Kunin ang APP Mainit

Kidnapped by my Ex

Kidnapped By The Mafia Boss

Kidnapped By The Mafia Boss

Pag-ibig

5.0

Nathalia Sarmiento is enjoying her peaceful and simple life to the fullest. She's just one of those ordinary teenagers, who wishes to graduate from college to help the people she treated as her real parents. Everything seems to be perfect. She had a bunch of good friends, loving parents and beautif

Chapter 1 Prologue

"That's all for today. Class dismissed."

Dali-daling nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan, pagkaalis ng huling Professor namin para sa araw na 'to. Ang ilan ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa habang inaayos ang mga gamit ko.

Natigilan lang ako nang maramdaman na may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino 'to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa 'kin.

"Malapit na nga pala ang debut mo! Paniguradong paghahandaan na naman 'yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I'm so excited na tuloy!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nagtititili.

Napailing ako sa kanya habang nakangiti. "That's not gonna happen."

Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Huh?"

Nagkibit-balikat ako. "I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroon ng malaking party katulad ng inaasahan mo."

Sinukbit ko ang handbag na dala sa kanang balikat ko at tumayo. Doon ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa classroom.

"Let's go." Nakasimangot na sumunod siya sa 'kin.

Paniguradong nauna na sa cafeteria para kumain ang tatlo naming mga kaibigan na sina Harold, Albert at Damon. Palagi kasing gutom ang tatlong 'yon. Hindi ko nga alam kung saan ba nila inilalagay ang mga kinakain nila.

"Seryoso ba talaga? Buti napapayag mo sila Tito. Knowing them, I'm sure that they have an extravagant plan for your special day." Mababakasan ng panghihinayang ang boses niya.

Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Indeed, my parents love to do something extravagant. Sa mga nagdaang taon kasi ay sobra kung paghandaan talaga nila ang aking kaarawan.

Maraming imbitado na bisita at ang ilan sa mga 'to ay mga kasosyo nila sa negosyo. Sa isang resort, hotel, restaurant o di kaya sa naglalakihang function hall naman madalas na idinadaos ang party.

But I want this year to be different. Oo at nagmamay-ari ng malaking hotel chain ang mga magulang ko. Pero hangga't maaari ay ayokong napapagastos sila ng malaki dahil sa 'kin.

Dahil hindi naman nila ko totoong anak.

Isa 'yong parte ng pagkatao ko na walang kahit na sino ang nakakaalam. Kahit ang mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin ang gano'n para iwas issue.

Sa paglipas ng mga taon ay hindi na talaga nagkaanak sila Mama at Papa. Kung kaya naman ay naiintindihan ko rin kung bakit gano'n na lang kung i-spoil nila ko sa halos lahat ng bagay. Kahit ang ibang tao ay nauunawaan 'yon dahil ika nga, only child nila ko.

Isa sila sa mga dahilan kung bakit excited na kong maka-graduate. Dahil dalawang taon na lang at makakatulong na rin ako sa negosyo nila sa wakas! 'Yon ang isa sa paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila.

"Noong una ay nahirapan talaga kong kumbinsihin sila. It took me a lot of effort just for them to say yes."

Totoo naman 'yon. Katakot-takot na kundisyon ang ibinigay nila bago ko sila napapayag.

Marahas siyang napabuntong-hininga, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Mabilis na iniangat naman niya sa ere ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Okay. If that's what you want. Wala namang problema sa 'min kung bongga o simple ang magiging selebrasyon ng birthday mo. Pero siguro naman ay kabilang kaming apat sa iilang bisita mo?" nag-aalangan niyang tanong.

Saglit akong natigil sa paglalakad para pandilatan siya. "Of course! What kind of question is that?"

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang dumaang lungkot sa kanyang mga mata, dahil agad rin itong napalitan ng tuwa. "Wala naman. Just want to confirm. You know, ayokong maging assumera."

"Gaga!" Nagkatawanan na lang kaming dalawa bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto kami sa tapat ng locker room. Akmang bubuksan ko na ang locker ko nang magpaalam si Madeline na pupunta ng restroom. Hindi na ko nagsalita pa at tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang locker ko ay kumunot ang noo ko nang tumambad sa 'king paningin ang isang kulay puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng libro ko.

Napansin kong blangko lang ang ibabaw ng sobre at walang kahit na anong nakalagay rito. Nagtataka man ay kinuha ko ito at walang pag-aalinlangang binuksan. Sa loob nito ay mayroong puting papel na nakatiklop, na agad ko namang binasa ang nakasulat.

"Advance happy 18th birthday, Nath. Can't wait to see you. Soon."

Mas lalong kumunot ang noo ko nang dahil sa nabasa. Tiningnan ko ang likurang bahagi ng papel pati na rin ng sobre. Nagbabakasakaling may nakasulat dito kung kanino galing 'to.

Pero wala ng iba pang nakalagay maliban sa mensahe na 'yon.

Pilit kong inalala kung may kaibigan ba ko o malapit na kakilala na matagal kong hindi nakita.

Pero wala.

Nagkibit-balikat na lang ako at piniling itago ito sa loob ng bag. Marahil ay napagtripan lamang ako ng isa sa mga kaklase ko na walang magawa sa buhay. Hindi ko rin naman masabi kung secret admirer ito o ano dahil ngayon lang naman ako nakatanggap ng ganitong klase ng sulat. Wala rin naman kasing nanliligaw sa 'kin kahit isa. May mga nagtangka, pero hindi naman tumutuloy.

Akmang isasara ko na ang pinto ng locker ko, nang mapansin na may kung ano pa palang nakapatong sa libro ko.

Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko ng kuhain ko ang bagay na 'yon.

Black rose.

Napasinghap ako at halos mapatalon sa gulat nang may biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod.

"Let's go? They're waiting for us already." Muli ay ang nakangiting mukha ni Mads ang bumungad sa 'kin. Walang oras o minuto ata na hindi nakangiti ang babaeng 'to.

Mabilis naman akong nakabawi mula sa pagkakabigla. "O-Okay."

Dali-dali kong itinago sa loob ng bag ang itim na rosas at sinara ang locker ko. Hindi ko alam kung bakit... Pero...

Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw.

Magpatuloy sa Pagbasa
Marrying My Ex-husband

Marrying My Ex-husband

Pag-ibig

5.0

"Let's have an agreement, remember sa papel lang tayo magiging kasal! And these are the rules," sabay abot ni Maritoni ng papel sa dating asawa. Kunot-noo naman itong kinuha ng lalaki. "No string attached, no pressure, no demands, no touch, at higit sa lahat bawal ang mainlab- ulit! " giit pa n

Napakaganda niyang Ex-wife

Napakaganda niyang Ex-wife

Makabago

4.5

[Cute Baby + Secret Identity + Powerful hero and heroine!] Minahal ni Caroline si Damian nang buong puso sa loob ng limang buong taon. Inialay niya ang sarili sa kanya at namuhay nang mapagkumbaba para sa kanya. Gayunpaman, nang humarap ang mag-asawa sa isang krisis, umaasa siya na ang balita ng ka

Yumaman ang Ex-convict

Yumaman ang Ex-convict

Makabago

5.0

"Ang mga lalaki ay walang kwenta, pero ang mga babae ay may itinatago rin!" Hindi kailanman inakala ni Alexander na ang nag-iisang babaeng minahal niya ay pagtataksilan siya sa paraang ginawa niya. Nailigtas niya ito mula sa kapahamakan at nauwi siya sa bilangguan ng apat na taon. Habang nasa

ALLERGIC BY YOU

ALLERGIC BY YOU

Pag-ibig

5.0

"God d*amn it!?." malakas na mura ko dahil sa isang babaeng nunukan ng kulit at literal  na papansin o epal. I've always been like this, iretable sa mga babae, kung anong dahilan dahil sa magaling kong ex girlfriends tingin ko lahat sila pare pareho , kaya ako si Hayes Hermoso hinding hindi na

CHASED BY A GANGSTER

CHASED BY A GANGSTER

Pag-ibig

5.0

A girl named Lizzy is a woman who wants nothing but to study hard. She is a student who wants to forget her complicated pasts. So that all the hardships and abuse She experienced when She was young would not return and Ruin her present. ____ At the bar she Accidentally meet Tyron A Gangster who

Fenced by the Billionaire

Fenced by the Billionaire

Bilyonaryo

5.0

After one steamy night, Engr. Anastasia Veda Sullivan was fenced by the billionaire, Xeonne Sage Monteverde.

Buntis ang Ex-Wife Ko ?!

Buntis ang Ex-Wife Ko ?!

Makabago

4.6

Si Lenny ang pinakamayamang tao sa kabisera. Siya ay may asawa, ngunit ang kanilang pagsasama ay walang pag-ibig. Isang gabi, hindi sinasadyang nakipag-one night stand siya sa isang estranghero, kaya napagpasyahan niyang hiwalayan ang kanyang asawa at hanapin ang batang babae na kanyang nakasiping.

Owned By the Bad Boy

Owned By the Bad Boy

Pag-ibig

5.0

What if your brotherly love for your childhood best friend has turned into something... romantic? Na-hook agad si Penelope kay Iñigo dahil bukod sa iniligtas siya nito, umaapaw pa sa karisma ang binata. Gayunman, imbes na magpasalamat ay tinakbukan niya ito. Muli silang nagkita sa di inaasahang pa

My Chrysanthemum

My Chrysanthemum

Pag-ibig

5.0

BLURB: Hindi lahat ng sakit, kayang tiisin. Hindi lahat ng pagsubok, kayang pagdaanan. Hindi lahat ng pag-ibig, puwedeng ipaglaban. Kagaya sa buhay, hindi lahat, nagtatagal. May mauuna, may mahuhuli. Pero, laging tatandaan na ang buhay ay parang isang karera. Nakikipag-sabayan ka man sa mga kala

Ang Walang Awa na Paghihiganti ng Ex

Ang Walang Awa na Paghihiganti ng Ex

Bilyonaryo

5.0

Ang kumpanya kong InnovaTech ang naging buong buhay ko. Itinayo ko ito mula sa wala, kasama ang boyfriend kong si Carlo, sa loob ng sampung taon. College sweethearts kami, ang "golden couple" na kinaiinggitan ng lahat. At ngayon, malapit nang maisara ang pinakamalaking deal namin, isang ₱2.5 bilyong

Pinakasalan Ko ang Tiyo ng Ex Ko

Pinakasalan Ko ang Tiyo ng Ex Ko

Makabago

5.0

Sa araw ng aking kasal, ang dating nambubully noong hayskul na minsang nang-api sa akin ay biglang sumulpot sa seremonya. Akala ko ay mananatili si Carsten Morgan sa aking tabi. Ngunit binitiwan niya ang kamay ko at lumakad na may tiyak na hakbang patungo sa kanya. Nang maglaon, nang ideman

Mahiwagang Tycoon ang Ex-wife ko?!

Mahiwagang Tycoon ang Ex-wife ko?!

Makabago

5.0

Si Loraine ay isang masunuring asawa kay Marco mula nang ikasal sila tatlong taon na ang nakararaan. Gayunpaman, tinatrato niya ito na parang basura. Wala siyang ginawang nagpapalambot sa puso niya. Isang araw, nagsawa si Loraine sa lahat ng ito. Humingi siya ng hiwalayan at iniwan siyang mag-enjoy

Flash Marriage: Spoiled By Mysterious Husband

Flash Marriage: Spoiled By Mysterious Husband

Makabago

5.0

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang manganak si Eunice ng tatlong sanggol, ngunit isa lamang sa mga bata ang nabuhay-o iyon ang sinabi sa kanya. Upang manahin ang ari-arian ng kanyang ina, pinilit si Eunice na magpakasal sa isang hindi kilalang programmer ng kompyuter na gwapo. Pagkatapos mak

Destined by Blood (A Vampire Romance)

Destined by Blood (A Vampire Romance)

Pag-ibig

5.0

Jermaine‌ ‌was‌ ‌a‌ ‌simple‌ ‌romance‌ ‌novelist‌ ‌with‌ ‌a‌ ‌boring‌ ‌life.‌ ‌Romance‌ ‌novelist‌ ‌ siya‌ ‌na‌ ‌walang‌ ‌love‌ ‌life.‌ ‌Di‌ ‌niya‌ ‌alam‌ ‌kung‌ ‌love‌ ‌life‌ ‌ngang‌ ‌matatawag‌ ‌ang‌ ‌ guwapong,‌ ‌matangkad‌ ‌at‌ ‌supladong‌ ‌lalaki‌ ‌na‌ ‌amoy‌ ‌mayaman‌ ‌na‌ ‌tambay‌ ‌sa‌ ‌coffe

My Possessive Enemy (Tagalog)

My Possessive Enemy (Tagalog)

Pag-ibig

5.0

‘They hated each other but ended up living together.’ Cassandra never backs out in an argument; she is an opinionated woman who stands firm with her idea that sometimes she is over the top. Her tongue dragged and crashed her career when she collided with a Steinfeld heir. Jimin, a spoiled Steinfeld

My Love, Denicery

My Love, Denicery

Pag-ibig

5.0

Ang pagiging tagapagmana ng kumpanya ay hindi isang biyaya para kay Denicery Marie Juaneza. Para sa kaniya, sagabal lamang ito sa pagnanais niya na maging isang journalist at fashion designer. Mabigat man sa kaniyang loob, tinanggap niya ang pagsubok na mismong mga magulang niya ang nagbigay. Sa ka

My Boyfriend's Secret Lover

My Boyfriend's Secret Lover

Pag-ibig

5.0

     An uncommon love triangle story that involves two heartthrob men and one nobody girl.      Celine Santos is just a simple girl living her simple life. Until one day, her life started to change when she became the girl of the campus heartthrob, Marc Robert Lim. Because of that, Martha Diaz, a

MY FAKE NERD GIRLFRIEND

MY FAKE NERD GIRLFRIEND

Pag-ibig

5.0

Blessilda is an administrative assistant at MMC, which is owned by the Centeno family. a company that produces and imports alcohol outside the Philippines. Blessie is a woman with high confidence, even though she is not beautiful but has a sexy body. That's what she's often called because of her cur

You're Still My Man

You're Still My Man

Pag-ibig

5.0

Maki‌ ‌thought‌ ‌she‌ ‌had‌ ‌a‌ ‌perfect‌ ‌life.‌ ‌Kuntento‌ ‌na‌ ‌siya‌ ‌sa‌ ‌masayang‌ ‌pamilya‌ ‌niya,‌ ‌malapit‌ ‌na‌ ‌siyang‌ ‌maka-graduate‌ ‌sa‌ ‌kursong‌ ‌gusto‌ ‌niya‌ ‌at‌ ‌nariyan‌ ‌ang‌ ‌perpektong‌ ‌nobyo‌ ‌niyang‌ ‌si‌ ‌Benedikt‌ ‌Valenciaga‌ ‌na‌ ‌laging‌ ‌nagpaparamdam‌ ‌sa‌ ‌kanya‌

MoboReader