahay namin.

Malinaw pa rin lahat. Kahit na anim na taon na 'yong nakakalipas.

Huminga ako nang malalim. Ayan, naisip ko na naman. Nararamdaman ko kasi 'yong pamilyar na bigat sa dibdib ko kapag sila 'yong naalala ko. 'Di ko mapatawad 'yong sarili ko na hinayaan ko sila na humiwalay sa 'kin. Sila 'yong buhay ko, pero wala man lang akong nagawa para ipaglaban sila sa taong 'yon...

Maaga akong gumising kinabukasan. Alam naman ni Yllena na ngayon 'yong start ng work ko kaya 'di na 'ko nagpaalam sa kaniya na aalis ako.

Sanay naman 'yon.

Ang kaso, pahirapan naman dito sa Mandaluyong! Ang hirap makahanap ng sasakyan lalo na rush hour ngayon!

Ang tagal ko pang nag-antay sa waiting area. Nahulas na nga 'yong make-up ko sa sikat ng araw, eh! Tagktak ang pawis ko sa sobrang init!

No'ng nakasakay na 'ko, nakahinga na 'ko nang maluwag. Sa wakas naman. Makakarating na ako nang maaga sa papasukan ko.

Habang hinihintay ko'yong Grab na nakuha ko papuntang BGC, tinignan ko ulit 'yong endorsement letter ko sa folder ko. Makailang-beses ko na 'yong tinitingnan, pero 'di mawaglit-waglit sa 'kin kung ano'ng meaning no'ng initials sa company na papasukan ko.

VVM Law Firm

'Di naman kasi naka-specify rito sa letter kung ano'ng ibig sabihin ng mga initials na 'yan. S-in-earch ko pa kay Google kung 'yon, kaso para namang ayokong maniwala.

Vergara, Vergara, Madrigal Law Firm

Parang sumirko bigla 'yong puso ko sa sobrang gulat!

Oo, alam kong matagal na. Ni wala na nga ako halos contact sa taong 'yon, pero bakit mukha naman yatang pinaglalaruan ako ng tadhana?!

Tingin ko naman, 'di siya 'to, 'di ba?!

Grabe naman mag-joke sa 'kin ang tadhana kung siya man 'to!

'Tsaka, mukha namang malabong siya 'to.

Alam kong nag-take siya ng BAR para maging abogado habang kami pa---ni no'ng 'di pa nga kami, nag-te-take na 'yon pero 'di naman talaga siya 'to!

'Di ko na tinignan 'yong other details kasi baka mas makagulo pa 'to sa isipan ko ngayon.

Kailangan ko ng trabaho. Lumalaki na 'yong bills ko. Ang laki pa ng utang ko sa credit card ko dahil nawalan ako ng trabaho.

Bumaba ako nang mabilis no'ng sinabi no'ng driver na nasa building na ako kung nasa'n 'yong VVM.

Gusto ko 'yong ambiance sa labas pa lang. 'Yong warm lights kasi, ang sarap pagmasdan ng mga mata.

No'ng tumunog na 'yong elevator na hinihintay ko at napunta ako sa floor kung saan located 'yong VVM, ilang breathing exercises muna 'yong ginawa ko.

'Di ko naman siya kailangan actually, pero gusto ko kasi, confident akong haharap sa boss ko. What matters to me right now was money, and of course, work.

Pagbukas ko ng pinto, 'yong malaking paint portrait ng tatlong lalake 'yong bumungad sa 'kin. Katulad sa labas, dim din 'yong lights dito sa loob. Modern look 'yong style ng office. Parang ang cozy. Nakaharap sa akin 'yong malaking couch at sa likod nakasabit 'yong malaking painting.

Parang gusto ko tuloy umupo kasi nakita ko 'yong upuan. Napahinto lang ako sa paglinga no'ng may tumawag sa akin na babae.

"Miss, you're looking for?"

Petite 'yong babaeng humarap sa akin. Hanggang balikat lang 'yong buhok, naka-bangs pa. Ang simple lang ng make-up niya, pero mukhang na-highlight 'yong mga mata niya na naka-curl 'yong lashes---o baka, natural lang sa kaniya 'yon. Sa hitsura niya, siya 'yong tipong 'di mo puwedeng biruin kasi kahit na welcoming 'yong hitsura niya, parang 'di siya puwedeng biruin?

Oh, ako lang 'to?

"Ah! I'm looking for Ms. Aliana Galvez."

Ngumiti naman siya. Kaso, ang tipid. "I'm Aliana."

Saglit lang naman akong na-surprise. Dahil iniisip ko na nakita ko na talaga siya dati... 'di ko lang maalala kung saan.

Sinuklian ko rin 'yong ngiti niya. "Hi, ma'am!" naglahad ako ng kamay ko. "I'm Joy Perez from Jupiter Resources."

Napansin kong ang laki no'ng gulat niya pagkasabi ko pa lang ng pangalan ko. Nakabawi rin naman siya pagkatapos. Pero kataka-taka 'yong reaksyon niya, ha?

"Oh." Umiling pa siya. "Anyway, please have yourself seated."

"Thank you."

Umupo kami ro'n sa couch na color black. Ang motif ng office nila, white, chocolate, black. Simple and minimalist. In fairness, may taste siguro sa interior design si Ma'am Aliana.

"Actually, we've been waiting for the new applicant to be deployed here in our office."

Nagtataka na talaga ako kasi nakakunot pa rin 'yong noo niya.

"Anyway, was Jupiter informed you that your job is on reliever status?"

"Yes."

Wala naman akong choice, eh. Isa pa, kailangan na kailangan ko na ng trabaho. Kapag namili pa 'ko at 'di ko tinanggap 'yong offer nila, mapipilitan akong gamitin 'yong trust fund na ginawa ko sa dalawang kapatid ko.

Wala sa plano kong gawin 'yon.

Ginawa ko lahat ng pag-iipon para lang mapaghandaan ko 'yong future nila. Mataas 'yong goal ko na mabawi ko sila ro'n sa---basta, kailangan, makaipon ako nang malaki.

Tinanguan ako ni Ma'am Aliana. "Are you aware of the task you're gonna do here?"

Tumango ulit ako sa kaniya. "Yes, ma'am."

Do'n pa lang sa Jupiter, sinabi na sa akin kung ano'ng gagawin ko. Madali lang pala. Isa pa, since secretary ako, alam ko na depende sa boss kung pa'no magugustuhan 'yong trabaho mo. Suwerte ko lang na galing ako sa BPO company. Ang dami ko pa namang nakakausap na toxic na mga tao at clients. Awa naman ng Diyos, buhay pa sila.

"Alright." Matipid pa rin 'yong ngiti niya.

May mga follow-up questions pa siya kaya parang nagkaroon din ako ng mini-interview.

"Do you have any questions?"

"Will you be my boss?"

"No." nakangiti siyang nailing. "I'm only the paralegal. You'll be directly reporting to Atty."

Tumango-tango ako.

"So, I guess, it's about time that I will introduce you to Atty. Vergara."

Pinatigil ko kaagad 'yong puso ko na kumabog. Kasi, ano ba? Hindi lang naman siya 'yong Vergara rito sa mundo, ano?

"Sure, ma'am."

Pinatayo na niya ako 'tapos naglakad na kami papunta sa isang office na parang 'di gano'n kapansinin. Nasa loob kasi 'yon. Parang walang balak lumabas no'ng abogado na 'to, ah?

Kumatok muna si Ma'am Aliana bago pinihit 'yong doorknob. Naunang pumasok si Ma'am Aliana bago ako.

Ang saya ko pagkapasok. Ready na ready na ako batiin 'yong magiging boss ko kasi kailangan kong gumawa ng good impression dahil naniniwala ako na first impression last pa rin.

Babati na sana ako pagkaalis ni Ma'am Aliana sa harapan ko, pero parang tumigil ang mundo ko no'ng masilayan ko... 'yong magiging boss ko.

Alam kong mahilig siyang magpahaba ng buhok niya, pero nanuyo 'yong lalamunan ko mas mahaba na pala 'yon ngayon. Lagpas balikat. Mas naging seryoso 'yong mukha niya; Salubong 'yong makakapal na kilay niya. 'Yong mga mata niya, ang lalim ng titig sa 'kin. Mas nagmukha siyang mature sa suot niyang corporate attire.

Kailan... kailan nga ba kami huling nagkita?! Ba't mas lalo siyang gumuwapo ngayon?!

"Atty. Vergara, this is Joy Perez, our new secretary. She will relieve Ms. Morales for three months."

"Welcome to VVM Law Firm, Miss Joy."

Pati 'yong boses niya, mas lumalim!

"Miss Joy, are you listening?"

Ang bilis kong napakurap sa pagtapik ni Ma'am Aliana. Pota, kanina pa ba ako nakatulala?!

"Yes, sir."

Sinubukan kong ngumiti, pero parang hinila lang ako no'n sa nakaraan. No'ng habang nagrerecit ako 'tapos sinabi niya sa akin na ayaw niya confidence na pinakita ko. Ang bilis namang magdaan ng panahon. Bakit bumilis bigla 'yong anim na buwan?!

Pa'no'ng nangyari siya 'yong boss ko?! May ginawa ba 'to para mapili ako rito sa VVM?!

"Please exercise how to be attentive. I don't want employees who are absent-minded."

Aba, ang sungit nito, ah?!

"I'm sorry, sir."

"I guess, I should get out of here." Binalingan ni Ma'am Aliana si Raven na nando'n lang sa table niya, nakaupo, habang may mga tambak ng mga papel sa magkabilang gilid niya. "Just call me outside if you need my help." Nagtaka naman ako kaso ako naman 'yong binalingan niya. "Or I guess, it should be you who should call me."

Ano raw?!

Pagkalabas ni Ma'am Aliana, lumakas lalo 'yong kabog sa dibdib ko. Halos marinig ko na nga, eh! Peste naman. Sana, binasa ko na lang 'yong nasa google. Ayoko kasing basahin 'yong tungkol sa VVM kasi baka mag-tamang hinala na naman ako.

"Is there anything you need, Rave---attorney?" nagtikhim kaagad ako dahil muntik ko nang masabi 'yong pangalan niya bigla!

Napalunok ako sa lalim ng pagtitig niya. Napahawak ako nang mahigpit tuloy sa strap ng shoulder bag ko.

Wala akong mabasa sa mga mata niya. Siguro, tinatago niya lang 'yong sakit ng pag-iwan ko sa kaniya noon? 'Di ko alam.

Baka naman, naka-move-on na siya at 'yong pakikitungo niya sa 'kin ngayon, for professional purposes lang. Wala naman siguro siyang kinalaman sa pagpili sa akin ni Jupiter.

Tama. Baka naman gano'n.

Doon lang yata ako nakahinga no'ng bumuntong-hininga siya nang malalim.

"Nothing." 'Yong panga niya, kumuyom pagkatapos niyang magsalita. 'Di na siya nakatingin sa 'kin at nagbasa na ng mga papel na hawak niya. "You may go. I'll just give Aliana a call if I need something."

"Noted, sir."

Sa pag-talikod ko kay Raven, akala ko tinapos ko na 'yong yugto ng buhay ko na siya 'yong kasama ko noon. Akala ko, wala nang puwedeng magpaalala sa kaniya sa 'kin nang kahit na ano.

"By the way, nice meeting you again... Joaquin Ysabella."

Dahil sa simpleng sabi niya lang ng pangalan ko, 'di na naman ako ulit makahinga. 'Yong mga alaala, lumitaw na naman sila sa isip ko.

Akala ko, nakawala na ako sa sakit.

Akala ko, nakalimutan ko na siya.

Pero, 'di pa rin pala.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 12 10. Name 2   10-28 10:38
img
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY