Ramdam ko ang kabog ng puso ko dahil sa nararamdaman. Maling-mali. But I cannot just decide for this little one... Napahaplos ako sa tiyan ko. Mali, pero walang kinalaman ito. Kung hindi tatanggapin then I will raise it alone. Pero si Zian... Sumakit lalo ang ulo ko dahil sa naisip na iyon. How can I explain it to him?
Ilan beses na nagtaas-baba ang kamay ko, naninimbang kung dapat ba na ituloy pa ito. But in the end, kahit nagtatalo ang isip at puso ko, kumatok ako. It takes how many knocks, bago bumungad sa akin ang bagong gising na si Alexander. He was still on his boxer and shirts. Hapon na tulog pa din siya?
"Abigail?" he yawned and scratches his head. "What are you doing here? Are you with Zian?"
Pero agad ako na umiling at naluluha na yumuko. How can I say this to him? Na buntis ako at siya ang ama. How can I tell him that I am bearing his child? We were both drunk, hindi alam ang ginagawa nang mga oras na iyon. Ano ang gagawin ko? Pinilig ko ang ulo sa palagi noon na iniisip. Kahit anong mangyari, hindi pwede maging rason ang alak sa pagkakamali.
Halos matumba ako sa kaba kung paano sasabihin ang pakay. Gusto ko pa tawanan ang sarili dahil naitanong ko pa talaga kung magagalit ba ito sa malalaman. Of course, Abigail!
Dahil sa tagal ko na sumagot ay inilinga niya ang tingin sa paligid ng unit niya. "May pinasuyo ba si Lauren? Uh, what are you doing here?"'
Napasinghap ako. Nilakasan ko ang loob. "Xander, I'm pregnant..."
Saglit siyang naguluhan at pinagkatitigan ako. "Congratulations, then..." May bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya. He then scratches his head. "Alam na ba ni Zian? Congratulations to the both of you..."
Agad ko na inilingan ng paulit-ulit ang sinasabi niya. "The night we were both drunk... This is the aftermath..."
"What?" natigilan siya at nakita ko ang gulat at panlalambot sa kanya. "That was just one time, Abi... Imposible."
Suminghap ako ng hangin dahil sa pag-iyak. Pilit ko na pinapatatag ang sarili pero tuloy-tuloy ang luha ko. Masyadong magulo. Hindi ko alam kung anon a ang dapat gawin. "That is possible... Kahit kailan, walang nangyari sa amin ni Zian. Sa iyo lang. Ikaw ang una."
"That's bullshit..." bulong niya pero umabot iyon sa pandinig ko. He frustratedly groan at napahilamos pa sa mukha niya ng ilan beses. Halata ang gulat sa kanya. Who wouldn't be? May babae na lang na bigla susulpot at sasabbihin na buntis siya.
"Ano ang gagawin natin, Xander?" humupa na ang kanina ko na iyak. Pero hindi kami naalis kung nasaan man kami. Siya ay nasa loob pa ng pasilyo sa may pintuan niya. Habang ako ay nasa labas ng unit niya.
He sighed. "Alam mo na hindi ako pwede maging ama ng batang iyan. It was a mistake and we both knew that. Alam mo iyon... Iyon ang huling usapan natin tungkol doon na mananatili sa atin dalawa ang nangyari."
I stopped on my thoughts. Anong gusto niya na mangyari? "Xander, mali ako ng iniisip sa gusto mo. Sabihin mo na mali ako! How can you be this heartless? Oo, naging usapan natin iyan noon, handang-handa ako ilibing ang gabi na iyon. Pero biglang may dumating na ganito! Anong gagawin ko? Ipapalaglag ko? Ha?"
"If that will be the best choice. Isa pa, we're both still studying. Makakabuti iyon sa iyo. Lalo na sa iyo!"
I chuckled lazily with his remarks. Para sa akin? "Para sa akin nga ba? O para sa sarili mo? Para hindi mawala sa iyo Laurel? Pero paano ako? Paano itong bata?"
Napapikit siya ng mariin. "Hindi pwede, Abigail. And if I just knew, baka planado mo din! I was on messed that time kaya kinuha mo ang tyansa na iyon."
"You're unbelievable! I was drunk from a party! At kahit gaano kita kagusto habang kami din ni Zian, hindi ko kayo sinubukan na sirain ni Lauren. Pero para hilingin na patayin ang bata na ito? You're such a jerk!"
Pero ang atensyon niya ay nawala na sa akin, lumagpas ito patungo sa likod ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mata niya, naulos siya sa pagkakatayo. Bago ko pa man makita kung sino iyon ay narinig ko na ang bulong niya. "Lauren..."
Lauren's eyes shifted to me when I turned around to face her. Bigla ay nahiya sa sarili. Kahit na gaano ako naging miserable noon dahil sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Alexander, I cannot deny the truth that she became my best friend too. I just betrayed her.
"I'll just leave. Pag-usapan niyo muna iyan..." She turned her back to us. Hindi ko nagawa na magsalita pa. Hindi ko nagawa na pigilan siya. Pero muntik na mawalan ako nang balance dahil sa pagkakabangga sa akin ni Alexander para mahabol lamang si Lauren. Sa bilis niya ay hindi agad ito nakalayo kaya dinig na dinig ko ang paunang salita niya sa kasintahan.
"Lauren, please... Don't leave! I'll be a father to her child pero mas mahal kita kaya sana maintindihan mo. I won't leave you, kaya sana ay ganoon ka din."
Lauren just stared at him. Habang ako ay parang ilan beses na sinaksak sa puso dahil sa narinig. He won't even love you kahit anong mangyari, Abigail. He'll be just there for the sake of your child.
Lauren didn't answer verbally. Napapikit ito at kita ko mula sa may kalayuan na distansya ang luha na dumaan sa pisngi niya. Ilan beses din ito na umiling pa habang si Xander ay paunti-unti na lumuluhod, nagmamakaawa na huwag siya iwan ng mahal niya.
"Be a good father to your child, okay? I will be okay with that. Mas kailangan ka ni Abigail kaysa ang sinasabi mo na pagmamahal para sa akin. Lalo na ngayon, she's bearing a child with you. Take care of her and the baby, please..."
The she's starting to push Xander. Hirap na hirap pa siya umalis sa yakap ni Xander pero nang makawala ay tinakbo niya distansya papunta sa elevator. Mabilis na isinenyas ang kamay, pinipigilan si Xander sa gagawin pa na pagsunod. Hanggang sa hindi nakahabol si Xander dito. Kiatng-kita ko kug paano bumagsak sa panghihina ang katawan niya kaya mabilis ako na tumakbo papalapit doon.
"Xander, please..."
"Abigail, please... Tell her that I am not accepting what she just said. Sabihin mor in na hindi ko siya iiwan pero magiging ama ako para sa anak natin, please?"
He then suddenly kneeled and cried.
Bigla ko naisip ang sinabi niya. Kaya ko nga ba siya pakawalan? Pero paano naman ako? I am not a selfish person. Pero paano kami ng anak ko?
Kailangan ko rin siya.
Kahit masakit ay tinanggap ko ang katotohanan na nasa tabi ko lamang siya para sa anak namin. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Pero palagi ako na sumusugal.
That is how much I love him.
Timeless. Hindi nauubos kahit gaano katagal.
A timeless love for Alexander Joseph Salvador.