You Are My Savior
You Are Home Now
Yuna Benitez, a hotel front desk officer who has a high standard of dating. She set a boundary to herself as she experienced constant rejection because of her body weight. Yuna experienced a tragic moment which lead her to diagnosis in an insomnia. One day, she went to a pet shop to buy a new hamste
Chapter 1 New Pet
PAGKABABA KO ng telepono ay itinaas ko ang kamay sa ere para mag-inat. Ilang minuto na lang matatapos na rin ang shift ko. Kating-kati na ang paa kong umalis dito para makapag-ikot-ikot naman sa bayan.
"Yuna!"
Nakasimangot ko siyang nilingon sa kanan. Nakangiti ko siyang pinasadahan ng tingin. Hindi maayos ang pagpla-plantsa niya sa suot niyang blazer, pati ang bestida niya ay may marka pa ng pagkakatupi. Inilingan ko siya sa ayos niya kaya iniharang nito ang dalawang braso sa kaniyang dibdib para hindi ko na mabusisi pa ang kasuotan. Inilipat ko ang paningin sa mukha niyang nakangiti nang malapad.
"Para kang nawawala, Danabebs. Nandito lang naman ako sa tabi mo," pabiro kong sambit.
Tumuwid ako sa pagtayo. Pagod siyang bumuga ng hininga. "May gagawin ka mamaya?"
Mabagal akong umiling, pinanliitan siya ng mga mata. "Wala naman. May party ba?" nakangisi kong sambit kahit may ideya na ako kung saan patutungo ang usapan naming ito.
"Ano'ng party ka diyan. Tig-hirap ang tao ngayon," pairap niyang sabi.
Bumagsak nang bahagya ang balikat ko at isinandal ang sarili sa dingding. Gusto ko na ang umalis para hindi marinig iyong sasabihin niya.
"May ipapakilala ako sa 'yo," nakangiting sambit niya, pati ang mga mata ay nagniningning.
Humalukipkip akong sinimangutan siya. "Ano na naman iyan?" kunwaring naiirita kong wika.
Kahit alam ko na kung saan matatapos ang usapan namin sa sandaling ito ay gusto ko pa ring marinig mula sa kaniya. Baka malay ko, nag-iba na ang sasabihin niya.
"Bagong ka-date. This time magiging jowa mo na, 'to." Kumindat siya dahilan para ngiwian ko siya at ibinaba ang mga braso.
"Siguradong-sigurado ka talagang magkaka-boyfriend pa ako?" taas-kilay kong sambit. Tinitigan ang mosaic tiles na kulay puti at may itim-itim na parang nabuhusan lang.
Sinukuan ko na ang isipang iyan. Nakakapagod maghanap ng single na hindi choosy. Ayaw ko namang makatuluyan ang lalaking gusgusin. Para saan pa't nabuhay ako kung hindi yummy—este guwapo ang makakatuluyan ko.
Kailangan guwapo para hindi ako magsasawa. Paggising ko pa lang, busog na ako. Iyong mga tipong ganoon ang gusto ko. Hindi iyong gigising ako, masisira agad mukha ko kapag nakita ko siya.
"Oo naman. Para hindi ka tumandang may lahi ng ampalaya," natatawa niyang sambit pero bakas doon ang kaseryosohan sa boses niya. "At may kasama ka na."
Mas lalo akong bumusangot. Mga ipinapakilala naman niya sa akin below sa standard ko. Maganda naman katawan kaso ayaw ko ng tall, dark and handsome. Gusto ko tall, white and jaw-dropping, plus rich na rin dapat para isang bagsakang yaman agad.
Malalim akong nagpakawala ng hininga. "Wala ako sa mood makipag-blind date, Danabebs."
Malungkot ang mga mata niya pero ang ngiti niya ay nanghihikayat na huwag kong tanggihan. Iwinagayway niya ang kaniyang phone. "Ica-cancel ko na?"
Walang pagdadalawang-isip akong tumango. "Cancel mo na. Ire-reject din ako niyan," sagot ko.
Kung gaano ako ka-choosy, mas choosy sila. Nag-effort akong mag-ayos, pero ayaw sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin. Hindi naman ako sobrang mataba, sakto lang naman iyong XXL size, ah. Ayaw nila iyon, malusog ako at may uubos ng pagkaing hindi nila maubos.
"Sige, sabi mo, e. Sayang, guwapo pa naman." Ngumiti siya nang may pang-aakit. Inilapit niya sa akin ang phone nito.
"Patingin nga," panghahamon ko. Iba kasi ang definition niya sa guwapo.
Baka malay ko ulit naimpluwensiyahan ko na siya kung ano ang tunay na definition ng guwapo.
Binawi niya ang kaniyang phone at ngumisi nang nakaloloko. "Makikipagkita ka?"
Umiling akong ikinaway ang palad. "Hindi na. Hindi naman siya kawalan."
Mahina siyang tumawa. Siya na lang ang makipag-date dahil kailangan niyang makahanap ng rebound mula sa panloloko ng kaniyang ex-boyfriend na hindi naman kaguwapuhan.
Itong best friend ko, pumatol pa talaga sa lalaking Sudanese. Para silang cookies and cream kapag palagi silang magkasama. Salamat nga at wala na sila kasi hindi maatim ng mata ko.
"Bibili kasi ako ng bago kong alaga," sabi ko, paglihis ng usapan bago ko pa masabi sa kaniya kung gaano ako natutuwang single na siya ulit.
Alam kong fresh pa iyong sakit kasi last week lang nangyari. Tanging kuwento lang niya ay may iba na raw-ipinagpalit siya sa kalahi rin nitong Sudanese na na-meet niya. Sabi ko naman noong ikinuwento niya sa akin iyon nang umiiyak: "Ayos lang iyan. Parehas ang kulay nila kaya maghanap ka ng kasingkulay mo at mas guwapo pa diyan."
"Hamster na naman?"
Tumango ako. "Kamamatay lang ng dalawa kong alaga noong nakaraang linggo. Alam mo namang hamster lang ang kasama ko tuwing gabi."
"Bakit 'di na lang aso ang kunin mo? Mas makakapagkatiwalaan pa at hindi ka iiwan. Matagal pa ang buhay," suhestyon niyang inilingan ko kaagad.
"Mas maganda ang hamster. Ang cute kaya nila," sabi ko. Kasing-cute ko sila at saka ang fluffy pa ng balahibo nila. Masarap gawing keychain.
"Mukha kayang daga," walang kautal-utal niyang husga.
Umirap ako. Hindi niya alam kung gaano ka-cute ang hamster saka napakalayo. May deperensya talaga ang mata niya. Hindi alam kung ano ang cute at guwapo.
"Napakalayo ang hitsura sa daga, Danabebs."
"Nanganak pusa namin. Baka gusto mong iyon na lang alagaan mo?"
"Mahirap alagaan ang mga malalaki. Mas gusto ko talagang alagaan ang hamster kasi kahit iwan mo, nandoon pa rin sa kulungan at nakatulog lang."
Problemado pa akong maglilinis kapag magdudumi sa inuupuhan kong apartment, saka maingay ang aso. Sa pusa naman, wala akong tiwala kasi walang utang na loob. Uuwi kung kailan gusto. Magiging pusang gala.
Tumunog ang telepeno at akmang ako sana ang sasagot, pero ipinaubaya ko na sa kaniya. Mas magandang siya na lang sumagot para tumahimik na.
"Good afternoon. This is Hotel Pulang Bato reception. How may I assist you?" maliksi niyang sagot at ngumiti pa. Paniguradong mararamdaman ng tumawag ang masayang mood ni Dana.
Pagkatapos ng shift namin nang alas tres ay humiwalay ako ng lilikuan. Hindi muna ako uuwi dahil may sadya ako sa bayan. Nalinisan ko naman ang kulungan noong dati kong hamster kaya dapat lagyan ko ng panibagong kapalit para mamayang gabi ay may malalaro ako.
Huminto ang mga paa ko sa tapat ng hindi pamilyar na pet shop. Ito ang may pinakamagarang signboard. Takaw pansin dahil sa glitters nito sa gilid saka umiilaw ang mga bawat letra kahit wala pa namang gabi. Ang weird. Ulyanin ang may-ari, nakalimutang patayin ang ilaw-ilaw saka talaga bang petshop ito?
Mula sa matinding curiosity ko ay hinila ko ang pinto. Tahimik at madilim ang paligid. Tanging ang tinatapakan ko lang ang nakikita ko dahil nasisinagan ng araw at napansin kong may malaki palang butas ang bubong, kaya kulungang walang laman na nasa harap ko lang ang napapansin.
Kung gaano kaliwanag at kakulay iyong signboard sa labas, kabaligtaran naman dito sa loob. Abandonado yata ang napasukan ko. Akmang tatalikod na ako nang may kaluskos na kung ano ang lumalapit sa kinaroroonan ko.
"Magandang hapon, miss."
Tumaas ang balahibo ko sa batok at braso sa malalim na boses ng lalaki. Namulagat ang mga mata ko sa pagkamangha nang pumitik lang siya sa hangin ay biglang lumiwanag ang buong paligid at nakita ko ang mga iba't ibang klase ng hayop na gising na gising ang diwa, pero hindi naman sila kumakahol o gumagawa ng ingay.
Weird. Halos lahat ng petshop na napuntahan ko ay maingay, pero dito lang nakakahiyang mag-ingay.
Ano'ng mayroon dito? Nanatili akong nakatayo, hindi magawang balingan man lang siya ng tingin para tingnan ang hitsura.
"May benta kayong hamster?" mahina ang boses kong tanong para alamin kung nandito ang hinahanap ko.
Matapang kong hinarap ang lalaking nakatayo nang may distansya sa akin. "Oo. Dito," sabi niya at iminuwestra ang kamay sa kanan na bigla namang umilaw ulit sa panig na iyon.
Punong-puno ng hamster ang nakahilerang aquarium. Iba't ibang klase at kulay ang nakikita. Syrian hamster lang ang alam kong breed dahil iyon lang naman ang naaalagan ko pa.
Lumapit ako para tingnan. Tulog ang mga iba at may bagong panganak na hamsters. Sa kanan ay puro mga syrian, sa kaliwa ay hindi ko alam kung saan doon ang robovski at chinese dwarf hamster, etcetera.
"Anong klase ang gusto mo? Syrian, dwarf, robovski, o ito?" Itinuro nito ang puting nakatulog sa sulok.
"Isang pares lang, manong. Iyong Syrian na lang," sagot ko sabay turo sa nasa tapat kong kulay cream ang kulay.
"Tamang-tama, mag-isa na lang niyang lalaki," masayang sagot niya.
Naiilang akong ngumiti. Ang saya-saya niya pero ako na customer niya ay hindi ganoon kasaya. "Magkano, manong?"
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wallet. "Isang daan, libre na ang pagkain at laruan niya. May kulungan ka naman na siguro, ano?"
Tumango ako at lumiwanag ang mukha kong nag-angat ng mukha. "Talaga? Libre?" manghang tanong ko.
Tumatango-tango siyang nagtungo sa lagayan niya ng pagkain at laruan. Humugot siya ng karton sa nadaanan niyang shelf. Maagap naman akong sumunod.
"Sigurado kayo, manong?"
"Oo, limited edition ang mga laruan nito at pagkain."
"Whoa! Ang suwerte ko naman."
Mahina siyang tumawa at nailing nang isang beses.
"Maraming salamat, manong," tuwang-tuwa kong sabi sa normal na paraan. Ayaw ko siyang landiin dahil hindi siya ang tipo ko.
Puti na ang buhok niya saka halata na ang pangungulubot ng kaniyang mukha kaya, no, no, talaga. Pero maputi siya saka matangkad, kaso. . . hindi naman mukhang mayaman at saka ayaw ko iyong balbas niyang napakahaba. Pero macho siya. Puwede na rin siguro siya.
Umiling-iling ako para iwaksi ang naiisip. Tumawa siya bigla.
"Huwag ka lang mabibigla sa makikita mo."
Tumaas nang kaunti ang dalawang kilay ko sa pagtungo. Kung ang tinutukoy niya ang kakulitan nila sa gabi, wala iyon sa akin. Sanay akong makipagsabayan sa kanilang makipagpuyatan.
"Sanay na ako do'n, manong. May alaga rin kasi akong hamster, kamamatay lang last week. Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyari sa kanila kasi maayos pa naman sila. Bigla na lang nagkaganoon," kuwento ko.
Two years and three months na rin kasi sila. Isang babae at lalaki at hindi ko sila napag-breed dahil hindi pa ako handang dumami sila kaya ipinaghiwalay ko.
"May mas ikabibigla ka pa, miss."
Hindi ko pinansin. Wala na akong ikabibigla dahil alam na alam ko na ang kababalaghan—este kalikot ng mga hayop na ito sa gabi.
Kinunutan ko siya ng noo habang nakangiti sa kaniya dahil sa weird niyang pagngiti. Tama naman ang sinabi kong sa gabi lang sila active, ah. Bakit kaya siya ganito makangiti sa akin?
Kinuha niya ang hamster sa aquarium, inilagay sa box na may tatlong butas sa itaas, katabi ng hawakan. Inilagay din niya sa ecobag ang mga libreng laruan at pagkain. Nakakatuwa namang mag-alaga kung ganito.
Hindi pa rin humupa ang lapad ng ngiti niyang nakakakilabot na hindi ko maintindihan. Parang si Joker kung makangiti.
Cause You Are My Lion Heart
LOVE, for Sunny Lopez, that is the most complicated feeling na ayaw niyang maranasan. Why? That is simply because naranasan na niya ang pait ng salitang pag-ibig noong high school pa lamang siya. Hindi lang basta sakit ang naramdaman niya noon lalo na at naramdaman niya kung paano mapaglaruan ang in
You Are The Reason
Si Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigasan ng ulo kaya parating sermon inaabot sa kanyang l
I Live My Life For You
Matapos makaligtas sa paglubog ng bangkang sinasakyan sa Guimaras, nagdesisyon si Ratchelle na umuwi ng Isla La Carmella para ayusin ang relasyon niya sa magulang niya at pakasalan ang unang lalaking minahal niya na si Vic-Vic. Subalit sa gabing nakatakda na niyang sabihin kay Vic-Vic na mahal niya
I Hate You But I Love You
Winter was a simple student who got a scholarship to the famous school. She met the four men she hated. They also became his friends over time. During the few months of his stay many things happened. What will her life be like in this school? Will he be happy?
I finally found you
Meredith, a cooking club’ s new member at BSU, has grown up always feeling like she’s waiting for someone. Being riddled with sad dreams that always left her waking up with a wet face, fear of loud noises, and a birthmark on her temple, has always felt like there is someone she is missing. Randall
Maid With You
Cely was a girl who doesn't have a motto in life and no one get a interest from her but one day her life was change after she met a guy who really catch her attention. From that day she try to tease and annoyed the guy to make his attention go for her even though she doesn't have a right to do it.
Hate To Grab You
Sherin Sarquez, a 20-year-old student. Before she live a normal life... not until their house was tragedies by a wildfire. Her whole family died including her parents and siblings. Everything she had has been taken away from her. The money, the house, the property, and whatever stuff she had to surv
I Love You, Sagada
"Hindi para sa isang prinsesang tulad mo ang Sagada Arki, hindi ang katulad mo ang sisira ng mga pangarap ko para sa mga ka-tribo ko." - Aki "But I love you..." - Arki "And I don't."- Aki Arkisha Rose Salazar is Salazar family's Princess, the only girl to her parents' five children, youngest, an
With You Forever
Heather Jean Duerre is a dumbest bitter woman who believes that forever doesn't exists. Makakatanggi pa kaya siya kapag tadhana na ang nagdikta?
Saying I Love You
Crystal Snow Lopez wants to be an independent woman. She wants to try living alone, away from her ex-boyfriend. She's the kind of girl who wants to try something new. Until she met Sebastian Herrera in Isle Esme. The man who will turn her life upside down. The man who keeps bothering and annoying
I love you, Bitch
Matagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw niya nang makilala si Gavin. Akala niya, ito na an
Arrange To You
Celestia Quinn Vircacel came from a wealthy family. She had an almost perfect life, not until her father's new girlfriend came into their lives. Since then, her life was controlled and she was deprived of freedom. Her father became strict with her, thanks to the influence of his new woman. But tha
It's You (Tagalog)
Dancing inside a palace filled with shining lights and smiles, music of euphonious romance makes her heartbeat thumps fast than usual. She can't see anything but happiness, she wants to hug cupid and shout that this is a dream come true! She feels like she won't wish for anything, but an explosion
ALLERGIC BY YOU
"God d*amn it!?." malakas na mura ko dahil sa isang babaeng nunukan ng kulit at literal na papansin o epal. I've always been like this, iretable sa mga babae, kung anong dahilan dahil sa magaling kong ex girlfriends tingin ko lahat sila pare pareho , kaya ako si Hayes Hermoso hinding hindi na
Will You Unmarry Me?
In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspian, that wasn't the case. Exchanging wedding vows doesn't guarantee that they will love each other forever. Marriage doesn't guarantee love. And love isn't always enough.
Will You Love Me?
Anong gagawin mo kong isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang bestfriend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglan
Fallen For You
Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan ang nararanasan ni Ella hanggang sa dumating sa kany
Right Here Waiting For You
Nagluksa ang puso ni Nailah nang maglaho si Carson nang di man lang nito naibabalik ang pagmamahal sa kanya. But he stayed inside her heart for five years. Hindi madali para sa kanya na kalimutan ito habang ang lahat ay naka-move on na sa pagkawala nito. Ikakasal na ang dati nitong nobya sa kapatid
Patty The Fat Loves You
Si Patricia Garcia a.k.a Patty ay isang mag-aaral sa Guillermo Hills Academy at sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, siya ang paboritong tampulan ng tukso ng kaniyang kapwa mag-aaral dahil sa matabang pangangatawan nito. Tinitiis niya ang mga panlalait at pangungutya ng ibang tao kahit nasasakta
