"Alam ni Kaelyn ang tungkol sa ating kasal, at ngayon nagbabanta siyang tumalon mula sa isang gusali. Alam mo ang kanyang depresyon, hindi ba? "Kailangan niya ako," paliwanag ni Theo, at saka padabog na itinulak si Elyse sa gilid.
Nagkaroon ng pilipit si Elyse sa paa nung tinulak siya. Nang bumagsak siya sa sahig, nakaabot ang kamay niya at sinusubukang pigilan siya.
"Kasal natin ngayon! Anong gagawin ko kung iiwan mo ako? Niloko ka na dati ni Kaelyn Bennett. Sobrang sakit nang ginawa niya sayo-bakit kailangan mo pa syang makita ngayon?"
Lumamig ang titig ni Theo. "Wala ka sa posisyon para husgahan ang nangyari sa amin ni Kaelyn. Kahit may mali man siyang nagawa o sakit na idinulot, hinding hindi ka magiging siya."
Sumakit ang puso ni Elyse. Napagtanto niyang hindi kailanman nakalimutan ni Theo si Kaelyn. Para sa kanya, hindi kailanman magiging kasing halaga si Elyse kumpara kay Kaelyn.
"Ano ang nagawa ko para masaktan ng ganito? Bakit mo ako tratuhin ng ganito? Pakiusap, maghintay ka lang hanggang matapos ang kasal. Malapit na tayo sa bahagi ng pagpapalitan ng singsing. Pwede ka nang umalis pagkatapos nun."
Iniwasan ni Theo ang kanyang kamay at nagsalita nang may pagkasuklam, "Mas iniintindi mo pa ang kasal mo kaysa sa buhay ng isang tao. Ang tigas ng puso mo. I-reschedule na lang natin ang kasal."
Walang lingon sa kanyang maputlang mukha, umalis nalang siya bigla sa altar, hindi pinapansin ang mga naguguluhang tingin ng mga bisita.
Nang umalis ang groom, nagkagulo ang mga tao.
"Wag mo akong iwan, Theo! Ano ang gagawin ko kapag iniwan mo ako?" Napasigaw si Elyse, kaawa-awang nakaupo sa sahig. Nanginig siya habang tumutulo ang luha, at nasisira pa unti-unti ang kanyang makeup.
Ang lalaking minahal niya ng tatlong taon, walang pakundangan sa kanyang dangal, ay pumili ng ibang babae nang di man lang inisip ang kanilang espesyal na araw. Kinain siya ng pagaalala tungkol kay Kaelyn, ngunit tila walang pakialam sa kahihiyan na nararamdaman niya na maiwan sa altar.
Sa paligid niya, hindi mabilang na mga matang hinuhusgahan siya, ang ilan ay nagtatawanan, ang iba'y naaawa, at ang ilan pa'y nagtatamasa sa nangyari. Hindi kailanman nakaranas si Elyse ng ganoong klaseng pasakit!
Lumapit ang kanyang ama, si Lanny Lloyd. Umaasa siyang makahanap ng kaaliwan, ngunit sa halip, sinumbatan siya nito ng matalim na mga salita, "Walang lalakeng tumatagal sayo. Walang silbi!" Matapos siyang pagalitan, umalis ito kasama ang kanyang asawa na si Glenda Lloyd, hindi man lang lumingon pabalik.
Lumabas mula sa karamihan ang kanyang kapatid na si Mabel Lloyd na may ngiting pailalim. "Nakakahiya, Elyse. Tumakbo ang iyong nobyo, at ngayon ikaw ay isang kahihiyan. Ikinakahiya kita. Isipin mo, ano ang nararamdaman nina Mama at Papa." Pagkasabi niyon, siya ay bumaling at umalis.
Isa-isang umalis ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Elyse, at naiwan siyang mag-isa. Sa simula, naramdaman ng mga magulang ni Theo ang pagkakasala, ngunit nang masaksihan ang reaksyon ng kanyang pamilya, naglaho lahat ng bakas ng pagkakasala.
"Pati sarili niyang magulang di siya sinuportahan. Muhkang di lahat to kasalanan ni Theo."
"Oo, kung siya ay mabuting kasintahan, bakit siya iiwan ng kanyang kasintahan?"
"Nagloko ba siya? Ano pa ba ang magtutulak sa isang lalaki na umalis ng biglaan?"
Ang mga bulong ng kritisismo mula sa mga panauhing nakapaligid ay lumakas at naging mas mapanghusga.
Biglang may mga ingay sa malapit.
Paglingon, nakita ni Elyse ang isang lalaking nakasuot ng suit, mag-isang nakaupo sa wheelchair. Mukhang balisang nagtanong ang opisyal, "Nasaan ang babaeng ikakasal sayo?".
Pinunasan ni Elyse ang kanyang mga luha at lumapit sa isang dumaraang staff at nagtanong, "Yung lalaki na yun sa wheelchair, diba ikakasal din siya? Nasaan yung babae?"
Tumingin sakanya ang isang tauhan at sinabi, "Di siya nagpakita. Balita ko di daw natanggap ng asawa niya ang kapansanan niya."
"Tapos inantay niya ng ilang oras?"
Tumango ang staff.
Nakatalikod kay Elyse ang lalaki sa wheelchair at medyo malayo yung lalaki sakanya, kaya hindi niya makita yung muhka, pero alam niya ang pakiramdam ng mapagiwanan.
Pareho silang mga kaluluwang kaawa-awa, iniwan.
Pagkatapos pagisipan mabuti, may ideya na biglang sumulyap sa utak ni Elyse.
Minahal niya si Theo sa loob ng tatlong taon, ngunit pinagtaksilan siya nito. Bakit kailangan niya pang maging tapat sakanya? At dun niya naisip na di niya siya kailangan.
Nang siya ay tumayo, natigil ang bulungan at panlalait ng mga bisita. Lahat sila ay nakatingin sa kanya habang itinaas niya ang laylayan ng kanyang damit at buong kumpiyansang naglakad patungo sa lalaking nasa wheelchair.
Ang tanawin ng isang babaeng ikakasal sa puting damit na lumalapit ay nagdulot ng pagkabigla sa mga bisita ng lalaki.
Narinig ang kaluskos ng kanyang damit, unti-unting inikot ng lalaki ang kanyang wheelchair.
Napahinto si Elyse at tinitigan ang makisig na lalaking nasa harapan niya, may kislap ng pagkabigla sa kanyang mga mata.
Iniabot niya ang kanyang kamay at sinabi, "Kumusta, narinig kong kailangan mo ng mapapangasawa.
Iniwan ako sa altar ng lalaking papakasalan ko dapat.
Pano kung tayo nalang magpakasal?"