The Mafia Boss Surrogate
Kidnapped By The Mafia Boss
Nathalia Sarmiento is enjoying her peaceful and simple life to the fullest. She's just one of those ordinary teenagers, who wishes to graduate from college to help the people she treated as her real parents. Everything seems to be perfect. She had a bunch of good friends, loving parents and beautif
Chapter 1 Prologue
"That's all for today. Class dismissed."
Dali-daling nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan, pagkaalis ng huling Professor namin para sa araw na 'to. Ang ilan ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa habang inaayos ang mga gamit ko.
Natigilan lang ako nang maramdaman na may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino 'to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa 'kin.
"Malapit na nga pala ang debut mo! Paniguradong paghahandaan na naman 'yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I'm so excited na tuloy!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nagtititili.
Napailing ako sa kanya habang nakangiti. "That's not gonna happen."
Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Huh?"
Nagkibit-balikat ako. "I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroon ng malaking party katulad ng inaasahan mo."
Sinukbit ko ang handbag na dala sa kanang balikat ko at tumayo. Doon ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa classroom.
"Let's go." Nakasimangot na sumunod siya sa 'kin.
Paniguradong nauna na sa cafeteria para kumain ang tatlo naming mga kaibigan na sina Harold, Albert at Damon. Palagi kasing gutom ang tatlong 'yon. Hindi ko nga alam kung saan ba nila inilalagay ang mga kinakain nila.
"Seryoso ba talaga? Buti napapayag mo sila Tito. Knowing them, I'm sure that they have an extravagant plan for your special day." Mababakasan ng panghihinayang ang boses niya.
Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Indeed, my parents love to do something extravagant. Sa mga nagdaang taon kasi ay sobra kung paghandaan talaga nila ang aking kaarawan.
Maraming imbitado na bisita at ang ilan sa mga 'to ay mga kasosyo nila sa negosyo. Sa isang resort, hotel, restaurant o di kaya sa naglalakihang function hall naman madalas na idinadaos ang party.
But I want this year to be different. Oo at nagmamay-ari ng malaking hotel chain ang mga magulang ko. Pero hangga't maaari ay ayokong napapagastos sila ng malaki dahil sa 'kin.
Dahil hindi naman nila ko totoong anak.
Isa 'yong parte ng pagkatao ko na walang kahit na sino ang nakakaalam. Kahit ang mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin ang gano'n para iwas issue.
Sa paglipas ng mga taon ay hindi na talaga nagkaanak sila Mama at Papa. Kung kaya naman ay naiintindihan ko rin kung bakit gano'n na lang kung i-spoil nila ko sa halos lahat ng bagay. Kahit ang ibang tao ay nauunawaan 'yon dahil ika nga, only child nila ko.
Isa sila sa mga dahilan kung bakit excited na kong maka-graduate. Dahil dalawang taon na lang at makakatulong na rin ako sa negosyo nila sa wakas! 'Yon ang isa sa paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila.
"Noong una ay nahirapan talaga kong kumbinsihin sila. It took me a lot of effort just for them to say yes."
Totoo naman 'yon. Katakot-takot na kundisyon ang ibinigay nila bago ko sila napapayag.
Marahas siyang napabuntong-hininga, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Mabilis na iniangat naman niya sa ere ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Okay. If that's what you want. Wala namang problema sa 'min kung bongga o simple ang magiging selebrasyon ng birthday mo. Pero siguro naman ay kabilang kaming apat sa iilang bisita mo?" nag-aalangan niyang tanong.
Saglit akong natigil sa paglalakad para pandilatan siya. "Of course! What kind of question is that?"
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang dumaang lungkot sa kanyang mga mata, dahil agad rin itong napalitan ng tuwa. "Wala naman. Just want to confirm. You know, ayokong maging assumera."
"Gaga!" Nagkatawanan na lang kaming dalawa bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
Huminto kami sa tapat ng locker room. Akmang bubuksan ko na ang locker ko nang magpaalam si Madeline na pupunta ng restroom. Hindi na ko nagsalita pa at tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya.
Nang tuluyan ko ng mabuksan ang locker ko ay kumunot ang noo ko nang tumambad sa 'king paningin ang isang kulay puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng libro ko.
Napansin kong blangko lang ang ibabaw ng sobre at walang kahit na anong nakalagay rito. Nagtataka man ay kinuha ko ito at walang pag-aalinlangang binuksan. Sa loob nito ay mayroong puting papel na nakatiklop, na agad ko namang binasa ang nakasulat.
"Advance happy 18th birthday, Nath. Can't wait to see you. Soon."
Mas lalong kumunot ang noo ko nang dahil sa nabasa. Tiningnan ko ang likurang bahagi ng papel pati na rin ng sobre. Nagbabakasakaling may nakasulat dito kung kanino galing 'to.
Pero wala ng iba pang nakalagay maliban sa mensahe na 'yon.
Pilit kong inalala kung may kaibigan ba ko o malapit na kakilala na matagal kong hindi nakita.
Pero wala.
Nagkibit-balikat na lang ako at piniling itago ito sa loob ng bag. Marahil ay napagtripan lamang ako ng isa sa mga kaklase ko na walang magawa sa buhay. Hindi ko rin naman masabi kung secret admirer ito o ano dahil ngayon lang naman ako nakatanggap ng ganitong klase ng sulat. Wala rin naman kasing nanliligaw sa 'kin kahit isa. May mga nagtangka, pero hindi naman tumutuloy.
Akmang isasara ko na ang pinto ng locker ko, nang mapansin na may kung ano pa palang nakapatong sa libro ko.
Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko ng kuhain ko ang bagay na 'yon.
Black rose.
Napasinghap ako at halos mapatalon sa gulat nang may biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod.
"Let's go? They're waiting for us already." Muli ay ang nakangiting mukha ni Mads ang bumungad sa 'kin. Walang oras o minuto ata na hindi nakangiti ang babaeng 'to.
Mabilis naman akong nakabawi mula sa pagkakabigla. "O-Okay."
Dali-dali kong itinago sa loob ng bag ang itim na rosas at sinara ang locker ko. Hindi ko alam kung bakit... Pero...
Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw.
Instant Mafia Boss
Si Shenaya Madrigal ay isang ordinaryong BSA student lamang. Isang estudyanteng mabababa ang grado pero matataas ang nakukuhang marka sa math at accounting. Isa siyang makulit at mapagmahal na anak ng kaniyang mga magulang at kahit kailan ay hindi niya naisip na mapapasok siya sa isang gulo. Sa is
The Prank Call to the Mafia Boss
Hindi aakalain ni Mara na ang kaniyang simpleng katuwaan lamang ang siyang magpapabago pala sa kaniyang buhay. Hindi niya lubos aakalain na makikilala ang kakaibang lalaki na si Kayden Hemsworth. Sa kaniyang ginawa ay matatagpuan niya ang lalaking mamahalin niya buong buhay nito. Sa simpleng tawag
Surrogate Mate
Binalalaan na si Heaven na huwag na huwag niyang bubuksan ang pinto sa pangalawang palapag. Lalo na at papalapit na ang kabilogan at eclipse. Pero hindi siya nakinig. Sinunod niya ang nais niya na makasilip sa kuwarto na iyon. She can't move her body. A sharp fang thrust on her skin. Pinagsisihan n
My secret husband is a Mafia boss
Zyjin Fortabella isang mafia boss na masungit, minsan mabait. Magiging secret husband ng isang maid, anong mangyayari sa dalawa. Magkaka inlove-an kaya sila o hindi? Kaya naman basahin mo kung gusto mong malaman.
The Boss Wife
Being a Mafia wife is dangerous. It was dangerous enough for her younger brothers. How would she deal with every pain and hardship just to be with Duke and fulfill her role as the Mafia Boss Wife?
The Big Boss Eye's
king is trina's firstlove, as a child, king is a bully, he always teases trina. Until one day trina decided to move, she walked away and changed herself. It makes you beautiful and slim down a lot. Until destiny joked again, trina didn't think that they would meet again, even worse, she would be
THE GRUMPY BOSS
Would you still hold on to the man who broke your trust and took your love for granted? Or would you rather bring back the love you had long forgotten? *** Being left behind by the people she cherished, Lura Elise Abejero wants not
Notorious Mafia King Is My Boss (Tagalog Version)
(JACK KREAN TOMIZARA MILLER STORY) "What are you doing, Ms. Samantha?" Jack angrily said after he see his employee chit chatting with some guys, while the other girls are waiting for her service. Halata naman sa librarian ang pagkagulat. Napatayo at mabilis na yumuko sa lalaking nagngangalang Jack
The Mafia' Sperm Thief
Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkar
The Mafia Prince's Girlfriend
Kung iisipin ay isang ordinaryong teenager lang si Cindy Cane Villegas. Financially stable, may Kuyang handang ibigay sa kan'ya ang lahat, at mga kaibigang laging maaasahan. Ang hindi alam ng iba ay binabangungot siya ng mga pangyayari halos sampung taon na ang nakakaraan. Her parents were killed
The Secret Mafia (Book 1)
For my friends. "Ikaw ang papakasalan ko, Meggay. Ikaw ang gusto kong maging asawa," sincerong wika ni Patricio habang nakatingin sa akin ng maigi. My eyes sparkle with different emotions, thousands of butterflies are emerging to my stomach. Then, He married someone else. "Meggay Minx Foreister
My Beast Boss Love
Marsha had a simple life. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past. But suddenly she met again that person - making her life change and making her recall her past.
Ava's Playful Boss
Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kaya
The Lost Memory of a Mafia
Gaano man kahirap ang danasin niyo ipaglayo man kayo ng panahon kapag kayo talaga. Ang tadhana na mismo ang maglalapit sa inyo pabalik.
Arranged Marriage To My Boss
Struggling towards her adulthood, Irisian Marie Villafuente accidentally shared the lies she told on her interview to the man in the elavator. Hindi niya alam na ang lalaking kausap niya pala ang kaisa-isahan boss niya sa kumpanya. Her dominant, bipolar and sexy boss Zachary Levi Esqueza. When she
The Mafia Lord is Obsessed with the Famous Ballerina
There was a famous Ballerina whom performed to the big and elegant theater. But little did she knows.. someone's staring at her with a playful smirk in his lips. It turned out that he's literally obsessed with her since the day they've met. Is she gonna give him a chance to prove his love to her?
The Hiding Mafia's (Book #2 of The Secret Mafia)
For my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of you is the reason why she died." She smirked but P
Helena's Possessive Boss (Undercover Billionaire Collection)
"When you're running away from your own shadow but it seems it's haunting you in return.." I am Helena Kelandra Morata, a typical girl at first but having a twist personality. I can be a sugar coated girl or a bad-ass bitch. I know how to play, I know how to put a trap and lure boys. But, when I f
My Ruthless Mafia Husband
Being a wife of a Mafia Boss and Multi Millionaire Emmanuel Montefalco is every girl's dream, and it's the happiest moment that ever happened to your life. But it's not for me, instead it was a hell to me when I married the fucking bastard Emmanuel. He married me because he has a responsibility to m
