/0/75097/coverbig.jpg?v=4cd0acaccdbd5fe76570c76837c97eeb)
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
Sa isang mabagyong gabi, walang humpay na humahampas ang hangin sa mga bintanang mula sahig hanggang kisame, animo'y pilit na nagsisikap na pumasok sa loob ng bahay. Walang tigil ang ulan sa pagbuhos, tila galit ang langit at buong-lakas na ibinubuhos ang hinanakit nito sa lupa.
Sa isang maringal at marangyang villa, tila natutulog ang buong kabahayan sa gitna ng bagyong bumabalot sa labas. Tanging iisang silid lamang ang may liwanag na nagmumula sa nakabukas na ilaw.
Isinaandal ni Kallie Cooper ang kaniyang sarili sa headboard ng kama, ang likod niya'y bahagyang nakalubog sa malalambot na unan, at ang malamlam na liwanag ng lampshade sa tabi ay nagbibigay ng banayad na ningning sa kaniyang mukha. Nakatutok ang kaniyang mga mata sa aklat, ngunit paminsan-minsa'y humihinto siya dahil unti-unting bumibigat ang kaniyang mga talukap. Dinadalaw na siya ng antok.
Sa sandaling ito, biglang bumukas ang pinto ng silid.
Gulat na napaangat ng tingin si Kallie, agad na nagising ang kaniyang diwa mula sa antok na unti-unting yumayakap sa kaniya. Sa may pinto, nakita niya ang kaniyang asawang si Jake Reeves, nakatayo sa ilalim ng dilim ng pasilyo.
Habang nakatayo doon, si Jake ay nanganinag ng walang kapintasan sa kaniyang magara at matalas na kasuotan. Subalit ang kaniyang kaakit-akit na anyo ay sinisira ng malalalim na kunot sa kaniyang noo.
Bago pa man makapagsalita si Kallie, nakalapit na sa kaniya si Jake at inilapat ang mga labi nito sa kaniya, walang babala, walang paliwanag. Ang amoy ng alak ay humahalo sa sariwang simoy ng ulan.
Ang malamig nitong kamay ay dumausdos sa ilalim ng kaniyang palda, mabilis at marahas ang kilos, mariing idiniin ang lumalaban niyang binti.
Sa makapal at mapanghikayat na tinig, iniutos ni Jake, "Huwag kang kikilos."
Nanigas ang katawan ni Kallie, kusang tumigil sa pagpupumiglas. Ngunit nararamdaman niyang tumitindi ang sakit.
Isang mahina at baluktot na ungol ang kumawala sa kaniyang bibig.
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jake nang marinig ito. Itinakip niya ang kamay sa bibig ni Kallie.
Palibhasa'y pinatahimik, napakapit si Kallie sa matipunong braso ni Jake, parang awtomatikong reaksyon ng katawan sa gitna ng kaguluhan. Desperado ang pagkakahawak niya, halos bumaon ang mga daliri sa balat nito, parang inaangkla ang sarili sa magulong dagat.
Napuspos siya ng bigla siyang bitawan ni Jake at pumasok ito sa banyo para maligo.
Ilang sandali matapos makapasok ni Jake sa banyo, umilaw ang telepono nito na nasa mesa sa tabi ng kama.
Napatingin si Kallie dito at nakita ang isang bagong mensaheng lumitaw sa screen. "Jake, pasensya na, okey? Pwede bang itigil mo na ang pagbalik sa asawa mong pipi sa tuwing nag-aaway tayo? Sobra akong nasasaktan."
Nawala ang liwanag sa mga mata ni Kallie.
Napagtanto niyang hindi niya kailanman magagawang matutunan ang sining ng mapaglarong panunumbat o malambing na pagdaing na ibinabahagi sa katahimikan ng gabi.
Dahil sa pagkakasakit niya noong bata pa, nawala kay Kallie ang kaniyang tinig at hindi na siya makapagsalita.
Nakakabuo lamang siya ng mga putol-putol na tunog, na kahit ang sariling asawa ay hindi matiis pakinggan.
Sa pamamagitan ng mahamog na salaming dingding ng banyo, nakikita ni Kallie ang matangkad na anino ni Jake.
Mabilis niyang iniwas ang tingin.
Paglabas ni Jake ng banyo, walang ingat niyang pinatuyo ang kaniyang basang buhok gamit ang puting tuwalya. Ang matatalim niyang mga mata ay nakatitig kay Kallie ng walang pakundangan.
"Pinakialaman mo ba ang telepono ko?" tanong niya.
Saglit na natigilan si Kallie, napako ang tingin sa mga mata ni Jake. Pagkatapos ay mabilis siyang umiling, isang maikli ngunit mariing pagtanggi.
Nais niyang linawin na aksidente lang ang pagkakasulyap niya sa telepono.
Ngunit agad na naubos ang pasensya ni Jake.
Malamig niyang sinabi, "Huwag mo nang hawakan ulit ang telepono ko."
Pinilit ngumiti ni Kallie, nakakagat-labi habang tumatango na puno ng pagsang-ayon.
Ang pagmamahal ni Jake ay hindi sa kaniya nakalaan, kaya wala siyang karapatang angkinin ito.
Ang kanilang kasal ay inayos lamang ng lolo nito.
Mula sa umpisa, naging prangka si Jake kay Kallie. Hindi siya nag-atubiling sabihin na dalawa lang ang dahilan ng pagpapakasal niya rito. Una, dahil ito ay ampon ng pamilya Reeves. At pangalawa, ayaw niyang suwayin ang kagustuhan ng kaniyang lolo.
Sa loob ng limang taon, hindi kailanman lumampas si Kallie. Alam na alam niya ang mga pinaggagagawa ni Jake. Ngunit sa kabila nito, nanatili siyang tahimik dahil sa takot na baka magalit ito sa kaniya.
Huminga nang malalim si Kallie at nagmuwestra kay Jake na ikukuha niya ito ng isang basong gatas.
Wala siyang lakas ng loob na salubungin ang malamig na tingin nito, kaya dali-dali siyang lumabas ng silid.
Pagtalikod ni Kallie, kinuha ni Jake ang kaniyang telepono at agad na binura ang mensahe nang hindi man lang ito binabasa.
Kinabukasan, maagang bumangon si Kallie.
Alam niyang sensitibo ang tiyan ni Jake kaya pihikan ito sa pagkain.
Ito ang dahilan kung bakit sa loob ng maraming taon, masusing inihahanda ni Kallie ang almusal nito tuwing umaga.
Habang bumababa ng hagdan, ang unang napansin ni Jake ay ang pigura ni Kallie na abala sa kusina.
Ang mga tali ng apron niya ay lalong nagpatingkad sa balingkinitan niyang baywang. Kapansin-pansin din ang mangitim-ngitim na marka sa kaniyang leeg na nanatili mula pa noong nakaraang gabi.
Siya ang ehemplo ng kahinahunan-palaging tahimik at umiiwas sa gulo. Isang tunay na ulirang asawa.
Sa di-inaasahang pag-usbong ng damdamin, isang banayad na lambot ang dumampi sa karaniwang matigas, malamig, at walang kapaki-pakiramdam na mga katangian ni Jake.
Bigla niyang binasag ang katahimikan.
"Sabay na tayong mag-almusal."
Sa sobrang tuwa, masiglang tumango si Kallie at sumenyas ng pasasalamat.
Hinubad ni Kallie ang kaniyang apron at maingat na umupo sa tabi ni Jake, mas malapit kaysa dati. Ito'y isang bagay na bihira niyang gawin, ngunit ngayong umagang ito, tila may nag-udyok sa kaniya.
Iniabot sa kaniya ni Jake ang isang sandwich, na malugod niyang tinanggap at ngumiti ng may pasasalamat.
Habang kumakain, kaswal na binanggit ni Jake, "Bukas na ang ika-isang daang araw ng anak ng kapatid ko. Dapat sumama ka sa akin."
Muntik nang mabitawan ni Kallie ang sandwich sa pagkabigla.
Bihira siya nitong anyayahan sa mga pampublikong pagtitipon.
Ngunit narito ito ngayon, iniimbitahan siya na sumama rito para sa gayong okasyon.
May bahid ng pag-aalinlangan at pagtatalo na kumislap sa kaniyang mga mata.
Bakas ng pag-aatubili ang ekspresyon ni Kallie, ngunit hindi na ito napansin ni Jake.
Walang pakialam na idinagdag niya, "Ipapahatid ko sa aking katulong ang mga ilang damit bukas para pagpilian mo. Tapos susunduin ka niya sa tanghali."
Wala nang ibang pagpipilian si Kallie kundi ang pumayag.
Ang pamilya Reeves ay may malawak na impluwensya sa buong Arcpool. Si Dean Reeves, ang panganay na anak ng mga Reeves, ay ipagdiriwang ang ika-isang daang araw ng kaniyang panganay na anak sa isang marangyang pagtitipon.
Nagpareserba si Dean ng isang malawak na bulwagan sa pangunahing hotel para sa okasyong ito. At ngayon, ito ay punong-puno ng sigla at pananabik.
Si Kallie ay nakasuot ng murang kayumangging gown na tinernuhan ng banayad na meyk-ap. Nagliliwanag ang kaniyang kagandahan sa mga oras na ito.
Dahil sa kaniyang mga pinong katangian at maningning na mga mata, naging sentro siya ng atensyon sa buong piging na iyon.
Gayunpaman, ang mga tingin na ipinukol sa kaniya ay mapamintas, sa halip na humahanga.
"Ang swerte niya, hindi ba? Kahit ipinanganak siyang pipi, nakapag-asawa siya ng matino. Bakit hindi ako naging kasing-swerte niya? Dahil ba may kakayahan akong magsalita?"
"At ano ang mabuting naidudulot ng pagsasalita sa iyo? Kaya mo bang pumukaw ng simpatiya kagaya ng ginagawa niya?"
"At ano ang gusto mong palabasin?"
"Natatandaan mo? Mukhang napakalungkot niya noong kinuha siya ni Roderick Reeves upang ampunin at ipinakasal kay Jake. Isa iyong kalunus-lunos na palabas."
"Swerte ang tawag ng iba dito. Ngunit ang hindi nila alam, kalkulado ang lahat ng ito. Dapat kang matuto sa kaniya."
Sa loob-loob niya, lihim na tumututol si Kallie sa mga narinig. Nais niyang makipagtalo upang ipaglaban si Roderick na nakikiramay lamang sa kaniya noon.
Gayunpaman, alam niyang bingi ang lahat sa kaniyang tahimik na pagtutol.
"Kallie, nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay."
Palaging tinitingnan ni Ethan si Nyla bilang isang mapilit na sinungaling, habang nakikita niya itong malayo at insensitive. Pinahahalagahan ni Nyla ang paniwala na mahal niya si Ethan, ngunit nakaramdam siya ng malamig na pagtanggi nang mapagtanto niyang hindi gaanong mahalaga ang lugar niya sa puso nito. Hindi na sinisikap na basagin ang kanyang panlalamig, umatras siya, para lang mabago niya ang kanyang diskarte nang hindi inaasahan. Hinamon niya siya, "Kung kakaunti lang ang tiwala mo sa akin, bakit mo ako itabi?" Si Ethan, na dating may pagmamalaki, ay nakatayo ngayon sa kanyang harapan na may mapagpakumbabang pagsusumamo. "Nyla, nagkamali ako. Mangyaring huwag lumayo sa akin."
Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sperm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sperm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
[Cute Baby + Secret Identity + Powerful hero and heroine!] Minahal ni Caroline si Damian nang buong puso sa loob ng limang buong taon. Inialay niya ang sarili sa kanya at namuhay nang mapagkumbaba para sa kanya. Gayunpaman, nang humarap ang mag-asawa sa isang krisis, umaasa siya na ang balita ng kanyang pagbubuntis ay maaayos ang kanilang pagsasama, ngunit ang nakuha niya ay isang kasunduan lamang sa diborsyo. At ang masaklap, habang siya ay manganganak, siya ay nahulog sa bitag ng isang tao at ang kanyang buhay ay nasa panganib. Matapos makayanan ang ganoong nakakapangit na karanasan, determinado siyang putulin ang lahat ng relasyon sa lalaki. Limang taon na ang lumipas, muli siyang lumabas na nakataas ang ulo, bilang CEO ng isang sikat na kumpanya. Yung mga dati. Natikman na siya ngayon ng bully ng sarili nilang gamot. At unti-unting lumabas ang katotohanan tungkol sa nakaraan... Nasilaw sa bagong kumpiyansa ni Caroline, gustong makipagbalikan sa kanya ng dating asawa, ngunit pumikit na lang siya sa mga pag-usad nito. desperadong nakiusap si Damian, "Honey , kailangan ng baby natin ang magulang niya please remarry me!"
Dahil nasunugan ng bahay ay nagmagandang-loob ang boss ni Alondra na patuluyin siya sa bakanteng condo. Isang taon na daw walang nakatira doon at kailangang may magbantay para di bahayan ng multo. Nang minsang umuwi siya galing sa trabaho ay nakarinig siya ng lagaslas ng shower at boses ng isang lalaki sa kabilang kuwarto. Kaya bitbit ang kanyang antique na krus ay nagpunta siya sa kabilang silid para mag-alay ng dasal sa kaluluwang di matahimik. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. “Miss, what the hell are you doing?” dagundong ng boses ng lalaking multo. Bigla niyang idinilat ang mata at isang guwapo at matipunong lalaki ang nakatayo sa pinto ng shower room. Hubad ang makisig at basa nitong katawan. At walang ibang tumatakip sa katawan nito kundi isang pirasong puting tuwalya lang. Bumagsak ang panga niya at nanginig ang tuhod niya. Ito na yata ang pinakamakisig at pinakaguwapong lalaki na nakita niya. Kung ganito kaguwapo ang multo, ayaw yata niyang i-exorcise.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."