Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / End of Line
End of Line

End of Line

5.0
5 Mga Kabanata
Basahin Ngayon

It's hard to fight for your dream when you're at the end of the line.

Mga Nilalaman

Chapter 1 EOL: Chapter 1

Job?

"Ma'am sige na naman po, kailangan ko po talaga ng trabaho," pagmamakaawa ko sa boss namin, hindi ko naman sinasadya na matapunan ng tubig yung customer, pero malas talaga ako dahil natapon pa talaga yun sa taong walang awa, nag eskandalo sya na kung hindi daw ako tatanggalin sa trabaho, ipapasara nya ang resto kaya sa takot ng may ari tinanggal nya ako.

"Pasensya na talaga iha kung hindi ko gagawin to, ako naman ang kawawa,"

"Pero kasi Ma'am kailangan ko to e, kailangan ko to ma'am para sa pag aaral ng mga kapatid ko," hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, bakit kailangan maging ganto ang buhay ko?

"Sige na iha, umalis ka na wala talaga akong mabibigay sayo," napaiyak nalang ako nang isarado nya ang pinto.

Tanging ito nalang ang trabaho na kinakapitan ko para mabuhay, para mapag-aral ang mga kapatid ko, huminto na ako sa pag-aaral para lang matuloy nila ang pangarap nila. In order to achieve their dreams, I need to give up my dream first.

Matapos kong umiyak, tumayo na ako para mag hanap ng panibagong trabaho, wala akong mapapala kung iiyak lang ako.

Sa paglalakad ko, napansin ko na panay tingin ng mga tao sa'kin pagtapos mag bubulungan na para bang may dumi ako sa katawan kaya naman tiningnan ko ang sarili ko, ngayon ko lang napansin na sobrang gusot ng damit ko, magulo ang buhok ko na akala mo sinabunutan, hindi rin pareho ang suot kong tsinelas.

Bigla nalang tumulo ang luha ko, sa sobrang pag-iisip ko sa pamilya ko, nakalimutan ko na alalahanin ang sarili ko.

Hindi ko nalang pinansin ang mga taong nakatingin sakin, tinuloy ko nalang ang paglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, napapikit nalang ako kasabay ang pag hagulhol ko.

Nakakapagod pala mabuhay no? yung pilit mo pinapaintindi sa sarili mo na "ayos lang lahat" kahit na ang totoo, sobrang bigat na sa loob, yung feeling na sasabog ka na sa sobrang bigat sa pakiramdam pero hindi mo alam papaano mo malalabas dahil ayaw mong isipin ng ibang tao, ng pamilya mo na ang drama mo.

Gusto ko mailabas lahat ng hinanakit ko, gusto kong may mapag sabihan ako pero hindi ko alam kung kanino ko pwedeng sabihin. I'm being too dramatic but why is my life like this? halos araw-araw ko tinatanong ang sarili ko kung deserved ko ba to? dapat ba talaga akong naghihirap? kasi ginagawa ko naman lahat para lang maging maayos ang buhay namin pero wala talaga. Ano ba kailangan kong gawin para maging masaya?

Kahit na patuloy pa rin ang malakas na ulan, umupo ako sa nakita kong malaking puno sa kalye. Wala na akong paki kung magmumuka akong taong grasa total kahit hindi umulan, ganun naman na talaga itsura ko.

Pinang dikit ko ang dalawang paa ko matapos ay tinago ko ang muka ko sa dalawa kong tuhod na mag kadikit.

San ako hahanap ng trabaho? san ako kukuha ng pera para mapag-aral mga kapatid ko? pinangako ko sa mga kapatid ko na magtatapos sila.

"Lord, gusto ko nang matapos ang buhay ko pero pano pamilya ko? may sakit si mama e, matanda na si papa, high school palang mga kapatid ko, hindi ko sila pwedeng iwan, ako nalang bumubuhay sakanila e," mahina kong bulong sa sarili ko.

Sabi nila binibigay ni Lord yung problema sayo kasi alam mong kaya mo, ngayon gusto ko syang sabihan na hindi ko na kaya ang problema na binibigay nya sa'kin kasi malapit na ako sa dulo ng lubid, malapit na akong bumigay, malapit ko nang isauli ang buhay ko, pero kahit na ano pa ang sabihin ko sa panginoon, alam kong kahit na kailan hindi ko sya kayang talikuran kasi sa bawat araw na mabigat ang loob ko, nandyan sya para makinig sa mga problema ko, nandyan sya para pagaanin ang loob ko kaya ngayon humihingi ako ng sign kung dapat ko pa bang ituloy mabuhay o lalagyan ko na ng wakas.

"Hi Ms." napaangat ako nang tingin ng may nagsalita sa gilid ko, napansin ko rin na hindi na ako nauulanan.

Pinapayungan nya pala ako.

"Sino ka?" nakangiti sya sa'kin, maamo ang muka nya, naupo rin sya sa katabi ko kahit na madumi ang kalsada na inuupuan ko.

"Kanina pa kasi kita nakikita na parang dala mo na ang buong mundo kaya naman naisipan kong lapitan ka," kumunot naman ang noo ko, hindi nya naman siguro napansin yung pag iyak ko kanina diba?

"Bakit? muka ka namang mayaman kaya imposible na nanakawan mo ako, isa pa wala kang makukuha sa'kin," pano kung sya yung binigay na sign ni Lord sa'kin? pero muka naman talaga syang mayaman, kung sya kaya yung nakawan ko?

"No, actually may makukuha ako sayo pero kung pumayag ka," napataas ang kilay ko sa sinabi nya, napansin nya siguro na iba ang iniisip ko dahil tumawa sya.

"Silly, that's not what I meant. Are you interested? C'mon alam kong kailangan mo ng pera, nakita kitang tinanggal kanina," siguro isa sya sa mga customer kanina na nasaksihan kung papaano yung nangyari.

Napaiwas naman ako nang tingin.

"Anong trabaho ba yan?" hindi ako pwedeng mag inarte, may lumapit na sa'kin na nag a-alok ng trabaho ang kailangan ko nalang gawin, tanggapin yun para matustusan ang pangangailangan namin.

"Before we talk about that, you need to clean up first so let's go?" hinawakan ko ang kamay nya na inalok sa'kin para makatayo.

"Hindi mo naman kailangan payungan pa ako, kanina pa ako basa ng ulan," nakadikit lang ako sakanya habang naglalakad kami, hindi ko alam kung san kami papunta basta sumusunod lang ako.

"Ano naman? may mawawala ba kung papayunga kita?" napailing nalang ako.

Huminto kami sa tapat ng malaking sasakyan na kulay itim, wag nyang sabihin na sakanya to? pinag buksan nya ako ng pintuan pero nakatayo pa rin ako, nakatingin naman sya sakin na para bang nag aantay sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Umaatras ka na ba?" umiling ako, hindi naman yun yung ibig kong sabihin, hindi lang ako makapaniwala na makakasakay ako sa gantong sasakyan, ito ang unang beses ko na makakasakay sa isang mamahaling sasakyan.

"Sayo to? ang yaman mo pala," natawa sya sa sinabi ko, may nakakatawa ba?

"Hindi sa'kin yan Ms. sa amo ko yan," kumunot naman ang noo ko, ibig sabihin hindi sya mayaman? kung ganun ano yung inaalok nyang trabaho?

"Don't worry, we'll talk about that later kaya sa ngayon, magpalit ka muna okay?" mukang nabasa nya ang iniisip ko, wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay nalang sa mamahaling sasakyan.

Lihim akong napangiti ng maramdaman ko ang lambot ng upuan, nakakahiya naman.

"Ayos lang ba na mabasa ko ang upuan? baka mapagalitan ka," tiningnan nya ako saglit bago tinuon ang tingin sa harapan, nagsimula na rin kaming byumahe.

"Wag kang mag-alala, hindi ako mapapagalitan," tumango nalang ako.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa labas ng bintana, sa sobrang hirap ng buhay, ang dami kong natutunan, marami akong narealized na mga bagay-bagay, na hindi lahat makukuha mo ng madalian, kailangan mo talagang pag sumikapan para makuha mo ang gusto mo.

Bata palang ako, natutunan ko na ang kumayod para sa pamilya ko. Hindi ako nakatapos ng high school, mabuti nga nakapag tapos ako kahit papaano ng elementary, hindi rin ako masyadong maalam sa english, hindi rin ako nakakabasa ng maayos dahil nga wala naman nagtuturo sakin.

Simula nung bata pa nga lang ako, tinutulungan ko na si mama at si papa na mag trabaho para mapagpaaral ang tatlo kong kapatid, ako naman ang panganay. Pero dahil nga nagkasakit si mama, kinakailangan kong huminto at mag focus sa trabaho dahil hindi na naging sapat ang pera na nakukuha namin kung pati ako mag-aaral pa, tutol si mama sa naging desisyun ko pero kalaunay, wala na syang nagawa dahil desidedo ako na tumigil na.

Gustuhin ko man na mag-aral uli, hindi pa pwede dahil wala kaming sapat na pera pang tustos sa kinakailangan ko kaya kung bibigyan man ako nag pagkakataon na mag-aral uli, tatanggapin ko ng buong puso, makapag tapos lang.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na huminto na pala ang sinasakyan ko.

"We're here, sumunod ka lang sa'kin," nung lumabas sya ng sasakyan, pinag buksan nya ako, hindi ko rin naman alam kung papaano buksan to.

Nagsimula na kaming mag lakad papasok sa isang shop, hindi ko naman mabasa ang nakasulat sa itaas ng shop na to kaya sumunod nalang ako na walang sinasabi na kung ano man.

Huminto kami sa tingin ko na isang silid kaya tiningnan ko sya.

"Pumasok ka dyan at mag ayos, babalikan kita dito, okay ba?" nag-aalangan ako na umalis sya, baka mamaya iwanan nya ako at sabihin na magnanakaw ako.

"I know what you're thinking, don't worry you'll be safe here." kahit na hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi nya, tumango nalang ako dahil pakiramdam ko hindi masama ang sinasabi nya.

Sinunod ko ang sinabi nya, pumasok ako sa silid at halos kumintab ang mata ko sa nakita ko, masyadong malawak ang silid na to, mas malawak pa sa bahay namin. Napakaraming damit ang nakahilera, ganun rin ang mga sapatos at sa tingin ko rin ang nakalagay sa salamin ay mga palamuti sa muka.

Totoo ba talaga sya sa sinabi nya? pwede kong gamitin ang mga damit na nandito? hindi ba magagalit ang may-ari nito?

Umiling-iling ako, hindi to ang pinunanta ko dito. Kailangan ko ng bilisan dahil mag gagabi na rin, alam kong inaantay na ako ng mga kapatid ko, wala makakain sa bahay kaya kailangan kong makauwi ng maaga.

Pumasok ako sa banyo at ginamit ko ang mga sabon na nakalagay, masyadong maraming nakalagay na sabon, hindi ko alam kung alin ba doon ang gagamitin ko kaya naman ginamit ko nalang lahat pati na rin ang shampoo.

Matapos kong maligo naghanap na rin ako ng damit, halos mapaupo ako sa sahig nang mapansin ko na walang pantalon na nakalagay, puro mga dress ang nandito. Nahihiya akong magsuot ng dress dahil sa hindi maganda ang kutis ko, marami akong peklat sa katawan kaya naman tinatago ko yun sa pamamagitan ng pagsuot ng pantalon at malalaking damit.

Dahil nga wala naman akong choice, kinuha ko nalang ang nakita kong pinakamahaba na dress na kulay dark blue. Hindi na ako nag dalawang isip na suotin yun, tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Napansin ko na hapit pala ang bandang gitna ng dress sa katawan ko at kita rin ang maputi kong braso dahil off-shoulder pala to pero lagpas naman to sa tuhod ko kaya ayos na rin, wag lang makita ang legs ko na puno ng mga peklat.

Tinali ko lang rin ang buhok ko, nang matapos ako ay lumabas na ako ng silid.

Katahimikan ang sumalubong sakin, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nga pala nahingi ang pangalan nya at hindi ko rin nabigay ang pangalan ko, sa sobrang gulo ng isipan ko. Hindi ko manlang namalayan na sumama ako sa taong hindi ko pa pala kilala pero muka naman syang mabait kaya ayos na rin siguro.

"Are you done Ms?" halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko.

Napalingon ako sa lalaki, lagi nya talagang suot ang mga ngiti nya.

Tumango naman ako sakanya.

"Now, let's meet him." kahit na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya, tumango nalang ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang trabaho na haharapin ko pero kung ito ang paraan para buhayin ang pamilya ko, hindi ko tatanggihan kahit na buhay ko ang kapalit dahil kung sila ang itataya, my life is worth of dying.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 5 EOL: Meeting Them   12-28 12:00
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY