Get the APP hot
Home / Romance / Unpredicted Love
Unpredicted Love

Unpredicted Love

5.0
1 Chapters
8 View
Read Now

About

Contents

Kung isang pangarap para sa mga kababaihan ang mahulog sa isang guwapo, makisig, mayaman at may dating na lalaki, isa naman itong nightmare para kay Ciara. Dahil ang pinaka susuklaman niyang lalaki ay siya rin pa lang gigising sa natutulog niyang puso. Hindi lubos akalain ni Ciara na mahuhulog siya sa kaniyang boss na hambog. Totoo nga yata na kapag kinamumuhian mo ang isang tao, ro'n ka napapamahal. Tatakbuhan na lang ba ni Ciara palayo ang tukso? O isusugal niya ang kaniyang puso na ngayon lang nagmahal?

Chapter 1 First Day

Hector POV

Ako si Hector Hanson II pero mas prefer ko ang tawagin akong Dos at ito ang unang araw ko sa aming kompanya bilang isang marketing head. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Dad para mag-training bago ko siya palitan sa posisyong CEO sa aming kompanya. Isang Clothing line company ang pinapalakad naming kompanya at ito ay isa sa pinakasikat sa industry may mga iilang branch na kami sa ibang bansa pero dito sa Pilipinas ang pinaka main.

Pagdating ko sa kompanya dire-diretso lang ako papunta sa opisina ko, tinatanguan ko lang mga bumabati sa akin ng magandang umaga. Wala ako sa mood ngayon dahil bitin ang tulog ko. Kung noon ay nagigising ako ng mga alas-diyes ng umaga, ngayon ay hindi na p'wede dahil pinapapupunta ni Dad si manang Beth sa bahay ko at siya ang alarm clock ko tuwing umaga. Kahit na alas-sais pa lang ng umaga ay gigisingin na niya ako at sasabihin niyang alas-siete na, kaya minsan ay naiinis ako sa kaniya eh pero hinahayaan ko na lang din kasi wala naman akong magagawa eh baka mapagalitan pa ako ni Dad mukha kasing mas mahal pa nila si manang kaysa sa akin.

Hindi pa man ako nakakaupo sa aking upuan ay bumukas na kaagad ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito ang best friend kong si Charles. Simula bata ay magkakilala na kami ni Charles dahil na rin sa magkaibigan ang aming mga magulang at business partners, dito rin siya nagtatrabaho hawak niya ang buong production at bakas naman sa mukha niya na nag-e-enjoy siya.

"Oh Dos bakit lukot na naman ang mukha mo?" pabiro nitong tanong habang naglalakad papalapit sa lamesa ko.

"Eh paano kasi si manang, kaaga-aga pa lang kung makagising sa akin akala mo alas-dose na ng tanghali," reklamo ko.

"Alam mo para kang bata, first day mo pa man din sa trabaho ganiyan ang mukha mo. Dapat smile ka lang parang ganito oh," wika ni Charles at pinakita pa niya sa akin ang awkward niyang ngiti.

Napailing na lang ako sa ginawa nito sa harapan ko. "Paano mo nagagawang ngumiti ng ganiyan Charles? 'Wag mong sabihin sa akin na hindi ka nahihirapan sa trabaho mo," saad ko.

Umupo ito sa harapan ko at nagde-kwatro pa. "Alam mo Dos kung hindi mo eenjoyin ang trabaho mo, walang mangyayari sa iyo. Hindi uusad ang team mo at lalong hindi ka maggo-grow," wika ni Charles.

"Bakit ang lalim naman yata n'yan Charles, tinanong lang naman kita kung paano mo nagagawang ngumiti ah," nakangisi kong sabi.

"Ganito kasi 'yan Dos, kung palaging galit ang itsura mo sa harapan ng mga staff mo sa tingin mo ba hindi sila matatakot sa paggmumukha mo? Imbes na masaya ang atmosphere sa opisina mo dahil may guwapo silang boss, eh parang palaging may pagagalitan ka ng walang dahilan," pabiro naman nitong wika.

"Ewan ko sa iyo Charles, ang dami mong alam," napapa-iling kong sabi.

Hindi ko na lang pinapansin si Charles habang nakaupo siya sa harapan ko at nagce-cellphone. Ano kaya ang pinagkaka-abalahan nito? Siguro mga babae na naman ang tinitignan niya.

"Napakilala ka na ba sa mga staff mo?" biglang tanong ni Charles.

Napatingin ako rito. "Kailangan pa ba iyon Charles? Hindi ba p'wedeng mabigla na lang sila na kapag papasok sila rito ay iba na ang boss nila?"

"Sira ka ba Dos? At saka baka pati magiging secretary mo ay hindi ka pa rin kilala. Tara na sa labas ng maipakilala na kita," ani Charles.

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod kay Charles. Nang nasa labas na kami ng opisina ko, halos lahat ng tao ay nakatingin sa aming dalawa.

"Guys attention, mayroon lamang akong kaonting announcement para sa inyong lahat sa marketing department," med'yo pasigaw na wika ni Charles.

May kalawakan din kasi itong department, para na rin siguro marinig siya ng mga nasa med'yo malayo ang puwesto.

Hinawakan ko si Charles sa may balikat. "Charles don't mention my surname ha. Just my first name or Dos only," bulong ko.

Tumango naman ito at humarap ng muli sa mga staff ko. "Guys si Hector ang bago ninyong boss ngayon dito sa marketing department," wika ni Charles at itinuro pa ako.

Nahalata ko sa mukha ng mga staff ko ang pagkabigla at nagsimula na ang bulong-bulungan ng mga ito.

"Good morning," tipid kong bati, at pilit na ngumiti.

"G-good morning sir," nauutal nilang bati sa akin.

May biglang lumapit sa akin na babae na halos kasing edad ko lang siguro.

"Good morning sir, I'm Denise your secretary," pakilala nito.

"Oh so you are the secretary of Dos, tara pasok tayo sa office ng boss mo," wika ni Charles.

Naglakad na papasok sa office ko si Charles at sumunod naman kami ni Denise, ang secretary ko.

"Maupo ka muna r'yan miss Denise, sigurado akong madami kang i-e-endorse na trabaho rito sa boss mo," ani Charles.

Inayos naman ni Denise ang kaniyang suot na salamin bago nagsalita. "Yes po sir, med'yo marami pong naiwan na trabaho ang dating head namin. Ito nga po oh dala-dala ko na ang mga papers," sabi nito at nilahad ang mga papel sa mesa ko.

Tiningnan ko isa-isa ang mga papel na nilahad nito sa lamesa ko. Napapakunot ang noo ko sa tuwing may nababasa ako na hindi kaaya-aya. Napapatanong ako sa aking sarili kung bakit ganoon ang mga report. Alam kong hindi pa ako expert sa pagiging marketing head pero may alam naman ako pagdating sa mga ganitong report.

"Just a minute miss Denise, sino ang gumawa ng mga report na ito?" tanong ko.

"A-ahm ang mga staff mo ng former head," nakayukong sagot nito.

"Pakiiwanan na ang lahat ng mga ito rito sa office ko. Maaari ka ng lumabas, tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako," wika ko.

"Sige po sir. Mauna na po ako sir Charles," paalam nito at lumabas na siya ng opisina ko.

"Anong problema Dos? Hindi pa man na-i-discuss lahat sa iyo ng secretary mo ang mga reports na 'yan," biglang sabi ni Charles.

"Charles I don't need her explanation. Tingnan mo naman ang mga reports na ito, tama ba ang mga iyan? At saka hindi ko gusto ang pagkakagawa nila. I want it to become the best," sagot ko.

"Gumana na naman ang pagiging perfectionist mo Dos," napapailing na sabi ni Charles.

"Sino ba naman ang matutuwa kapag ganitong report ang makikita mo? Ano 'to gawa ng mga high school?"

"Chill ka lang Dos, p'wede ka naman magtanong ng maayos sa mga staff mo. At saka first day mo ngayon 'wag ka munang magpa-stress ng ganiyan. There's always a way in every situation like that."

"Hindi ko alam Charles kung paano aayusin ito. Magpapa-schedule na lang siguro ako ng meeting regarding this," wika ko.

"Tama magpa-meeting ka, para malaman din nila kung anu-ano ang mga bagay na gusto mong mangyari," sagot ni Charles.

Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang araw na ito. Unang araw ko pa lang sa trabaho ganito na kaagad ang bumungad sa akin. Wala yatang uwian ang magaganap ngayon, kailangan ko ng ayusin mga bagay-bagay para hindi ako mahirapan sa mga susunod pa na araw.

Habang nag-iisip ako ng mga p'wedeng gawin sa mga reports na nasa lamesa ko, nagpaalam na si Charles dahil may gagawin pa raw ito. Hinayaan ko na lang siya para makapag-isip na rin ako ng maayos. Kung nandito siya baka magulo lang ako sa aking ginagawa. Napasandal ako sa aking upuan at napahilot sa aking sentido, at napatanong sa aking sarili, bakit ganito ang nangyari sa department na ito? Hindi ba ito natutukan ng dating head?

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 1 First Day   03-30 08:31
img
1 Chapter 1 First Day
30/03/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY