WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna.
Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito.
Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito.
Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya.
Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya.
Dalawang taon na siya at sa night club parin na iyon nagtatrabaho ang kaniyang ina.
Hindi ito umalis doon dahil sa pagbabakasali nitong babalikan ito roon ng kaniyang ama. Pero iba ang nangyari. Dahil sa halip ay nakilala roon ng nanay niyang si Edna ang stepfather niya na si Rodolfo o mas kilala sa lugar nila sa palayaw na Ompong. Pamamasada ng taxi ang pinagkakakitaan nito at mayroon itong sariling bahay na minana pa nito sa mga magulang nito.
Sa madaling salita ay nagsama ang nanay niya at ang kaniyang Papa Ompong. Mabait ito at itinuring siyang parang isang tunay na anak. Kaya lang katulad nga ng kasabihan, wala namang taong perpekto at ganoon ang kahit sino, pati narin ang Papa Ompong niya.
Mahilig kasi itong magsugal, iyon ang bisyo nito. Kasama narin doon at sigarilyo at alak. At nitong nakalipas na mga buwan, mula nang mamatay ang nanay niya ay napansin narin niya ang unti-unting naging pagbabago ng ugali nito.
Naging mainitin ang ulo at madalas ay pinagagalitan at binubulyawan siya.
"H-Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko kay Papa, Ma, masyado niyang dinamdam ang pagkawala ninyo kaya yata sa pagsusugal niya ibinubuhos ang lahat ng panahon at atensyon niya," aniyang hindi napigilan ang maglabas ng sama ng loob sa mismong puntong ng kaniyang ina.
Totoo naman kasi iyon, labis ang pagmamahal niya sa kaniyang kinikilalang ama. At nasasaktan siya kapag nakikita niya na parang nawawalan na ito ng pag-asa sa buhay.
"Sana may paraan para matulungan ko siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakalugmok," pagpapatuloy pa niya. "Kailangan ko nang umalis Ma, may pasok pa kasi ako sa trabaho," paalam niya bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
*****
"SUMAMA ka na, minsan lang naman natin gagawin ang ganito, saka isa pa walang gastos kasi sagot lahat ni Boss!" ang kinikilig sa sobrang excitement na naibulalas ng kasama niyang sales clerk na si Cynthia.
"Naku hindi na, walang kasama si Papa sa bahay. Alam mo naman hindi pa siya lubusang nakaka-limot sa pagkawala ni Mama kaya palaging malungkot. Naaawa na nga ako sa kanya eh, hindi ko narin alam kung ano ang gagawin ko," aniyang napigil sa ere ang pagpapahid sana niya ng lipstick saka nagbuntong hininga.
"Hay naku hayan kana naman, tama na ang pag-iisip ng problema. Mas maganda kung makakasama ka, pero kung hindi ka pupwede, siguro naman maiintindihan iyon ni Boss Randy," ang nakikisimpatyang winika ng kaibigan niya saka siya nginitian.
Tumango lang si Lara saka na ipinagpatuloy ang pag-aayos sa harapan ng salamin.
Nagtatrabaho siya bilang sales lady sa botique na iyon. Medyo matagal narin siya sa kompanya at sinuwerteng na-regular kaya kinukonsidera narin niya ang sarili niya bilang isang maswerte.
Bakit nga hindi, gayong ang totoo, sa hirap nang buhay at sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, talagang maswerte siya at na-regular pa siya kahit kung tutuusin ay hindi rin naman niya natapos ang kurso niyang Business Management.
Iyon ay dahil narin sa pagkakasakit ng Mama niya kaya kinailangan niyang magtrabaho kaagad para naman may maitulong siya sa Papa Ompong niya kahit panggamot lang ni Edna.
"Pero bilib din ako sa Papa mo, biruin mo, masyadong solid magmahal? Sayang nga lang at maaga silang nagkahiwalay, mas maganda sana kung tumanda silang magkasama ni Tita Edna," muling saad ni Cynthia na naging dahilan naman ng pagguhit ng lungkot sa kaniyang puso.
"Hay, huwag mo naman na ako palungkutin, halika na at baka mapagalitan pa tayo kay Miss Monet," yakag niya.
Ang tinutukoy niya ay ang kanilang Branch Manager. Hindi naman ito masungit pero may pagka-istrikta ito at para kay Lara ay normal at dapat lang naman.
Kabubukas lang nila kaya wala pang gaanong tao sa mall. Ang una nilang ginagawa kapag ganoon ay paglilinis at pag-aayos ng display na sinasabayan narin nila ng pag-I-inventory ng mga paninda.
Magaganda ang paninda nilang mga damit. Kung tutuusin ay kilala ang botique nila sa buong Pilipinas at maraming mga kilalang celebrities silang regular customers. Kaya ganoon nalang ang tuwa niya nang ma-permenente siya sa trabahong iyon. Ang totoo nga, plano niyang ituloy ang pag-aaral niya, iyon kasi ang naging advice ni Miss Monet sa kaniya, kapag kasi nagkaroon na siya ng degree ay wala nang pwedeng masilip na dahilan sa kaniya ang Human Resources para I-promote siya.
*****
"ALRIGHT, I'll just wait here," ang naiiling na winika ni Juaquin habang sinusundan lang niya ng tingin ang kaniyang nobya na si Lucille.
Hindi niya alam kung ano ang nakain nito pero hindi karaniwan sa dalaga ang magyaya ng shopping tuwing weekdays lalo at alam nitong abala siya sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo.
Kulang dalawang buwan narin silang nagde-date ng dalaga at masasabi niyang sa ngayon ay okay pa naman ang lahat. Pero alam niya hindi magtatagal ay mananawa narin siya rito at sisimulan na niya ang gumawa ng maraming excuses hanggang sa tuluyang mapikon sa kaniya ang babae at magpasyang hiwalayan siya.
Sa huli niyang naisip ay muli siyang nagbuntong hininga.
Napakaganda ni Lucille at hindi naman nakapagtataka iyon, isa itong beauty queen at talaga namang nakakabaliw ang kaseksihan na taglay ng dalaga. Habang pinanonood niya itong naglalakad patungo sa sinabi nito kaninang paborito nitong botique ay hindi niya mapigilang hangaan ang graceful nitong paglalakad lalo na ang mahahaba at perpekto nitong mga binti na lalong naging tukso sa paningin niya dahil sa suot nitong kulay pulang high heels.
Hindi naman si Lucille ang unang babaeng nagdaan sa buhay niya na mayroong mga katangian na taglay ang lahat ng nakikita nya ngayon sa dalaga.
Marami nang babaeng nagdaan sa buhay niya. Marami naring beauty queens, may mga sikat na artista at modelo. Kaya siguro parang hindi na siya nakakaramdam ng excitement. Kaya siguro ang lahat ay parang tipikal o normal nalang sa kaniya.
Nasa ganoong ayos siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang sales lady na siyang nag-a-assist kay Lucille.
Matangkad lang ng kaunti ang nobya niya rito dahil nga may suot itong mataas na takong habang ang babaeng kausap nito ay kulay itim na flat shoes ang suot. Napakaliit ng baywang nito at ang suot nitong kulay pulang uniporme ay humapit ng husto sa pigura nito kaya naman nagkaroon ng malinaw at napakagandang emphasis sa bawat kurba sa katawan ng babae.
Maganda ito at sexy kahit nakatalikod. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura nito dahil na-curious talaga siya pero napigil ang pagtatangka niyang iyon nang marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon.
Nang I-check niya ang kaniyang phone ay noon niya napag-alaman na isang importanteng kliyente pala ang tumatawag. Sinagot niya iyon at saka naglakad para lumayo ng kaunti sa lugar na iyon. Medyo maingay kasi at hindi sila gaanong nagkakaunawaan ng kausap niya sa kabilang linya kaya ganoon.
Saktong natapos ang pag-uusap nila ng kliyente ay noon naman siya nilapitan ni Lucille. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang babaeng kaninang nakita niyang nakatayo roon. Wala na ito, iba na ang naka-duty. Baka nag-CR? Kumain? Doon niya lihim na pinagtawanan ang kaniyang sarili. Masyado siyang apektado sa babaeng iyon na kung tutuusin ay sexy naman talaga ang likuran pero hindi pa niya nakikita kahit side view manlang ng mukha nito.
"Anong nangyari? Bakit wala ka yatang binili?" tanong niya.
Noon kumapit ng mahigpit si Lucille sa kaniyang braso. "Wala akong nagustuhan, sa isang linggo pa raw iyong mga bago nilang designs kaya sinabi ko babalik nalang ako," anito.
Tumango noon si Juaquin. "Okay, kailangan ko naring bumalik ng office," aniya kay Lucille na tinanguan lang siya.
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.