Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Pretending Turn To Real
Pretending Turn To Real

Pretending Turn To Real

5.0
4 Mga Kabanata
64 Tingnan
Basahin Ngayon

" Bakit ba nabuo ang salitang " PRETENDING " Di ba pwedeng maging totoo na lang? Hanggang saan ba, magagampanan ang lahat. Liam Andrei Madrigal ang anak ng kilalang business man at woman. Laki sa luho, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya kaagad. Tinaguriang the " Heart Stone King " For him, girls are only a toy. Pero paano kung sa di inaasahan na pangyayari mararamdaman niya ang isang bagay na kahit kailan ngayon niya lang mararamdaman. Mababago ba ang pakikitungo niya? At ang paniniwalang " Girls are only a toy? " Si Halia, anak ng hari at reyna ng kahariang Thalian Fairies. Sa mundo na kung saan di mo aakalain na nag eexist pala. Paano kung sa isang iglap maglalaho ang buhay prinsesa niya? Dahil lamang sa di inaasahan na trahedya. Paano kung pagtatagpuin ang landas ng dalawa ng tadhana? Makikilala niya ba ang lalaking magpapasakit ng ulo niya? O magpapabaliw sa munti niyang puso. Mauuwi ba sa pagkukunwari lang ang lahat o maging totohanan na? Kung puso na mismo ang magdidikta!. Ano ang pipiliin niya? Ang kahariang kinalakihan o ang taong tinitibok at sinisigaw ng kaniyang puso?.

Mga Nilalaman

Chapter 1 ( Thalian Kingdom )

( Tanya POV )

Habang abala ako sa pag- aalaga sa aking mga bulaklak sa hardin ng biglang may pumasok sa aking hardin.

" Kamahalan" tawag sa akin ni fiona..

" Ano yun?" tanong ko dito..

" May, masamang mensahe ang mga kalaban" wika nito..

Dahil don ay napatingin ako sa kaniya.

" Anong ibig mong sabihin?" dagdag ko..

" Heto po mahal na reyna" saad nito..

Inilabas niya naman ang itim na paru - paru na kaniyang hawak kanina at bigla na lang itong naglaho at isang imahe ng taksil ang lumabas.

" Kumusta ka na reyna Tanya? Should I say my ex - best friend, mang aagaw! "wika nito..

" Kahit kailan wala akong inaagaw sayo!" inis na tugon ko dito..

" Hahaha, ako ba ang pinagloloko mo? Inagaw mo sa akin si Theo! " nangunot naman ang noo ko..

Si Theo ang namatay kung asawa.

" Kahit kailan di siya naging sayo. At kahit kailan never ko siyang inagaw " wika ko dito..

" Hahaha, talaga? Inagaw mo lang siya sa akin! "natatawa na turan nito..

" Pwede ba, Axela. Matagal na iyon at dahil sayo namatay siya" wika ko...

" Di ako ang may kasalanan, kundi ikaw. Yang anak mo ang malas "sisi nito sa anak ko. Na siyang ikina init ng ulo ko..

" Hindi malas ang anak ko" sigaw ko dito..

" Ouh, di ba walang kapangyarihan ang anak mo. Dahil wala siyang kakayahan katulad mo" wika nito..

" Anong pakialam mo huh, ano ba talaga ang sadya mo? "tugon ko..

" Hmm well, isa lang naman eh. Ang mawala na kayo dito sa mundong ito " galit na sambit nito..

" Teka , dapat kayo ang mawala dito" balik ko dito..

" Hahaha, nasan pala ang mahal mo na anak "nagtaka naman ako sa sinabi nito..

" Wag na wag mong idadamay ang anak ko dito" inis na wika ko dito..

" Hahahah, ingatan mo siya, dahil baka isang araw mawala na siya sa mundo mo " paalala nito..

Bigla naman na itong naglaho.

"Kamahalan "tawag ni fiona sa akin..

" Fiona, nasan si lia? "tanong ko dito..

" Kasama po siya ng kapatid ko kamahalan"tugon nito..

( Halia POV )

Paraiso

" Fell "tawag ko kay fell..

" Ayon yun kaibigan?" tugon nito..

" Nakapunta ka na ba sa bandang yun? "wika ko dito..

Itinuro ko naman sa kaniya ang parang isang lagusan.

" Saan ka pupunta? "tanong nito..

" Titingnan ko lang" wika ko dito..

" Wag, sabi sa akin ng kapatid ko. Bawal tayong pumasok diyan,dahil daanan yan papunta sa Mundo ng mga kaaway. At di daw tayo maaaring lumabas sa proteksyon ng palasyo,dahil mapanganib" pigil nito sa akin..

" Alam ko iyon. Pero, titingnan lang naman natin eh" wika ko dito...

Nauna na akong maglakad, ng malapit na ako ay hinawakan ko ito.

" Wag, Halia "saway nito sa akin..

Pero, huli na hinigop na ako nito.

" Halia "tawag nito sa akin..

" Fell, tulungan mo ako" Sigaw ko..

Nakaramdam na lang ako ng pagkahilo.

( Liam POV )

Mundo ng mga Tao

" Kuya, bumaba ka na diyan. Mom, is calling us, we will go na daw back to manila" wika sa akin ng kapatid ko..

" Wait a minute "tugon ko dito..

" Hurry up" saad nito..

" Yeah, a little" wika ko..

" Ok just follow me ok" tumango na lang ako sa sinabi nito..

" Yeah" simple na tugon ko..

Umalis naman ito kaya agad na akong bumaba ng biglang may nahulog.

" Ano yun? " takang tanong ko..

Tiningnan ko naman ang nasa likod ng puno, their I saw a girl. I think we have the same age,Kaya nilapitan ko na lang ito. Napansin ko ang suot niyang kakaiba sa suot namin ngayon. Isa ba siyang Prinsesa?Impossible namang prinsesa ito.

" Kuya lika na" tawag ulit ni Ena sa akin..

" Sandali lang. I'll be back" wika ko dito..

Tiningnan ko muna ito pero bago ako makaalis ay kinunan ko muna ito ng pictures.

( Fell POV )

Ng nakarating na ako sa mahal na reyna ay agad ko na itong nilapitan.

"Kamahalan " bati ko sa reyna..

" ouh, fell. Nasan si halia?" tanong nito sa akin..

" kamahalan, si Halia po kasi. Napasok po siya sa isang lagusan" tugon ko dito...

Bigla na lang itong nagulat.

" Ano nasan siya? Samahan mo ako" wika ng reyna sa akin...

" Masusunod po kamahalan "wika ko..

Agad naman na ginamit ng reyna ang kapangyarihan niya upang mahanap si halia.

" Hindi maari "tanging nasambit ng reyna..

" Bakit po?" tanong ko dito..

" Nasa mundo siya ng mga tao "wika niya..

" Mundo ng mga tao? "takang tanong ko..

" Ija, umuwi ka na sa inyo "wika nito sa akin..

" Kamahalan sana po mabalik niyo na si Lia dito" wika ko..

" I promise" wika nito..

At naglaho na nga ito.

" Halia, sana maayos ka "bigkas ko..

( Halia POV )

Nagising na lang ako ng dahil sa may mga nagsasalita.

" Parang siya si prinsesa Halia? "rinig kung wika ng isang maliit na boses..

" Oo nga, pero bakit siya nandito sa bawal na mundo" tugon naman ng isa pa..

" Hmm, nasan ako? "tanong ko..

" Kamahalan nasa mundo ka ng mga mortal" wika ng isang paro paro..

Nanlaki naman ang mata ko.

"Ano? Paano ako napunta dito? Kailangan kung bumalik sa loob. Alam ko na nag aalala na si Ina "wika ko sa mga ito..

" Kamahalan, tanging may mga kapangyarihan lang ang maaring magpabukas muli ng iyong mundo. Di ba isa kang prinsesa marahil maaari mong mabuksan ang lagusan? " tanong nito sa akin..

Nakarinig na lang kami ng may nagsalita.

" Mom, I saw her. In this area follow me "rinig kung wika ng isang batang lalaki..

" Kamahalan magtago ka "wika sa akin ng isang paro paro..

Kaya agad akong nagtago sa malalaking damo. Nakita ko naman ang mga tao? Para rin pala silang mga katulad naming mga fairy. Pero napatingin ako sa isang batang lalaki.

Sa kakatitig ko sa kaniya, ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Huh, ano ito? May kapangyarihan ba siya? Bakit ganito ang puso ko.

"Mom, here" tawag nito sa mga kasama nito..

" Anak, Liam. Look there is no girl here" tugon ng isang babae..

" Kuya, maybe your hallucinating or paranoid" dagdag naman ng isang batang babae..

" I am not. I really saw her, in here. And she's wearing a gown that is not the same the way how thena wear" paninindigan ng batang lalaki sa nakita nito..

" Son, let's go home. Ok? "aya ng isang lalaki..

Hmm nakita niya pala ako.

" Let's go kuya " aya nang batang babae..

Nauna naman ang mga ito na umalis. Napansin ko na parang nakatingin siya sa gawi ko, kaya agad akong yumuko.

" Wala na po siya kamahalan" wika sa akin ng isang paro paro..

Nakahinga naman ako ng malaki.

" Salamat" wika ko sa mga ito..

" Wala po iyon "tugon naman ng mga ito..

Napansin ko naman na may umiilaw.

" Ano yun?" tanong ko..

" Ang mahal na reyna" wika ng isa..

" Si Ina "tuwang wika ko..

Agad ko naman na tinakbo si ina.

" Ina ko, patawad" naiiyak na wika ko..

" Ssshshs, tahan na anak ko. Nandito na si Ina "niyakap naman ako nito..

" Salamat po at dumating po kayo" wika ko dito..

" Basta Para sa iyo anak ko "wika nito kaya ngumite na lang ako..

" Ina, sila pala ang tumulong sa akin" turo ko sa mga paro paro..

Ngumite naman ito.

" Alam ko iyon anak, nakita ko. Alena at Aira salamat. Mula ngayon gagawin ko na kayong mga ganap na fairies "wika ni ina sa mga ito..

" Talaga po, waah salamat po "tuwang wika ng dalawa..

" Hehe, so ibig sabihin niyan makakasama ko na sila?" nakangite na wika ko..

" Oo anak, maaari na kayong dalawa na bumalik sa dati "wika ni ina..

Ipinikit naman ni ina ang mata niya at pagdilat nito ay naging puti. Nasilaw naman ako, napansin ko na nag iilaw sina Aira at Alena hanggang sa.

" Yehey, bumalik na kayo sa dati "masayang wika ng isa..

" Salamat po kamahalan "pasasalamat naman ng isa..

" Prinsesa Halia" yumuko naman sila sa akin..

Kaedad ko lang pala si Aira, ngunit si Alena ay parang matanda sa amin ng 2 taon.

" Bumalik na tayo sa mundo natin" aya ni ina sa amin..

Agad Naman kaming humawak sa kamay ni ina at sa isang iglap ay naglaho kami na parang bula. Muli naman akong napatingin sa lugar na ito. Hmm, liam? Alam ko na magkikita tayo muli.

( Liam POV )

Habang nasa sasakyan ako ay di parin mawala sa isipan ko ang batang babae na yun.

" Anak are you alright?"tanong sa akin ni mom..

" Yes" tugon ko..

" Maybe hon, binata na ang anak natin" natatawa na wika ni dad..

" I am not! I am still young" naka cross arm na wika ko..

" Sus, kuya don't deny it. Your already 10 years old. And you like the girl that you saw" panunukso ni ena sa akin..

"Why would I like her? " tanong ko..

" Hahahah, nagmana nga sa akin hon "wika ni dad..

" Sinabi mo pa" sang ayon ni mom..

" Mom "nakapuot na wika ko..

" It's ok kuya, they are right naman eh. Binata ka na"saad ni ena..

" Halika nga rito "hinila ko naman ito..

( Halia POV )

palasyo

" Anak, wag ka na ulit lalabas sa proteksyon ng kaharian naiintindihan mo ba ako? "paalala ni ina sa akin..

" Opo, Ina, patawad po "wika ko dito...

" Wala yun, at least ngayon alam mo na ang bawal "wika nito..

" Ina, katulad lang pala natin ang mga tao" wika ko dito..

" Oo pero mortal sila. Magpahinga ka na "saad nito sa akin..

" Opo "wika ko..

Lumabas naman ito sa silid ko. Tumayo naman ako at pumunta sa terasa, nagulat na lamang ako ng.

" Magandang gabi mahal ko "bati sa akin ni axon..

" Anong ginagawa mo dito Ax?" takang tanong ko...

" Dinadalaw ka "wika nito..

" Umalis ka na" pagtataboy ko dito..

" Hahahah, tayo ang itinakda mahal ko. Mula ng sanggol pa lamang tayo" nakangite na wika nito...

" Nahihibang ka na ba huh? Kahit kailan di magiging tayo "inis na tugon ko dito...

" Hahaha, kahit na anong gawin mo ikakasal tayo sa takdang panahon" paninigurado nito..

" Di mangyayari yun "saad ko dito...

" Hmm, alam mo ba ang kapalit kapag hindi mo ako pinakasalan? Digmaan ang magaganap, digmaan na alam kung wala kang ibang magagawa kundi ang iaalay ang sarili mo "wika nito sa akin..

At agad na itong naglaho.

" Prinsesa? Sino ang kausap mo? "tanong sa akin ni aira..

" Si Axon "wika ko dito..

" Ang anak ng reyna ng kadiliman? "takang tanong nito..

" Oo "simpleng tugon ko..

" Dapat ba itong malaman ng iyong inang reyna? "tanong nito..

" Huwag, ayokong maging alalahanin pa ito ni ina" saad ko dito..

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 4 ( Bad DAY )   04-15 10:26
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY