Kainis! Siguradong kakuntsaba ng bwisit ang kaibigan niya.
Akma na sana akong tatalikod para umalis pero nakita na ako ng kapatid ko at agad na lumapit sa akin. "Told ya! Mapapapunta kita dito." At talagang nginsian pa niya ako tsaka inakbayan. "Doon na tayo sa VIP room. Nandoon na ang buong banda."
No choice kaya hindi na ako nagtangkang umangal. Nandito na ako kaya mabuti pang mag-enjoy nalang sa buong gabi. Maiintindihan naman ako ng mga kaibigan ko kung ipapaliwanag ko ang kalokohan ng lalaking ito.
"Bakit ba biglaan ang tawag nyo sa akin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa VIP room kung saan naka-reserve para sa grupo namin. "Hindi ba't sinabihan ko kayo na kapag may ganitong event, ia-advance nyo ako nang sa gayon ay makapaghanda ako?"
"Si Hiro ang vocalist kaya alam kong hindi ka mahihirapan," paliwanag niya. "At biglaan dahil kanina lang kami sinabihan ng may-ari ng bar. Si Ate Daphney kasi ang nag-recommend sa'tin kaya hindi na natanggihan."
May banda kasi kami ng kapatid kong ito kasama ang ilan sa malalapit niyang kaibigan. The Mnemosyne. No particular meaning why they chose that name but most of the band members said that they want to engrave every experience they have on their memory.
So, I chose Mnemosyne which is known as the goddess of memory.
Pero hindi naman ito ganoon kasikat tulad ng ibang banda dahil sa mga bar at piling event lang kami nagpe-perform. May ilang pagkakataon din na nag-organize ng event sa school nila ay isa kami sa napili para tumugtog doon.
Yeah, kasali ako sa bandang ito at ako ang nag-iisang babae sa grupo. I am the band's drummer but only the members know my identity.
Everyone assumes that the drummer of The Mnemosyne is a man because every time we perform, I always wear black jacket with a hood.
Nakataklob lagi sa ulo ko ang hood ng jacket na sinusuot ko at may suot pa akong half mask just to make sure that no one will be able to know my identity. Nakatulong din ang dim lights na nilalagay sa pwesto ko kaya walang nagkakaroon ng hinala na isang babae ang nakaupo sa harap ng drums at nagpapatugtog nito.
At kapag natatapos ang tugtog, ume-exit agad ako na hindi ko akalaing magiging dahilan pa para makuha ko ang atensyon ng karamihan. Sobra silang na-curious sa'kin dahil daw misteryoso ako sa paningin nila.
Well, I just need to do that to protect my image. May ibang buhay akong pinagtutuunan ng pansin na hindi pwedeng madamay sa pagbabanda.
Anyway, I am Sanna Rien Encarias, 20 years old at itong kapatid ko ay si Sein Ranie Encarias, 20 years old pero hindi kami kambal.
Magpinsan talaga kami pero dahil namatay ang magulang ko noong bata pa lang ako ay inampon at itinuturing na akong tunay na anak ng kapatid ni Daddy na siyang mommy nitong si Sein.
Hindi naman naging problema sa asawa nito ang tungkol sa akin at maluwag nito akong tinanggap. At kahit kailan, hindi nila ipinaramdam na ampon ako, sa halip ay itinuring nila akong tunay na kabilang sa pamilya nila at lagi ko iyong ipinagpapasalamat.
"Hey, guys! Nandito na ang ating drummer," agaw ni Sein sa atensyon ng lahat pagpasok sa VIP room na inookupa ng miyembro ng Mnemosyne.
"'Yon!" Agad akong nilapitan ni Hiro, ang vocalist namin at ang boy bestfriend ko. "Long time no see, Sanna." Niyakap niya ako saglit tsaka ginulo ang buhok ko. "Gumaganda ka, huh."
Sinamaan ko siya ng tingin at agad na sinuntok sa braso bago pa siya makalayo sa akin. "Gago! Magkaiba lang ang school natin, hindi ka na nagpapakita. Bihira ka ding tumawag at magtext. Matindi ka, huh."
Napakamot siya ng ulo tsaka muling ginulo ang buhok ko. "Sorry naman. Medyo busy kasi sa school."
Susuntukin ko pa sana uli siya pero agad na siyang nakalayo sa akin kaya napairap na lang ako. "Baka busy sa babae mo!"
"Ay grabe ka!" Hinila niya ako kaya napaupo na ako sa sofa. "Good boy kaya ako. Busy lang talaga sa school dahil iyang kapatid mo, napagtripan akong isali sa student council at sa kasamaang palad ay ako ang nanalo."
Nilingon ko si Sein na nagpipigil ng tawa at ang apat pa naming kasama.
"Laptrip nga eh," singit ni Aldean, ang rhythm guitarist at kapatid nitong si Hiro. "Ginawa niya ang lahat para ma-turn off ang mga students sa kanya at hindi iboto pero langya! Walang talab dahil ninety percents ng votes ay sa kanya pa din napunta."
"Idaan ba naman sa kagwapuhan," naiiling kong sabi.
Just like what I said earlier, hindi ko sila kasama sa school at dahil tatlo hanggang apat na beses sa isang buwan lang kami magkaroon ng gig ay bihira ko lang din talaga silang makasama.
Well, maliban sa bestfriend ni Sein na madalas ding tumambay sa bahay. Hindi lang kami masyadong makapag-usap dahil marami din akong ginagawa sa bahay.
Tsaka past time lang din kasi namin ang pagbabanda dahil pare-pareho pa kaming estudyante. Mas priority pa din namin ang pag-aaral.
"Ito iyong song line up mamaya." Iniabot sa akin ni Drek ang listahan ng songs na tutugtugin namin. Siya ang bestfriend ni Sein at bassist ng Mnemosyne.
Siya din ang nag-a-arrange ng songs na tutugtugin sa gig at ilan sa songs na ibinibigay niya ay sarili niyang composition.
"At ito ang gamit mo." Inilapag ni Kenneth ang bag sa harap ko. Siya ang keyboardist. At maliban doon, siya din ang nagsisilbing manager ng banda. Siya ang nagha-handle ng mga gig booking sa amin at siya ang nakikipag-usap sa mga event organizers na nag-iimbita sa amin.
Tinanguan ko sila pero agad ding kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang papel na nakaipit sa gilid ng upuan kaya agad ko iyong kinuha at binasa tsaka ako masamang tumingin sa mga kasama ko.
"Sinong hinayupak ang nakipag-deal dito?" Iniharap ko sa kanila ang papel na hawak ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nila.
Agad din silang lumayo at nag-iwas ng tingin kaya alam kong guilty sila.
"Walang sasagot sa inyo o pare-pareho kong ipupukpok sa inyo ito?" Inilabas ko ang drumstick tsaka tinutok sa kanila na naging dahilan kaya sila napalunok.
Yeah, under sila sa akin. Black belter lang naman ako ng Taekwondo at alam nilang kayang-kaya ko silang ibalibag.
"Sagot!"
"Chill ka lang, Sanna," ani Hiro na bakas ang kaba. Aba! Dapat lang dahil ikapapahamak ko ang ginagawa nila ngayon.
Ang papel kasi na nakita ko ay notice na galing sa makulit na reporter ng school nila na gustong-gustong magkaroon ng exclusive interview para sa pinakamailap na miyembro ng Mnemosyne, which is, ang drummer na alam naman nating ako.
At ang matindi pa doon, ipi-feature sa isang sikat na magazine sa buong city ang buong interview na iyon.
Eh alam ng kumag na itong hindi ako pwedeng magpakilala.
Hindi bale sana kung sa ibang school ako nag-aaral, eh ang kaso, hindi.
Sa isang all-girls school ako pumapasok ngayong college at bawal sa amin ang kahit anong activity na hindi nababagay sa isang babae.
At isa iyon sa dahilan kung bakit ganoon na lang ang pag-iingat ko sa pagtatago kapag tumutugtog kami.
"Sorry, sis." Nilapitan ako ni Sein at inakbayan. "Alam mo kung gaano kakulit iyan at na-corner kami. Wala nang ibang choice kundi pumayag or else, lalo niyang hahalungkatin ang tungkol sayo at baka hindi na natin mapigilan pa iyon."
"Iyan lang ang nakita naming paraan para matigil siya sa paghahabol. Tutal, gusto lang niya ng interview galing sayo." dagdag pa ni Kenneth.
"Tsaka nagawan na namin iyan ng paraan," sabi pa ni Sein. "Sinabi ko na sa mismong interview, hindi mo pwedeng ipakita ang mukha mo at iyong boses mo, sinabi kong pipi ka-aww! Masakit iyon." reklamo niya habang hinihimas ang kanyang noong pinitik ko.
"Ginawa mo pa akong pipi!" singhal ko.
"No choice na nga kasi," ani Drek. "At iyon lang ang pinakamadaling paraan kaya pumayag ka na."
Pinakatitigan ko ang papel hanggang sa mabaling ako sa date at hindi ko maiwasan na mapangisi. "Mukhang magkakaproblema kayo." Inilabas ko ang phone at tiningnan ang schedule para sa araw na iyon tsaka ipinakita sa kanila. "Full ang schedule ko that day. Sobrang importante din ang mga exams at meetings kaya hindi pwedeng umabsent o ipa-cancel."
Pare-pareho silang nanlumo sa nakita tsaka nagkatinginan.
"Anong gagawin natin?"
Gusto kong matawa sa itsura nila pero pinigilan ko nalang.
Bahala silang mamroblema pero sa utak na mayroon ang mga iyan, siguradong makakaisip sila ng paraan. Isa iyan sa kinabibilib ko sa kanila kahit pare-pareho silang ugok.
Isinuot ko na ang black jacket at isang pares ng gloves kung saan tanging palad at likod ng kamay ang matatakpan para masigurong hindi basta madudulas sa kamay ko ang mga drumstick tsaka tumayo.
"Tsaka nyo na isipin yan. Malapit na tayong mag-start."