Kunin ang APP Mainit
Home / Pakikipagsapalaran / Knight in Veil
Knight in Veil

Knight in Veil

5.0
5 Mga Kabanata
5 Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Isang makapangyarihang nilalang ang pupunta sa mundo ng mga tao upang hanapin ang nawawalang Prinsesa habang ang mga tao ay malalagay sa kapahamakan dahil sa pananakop ng mga kalaban.

Chapter 1 Ang Pagtatagpo

"IBIGAY mo sa amin ang bag mo!" Sigaw ng estudyante kay Hira.

"Hindi pwede!" Ang sigaw din ni Hira. Napapalibutan siya ng grupo ng mga estudyante. Pawang mga kalalakihan. Nasa isang dead end siya, na-corner ng mga ito.

"Ah gano'n, ha?" Nakakahindik na boses na sabi ng isang estudyante, sabay hablot sa buhok ni Hira, pilit na inaagaw ang bag na itinataas niya.

"Ahhhh!!!!!" Ang sigaw ni Hira, umaasang may makakarinig sa kanya.

Unti-unting tumulo ang luha niya sa kawalan ng pag-asang nararamdaman.

Naabot na ng isang lalaki ang kanyang bag, nang biglang mula sa 'di kalayuan ay ang pagdating ng isang binatilyo na sumipa sa mga lalaking may hawak kay Hira at tumilapon ang mga ito ng malakas.

"Ahhhhhhh!!!!!!" Napasigaw si Hira sa pagkabigla sa mga pangyayari.

Samantala, tumingin sa binatilyo ang pinuno ng grupo at sinenyasan ang mga kakampi niya para labanan ito.

Ngunit katulad ng una, sinipa lamang ito ng malakas ng lalaki.

Lahat ng lumapit ay kanyang sinisipa at nilalabanan niya.

Bumagsak silang lahat sa semento.

At naiwang nakatayo si Hira.

Naiwang nakatulala sa nangyari.

Hindi pa rin makapaniwala.

Kinuha ng binatilyo ang bag ni Hira sa sahig at inabot sa dalaga.

Tumingin si Hira dito. Hindi makaapuhap ng sasabihin.

Hiinablot nito ang kanyang braso at inilayo sa lugar na iyon.

TUMATAKBO sila. Tinatanong niya pa rin ang sarili kung ano ba ang nangyayari. At bakit iyon nangyayari sa kanya.

"Teka! Sa'n mo ba 'ko dadalhin?!" Sigaw ni Hira sa binata habang hatak-hatak siya nito't tumatakbo ng mabilis.

Ngunit bago pa man ito makasagot ay narating na nila ang tapat ng eskwelahan.

Na nang marating nila ay agad-agad din siya nitong tangkang iiwan.

"Sandali!" Ang sigaw ni Hira. "Anong pangalan mo!?"

Tumingin lamang ito sa kanya-ang malamig nitong pagtingin na sinalubong ng mga mata niyang may pagkamangha, ngunit yumuko ito at umalis pa rin.

Nanghihinang napaupo si Hira sa tapat ng gate ng school niya.

At tumingin na lamang sa papalayong lalaki.

HINDI alam ni Hira kung pa'no niya narating ang room nila. Nanghihina pa rin na napaupo siya sa kanyang upuan.

Nagtatawanan ang mga kaklase niya na walang kaalam-alam sa nangyari sa kanya. Unang beses na may umatake sa kanya na pawang mga masasama.

"Good morning, Hira." Sabi sa kanya ng malapit na estudyante.

Ngunit napayuko lamang siya noon sa desk at pilit na binabalikan ang mga pangyayari.

DUMATING na ang kanilang guro, kasabay ang isang estudyante na dire-diretsong pumasok sa kanilang room, at umupo sa tabing bintana na upuan.

Na tila wala itong nakikilala.

Kinilabutan si Hira pagkakita dito dahil natatandaan niyang ito ang lalaki kanina sa kanto na nagligtas sa kanya.

Ang mga nakakapangilabot na pagsipa nito sa mga kalalakihan na umatake sa kanya.

Dire-diretso lamang ito, walang imik at malamig ang mga pagtingin sa mga bagay.

Tila may hinahanap.

At saka tumingin sa kanya.

Walang emosyon ang mga mata.

Natakot si Hira sa nakita niya at agad na tumingin sa Professor nila. Nagpanggap na hindi nakita ang mga pangyayari.

"GIRL, did you see that boy who sat in with us? I heard he's from another country and he'll be studying with us, from this time forth and so on." Ani ni Rebekka, kaibigan ni Hira habang naglalakad sila patungo sa canteen ng kanilang eskwelahan.

"Ha?" Napipilitang ngumiti siya sa kaibigan at nakaramdam na naman ng takot nang maalala ang nangyari kanina.

Nagkwento pa ng nagkwento si Rebekka ngunit tila 'di na niya ito naririnig.

UWIAN. Naglalakad si Hira sa isang madilim na kalsada.

Aandap-andap ang mga ilaw sa poste.

Palingon-lingon si Hira sa paligid. Mabilis ang kanyang mga lakad.

Lakad. Takbo.

Lakad. Takbo.

Lakad. Takbo.

"Ahhhhh!!!!!" Napasigaw siya. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng mga pamilyar na mukha.

Ang mga lalaki kanina!

Malamig ang mga paningin ng mga ito at patay ang mga mata na nakatingin lamang sa kanya.

Bago pa man makalapit sa kanya ang mga ito ay tumakbo ng mabilis si Hira, hindi alintana kung matisod o madapa.

"Ahhhh!!!!" Sa kanyang pagtakbo ay ang pagsigaw din niya. Walang katao-tao, pamatay-matay ang mga ilaw.

Dire-diretso siya sa pagtakbo nang mabilis.

Liko. Takbo. Liko. Takbo. Liko.

Lumingon siya sa mga ito. Na paglingon niya ay may mabilis siyang nakitang kumilos at umatake sa mga ito.

Bumagsak ang mga ito sa sahig.

Huminto siya sa pagtakbo.

Isang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa gitna ng mga estudyanteng sumusunod sa kanya.

Ang lalaking nagligtas sa kanya kanina.

Agad-agad na tinakpan niya ang bibig upang hindi makasigaw nang mapagtanto niya ang nangyari.

TAKIP pa rin ang bibig na hindi makakilos sa takot si Hira sa mga nangyari. Hindi siya makapagsalita at nanginginig ang kanyang katawan sa pangyayari.

Akma na namang aalis ang lalaki palayo sa lugar kung nasaan siya.

"Sino ka?!" Ang sigaw ni Hira sa kanya. Umalingawngaw sa kalsada ang boses na nagtatanong sa lalaki.

Ngunit katulad kanina, walang emosyon na pagtingin ang ginawa nito sa kanya at saka umalis.

Nanlulumo ang sariling muling napaupo sa sahig nang may tumutulong mga luha si Hira.

SINIKAP ni Hira na makahanap ng lakas upang makatayo. Tumakbo siyang muli upang makabalik sa kanilang tahanan.

Takbo. Lakad. Takbo. Lakad.

Makalimutan niya lamang ang lahat at 'di na bumalik sa isipan niya ang mga pangyayari.

NAABUTAN niya ang kanyang Lolo na nakawheelchair. Ito ang kumakalinga sa kanya.

Bagaman hindi na ito nakakakita dahil sa katandaan, malakas pa rin ang pakiramdam nito.

"Nariyan ka na pala, Apo." Ang sabi ng Lolo ni Hira, alam ang pagdating niya.

"Lo," Inabot ni Hira ang kamay nito, nagmano at humagulgol.

"Bakit, Apo?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang Lolo nang marinig na umiiyak ang kanyang Apo.

Ngunit hindi makaapuhap ng isasagot si Hira sa mga naranasan niya noong araw na iyon.

KINABUKASAN, naghahanda sa pagpasok si Hira ngunit may takot pa rin sa kanyang puso na muling maulit ang nangyari kahapon. Kaya nag-aatubili si Hira kung papasok ba siya o hindi.

"Apo, pumasok ka na sa eskwela mo." Ang sabi ng kanyang Lolo nang maramdaman nitong tila hindi pa siya lumalabas ng bahay nila.

Tumingin si Hira dito ng may takot pa rin ang mukha, at saka umalis ng kanilang bahay.

NAGLALAKAD si Hira. Palingon-lingon pa rin sa kanyang paligid. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung muling maulit ang kahapon at muli na namang dumating ang binatang nakikipaglaban sa grupo na iyon.

Huminto siya ng mula sa malayo ay makita niya ang pamilyar na bulto sa kanto ng eskinita papunta sa eskwelahan nila.

Unti-unti siyang lumayo upang makatakbo.

Sa bilis ng pangyayari, naabot pa rin nito ang kanyang braso, hinatak siya at itinakbo ng mabilis.

IPINUNTA siya nito sa eskwelahan. Hapong-hapo ang pakiramdam ni Hira sa pagtakbo na nangyari at nakayuko siya noon, na pagharap niya ay wala nang muli ang lalaki.

Muling natakot si Hira sa nangyari at agad-agad na pumunta ng mabilis sa kanilang eskwelahan.

NATAGPUAN niya ang lalaking naghatid sa kanya sa kanilang silid aralan.

Nakaupo ito at patingin-tingin sa labas ng bintana.

Muli, nakaramdam siya ng pagkatakot dito ngunit sa loob-loob niya'y may pasasalamat na hindi na niya pa muling nakita ang grupo ng kabataang nagtangkang gumawa ng masama sa kanya kanina.

At ito ay dahil sa binatilyo.

"GIRL, girl!" Untag sa kanya ni Rebekka nang mapansin nitong malalim ang pag-iisip na ginagawa niya. Nasa canteen sila.

Sa kabilang lamesa ay ang lalaking nagligtas sa kanya, mag-isa itong kumakain. Patingin-tingin sa kanya.

"Alam mo na ba yung pangalan niya?" Inginuso ni Rebekka ang taong nakikipaglaban para kay Hira.

Nakaramdam ng takot si Hira dahil ito ang tampok ng usapan.

At saka siya umiling.

Sumagot siya ng, "Hindi."

"Emeric! Iyon ang pangalan niya!" Palatak ni Rebekka kay Hira.

Emeric pala... Tumingin ito sa kanya.

Muli, nakaramdam siya ng takot nang magtama ang kanilang mga tingin. Ang mga tingin nito na walang emosyon at malamig.

Umiba si Hira ng atensiyon. Hindi nito maaaring malaman na alam na niya ang pangalan nito kahit pa nga kaklase nila ito.

Hindi maaari... Hindi iyon ganoon kabilis matutunan. Ang pakikipaglaban na gingawa nito.

Tumingin siyang muli rito na nakatingin pa rin sa kanya.

Sino ka ba talaga?!

"Tara na girl, tapos na recess natin." Tumayo si Rebekka.

Sinundan lamang ito ng tingin ni Hira.

Huminto ito at sinabing, "Tara na!"

At saka pa lamang tumayo si Hira, nagmamadaling sumunod dito.

UWIAN. Paandap-andap muli ang mga ilaw sa paligid na pinaglalakaran ni Hira patungo sa kanilang bahay.

Nagmamadali siya.

Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad.

May kumaluskos sa likuran niya.

Malakas na pagkaluskos.

Tiningnan niya ang paligid. Walang katao-tao.

Mas lalo pa niyang binilisan.

Tumatakbo na siya. Mas mabilis pa sa kanina. Marating niya lamang ang tahanan nila.

HUMAHANGOS na dumating si Hira sa kanilang bahay. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan sa pagmamadali niya.

"Apo," Ang sabi nito, nag-aalala sa kanya.

Nauupos na napaupo si Hira sa likuran ng pintuan.

HINDI mahagilap ni Hira ang kanyang pagtulog. Tumayo siya mula sa kinahihigaan.

Siyang pagpasok ng kanyang Lolo.

"Apo," Muling sabi nito.

Tumingin siya rito.

"Kung may pinagdaraanan ka, sabihin mo sa akin," Ang sabi ng Lolo ni Hira sa kanya.

Muli siyang nakaramdam ng takot at bumalik sa higaan, nagtalukbong.

Iniwan ng Lolo ni Hira ang gasera sa lamesa nito.

"Matutulog na ako, Apo." Ang sabi nito.

UMALIS na ang Lolo ni Hira, hindi pa rin siya nakakatulog.

Ala una ng madaling araw.

Tumayo si Hira at pumunta sa bintana.

Tiningnan ang buwan na buong pagmamalaking nagliliwanag sa kalangitan.

Nakatitig lamang siya sa buwan.

Maririnig ang panaka-nakang paghihip ng hangin sa kapaligiran.

Tumingin siya sa ibaba ng kanilang tahanan ng may mapansin siya sa madilim na mga puno na mabilis na umalis.

Nagmamadali siyang umalis sa tapat ng bintana, bumalik sa paghiga at sinikap na matulog.

UMIBA si Hira ng daan. Malayo sa siyudad.

Dumaan siya sa kakahuyan patungo sa kanilang eskwela.

SAVED. Mabilis ang pagtingin na ginawa niya sa classroom nila, hinahanap ang lalaki.

'Pagkat ligtas niyang narating ang eskwelahan.

Ngunit hindi niya ito mahagilap.

"GIRL! Dito ka! Tara! Dito ka!" Pagtatawag ni Rebekka sa kanya habang bumibili sila sa canteen.

Nagtatakang tumingin si Hira kay Rebekka na kasalukuyang nakupo sa isang lamesa.

Lumapit siya dito.

"Have you seen him?" Tanong nito.

Nagtaka siya sa tinuran nito at sinundan ng paningin ang pagngunguso na ginagawa nito.

Ang kanyang buhok na mahaba at nakatali ay pinagupitan nito. Mula sa itim ay naging abo ang kulay nito na bumagay sa mga asul na mga mata nito. Matangos ang ilong nito na pinarisan ng malalamlam na mga mata. Lalo itong naging mapusyaw at kapansin-pansin sa hitsura nito sa araw na iyon.

Para itong dugong bughaw!

Tumingin ito sa kanya. Hindi na malamig ang pagtingin nito.

Na nagpalakas sa tibok ng puso niya.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY