Kunin ang APP Mainit
Home / Iba Pa / The Last Member Of Alfiego Family
The Last Member Of Alfiego Family

The Last Member Of Alfiego Family

5.0
2 Mga Kabanata
3 Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Mierra Dawn Alfiego, ang nag-iisang taong natira sa pamilya Alfiego, nang mamatay ang buong angkan nito tatlong taon na ang nakararaan. Tanging ang mga kasambahay, at ang taong namamalakad sa kumpanya ng kanilang buong angkan ang nakakaalam tungkol sa kaniya, para na rin sa kaligtasan niya. Tatlong taon na ang nakalilipas, simula nang sumabog ang eroplano kung saan nakasakay ang buong angkan ng Alfiego. Tanging siya lamang ang naiwan sa kanilang mansion, kasama ang taga-pangasiwa ng babae. Tatlong taon na, simula ng mamatay ang buong angkan nito. Ngunit, sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang buong pangyayari't hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang salitang 'paghihiganti'. Paghihiganti sa taong nagtanim ng bomba sa eroplanong kinasasakyan ng kaniyang buong angkan. Pero... Makuha niya ba kaya ang hustisya para sa mga namayapa niyang kamag-anak?

Chapter 1 Prologo

Her Povs*

"Young lady, it's time." Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. I looked at the entire building, wala pa ring pinagbago. Kahit ilang taon na simula nang huling makapunta ako rito ay para pa rin itong bagong pintura.

How I wish they're here, and saw their wide-smile, habang naglalakad ako papasok sa loob ng building na pagmamay-ari namin. But...

They're gone! They got killed by someone.

Napatingala ako sa langit para mapigilang tumulo ang mga luhang nagbabadya na namang kumawala sa aking mga mata.

Everyone, are you happy there? Do you'll see me, now?

"I know they're happy, and proud of you, Young lady." Napatingin naman ako bigla sa taong nagsalita mula sa likuran ko. "I'm sure they're so proud of you, walang halong biro," ani pa nito na siya namang ikinagaan nang loob ko.

"I wish, they're here," mahina ngunit sapat na para siya lang ang makarinig. Nakita ko naman ang pilit na ngiti sa mga labi nito. "But, like what others' said..."

"You'll need to let them go, and be strong in life," sabay naming turan na siya namang ikinatawa naming dalawa.

"So, let's go. They're waiting for you," aniya at nagpatiunang maglakad na agad ko namang sinundan.

Ilang taon na ang nakalilipas simula nang pumanaw silang lahat, at sa ilang taong iyon ay tanging ang taga-pangasiwa lamang ng aming kumpanya't maging ang mga katulong namin ang siyang nakakaalam ng tungkol sa akin, at tanging sila lamang ang siyang naging sandalan ko sa tuwing nahihirapan akong tanggapin na... Ako na lamang ang natitirang buhay sa pamilya Alfiego.

Habang naglalakad kami papasok sa kumpanya'y hindi nakaligtas ang mga mapanuring mga matang nakatingin sa akin. Para bang nagdududa sila na isa talaga ako sa pamilya Alfiego.

Well, sino bang hindi magdududa. Eh, ngayon pa lamang nila ako nakita? Hindi kasi ako pinahihintulutan ng mga nakatatanda sa angkan namin na magpakita sa mga taong dadalo sa pag-selebrar ng kaarawan ng bawat isa sa amin. Kahit nga sa saliri kong kaarawa'y hindi rin ako pinahihintulutang magpakita sa mga panauhin. Tanging ang mga kaibiga't mga kamag-aral ko lamang ang maaaring makakita sa akin.

Nag-aral ako na Fushika ang apelyedong gamit-gamit ko. Bagay na talaga namang ipinagtataka ko. Pero, nasagot din kung bakit ang apelyedo ng aking Ina ang ipinagagamit nila't hindi ang apelyedong 'Alfiego', ganoong nakalagay naman iyon sa birth certificate ko.

Nalaman ko na may dahilan pala kung bakit nila napag-desisyonang Fushika ang apelyedong gamitin ko sa paaralan, dahil may mga taong galit sa angkan namin. Gayoong wala namang masamang ginagawa ang angkan namin.

Ang kaso nga lang...

Sa isang sulat at video ko lamang nalaman ang lahat ng iyon, at kung kaila'y wala na sila. Kung kailan matagal na silang namayapa.

Bagay na kailanma'y hinding-hindi mabubura sa aking alaala.

At isa lang ang tangi kong sinasabi sa aking sarili...

Hinding-hindi ako titigil, hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang taong salarin sa pagpatay sa kanilang lahat. Sa mga taong pinahahalagahan ko ng husto.

At sisimulan ko ang bagay na iyon dito mismo sa kumpanyang iniwan sa 'kin ng angkan namin.

Kung sino man ang gumawa ng bagay na iyon sa mga taong mahal ko...

I will make sure that... They'll gonna regret what they did to them. Sinisigurado kong magbabayad sila.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 2 Kabanata I   12-29 09:55
img
1 Chapter 1 Prologo
28/12/2022
2 Chapter 2 Kabanata I
28/12/2022
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY