Kunin ang APP Mainit

Second Time Around

If Time Stops

If Time Stops

Kasaysayan

5.0

A bloodthirsty royal family, a wise and elegant twin princes, the battle for power and crown. When the old kingdom ruled the land, nothing is safe in the eyes of the rich, no one will let you tell the truth. Elersa, a lady who serves for the family. What will she discover? Will she be damned if the

Chapter 1 Kabanata 1

Kabanata 1

Jerusalem (32 CE)

"ANO sa tingin niyo? Sino ang dapat kong palayin sa kanilang dalawa? Ang kriminal na ito o ang tinatawag niyong Kristo?" tanong Gobernador sa mga tao. Habang nakaupo ang Gobernador sa harap ng maraming tao ay may ibinulong ang kanyang asawa. Matirik ang araw at tanging ang alikabok ng mga karwaheng binabagtas ang lansangan ang nasa paligid.

"Binayaran ng mga punong saserdote ang mga tao na ang kriminal na iyan ang palayain," bulong sa akin ni Renara, maraming tao sa paligid kaya't hininaan niya ito.

"Isa ka bang huwad? P-paano ka nakasisigurado?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko siya mula sa napakaraming tao at idinala sa likod ng isang karwahe. "Paano mo nalaman? Mapapahamak ka sa iyong winiwika."

"Binigyan ng mga saserdote ang aking asawa kanina ng salapi." May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang apat na drakma. "Naniniwala ka na ba, Elersa?"

Muling sumigaw ang kapita-pitagang gobernador at tinanong sa mga tao kung sino dapat ang palayain. Parami nang parami ang mga tao na dumadalo sa paglilitis at ang karamihan ay nagsisiksikan na. Nagkagulo ang lahat habang sumisigaw.

"Sa kanya? Ano ang dapat kong gawin sa kanya?!?" tanong niya muli at itinuro ang lalakeng pamilyar sa akin, nakatayo ito malapit sa isang kriminal. Maaliwalas ang kanyang mukha at pinapanood lamang ang sangkatauhan habang nakagapos ang kanyang mga kamay.

Para sa akin, wala siyang ginagawang anumang masama, nadinig ko na ang mga turo at payo niya sa mga tao. Nasaksihan ko na ang kanyang mga himala. Ang pagpapakain nya sa libo-libong mga tao at ang mga pagpapagaling niya sa mga may malubhang karamdaman

Ako'y nagtataka rin kung bakit siya dinakip ng mga guwardiya sibil.

"Patayin siya!" sigaw ng mga tao. Nakita ko rin ang asawa ni Renara na sumisigaw rin nito.

"Ano bang kanyang kasalanan? Bakit ganyan ang inyong nais?" tanong ng Gobernador na animo'y inililigtas ang lalake sa kamatayan. Nakita ko rin ang kanyang Ina na labis-labis ang pag-iyak sa kalagitnaan ng maraming tao kasama ang kanilang mga kamag-anak. Pilit silang sumisigaw ngunit mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao.

"Patayin siya!" Mas lalong gumugulo ang mga tao. Nang naulinigan ng Heneral na hindi nagustuhan ng mga tao ang kanyang tanong, napaubo siya. Kumuha siya ng tubig at hinugasan ang kanyang mga kamay sa harap ng mga hindi magkamayaw na tao.

"Hindi ako ang may kagagawan nito. Kayo ang may pananagutan sa naging desisyon. Ipako siya," saad ng Heneral. Iniutos niya sa mga guwardiya sibil na palayain ang lalakeng kriminal na malaki ang ngiti. Naglakad na ang Heneral papalayo at iniwan ang mga nagsisigawang tao.

"Kami at ang aming mga pamilya ang may pananagutan!" sigaw ng buong bayan. Nagulat ako nang may lalakeng humawak sa aking pulsuhan, gulat akong napatingin sa kanya.

"Kailangan na nating umalis, Elersa!" Seryoso ang mukha ng aking asawa, namamawis at hapong-hapo rin ang kanyang mukha na animo'y nagmamadali. Hawak niya sa kamay ang aming anak na apat na taong gulang. Hinila niya ako papalayo sa mga tao at dinala sa isang lilim ng puno ng olibo, isinuot niya sa akin ang aking talukbong dahilan upang hindi makita ang aking mukha.

"B-bakit!?" Naguguluhan ako sa kanyang inaasta. Tumingin siya sa aking mga mata na lalong mas nagpakaba sa akin.

"Nalaman na ng aking kapatid ang ating pinagtataguan, kailangan na nating lumipat." Mabilis na dumating ang isang karwahe na ikinatinginan rin ng ilang tao, ngunit nangingibabaw parin ang atensyon sa paglilitis. "Umalis na kayo."

Ibinigay niya sa akin ang aming anak at akmang tatakbo na siya nang hawakan ko ang kanyang kamay. Nanginginig na ang aming mga kamay dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Nakatingin lang ang dalawan naming anak sa amin na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"P-paano ka!? Paano ang ating mga ari-arian!? Hindi ka ba sasama!?" sunod-sunod kong tanong, nangangamba na ako sa mga nangyayari. Limang taon na kami sa Jerusalem at tila ngayon na ang mga huling araw namin dito. Ang mga balintuna ay ngayo'y nagiging katotohanan na.

"Nasusunog na ang ating tahanan, ang mga tupa ay natagpuan nang patay, at ang ating pwesto sa pamilihan ay ninanakaw na. May pupuntahan lang ako sandali," -napatigil siya at lumapit sa akin- "tutungo tayo sa Italya. " Inilahad niya sa akin ang kanyang gintong singsing at hinalikan ang aking noo.

Mas kumirot ang aking dibdib sa kanyang ginawa, tila ba mayroon siyang ipinapahiwatig. Ang lahat ng mga ipinundar at pinaghirapan naming ng ilang taon ay nawala sa isang iglap lamang. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan.

"U-umalis na kayo," dagdag niya at siya'y aking hinagkan. Ramdam ko ring nahihirapan at nababahala siya sa mga nangyayari. Kinuha niya ang aking kaliwang palad at inilagay ang singsing roon. Dali-dali ko siyang yinakap habang dahan-dahang dumadaloy ang aking luha. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kamay niyang sinasapo ang aking buhok. Ang balakid sa aming pag-iibigan ngayo'y dumating na.

Parang dinadaganan ng sako-sakong trigo ang aking dibdib, ako'y labis-labis na nasasaktan. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata at ang pagtulo ng aking mga luha.

"M-magkikita pa tayo," saad niya at bakas ang lungkot sa kanyang tono. Napatingin siya sa aking bilugang tiyan, ilang buwan nalang ang bibilangin ay manganganak na ako. Lumuhod siya sa aking harapan at hinalikan ang aking tiyan.

Sumakay na ako sa karwahe at nagsimula nang tumakbo ang kabayo. Para akong nadudurog sa mga nangyayari, yinakap ko ang aking anak papalayo sa aking asawa. Hindi ko akalaing darating na ang araw na aming inaasahan, sa higit limang taon ay dumating na ang aking kinatatakutan. Ang bawat huni ng kabayo, ang pagtalsik ng tubig sa aming dinaraanan, at ang bawat himig ng hangin ay nagpapaguho ng aking mundo.

Napalingon ako sa durungawan ng karwahe, nakikita ko ang makapal na usok na nanggagaling sa aming tahanan.

"Bakit ka umiiyak, Inay?" Dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Pilit akong ngumiti at ginulo ang kanyang buhok.

"Magpapakabait ka ha, Anak?" Pilit akong ngumingiti habang pinupunasan ang walang tigil na luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nawala na sa aking presensya ang aking asawa sa ilalim ng puno ng olibo, nakakalayo na rin ang karwahe habang tinatahak ang tuyong lupain.

"Hinahanap na tayo ng iyong Ama."

***

Magpatuloy sa Pagbasa
A Day At A Time

A Day At A Time

Pag-ibig

5.0

Mahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-lamig ang pakikitungo ni Aziel kay Ruth. Ang paniniwa

Second-hand Bride ng CEO

Second-hand Bride ng CEO

Makabago

5.0

No gabing ng kanilang kasal, sinabi ng asawa ni Nadine na siya ay hindi makapag-perform. Dahil hindi siya mahal, tinanggap niya ang sitwasyon nang walang reklamo. Kalaunan ay nalaman niyang nagsinungaling ang kanyang asawa. Ayaw siyang galawin nito dahil may ibang tao sa puso niya. Pagkatap

Promise series 1: My long time crush (Filipino/Tagalog)

Promise series 1: My long time crush (Filipino/Tagalog)

Pag-ibig

4.0

Paano kung Ang taong makakasama mo sa panghabang buhay ay nanjan lang pala? Paano kung Ang kaibigan mo ay may lihim na pag tingin sayo, anong gagawin mo? Parehas din ba kayo ng nararamdaman? Si Danah Richelle Ramilo ay may kaibigan na siyang best friend niya. His name is Justine axier Vazquez. A

Rebellious Paraluman

Rebellious Paraluman

Kasaysayan

3.5

Megani Chantal Zaldua is a rebellious daughter of a powerful politician in their town. Because of the unexpected accident, she was involved in, she suddenly went back in 19 century, to finish a special mission. And that was to change her ancestor’s biggest sin in the Montemayor family. Megani is

The Magic

The Magic

Iba Pa

5.0

The magical thing for us to be loved and being proud is love yourself first. Before we love someone we make sure that our self is full of acceptance, forgiveness, good attitude and focus what are we taking right now. And before we down other people, hurting feelings, bashing their own appearance and

The Augustine Trilogy: My Lifemate

The Augustine Trilogy: My Lifemate

Pag-ibig

5.0

Pangkaraniwang babae lamang si Faye sa kanyang mundo hanggang sa nagbago ang buhay niya nang aksidente siyang makapunta sa mundo ng mga bampira. Dito niya nakilala ang isang mahikero na magdadala sa kanyang kapareha na isang Alpha, si Philip. Nakita ni Faye kung paano inabuso at minaltrato si Phili

Different Worlds

Different Worlds

Pantasya

5.0

Due to a traumatic experience, meet Jannelle Velasco starts to hate darkness. She can no longer breathe without light, it's suffocating her . Something unexpected going to happen to her life, Jannelle transmigrated to a world that was different from where she originally belongs to. There she meet

I finally found you

I finally found you

Young Adult

5.0

Meredith, a cooking club’ s new member at BSU, has grown up always feeling like she’s waiting for someone. Being riddled with sad dreams that always left her waking up with a wet face, fear of loud noises, and a birthmark on her temple, has always felt like there is someone she is missing. Randall

The Ghost Of An Egyptian Princess

The Ghost Of An Egyptian Princess

Pag-ibig

5.0

A story of a young billionaire who's focus is to taste every type of women, waste his money for parties and all the luxuries he wants; and yet, fell in love with the ghost of an Egyptian princess that is destined to leave him behind.

Because of You (Published 2016 as a book)

Because of You (Published 2016 as a book)

Pag-ibig

5.0

Naisipan ni Isha na magpakalayo layo muna ng mga ilang araw matapos hindi matuloy ang kasal nila ng kanyang nobyong si Aljon. Ang suggestion ng kanyang pamilya ay magbakasyon siya sa kanyang pinsan sa Quezon province pero naiba iyon ng makita niya ang isang advertisement ng isang Lake sa Mindanao. N

Drifted Into His World

Drifted Into His World

Pag-ibig

5.0

The first time Zairene drifted into his world was through her dreams. She met Flix and Devan. Maraming misteryo ang bumabalot sa buong pagkatao ng dalawa. Tinulungan niya si Flix na makabalik sa trono nito. After that, she learned about the way on how to go back in her real world. She have to die. A

My 1895 Girl

My 1895 Girl

Kasaysayan

5.0

“Nasa taon kang bente-bente.” Ito ang hindi sinasadyang mabigkas ni Klaud Alcantara nang makaharap si Juliana dela Paz dala ng pagkataranta. Nasubok bigla ang pagiging Pilipino niya dahil sa mga malalalim na Tagalog ng binibini. Hanggang saan nga ba aabutin ang pansamantalang pamamalagi ni Juliana

Linguistic Love

Linguistic Love

Kasaysayan

5.0

'Ang lahat ng koreano ay manloloko!' 'Kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng koreano!' April Santiago, ang babaeng may malaking galit sa mga koreano dahil sa kaniyang ama at dahil sa pagkamuhi ay dinamay niya ang iba at nilait niya ito. Paano kung turuan siya ng leksyon dahil sa kaniyang ginawa

Tale of the fallen majesty

Tale of the fallen majesty

Pag-ibig

5.0

Five hundred years ago, in the full blossom of the impeccable beauteous blood moon, a majestic vampire broke a momentous rule. A historic behest where either wealthy or not shall obey. Survival was steeplechase yet in the middle of the chaos, the puissant young man of Royal Blood chose to fall with

MoboReader