Kunin ang APP Mainit

My Only Love

If Only Love

If Only Love

Pag-ibig

5.0

Toni was on the top of the world- she was an icon, a multi-media star and the envy of many artists in her generation, she had a perfect boyfriend and everything at her whim. Subalit sa isang iglap ay nawala sa kanya ang lahat at pakiramdam niya ay walang kwenta ang buhay niya. Subalit may isang taon

Chapter 1 IOL 1

Sumigid ang ulo ni Antoinette“Toni” Fabregas matapos ang duet nila ng kapwa recording artist at ang mahigpit na katunggali na si Amber Kintanar. Matagal niyang pinaghandaan ang guesting nito sa musical variety show niyang Simply Toni. After all, ito ang tumalo sa kanya sa isang singing contest at nagsabing hindi siya sisikat. Gusto niyang ipamukha dito na siya na ngayon ay isang multi-media star at top endorser. She was the Ultimate Diva.

May sarili siyang show habang ito naman ay magbabalik-showbiz matapos ang ilang taong pagkawala sa industriya dahil kung anong bilis ng sikat nito ay ganoon din kabilis ang pagbagsak nito.

Sa kasamaang-palad ay hindi nakisama ang sakit ng ulo niya. Nasa kalagitnaan ng production number nang sumigid ang sakit ng ulo niya. Dumagdag pa ang paghina ng sounds sa earpiece niya. It was not good. Pakiramdam niya ay may sumabotahe sa kanya para matalo siya ni Amber. She was Toni Fabregas. Hindi siya dapat matalo ng isang talunan tulad ni Amber.

“Mukhang kinabahan ka sa duet natin,” komento nito pagpunta nila sa backstage. There was a smug smile on her face. “Hindi mo na-hit ng tama ang high notes mo. Parang nag-alangan ka.”

“Pinagbigyan lang kita. Minsan ka lang naman nag-guest sa show ko kaya gusto ko naman na bigyan ka ng chance na sumikat,” aniya at nginisihan ito.

Hindi niya aaminin dito na sumakit ang ulo niya. Idagdag pa doon ang problema sa earpiece niya. Basta na lang humina ang sounds at nawala.

“Come on. Just admit that you are a loser,” nakangising sabi nito habang naglalakad sila sa hallway ng studio papunta sa dressing room. “Nangangatog ka na siguro dahil matatalo na naman kita.”

Isang nakakainsultong halakhak ang pinakawalan niya. The nerve of this woman! Nang magsabog ng kayabangan sa mundo ay nasalo nito lahat. “Amber dear, don’t be so cocky about it. Baka nakalimutan mo na nanalo ka lang dahil sa gobernador mong ama. Remember the public outcry when I bested me.”

“That’s what you say. Bitter ka lang dahil marami akong supporters.”

Yes. Her own father’s constituency. “But I am the crowd’s darling. I am the Ultimate Popstar now. Ako ang maraming projects. Ako ang may show, maraming endorsements at multi-platinum albums. How about you? Hanggang gold lang ang album mo. Ni hindi ka nagkaroon ng sarili mong show. At anong ipagmamalaki mo sa akin? Ang flop mong movie at ang career mong pilit na binubuhay.”

Naningkit ang mata nito. “I am better now. I can best you. At titiyakin kong ilalampaso kita katulad ng ginawa ko kanina.”

Pumalatak siya at magaang tinapik ang pisngi nito. “Gawin muna bago mo ako pagmalakihan. At kung hindi kita pinagbigyan, paano ka pa nila mapapansin? Baka masapawan ng galing ko ang promotion mo ng pelikula mo. Walang manonood at flop ka na naman. Kawawa ka naman. Paano na ang career mo?”

“You bitch!”

Inangat nito ang kamay at akmang sasampalin siya. Dali-dali niya iyong sinapo at handa talaga siyang labanan ito nang marinig niya ang yabag sa likuran nila. “Toni! Amber!” Nabosesan niya ang isang showbiz reporter na bayaran ng manager ni Amber. Hindi siya pwedeng gumawa ng kahit anong magpapasama ng imahe niya.

Tumawa siya at hinatak si Amber saka bineso-beso. “Thanks for guesting, Amber. Sana maging successful ang movie mo. Alam ko magiging hit iyan. After this, tiyak na magkakaroon ka na ng new album. I am so excited for you.”

Nagulat si Amber at mukhang hindi alam ang sasabihin. Sanay kasi itong magmaldita sa harap ng maraming mga tao. Unlike her, she knew how to play the game. Alam niya kung kailan niya dapat ilabas ang sungay niya.

“Isn’t this nice? Magkasundo kayong dalawa,” sabi ng showbiz reporter na si Kristeta. “Pwede ko ba kayong ma-interview?”

“Si Amber na muna ang interview-hin mo, Kristeta. I need to freshen up a bit. Maraming fans na naghihintay sa akin sa labas. Maiwan ko na muna kayo,” aniya at dali-daling pumasok sa dressing room niya.

Pagpasok ay isang impit na tili ang pinakawalan niya. Tinanggal niya ang Loubutin pumps niya at ibinato sa isang sulok ng dressing room. “That witch! Sino ba kasi ang may idea na i-guest ang babaeng ‘yan sa show ko? I don’t want to give her even a second of my airtime. Siya na nga itong umaamot sa kasikatan ko, siya pa ang may ganang magyabang.”

Dali-daling pinulot ng personal assistant niyang si Dianne ang sapatos niya. “Ate Toni, kumalma lang po kayo. Sayang naman po itong sapatos ninyo.”

“I don’t care. May pambili ako niyan. At pwede nga lang ihinampas ko na ‘yan sa mukha ng Amber na ‘yon. Ang taas ng ambisyon niya. Tatalunin daw niya ako. As if!”

“Ate, m-medyo mas magaling nga po siya kanina…”

Matalim niya itong tiningnan. “Anong sinabi mo?”

Ngumiwi ito. “K-Konti lang naman po.”

“Pinagbigyan ko siya kanina. Saka masakit ang ulo ko at may sira ang earpiece ko,” aniya at hinilot ang sentido.

Nanlaki ang mata nito at dali-daling kinalkal ang bag niya. “A-Ate, bakit hindi mo sinabi kaagad? Sabi na nga ba may masakit sa iyo kaya di mo naitodo ng birit kanina.” Inabot nito ang kapsula ng headache tablet niya at bote ng mineral water. “Ate, di ba kasasakit lang ng ulo mo kanina? Wala kang isang oras mula nang uminom ka niyan. Baka iba na ‘yan. Magpatingin ka na kaya sa doktor?”

“Hindi ko kailangan ng doktor. It’s just a headache. Na-stress ako dahil kay Amber.” Hindi talaga niya matanggap na natalo siya ng ganoon-ganoon lang. There was something wrong.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at pumasok ang nobyo niyang si Phil na may dalang isang bouquet ng rosas. “Congratulations, sweetheart! Another superb performance.”

“Ayan! Tanggal na ang stress ninyo, Ate,” kinikilig na sabi ni Dianne.

Kahit naman sinong babae ay kikiligin kay Phil. Guwapo ito at galing sa pamilya ng mga Valiente, isang mayamang angkan sa Naga. He was an advertisement and indie film director. Marami ang nagsasabing maswerte siya dahil naging boyfriend niya ito. Mabait kasi ito at maalalahanin. Isa sa dahilan kung bakit ito ang sinagot niya sa maraming mga manliligaw ay dahil considerate ito at hindi insecure sa estado niya.

Sinalubong niya ito ng yakap. “Oh, Phil! It was a disaster. Nakakahiya talaga.”

“So nag-flat ka ng isa o dalawang beses pero nakabawi ka naman. You are still great. Makakalimutan mo rin iyan oras na makita mo kung saan kita dadalhin para sa dinner.”

Bumuntong-hininga siya at umiling. “I…I can’t.”

“Pero tapos na ang trabaho mo.”

“May importante pa akong meeting. I need to meet the staff. Kailangang malaman ko kung sino ang sumabotahe sa akin,” aniyang muling sumilakbo ang iritasyon.

Maang itong napatitig sa kanya. “Sumabotahe?”

“Yes. Basta na lang humina ang earpiece ko kanina. Halos wala na nga akong narinig. Kaya nga hindi ganoon kaganda ang performance ko,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Hindi ako papayag na ipahiya lang ako ng ganito.”

“Pero paano ang dinner natin? It is our monthsary, remember?” malungkot na tanong nito.

“Oh! I….I forgot.” Nawala iyon sa isip niya at di naman niya nailagay sa schedule niya dahil sobrang dami ng iniisip niya. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. “How about we reschedule it tomorrow?”

Iling ang isinagot nito. “May flight ako mamayang umaga sa Bacolod para sa shooting ng movie ko. Isasali ko iyon sa Sundance Film Festival. Nakalimutan mo na ba? Halos dalawang buwan tayong hindi magkikita.”

Now she really felt guilty. Ilang beses na itong nangyari sa kanila. Pero konting lambing lang niya ay mawawala ang tampo nito. Yumakap siya sa leeg nito. “Pero naiintindihan mo naman ako, hindi ba? Mahalaga ito sa akin. Why don’t you go home? Ayoko namang mapuyat ka.”

“S-Sige,” lulugo-lugo nitong sabi.

“Ma’am, pwedeng ituloy na lang ninyo ang dinner date ninyo?” bulong ni Dianne sa kanya nang lumabas ng dressing room si Phil.

Naging matiim ang anyo niya. “Hindi. Oras na para malaman nilang walang pwedeng sumabotahe sa akin. Magbabayad kung sinuman ang gumago sa akin. Titiyakin kong mabubura ang pangalan niya sa industriyang ito.”

Magpatuloy sa Pagbasa
My Only Ella

My Only Ella

Pag-ibig

5.0

Is cheating a choice or a mistake? Sabi sa "Wikipedia" cheating generally describes various actions designed to subverb rules in order to obtain unfair advantages. It is also define as infidelity at madami pang iba. Pero ikaw as a person do you see yourself cheating to the one you love? Dahil sa ka

My Ultimate Love

My Ultimate Love

Pag-ibig

5.0

Si Katrine at Daniel ay nagkahiwalay dahil sa hidwaan sa kanilang pamilya. Lumipas ang ilang taon ng muli silang magkita. Manunumbalik kaya ang pagmamahal nila para sa isat isa o muli na naman mamamagitan ang hidwaan ng kanikanilang mga pamilya?

My Beast Boss Love

My Beast Boss Love

Pag-ibig

5.0

Marsha had a simple life. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past. But suddenly she met again that person - making her life change and making her recall her past.

My Love, Denicery

My Love, Denicery

Pag-ibig

5.0

Ang pagiging tagapagmana ng kumpanya ay hindi isang biyaya para kay Denicery Marie Juaneza. Para sa kaniya, sagabal lamang ito sa pagnanais niya na maging isang journalist at fashion designer. Mabigat man sa kaniyang loob, tinanggap niya ang pagsubok na mismong mga magulang niya ang nagbigay. Sa ka

My Lock of Love Cannot Be Broken

My Lock of Love Cannot Be Broken

Pag-ibig

5.0

Kaela was broken and shattered after her ex- boyfriend betrayed her. Sa sobrang kabiguan ay umakyat siya ng Penang Hill para wasakin ang Locks of Love kung saan nakalagay ang pangako nila ng dating nobyo sa isa’t isa. Sa malas naman ay agaw-eksena siya sa pagwawala niya. Mabuti na lang at nandoon an

My first love is a redflag

My first love is a redflag

Pag-ibig

5.0

ella is a simple person and simple student but what if hindi nya inaasahan na sisirain nya ang kanyang sariling rules because she fall inlove to the red flag man, to the man who doesn't care about her feelings and to the man who is popular in their school with many girls, will she still love him???

Faulty Love

Faulty Love

Pag-ibig

5.0

When Katalina first saw Vicente, she knew the man was different from everyone else. But why after she gave everything to him, the man only gave her pain and resentment? After a few years, they met again. Will she be able to keep her promise to herself that she will never get fooled by this man aga

Desire Love

Desire Love

Pag-ibig

5.0

Isang dalagang ina na punong puno ng responsibilidad sa buhay ang magiging katulong sa bahay ngisang sikat at mayaman na CEO ng isang wine company. Masayahin at positibong tao si Aleighn habang ubod naman ng sama ng ugali ang isang Craige Aldomar na walang ibang ginawa kundi laitin at maliitin an

Linguistic Love

Linguistic Love

Kasaysayan

5.0

'Ang lahat ng koreano ay manloloko!' 'Kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng koreano!' April Santiago, ang babaeng may malaking galit sa mga koreano dahil sa kaniyang ama at dahil sa pagkamuhi ay dinamay niya ang iba at nilait niya ito. Paano kung turuan siya ng leksyon dahil sa kaniyang ginawa

Unforgettable love

Unforgettable love

Pag-ibig

5.0

Hindi inaasahan ni Mianara Sol na ikakasal sya sa kagustuhan ng kanyang lola at namayapang ina. Matapos nyang bigyan ng second chance ang dating kasintahan ay malalaman nya naka arrange marriage din ito katulad nya. Another untold stories will revealed. Hindi nya inaasahan ang isang estrangherong la

The Oath Of Love

The Oath Of Love

Pag-ibig

5.0

Many people believe that when two couples get married it ends with a happy ending. However, not all couples end a happy ending. Sometimes, they broke up because of the trials they cannot face. Meet Faith Acosta, a beautiful woman with a golden heart, who has long dreamed of having her own family.

Love and Betrayal

Love and Betrayal

Pag-ibig

5.0

Mataba at tagyawatin si Precious kaya naman lumaki siyang mahiyain at walang kumpyansa sa sarili na labis na pinag-aalala ng kaniyang ama. Kaya nang tumuntong siya sa edad na 25, nagawan ng ama niya ng paraan upang makasal siya sa lalake na mula pagkabata ay minamahal na niya. Pero sa halip na mag

Love Or Justice (Tagalog)

Love Or Justice (Tagalog)

Pantasya

5.0

A vampire and werewolf aren't be together. What if Ashina and Khalid are meant to be? Ang mga immortal at mortal ay hindi maaaring mag-sama sa isang lugar. What if werewolves are need to go in the world of human to get a justice because they know that some of vampires are in mortal world? Matinding

Victims of Love

Victims of Love

Pag-ibig

5.0

We are both victims of our love. "I wanna shout to the whole world that you're mine, but the destiny itself shows that you're not mine," People want us to be separated. "The moon is beautiful, isn't?" "Why be the moon and sunset if we can be the sky that stays even when storm comes," Are you re

Monstrous Academy: Gangster's Love

Monstrous Academy: Gangster's Love

Pag-ibig

5.0

Si Rain Celvero ay simpleng babae lamang na may simpleng pangarap. Ang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit sa hindi inaasahan ay napadpad siya sa delikadong paaralan. Ang Monstrous Academy, isang eskwelahan kung saan nahahati ang mga estudyante sa limang uri; Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Inso

The Unrequited Love

The Unrequited Love

Young Adult

5.0

Mica Gonzales will never forget what happened on the school's rooftop when a man in a black mask and hoodie intervened to save her. The man left without even introducing himself after saving her. Since that time, she has been unable to forget that man, whom she has named Black. She had no idea why

Misfortunes In Love

Misfortunes In Love

Pag-ibig

5.0

Sypnosis: Lumina Raven is a plain, nerd college student, but her life changed when she met Thyrone Fierre. This man suddenly played as her rich boyfriend, but it was to play with her feelings. 5 years later, Lumina Raven became his secretary. Will they romance after they know their secrets will bloo

Billionaire's Untainted Love

Billionaire's Untainted Love

Bilyonaryo

5.0

Ethan Montenegro is Allison Garcia's impossible dream. Ito iyong sikat na heartthrob sa campus, at siya naman iyong saktong tahimik na nag-eexist lang sa background. Hindi siya napapansin at okay lang iyon sa kanya. Ethan and Allison's paths were never meant to cross until a mere nanosecond of ey

Will You Love Me?

Will You Love Me?

Bahaghari

5.0

Anong gagawin mo kong isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang bestfriend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglan

MoboReader