Kunin ang APP Mainit

Agent Ex Lover

Enigma: Agent Dow

Enigma: Agent Dow

Iba Pa

5.0

Combat skills? Perfect. Guns and knives? Excellent. Intelligence? Prodigy. Memory? Error. She is invincible. She's formidable, especially to those she encounters and make her their enemy. Her skills are unbeatable, which makes her an excellent and amazing woman. But, what if she lost all of

Chapter 1 Panimula

"Do you really think na matatalo mo ko, Dow?" saad niya at saka humagalpak ng tawa na parang nangaasar pa. "I'm not that stupid to face you like this, knowing that you're one of the top agents of Enigma. Anong akala mo sakin? Tanga?" dagdag niya pa at saka itinutok sa akin ang hawak niyang baril.

Naiyukom ko ang mga kamao ko.

Dalawang baril na lang ang mayroon ako, at wala na rin akong spare magazines. Panigurado, pinalilibutan ako ng mga bataan ng hunghang na 'to. Natawagan ko na naman sila, at nasabi na ang lahat.

Should I take my chance?

Should I take a risk? Kaya ko ba?

"Hindi ko naman sinasabi na tanga ka. Pero, isa kang malaking duwag!" saad ko at saka natawa ng bahagya. "Think about it, Chaos. Ako laban sa'yo at sa mga gagong bata mong nakapalibot sa akin. Don't you think you're being too cruel? Why don't you give me a fair and square battle? Makabawi ka man lang sa dami ng atraso mo sa'kin."

Agad na inilibot ko ang aking mga mata. Nasa harapan ko si Chaos. Sigurado, mayroong tatlo sa likod ko. Mayroon din sa magkabilang gilid niya at isa sa itaas bilang sniper. Pito laban sa isa? Kaya ko kaya? Sa dalawang baril ko na may tig sampung bala?

Agad napukaw ni Chaos ang atensyon ko ng tumawa na naman ito ng napakalakas. Sa totoo lang, nakakabwisit na ang tawa niya. Masyadong malaki ang boses niya na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tumatawa. Umuugong sa tainga ko ang pagtawa niya at naaaburido na talaga ako.

"Alam mo ba kung paano namatay ang mga magulang mo? X and Ace? Nasabi ba sayo ng Enigma ang katotohanan kung paano sila namatay? Nasabi niya ba sa'yo? I bet not," saad nito sa nakakalokong tono.

Lalo kong naiyukom ang mga kamao ko at matalim na tumitig sa kanya. Hindi ako pumasok sa Enigma para lang magligtas ng buhay ng kung sino mang tao o protektahan ang mundo sa lahat ng masasama. Pumasok ako sa mundong wala akong ideya para maintindihan ang mga magulang ko at patayin din ang taong pumatay sa kanila.

Pero hindi ko lang inakala na si Chaos pala ang taong hinahanap ko. Tama nga sila, looks can be deceiving dahil naloko niya ako sa mahabang panahon.

Naloko niya ako nang ganun-ganun lang.

"Alam ko Chaos. Sa tingin mo ba nandito ako para makipaglaro sa'yo? Dalawa lang ang pwede mong gawin. Mamatay ng payapa sa mga kamay ko, o patayin mo ko." sabi ko at saka ngumiti sa kanya, "dahil kapag nabuhay ako matapos ang labang 'to, pinapangako ko sa'yo, susundan kita kahit sa dulo pa ng impyerno!" sigaw ko pa at saka inilabas ang dalawang baril ko at agad na binaril ang dalawang nagtatago sa poste na nasa gilid ni Chaos.

Mabilis na tumakbo ako at nagtago sa isang malaking poste ng building na 'to. Lima. Limang bala na ang nagagamit ko at hindi ako sigurado kung napatay ko ba yung dalawang nasa gilid ni Chaos.

"Ano Dow!? Magtatago ka na lang? Hindi kita kilalang ganyan! Duwag na ba ngayon ang top agent ng Enigma!?" sigaw ni Chaos sa nakakalokong tono.

Sinilip ko siya sa gilid ng posteng 'to. Nakita ko ang isang bata niya sa bandang likuran niya. Dahil nasa magandang anggulo at kitang-kita ko ang target, agad na itinutok ko ang baril ko at saka kinalabit ang gatilyo nito.

Bang!

Tumba ang kalaban. Napangiti ako.

Ganito din kaya bumaril ang nanay at tatay ko? Ganito rin kaya ang pakiramdam nila tuwing nakakapagpatumba ng kalaban?

Agad nabalik ang atensyon ko kay Chaos nang pumalakpak ito ng malakas, "Magaling! Anak ka nga talaga nila. Hindi maikakaila. Kaya dahil anak ka nila, kamatayan din ang magiging katapusan mo!" saad niya at saka nagtama ang mga mata naming dalawa.

Bwisit.

Kahit nanggigigil ako at naiinis sa hinayupak na 'to, hindi talaga maitatanggi na magaling ang senses nito at hinog na hinog na dahil sa experience at iba't-ibang missions nito. Nakakabilib na natagpuan niya agad ang kinaroroonan ko.

Mabilis na itinaas ni Chaos ang hawak niyong rifle at pinaputukan ang tinataguan ako. Mabilis na kumilos din ako at tumakbo habang gumaganti ng putok sa kanya.

Takte. Naubos ko ang walong bala sa pagtakbo at pagkatas palang. Inihagis ko ang basyong baril sa kung saan at sinilip ang natitira pang bata ni Chaos. Huminga ako ng malalim at itinutok ang baril ko sa kanila at agad na kinalabit ang gatilyo.

Tumba ang tatlo.

Apat na lang ang lamang bala ng baril na hawak ko. Mayroon man akong combat knife, sigurado naman na sa labang 'to, walang kwenta ang isang 'yon. Dalawa pa ang siguradong nakaabang sa akin. Ang hayop na si Chaos at ang sniper niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nakapwesto.

"Sa totoo lang, mabait naman ang mga magulang mo," biglang wika ni Chaos sa kung saan. "Wala naman talaga akong balak na patayin silang dalawa kaya lang, hindi nila ako maintindihan eh." huminto ako at sumilip, nakita ko siyang nakangiti na para bang nasisiraan siya ng ulo.

"Gusto ko lang namang paligayahin din ang mga magulang na nawalan ng anak sa tulong ng Myriad." lalo siyang ngumiti.

Aaminin ko, kinilabutan ako ng makita ko ang ngiti niya. Para siyang nasasapian na parang ewan. Nakakatakot ang kanyang itsura. Hindi na 'to ang Chaos na kilala ko. Hindi siya ganito, at hindi ko alam na magiging ganito siya.

"Sira na ang ulo mo, Chaos!" sigaw ko, "Hindi na maibabalik ng kahit na ano pa man ang taong namatay na! Patahimikin mo na ang anak mo at itigil ang kahibangan na ito!" saad ko at pinaputukan siya pero madali niyang naiwasan 'yon.

May sixth sense ba ang hayop na 'to?

"Wrong move Dow." saad niya at saka itinutok na naman sa akin ang rifle at pinaputok.

Napapagod na ko, wala parin ang mga loko. May tama na rin ako sa kaliwang paa at kaliwang balikat. Mabuti na lang at hindi ako tinatamaan ng fatal ni Chaos, dahil kung nagkataon, ito ang magiging katapusan ko.

Dalawang bala. Saan ako pupulutin nito? Nanghihina na rin ako at nauubusan na ng lakas. Takte.

"Wala namang nagawa ang mga magulang mo. Namatay din naman silang nagmamakaawa sa mga buhay nila habang nakaluhod sa harapan ko."

Agad nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Maaaring napatay niya ang mga magulang ko, naisahan at naloko. Pero kahit kailanman, hindi nila gagawing magmakaawa para sa buhay nila at lalo na ang lumuhod sa harapan ng demonyong 'to. Hindi man ako lumaking kasama sila, pero hindi ganito ang kwento niya sa akin.

Namatay silang lumalaban para sa isang kaibigan. Namatay sila para at dahil sa isang kaibigan.

Ayokong magalit dahil posibleng mawalan ako ng kontrol pero, huli na ang lahat. Bago pa man ako makapagisip ng tama, nauna nang gumalaw ang katawan ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya.

Itinutok ko ng maayos ang baril ko sa kanya. Wala akong ibang nakikita kundi ang malademonyo niyang mukha. Ang galit na matagal kong kinimkim sa loob ko ay lalo pang nanggalaiti at nagngitngit.

Nararamdaman ko mula sa dulo ng mga daliring nakahawak sa baril ko hanggang sa talampakan ang pagkamuhi sa kanya at ang galit para sa sarili ko. Galit na hindi ko man lang naramdaman na siya pala ang taong matagal ko nang hinahanap. Ni hindi ko man lang siya pinaghinalaan.

Ma... Pa... Matatapos na po ang unang misyon ko na inabot ng ilang taon.

Bumuntong hininga ako, bumagal ang takbo at pilit na ikinalma ang nanginginig ko nang kamay. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko. Pero sa pagkalabit ko, nakaramdam ako ng matinding hapdi sa ulo ko.

May kung anong likido ang tumulo mula sa ulo ko pababa sa mukha ko hanggang sa tuluyan na ngang nahilam ang mata ko. Patuloy pa itong umagos sa mukha ko. Amoy kalawang ang likidong 'to.

Shit.

Agad na bumigat ang ulo ko at walang ano-ano, ay bumagsak ang katawan ko sa lupa at nakaramdam ako ng matinding hilo. Mabigat na rin ang talukap ng mga mata ko pero hindi ko iniaalis ang paningin ko sa nakangiting demonyo sa harapan ko.

"Sinabi ko na sa'yo, kamatayan din ang magiging katapusan mo." wika nito habang lumalakad papalapit sa akin.

Masyado nang mabigat ang talukap ng mata ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at tatanggaping na sa pagkakataong ito nagkamali ako at natalo, pero nakarinig ako ng putok ng baril mula sa likuran ko.

"Dow!" sigaw nila.

Nakahinga ako ng maluwag. Nandito na sila. Nahuli, pero nandito na sila.

"Kung sakaling mabuhay ka pa pagkatapos nito, hihintayin kita sa impyerno. Hanggang sa muli, Agent Dow." saad ni Chaos at saka mabilis na tumakbo papalayo.

"Dow! gumising ka! Idilat mo ang mga mata mo! Dow!" sigaw ni Wee

"Dow! Naknang! Dumilat ka!" sigaw naman ni Tian habang inilalagay ako sa mga hita niya at bahagyang niyuyugyog.

Napangiti ako, "hi-hindi ako ma-mamatay dito. Pa-patayin ko pa a-ang hayop n-na yon," sagot ko sa kanila habang bahagya pang natawa na siyang dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig ko.

Nakaramdam ako ng matinding hapdi sa ulo ko at bumigat na rin ng todo ito at unti-unti, nawawalan na ng lakas ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.

"Dow!"

Magpatuloy sa Pagbasa
My Boyfriend's Secret Lover

My Boyfriend's Secret Lover

Pag-ibig

5.0

     An uncommon love triangle story that involves two heartthrob men and one nobody girl.      Celine Santos is just a simple girl living her simple life. Until one day, her life started to change when she became the girl of the campus heartthrob, Marc Robert Lim. Because of that, Martha Diaz, a

Threesome Lover (Tagalog)

Threesome Lover (Tagalog)

Pag-ibig

5.0

Lineah's a good niece and hardworking person. Since she was a child she knew, something is missing and her heart felt empty. She shut herself from intimate relationship, she never had one but it will all change when she found out she's not blood related to his known aunt. In her journey of sea

My Twin's Babysitter Is The President's Agent Son

My Twin's Babysitter Is The President's Agent Son

Pag-ibig

5.0

Angel Mary Santos, Isang single mother ng kambal na batang lalaki na pilit tinatakasan ang napaka raming mga armadong kalalakihan na ang misyon ay wakasan ang kanyang buhay at ng kanyang mga anak sa hindi niya malamang dahilan. At sa kanyang pag takas ay natagpuan siya ng isang gwapong lalaki.

Napakaganda niyang Ex-wife

Napakaganda niyang Ex-wife

Makabago

4.5

[Cute Baby + Secret Identity + Powerful hero and heroine!] Minahal ni Caroline si Damian nang buong puso sa loob ng limang buong taon. Inialay niya ang sarili sa kanya at namuhay nang mapagkumbaba para sa kanya. Gayunpaman, nang humarap ang mag-asawa sa isang krisis, umaasa siya na ang balita ng ka

Yumaman ang Ex-convict

Yumaman ang Ex-convict

Makabago

5.0

"Ang mga lalaki ay walang kwenta, pero ang mga babae ay may itinatago rin!" Hindi kailanman inakala ni Alexander na ang nag-iisang babaeng minahal niya ay pagtataksilan siya sa paraang ginawa niya. Nailigtas niya ito mula sa kapahamakan at nauwi siya sa bilangguan ng apat na taon. Habang nasa

Marrying My Ex-husband

Marrying My Ex-husband

Pag-ibig

5.0

"Let's have an agreement, remember sa papel lang tayo magiging kasal! And these are the rules," sabay abot ni Maritoni ng papel sa dating asawa. Kunot-noo naman itong kinuha ng lalaki. "No string attached, no pressure, no demands, no touch, at higit sa lahat bawal ang mainlab- ulit! " giit pa n

Buntis ang Ex-Wife Ko ?!

Buntis ang Ex-Wife Ko ?!

Makabago

4.6

Si Lenny ang pinakamayamang tao sa kabisera. Siya ay may asawa, ngunit ang kanilang pagsasama ay walang pag-ibig. Isang gabi, hindi sinasadyang nakipag-one night stand siya sa isang estranghero, kaya napagpasyahan niyang hiwalayan ang kanyang asawa at hanapin ang batang babae na kanyang nakasiping.

Ang Walang Awa na Paghihiganti ng Ex

Ang Walang Awa na Paghihiganti ng Ex

Bilyonaryo

5.0

Ang kumpanya kong InnovaTech ang naging buong buhay ko. Itinayo ko ito mula sa wala, kasama ang boyfriend kong si Carlo, sa loob ng sampung taon. College sweethearts kami, ang "golden couple" na kinaiinggitan ng lahat. At ngayon, malapit nang maisara ang pinakamalaking deal namin, isang ₱2.5 bilyong

Pinakasalan Ko ang Tiyo ng Ex Ko

Pinakasalan Ko ang Tiyo ng Ex Ko

Makabago

5.0

Sa araw ng aking kasal, ang dating nambubully noong hayskul na minsang nang-api sa akin ay biglang sumulpot sa seremonya. Akala ko ay mananatili si Carsten Morgan sa aking tabi. Ngunit binitiwan niya ang kamay ko at lumakad na may tiyak na hakbang patungo sa kanya. Nang maglaon, nang ideman

Mahiwagang Tycoon ang Ex-wife ko?!

Mahiwagang Tycoon ang Ex-wife ko?!

Makabago

5.0

Si Loraine ay isang masunuring asawa kay Marco mula nang ikasal sila tatlong taon na ang nakararaan. Gayunpaman, tinatrato niya ito na parang basura. Wala siyang ginawang nagpapalambot sa puso niya. Isang araw, nagsawa si Loraine sa lahat ng ito. Humingi siya ng hiwalayan at iniwan siyang mag-enjoy

Ang Masunurin kong Ex-wife ay Isang Lihim na Boss?!

Ang Masunurin kong Ex-wife ay Isang Lihim na Boss?!

Makabago

5.0

Sa loob ng tatlong mahirap na taon, sinikap ni Emily na maging perpektong asawa para kay Braiden, ngunit nanatiling malamig ang kanyang pagmamahal. Nang hiningi niya ang diborsyo para sa ibang babae, naglaho si Emily, muling lumitaw bilang babaeng pinapangarap ng lahat makalipas ang ilang panahon

Bilyonaryong Ex-wife:Hindi Ko Mabubuhay ng Wala ka

Bilyonaryong Ex-wife:Hindi Ko Mabubuhay ng Wala ka

Makabago

5.0

"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kany

Kasal Sa Isang Matanging Reyna:Pagbabalik Ang Aking Ex-wife

Kasal Sa Isang Matanging Reyna:Pagbabalik Ang Aking Ex-wife

Makabago

5.0

Matapos ang tatlong lihim na taon ng pagsasama, hindi nakilala ni Eliana ang kanyang misteryosong asawa hanggang sa nabigyan siya ng mga papeles sa diborsiyo at nalaman ang kanyang labis na paghahangad sa iba. Bumalik siya sa realidad at nakipag-divorce. Pagkatapos nito, inihayag ni Eliana ang kany

Mga Sikreto Ng Kanyang Kahanga-hangang Ex-wife

Mga Sikreto Ng Kanyang Kahanga-hangang Ex-wife

Makabago

5.0

Ang impiyerno ay walang galit na gaya ng isang babaeng hinamak! //Ang unang ginawa ni Brenda pagkatapos hiwalayan si Miguel ay ang akitin ang kanyang mahigpit na karibal at maging kanyang mapapangasawa.//Ipinunas ni Brenda ang kanyang bagong karelasyon sa mukha ng kanyang dating asawa. Sinigurado ni

Sa Puso ng Pagsisisi: Regret ng Ex Ko

Sa Puso ng Pagsisisi: Regret ng Ex Ko

Makabago

4.8

Pagkatapos ng dalawang taong kasal, sa wakas ay nabuntis si Sadie. Puno ng pag-asa at kagalakan, nabulag siya nang humingi ng diborsiyo si Noah. Sa isang nabigong pagtatangka sa kanyang buhay, natagpuan ni Sadie ang kanyang sarili na nakahiga sa isang pool ng dugo, desperadong tumawag kay Noah upang

Pag-ibig Pagkatapos ng Diborsiyo: Balik ng Ex-husband

Pag-ibig Pagkatapos ng Diborsiyo: Balik ng Ex-husband

Makabago

5.0

Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila ni Brendan, naging parang walang halaga si Adeline. Subalit, ang natanggap niya kapalit ay hindi pagmamahal at pag-aaruga, kundi walang katapusang malamig at mapanghamak na pagtrato. Mas masahol pa, nang biglang magpakita ang babaeng nasa puso ni Brendan, l

Huli Na ang Pagsisisi: Ex-wife Ko, Napangasawa ang Matinik Kong Kaaway

Huli Na ang Pagsisisi: Ex-wife Ko, Napangasawa ang Matinik Kong Kaaway

Pag-ibig

5.0

Walong taon nang hinahabol ni Lynda Bennett si Charles Watson, nang sa wakas, nang lasing na lasing si Charles ay natulog siya kasama si Lynda. Nang siya'y nabuntis, saka lang pumayag si Charles na pakasalan siya, bagaman may pag-aatubili. Pakiramdam ni Lynda ay sa wakas ay nahawakan na niya a

MoboReader