The Dare
Dare to Love (Filipino)
Atasha hated Kurt. He was cold hearted and ambitious. Insulto sa kanya nang alukin siya nito ng kasal para bayaran ang pagkakautang ng pamilya niya. Kailangan kasi nito ang political background ng angkan niya. Nang pinsan niya ang balingan nito, lalong sumama ang tingin niya dito. Akala niya ay tulu
Chapter 1 The Price is Too High
“No, Tito Horacio! Hindi ako magpapakasal sa Kurt na iyon!” mariing tutol ni Atasha. Nasa library sila sa ancestral house ng mga Gatchitorena sa Davao.
“But we have no other choice. Lubog na ang pamilya natin sa utang. Walang naiwang pamana sa atin ang lolo mo kundi ang mga utang niya,” paliwanag nito.
Mariin niyang nakuyom ang palad habang tinitingnan ang Tito Horacio niya at Tita Bettina. Mahigit isang buwan na mula nang mamatay ang lolo niya. Saka lang nila nalaman kung gaano kalaking financial crisis ang kinakaharap ng pamilya.
Ang mga ito na ang itinuring niyang magulang mula nang magkasunod na namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan. At ang mga ito na lang din ang natitira niyang kamag-anak. Handa siyang tumulong sa problema. Pero hindi niya matanggap ang ihinahaing solusyon ng mga ito.
“Sa dinami-dami ng pwedeng utangan ni Lolo, bakit doon pa sa Kurt Rieza na iyon?” nakasimangot niyang sintir. Hindi niya maiwasang sisihin ang namayapang lolo. She didn’t like Kurt Rieza to start with. Unang kita pa lang niya dito ay hindi na maganda ang impresyon niya dito.
“Dahil si Kurt lang ang hindi nagbibigay ng interes. Malaking konsiderasyon ang ibinigay niya sa pamilya natin. Ilang buwan na dapat nailit ang lahat ng ari-arian natin dahil na hindi na natin mababawi pa ang milyon-milyong ginastos ng Daddy mo noong eleksiyon,” anang si Horacio na hindi maitago ang magkahalong lungkot at desperasyon. Wala rin kasi itong magawa para bayaran ang mga utang. Nag-invest din ito sa sariling negosyo na kasisimula pa lang.
Dating itong may malaking wine vineyard sa States. Ngunit nang mamatay ang mga magulang niya ay umuwi ang mga ito sa Pilipinas upang tulungan ang lolo niya sa pamamahala ng hacienda. Subalit hindi rin naging maayos ang lahat dahil sa dami ng salot at tagtuyot na nanalasa sa mga pananim noon. Bukod sa dati ng utang, nadagdagan pa ang mga gastusin hanggang tuluyan na silang mabaon.
“The price is too high. I didn’t realize that he would ask for my neck.”
“He asked for your hand,” pagtatama ni Horacio. “Come to think of it, Atasha. All he needs is a wife for convenience.”
“He needs a woman who will authenticate his existence in the political world. And I don’t want to be used!” Kung ikakasal niya, gusto niya ay sa lalaking mahal niya at hindi sa isang oportunistang tulad ni Kurt.
“The union will be beneficial for both of you. You will be well provided as his wife. You don’t even have to consummate your marriage. All he needs is a wife. And you are perfect,” kalmadong paliwanag ni Horacio.
“And if I refuse?”
“Sa kalye na tayo matutulog kapag binawi na niya ang lahat sa atin.” Mula sa pagiging kalmado ay nabahiran ng histerya ang boses ni Horacio. Ilan sa mga madalang na pagkakataon kapag nawawalan ito ng kontrol sa sitwasyon.
“Like I would care!” she said between her gritted teeth.
Wala siyang pakialam sa kayamanan ng pamilya o sa magandang estado nila sa mundo ng pulitika. It looked ideal to others. She was usually the envy of people. Pero sa pagkakataong ito, walang sinuman ang maiinggit sa kanya. Puro sakit lang ng ulo ang dala ng kayamanan ng pamilya nila.
“Wala ka bang pakialam sa amin?” galit na tanong ni Horacio sa mataas na boses. Tumitiklop na ang mga tao sa paligid kapag ganoon ang tono nito. Pero hindi siya. She had that stubborn Gatchitorena blood in her. Hindi siya mapipilit sa isang bagay na ayaw niya. Habang ginigipit, lalo siyang nagrerebelde.
“Horacio,” mahinahong saway ng Tita Bettina niya dito at hinawakan ito sa balikat. Nakangiti siya nitong binalingan nang tumatimik si Horacio. “Atasha, ano ba ang ayaw mo kay Kurt? He is a very good businessman. He is only thirty-five but he already made it big in the business world all by his self. He is virile, intelligent, gorgeous and rich. Many women are after him. You are lucky.”
“Lucky?” sarkastiko niyang ulit sa huling salitang sinabi nito. “How would I feel lucky if I would marry a guy with no emotions? Ni hindi siya marunong ngumiti maliban na lang kapag may kinalaman sa negosyo at pulitika ang pinag-uusapan.”
Hindi maiwasang ngumiti ni Bettina. “So you are keenly observing Kurt. That is good. Maybe you are interested in him,” nanunukso nitong sabi.
“Interested?” sarkastiko niyang usal. “He is ambitious, cold, unemotional, showy and a bloodsucker. All he cares about is money. I wonder if he has a heart.”
And she would probably yawn if he kissed her…if he knew how to kiss.
“I don’t really care if he doesn’t have a heart! May utang tayo na kailangang bayaran sa kanya. Naniningil na siya. I don’t want to beg on the streets. Ayokong mapahiya sa mga tao,” mariing sabi ni Horacio.
“I don’t want to be a politician’s wife, Tito,” aniya sa malungkot na boses.
Pamilya sila ng pulitiko. Naging gobernador ang Lolo Edmundo niya at gusto nitong ipagpatuloy ang nasimulan. Daddy niya na si Ernesto ang nakakuha sa hilig nito. Ngunit nang maging pulitiko ang Daddy niya, saka niya naranasan kung gaano kaabnormal ang buhay niya. Tapat namang manungkulan ang Daddy niya. Pero mas marami pa itong oras na inilalagi sa munisipyo kaysa sa bahay nila. Mas marami pang oras para sa mga constituents nito kaysa sa kanilang mag-ina. May mga pagkakataon pa na hindi nila ito nakakasamang magdiwang sa mga importanteng okasyon tulad ng birthday niya. It was tough being a politician’s daughter.
But it was tougher being a politician’s wife. Nakita niya kung paanong magpakamartir ang Mommy niya na si Eva. She had been supportive of her father’s career. Kapag may krisis, lagi itong nakaalalay. At tahimik na umiiyak sa mga gabing hindi nakakauwi ang Daddy niya dahil sa trabaho.
Nabaril ang Daddy niya sa munisipyo magda-dalawang taon na ang nakakaraan. Kasisimula pa lang ng second term nito bilang city mayor ng Davao. Hindi pa tapos ang pagluluksa niya nang sumunod ang Mommy niya dito at naiwan siyang ulila. Hindi kasi nito nakayanan ang pagkawala ng Daddy niya.
Simula noon, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magiging bahagi pa ng pulitika. She wanted to live a normal life. And that would mean marrying a normal man. Not someone with political ambition. Doon lang mapuputol ang paghihirap ng kanyang kalooban.
“Napakadali sa iyong itapon ang lahat ng pinaghirapan ng Lolo Edmundo mo at ng Daddy mo? Mas gugustuhin mo pang mamalimos sa kalsada kaysa isalba ang lahat ng dapat ay maipapamana nila sa iyo.”
“I know how to work, Tito,” she countered unconcerned of their worries. “I don’t want to beg, you know. I have too much pride to do that.”
“You’d rather lose everything than do something to retain our assets?”
The 1,000 Likes, 500 Comments, 100 Shares Dare
Marvene Estacio is an old soul. Mas gusto niyang ng tumambay sa library kaysa sa magbabad sa social media sites at dutdutin ang cellphone. Bukod sa toxic ang internet, ayaw na ayaw niya ng mga famewhore na nabubuhay lang sa likes at comments ng ibang tao kahit walang sense ang sinasabi. Si Thalia Vi
Sweet Seduction (Tagalog)
Hindi inaakala ni Kamille na mahuhulog siya sa kanilang gwapong hardinero. Nasanay man siya na lahat ng gusto niya'y kaniyang nakukuha pero mukhang mahihirapan siya pagdating sa lalaking ito. Masyado itong mailap sa kaniya, at kahit halos ibandera na niya rito ang buong katawan niya ay hindi man lan
Pag-ibig bilang Armas
Pagkatapos bumagsak ang negosyo ng pamilya ko, napilitan akong pakasalan ang kuya ng aking unang pag-ibig. Sa araw ng kasal, kahit na umiiyak si Jase Mitchell habang nagmamakaawa, hindi ko na siya nilingon. Apat na taon ang lumipas, pumanaw ang asawa kong si Kade Mitchell dahil sa karamdaman,
THE CURSE BLOOD: Witch in the Palace
Amaliah, a simple princess who went to a far away Kingdom for a traditional mission. To be an independent one, she works as a maid to earn her own money. Without knowing, she is unfolding her real mission, finding pure love, a cure to a curse. But will her prince accept her fully, if he found out wh
The Vengeance of the Heiress
Mavis witnessed the downfall of her clan. Nasaksihan niya ang pagkawala ng lahat sa kanya. Ang pagkamatay ng mga magulang niya, ang pag-agaw sa kompanya nila at ang unti-unting pagkawala ng pagkatao niya bilang nag-iisang tagapagmana ng Servillon. Lahat ng yon ang nagsiga sa galit at poot niya at na
The moon beneath the sun
Bilang anak ni Alucard Silvana ay ang pinakamahirap na gagampanan na papel sa buhay para kay Irish Fhrixe Silvana. Kailangan niya maging kakaiba, pinakamagaling na mamatay-tao, pumatay at mamatay upang matawag lamang siya nitong anak. Dahil alam niya na hindi lamang ang mahal niya sa buhay ang gust
The Desires
Ashley is a simple girl who had a simple dream in life. She wants to marry the man living in his imagination and dreams. She kept dreaming about someone waiting in front of the altar- wearing white coat and smiles on his face even though she can’t see his eyes, the whole look of his face. As she sta
The Search
Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is
The CEO
Blaire Ellis Jimenez, a strict cold hearted CEO of Jimenez Group of Company. She has a beauty of a goddess and a body to fantisize for. Sa edad na 32 ay isa na sya sa mga kilalang entrepeneur sa larangan ng business world. Wala na syang oras pa sa tinatawag nilang lovelife dahil para sa kanya ay sag
The Promises
What if mag karoon ka nang karanasang hindi mo inaasahan. Paano kung sa isang pag kakamali lang magbago na lahat,paano kung ang isang maganda,perpekto at masayang buhay na Meron ka ay bigla nalang maglaho na parang Bula dahil sa mangyayari? Lulutasin mopa ba ang misteryong o ito? O hihintayin m
In The Arms Of The Devil
She knew no love until a ruthless rebel claimed her heart! Hannah is living her life perfectly. With a fulfilled career, a loving parents and a supportive fiance. Wala na siyang mahihiling pa. For her, everything in her life is already perfect. Until that terror day... She was abducted by an u
Between the Mafia's and the Agent's
“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “
The Magic
The magical thing for us to be loved and being proud is love yourself first. Before we love someone we make sure that our self is full of acceptance, forgiveness, good attitude and focus what are we taking right now. And before we down other people, hurting feelings, bashing their own appearance and
The Prank Call to the Mafia Boss
Hindi aakalain ni Mara na ang kaniyang simpleng katuwaan lamang ang siyang magpapabago pala sa kaniyang buhay. Hindi niya lubos aakalain na makikilala ang kakaibang lalaki na si Kayden Hemsworth. Sa kaniyang ginawa ay matatagpuan niya ang lalaking mamahalin niya buong buhay nito. Sa simpleng tawag
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata
The SSG President's Obsession
Rain Garcia is a simple girl that's having a cheerful life. She loves smiling and enjoying her self. But a man named Yuri Valdez which is the SSG PRESIDENT of there university the VSHSU. Yuri is a kind of man that's having a cold gaze with intimidating aura. Then one day, the path of their li
The Good Wife (Tagalog)
Cherry Bueno, 27 years old at may asawa- si Alfred Llaguno. Simpleng babae at mabuting ina na naghahangad ng masayang pamilya ngunit bigo siyang natupad iyon. Hindi akalain na gano'n kanyang kinahihinatnan matapos akala niyang mabuti at mapagmahal na asawa si Alfred. Sa kabila nito, muling nagtagpo
The Virgin's Doctor
Verine Garzon is curious and pure but she's not innocent. Her wild acts results to something serious in her reproductive health that needs professional help of doctors. When she met her aunts doctor, Dr. Malcolm Monteclar, the most handsome doctor in the country, she couldn't help but fantasize a
The Princess Challenge
Matapos iligtas ang mayayamang dayo sa Looban mula sa snatcher at muntik mamatay, nalaman ni Abegail na anak pala siya ng isang mayamang negosyante na si Marcel Malvarosa. Mula sa pagtira sa squatter’s area, sa isang iglap ay tumira siya sa magarbong mansion at nag-aral sa mamahaling paaralan. Pero
