Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Crazy Over You COY
Crazy Over You COY

Crazy Over You COY

5.0
5 Mga Kabanata
Basahin Ngayon

CRAZY OVER YOU Hindi naging madali para kay Art ang palipat-lipat ng tirahan ng kanyang pamilya dahil sa paiba-ibang desisyon nitong Dad niya. Ang kanyang Dad ay isang sikat na Mafia Boss sa Jangseon. Kaya nama'y, noong bumalik ulit sila sa Jangseon na dati nilang tinutuluyan ay tila nanaig kay Art ang kanyang matinding galit at inis. Napilitan siyang pumasok sa isang sikat na unibersidad sa Jangseon kahit na nandoon ang mga estudyanteng kanyang kinasusuklaman. Ang dati niyang matalik na kaibigan na si Greyson at ang isa pang grupo ni Clevyon na todo sunod ng sunod sa kanya. Gusto lang naman kasing malaman ng grupo ni Clevyon kung ano at sino nga ba si Art. Subalit laking pagsisisi ang nanaig sa kanila noong malaman nila ang totoong pagkatao nito. Gulat sila? Anak si Art ng Mafia? HANGGANG sa nagkasundo ang dalawang si Art at Clevyon na naging daan pa upang maging magka-barkada ito. At the same time, doon na rin nakilala ni Art ang babaeng aagaw muli ng kanyang atensiyon. Iyon ay si Ava, ang simpleng babaeng mag-aaral sa Jangseon na transferee rin na kasalukuyan ding naghahanap sa taong pumatay sa kanilang ina ni James. Naging mahirap para kay Art na makuha si Ava dahil sa mga sandali ding iyon ay gusto rin ng kanyang dating matalik na kaibigan na si Grey si Ava. Kaya nama'y, ang ginawa nila ay pinag-agawan nila ito. Lahat ng bagay ay kanilang ginawa para lamang mapasa kanila ang dalaga. Subalit paano na lamang kung dumating 'yong araw na malaman ni Art na ang taong pumatay pala sa ina ni Ava ay walang iba kun'di ang kanyang kaisa-isang Dad? Ano ang gagawin niya?

Mga Nilalaman

Chapter 1 Hotdog Girl At Mr. Rich

CRAZY OVER YOU

"COY"

A/N:

This story is a work of fiction. The characters, places, business and events are product of author's imagination.

Please expect grammatical errors, wrong typos and informal words.

*Ava's PoV*

"Anak, ano ba ang gusto mong bilhin? Gusto mo ba nito, hmm?" nakangiting panimula ni mama sa akin habang nakaharap kami sa napakarami at naglalakihang mga manika sa loob ng mall.

Umiling ako kaagad at bigla kong itinuro ang malaking manika na iyon na kulay rosas gamit ang aking kamay.

"Iyon ho ang gusto ko, Mama. Magand ang tinutukoy ko," interesado kong saad sa kanya ngunit bigla siyang napahinto at sandaling lumuhod sa harapan ko.

"Anak, walang sapat na pera ang mama upang makabili ng mamahaling laruan, okay? Pagpasensiyahan mo na ang mama mo, hindi niya kayang bilhin ang malaking manika. Pumili ka na lamang ng ibang laruan na iyong magugustuhan basta't hindi lamang mahal, okay lang ba?" klarong paliwanag sa akin ni mama kaya't marahan din akong tumango.

Naiintindihan ko si mama. Sobra-sobra na ang paghihirap na dinaranas niya upang makakain lamang kami ng tatlong beses sa isang araw.

Mahirap lamang ang buhay namin. Simula noong pumanaw ang papa ay tanging si mama na lamang ang tumayo bilang isang ina at ama sa aming magkapatid na si James.

Nagtitinda si mama sa gilid ng daan ng iba't-ibang mga kakanin habang ako naman ang nagbabantay sa bunso kong kapatid na limang taong gulang pa lamang.

Masaya ang buhay kahit simple at mahirap lamang ito. May mga problemang dumarating ngunit kaagad din naman naming sinusulosyunan.

KAAGAD nang inabot ng isang saleslady ang binibili naming laruan ni mama. Dalawa ito at kulay asul 'yong isa na para sa kapatid ko at kulay rosas naman 'yong sa akin.

Napangiti ako noong mahawakan ko na ito dahil sa sobrang lambot nito. May katabi na naman ako mamaya sa pagtulog. At ang gusto kong ipangalan dito ay si...sino naman kaya? Avy? Kitty? O Anna?

Si Kitty na lang total kamukha niya naman si Hello Kitty dahil kulay rosas din ito.

"Alam kong matutuwa si James kapag nakita niya ito, Mama. Sigurado akong lalaruin niya ito kaagad pag-uwi natin," masayang sambit ko. Tumango si Mama habang nakangiti sa sinabi ko.

"Oh siya, halika na, Anak. Umuwi na tayo at gabi na. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin."

"Opo," nakangiting sagot ko at nagsimula na nga kaming maglakad.

Sa pagkakatantsa ko sa mga sandaling ito, sa tingin ko'y alas sais na ito nang gabi.

Medyo madilim na rin ang paligid ngunit marami pa rin kaming nakikitang mga tao na palaboy-laboy sa daan.

'Yong iba ay naglalakad, yong iba'y nagmamaneho, at 'yong iba rin nama'y nakatambay lamang sa daan.

Nawiwili ako sa kakatingin ko sa kanila. Maganda sa pakiramdam ang ganito lalo na kapag nalalanghap mo ang sariwang hangin sa daan.

SANDALI kong pinagtuunan ng pansin ang hawak-hawak kong manika at isinuray-suray ko ito pasulong at paatras hanggang sa maihagis ko ito sa gitna ng daan.

"Mama, 'yong manika!" sigaw ko sabay turo gamit ang aking daliri patungo sa gitna ng daan ng manikang naihagis ko.

Kasalanan ko kung bakit nangyari iyon. Dapat pala ay hindi ko na muna ito isinuray-suray, ayan tuloy napunta sa gitna ng daan.

"Ako na ang kukuha, dito ka lang," habilin ni mama sa akin kaya't tumango ako.

Katulad nga ng sinabi sa akin ni mama ay nanatili akong nakatayo mula sa puwesto namin at sinundan na lamang siya ng tingin.

Naglakad si mama patungo sa gitna ng kalsada at mabilis niyang hinablot ang manika ko. Napangiti ako noong makuha na niya ang manika sabay niyang iwagayway ito sa hangin.

Akmang maglalakad na sana si mama pabalik sa akin noong bigla na lamang lumapit ang isang nagmamadaling sasakyan sa kinaroroonan nito at bigla siyang itinangay.

"Mama!"

Laking gulat ang nasaksihan ko sa mga sandaling iyon.

Agad nang tumulo ang mga luha ko kasabay no'ng pagtakbo ko papalapit sa kanya.

Noong makarating ako roon sa kinabinagsakan niya'y agad akong naupo sa semento at agad kong hinawakan ang kamay nito.

Isang salbahing kotse na kulay puti ang sumagi sa kanya.

Tila wala man lang pakialam ang nakasagasa kay mama. Ni mas huminto man lang ay hindi nito nagawa. Dumiretso lamang sila sa pagpapatakbo at tinakasan ang kanilang ginawang kasalanan.

"Mama...mama!" sambit ko ng pangalan niya habang todo iyak ako nang iyak.

Marami ang mga taong nagsisitinginan at nanonood sa amin ngunit isa man doo'y walang tumutulong.

"Pakiusap tulungan niyo po kami! Tulungan niyo po ang mama ko! Dalhin po natin siya sa hospital! Mama...mama..." pagmamakaawa ko sa harapan ng maraming tao.

Pansamantalang tumigil ang pagtulo ng mga luha ko noong makita kong iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin.

"M-ma-hal n-na mahal ko k-kayo."

Matapos lamang niyang sambitin ang mga salitang iyon ay tuluyan na nga siyang nawalan ng hininga.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko at paulit-ulit na sinambit ang kanyang pangalan.

"Mama! Mama! Mama pakiusap huwag mo kaming iiwan ni James! Mama!"

Crazy Over You

Hotdog Girl at Mr. Rich

Chapter 1

*Ava's PoV*

"Heto na ang mga dyaryo. Sana'y maubos mo 'yang ibenta para naman mas malaki ang kitain mo," nakangiting bungad sa akin ng isang matandang babae.

Isa akong dyaryo girl dito sa lungsod at siya ang pinagkukuhanan ko ng mga dyaryo upang ipagbenta ito.

"Opo! Aalis na ho ako!" masigla kong wika sa kanya.

Matapos iyon ay umalis na ako at nagtungo na sa puwesto ko na pagbebentahan ko ng mga dyaryo.

Maraming tao kasi ang dumadaan doon kaya't nakatitiyak ako na marami rin ang bibili ng aking mga dyaryo.

Pagdating ko sa puwesto ko'y marahan kong inilapag sa mahabang upuan na iyon ang mabigat na mga dyaryo na dala-dala ko kanina.

Kasabay no'n ang pagsuot ko ng hotdog costume na pagmamay-ari ko. Kung titingnan niyo lamang ay napakaganda ng costume na ito, paniguradong makaka-agaw ng pansin!

"Hhmmm," masigla kong panimula sa sarili ko sabay taas ng magkabilang mga kamay at mabilis na humikab.

Araw ng sabado ngayon at kinakailangan kong magtrabaho upang may panggastos kami ng kapatid kong si James sa pagkain at sa pag-aaral.

Sa totoo lang ay bago lang kami rito sa malaking siyudad na ito.

Dati kasi'y nakatira lamang kami sa isang baryo at walang ibang puwedeng pagkakitaan doon kun'di ang pangingisda lamang. Hindi ko naman alam kung paano gawin iyon at saka hello, babae ako. Alam kong may iba pang trabaho ang nararapat kong pasukan.

Kaya't napagdesisyunan namin ng kapatid ko na lumipat dito sa siyudad ng Jangseon. Alam ko kasing dito ako makakahanap ng mas magandang trabaho at makakapag-aral na rin kami sa wakas ni James sa isang magandang paaralan.

Mataas na ang sikat ng araw at kinakailangan ko nang magsimula sa trabaho upang maubos agad ang mga dyaryo ko at mas maaga na rin ang uwi ko.

Sandali pa ay kumuha na ako ng iilang mga dyaryo.

Ito ang magsisilbing pansamantala kong trabaho habang wala pa akong nahahanap na magandang puwedeng pasukan dito sa siyudad. Pagtiya-tiyagaan ko na muna ito habang naghahanap ng ibang trabaho upang tustusan ang aming pangangailangan ng kapatid ko.

"Dyaryo ho kayo! Kuya, dyaryo ho! Ate, dyaryo ho kayo riyan!" nakangiting salubong ko sa bawat taong dumadaan sa harapan ko.

Karamihan ay umaayaw sila, karamihan din ay hindi lamang ako pinapansin subalit hindi ako susuko, magiging matatag ako!

"Ate, dyaryo ho kayo!" nakangiti ko pang salubong sa isang babae na nasa mataas na boses.

Bigla ko siyang nakitang nagkunot-noo na siyang ikinatigil ko sa ginagawa.

"Ilayo mo sa akin 'yan! Isang babaeng nagbebenta ng mga dyaryo sa daan. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Lumayo ka nga!" inis na sabi sa akin ng babaeng huminto sa harapan ko.

"Pasensiya na po ngunit hindi ko po ikinakahiya ang ginagawa ko dahil marangal po ang trabaho ko. Wala po akong dapat na ikahiya," pagmamalaki ko sa sarili ko.

Umalis lamang ang babae ng walang sabi at tanging matalim na tingin lamang ang iniwan nito sa akin.

Huwag kang susuko, Ava. Kaya mo 'to. Huwag mo silang intindihin, hayaan mo lang sila na apihin ka.

SANDALI akong naglabas ng mapait na ngiti at mabilis din na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Kuya, dyaryo ho kayo 5 pesos lang!"

"Pahingi ako ng isa."

"Sige po ba!" nasasabik kong sambit sa kanya.

Mabilis akong kumuha ng isang piraso ng dyaryo at ibinigay sa lalaki nang nakangiti. Agad din naman niyang inabot sa akin ang kanyang bayad.

"Maraming salamat ho!" nakangiting pagpapasalamat ko at tuluyan na rin siyang nawala sa paningin ko.

"Iha, magkano ang dyaryo?"

Isang matandang babae ang umagaw ng aking atensiyon.

"Limang piso lang po, lola," masayang sagot ko.

"Gano'n ba, pahingi ako ng tatlo," ani Lola. Tumango ako agad at agad ding kumuha ng dyaryo.

"Lola, sobra po ang bayad ninyo!" sigaw ko sa kanya sa hindi kalayuan. Nakita ko na lamang itong ngumiti sa akin at muling sumigaw.

"Itabi mo na iyan!" sigaw niya. Kahit papaano ay napangiti naman ako.

Mabilis akong tumango habang nakatingin at nakangiti nang malapad sa kanya.

Naniniwala pa rin ako na ang lahat ng tao rito sa mundo ay may mga busilak na puso. Sobrang bait ni Lola.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang matandang babae na naglalakad na papalayo.

"Ligtas na dumating ang Mafia Boss at ang kanyang pamilya dito sa Jangseon. Narito na sila sa airport at napakaraming tao ang naririto at nagsisiksikan. Sa nakikita ninyo ngayon sa likuran ko'y medyo nagkakagulo dahil sa sobrang dami ng tao at sobrang ingay."

Pansamantala kong itinigil ang aking ginagawa at mabilis na tumingin sa malaking screen sa labas ng isang malaking building upang panoorin ang balita.

Sa loob ng malaking screen na iyon ay nakikita ko ang apat na taong naglalakad. Ang dalawang matandang mag-asawa, ang isang batang lalaki naman na sa tingin ko'y nasa labing-isang taong gulang pa lamang ito, at ang isa ding binata na sobrang tangkad at puti ngunit naka-face mask ito kaya't hindi ko maklaro ang hitsura niya ngunit siya ang kauna-unahang umagaw ng aking atensiyon.

Mafia Boss daw? Sino ba ang Mafia Boss sa kanila? Ay siguro 'yong Dad nila. Grabe ang astig naman.

Ano naman kaya ang tungkulin o gampanin ng isang Mafia dito sa bansa? Ang alam ko lang kasi ay nasa mataas silang uri, marami ang mga kakilala katulad ng presidente at maraming negosyo. Iyon lang ang pagkaka-intindi ko.

Maya-maya pa ay muli na akong natauhan.

Naku ano ba 'yan, naalala kong nagtatrabaho pa pala ako. Kailangan ko nang tapusin ito.

*Art's PoV*

"Boss, Welcome to Jangseon! Kumusta ho ang biyahe ninyo? Akin na ho ang mga gamit ninyo at dadalhin na po namin sa van, " A body guard greets Dad.

Although hindi lamang iisa o dadalawa ang body guard na naroon kun'di lahat na yata ng mga pulis at guards sa Jangseon ay narito na.

The guards quickly took our belongings except mine. Ayoko kasing may nakiki-alam ng mga gamit ko hangga't hindi ako tumatango na hawakan ito.

"Akin na ho, Sir" nakangiting bungad niya sa akin.

Tiningnan ko lamang siya ng seryosong tingin at nagsalita na.

"Huwag mong gagalawin ang mga gamit ko," suplado kong saad sa kanya.

Mabilis siyang napalunok at hindi na nakapagsalita kaya't lumayo na lamang ito sa harapan ko. Ako nama'y nagpatuloy na lamang muli sa paglalakad.

"Hindi mo dapat tinatrato ng ganiyan ang mga tauhan natin, Anak. Maging mabait ka sa kanila kahit paminsan-minsan," ani Dad noong makalapit ito sa akin.

I just rolled my eyes and released a deep breath.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil ayaw kong nasisira ang araw ko nang dahil lang sa kanila.

Yes, anak ako ng isang sikat at mayamang Mafia Boss but it's not really a big deal for me. I don't like this kind of life. Hindi ito ang buhay na pinapangarap ko.

"Is it necessary to have these body guards to escort us?" medyo inis at inip na tanong ko kay Dad na katabi ko ngayon sa paglalakad sa loob ng airport.

"Oo naman. Hindi mo yata kilala ang Dad mo," nakangiting sagot niya sabay kindat sa akin.

Napairap na lamang ako at ibinaling na lamang ang tingin sa daan sabay suot ng aking headphone.

"This way ho, Sir."

"Wala ho munang kukuha ng litrato!"

"Walang kukuha ng litrato ng Mafia Boss sa pampublikong lugar!"

"Padaan ho kami! Padaan!"

Maraming tao ang nandidito.

'Yong iba'y mga ordinaryong tao lamang na hinihintay kami upang makita ang kanya-kanyang mukha ngunit ang karamihan kong napapansin ay ang mga guards at mga pulis upang asikasuhin at protektahan kami mula sa mga taong nagkakandarapa sa amin ngayon dito sa airport na ito.

Ang sikip, ang ingay, at ang init. Kaya nga ayaw ko ang palipat-lipat ng tirahan o bansa dahil sa mga nangyayari eh.

Kung hindi dahil sa bulok na desisyon ni Dad ay hindi sana mangyayari ang bagay na ito, ang paglipat na naman namin ng bansa.

Ewan ko nga at sa dinami-rami ng bansa na puwede naming lipatan ay ang Jangseon na naman? 'Di lamang nila alam how much I really hate this country! And I hate them too! Hindi ko kailan man ginusto ang mga pangyayaring ito.

At ang mas nakaiinis pang bagay dito ay ang panoorin kami ng mga tao. Ayaw ko na pinagtitinginan kami ng mga tao dahil naiilang ako sa kanila.

Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon ni Dad na makapagdesisyon ay gusto kong manatili na lamang sa iisang bansa at hindi na lumipat saan man. Ngunit wala akong magagawa, nandito na eh. Kung nasaan sila, nandoon na rin kami.

"Kuya, are you hungry? Here's a food oh," nakangiting bungad sa akin ng nakababata kong kapatid.

Nakalabas na kami ng airport at narito na sa sasakyan namin.

Tiningnan ko lamang siya gamit ang matalim kong tingin at nagsalita.

"I'm not hungry," suplado kong sagot kaya't natahimik ito sa kinauupuan niya.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay lumarga na ang sasakyan.

May mga police patrols na nauuna at kami naman ay nasa gitna. Sa likuran naman namin ay ang iba pang mga police patrols at ang panghuli naman ay ang mga Mafia's guards na.

Marami ang nakakasunod sa amin. Papunta na kami ngayon sa bago na naman naming bahay.

I hope that this is for last, sana huling bahay na ito. Ayoko nang lumipat pa, ayaw ko na dahil sawang-sawa na ako.

Gusto ko na ng permanenteng tirahan at permanenteng buhay!

"Kuya, bakit ba palagi mo na lang akong inaaway? Do you hate me? Why are you doing this? I'm your baby brother!" umiiyak nitong wika sa akin.

Nakarating na kami sa bago naming bahay at narito kami sa silid ng kapatid ko. Umiiyak siya nang dahil sa akin.

Pinakialaman niya kasi ang gamit ko kaya't nararapat lamang sa kanya iyon na umiyak siya.

Simula pa talaga noon ay hindi na kami magkasundo ng kapatid ko. May mga bagay lang talaga na kinaiinisan ko sa kanya. At isa pa, ayaw ko rin sa kanya. I hate him.

Sandali akong ngumisi ng nakapang-aasar at tiningnan siya ng seryoso.

"You're not my brother," nakangising pang-aasar ko dito kaya't mas lalo lamang lumakas ang kanyang iyak. Nakakainis kasi ang mga gano'n.

BUMABA ako ng hagdan. Nakita ko agad si Mom at Dad na abalang nakikipag-usap sa isang lalaki. Marami-rami pa rin ang guards na nakapalibot dito at sanay na rin ako doon. Ganito talaga ang buhay ng mayaman.

"Oh nandiyan ka na pala, anak ko. Halika muna dito sandali may sasabihin ako," panimulang bungad sa akin ni Dad.

Patuloy naman akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kinaroroonan nila.

"Napakaguwapo naman ho ng anak ninyo, Mr. Mafia. Halatang mana sa inyo, ah," wika ng isang lalaking nakangiti sa akin ngayon.

"Anak, siya si Mr. Maxx at isa siyang guro sa Jangseon University. Siya ang mag-aasikaso sa iyo bukas pagpasok mo roon sa paaralan."

Sandali naman akong tumingin sa direksiyon ng Maxx at hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ito sa akin.

"Nice to meet you, iho," masayang bungad niya sa akin sabay ilahad ang kanyang kamay upang makipagkamay ito sa akin. Tinanggap ko naman ito at biglang tumango.

Pagkatapos ng ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko na munang maglakad-lakad doon sa labas. Gusto kong makita ang buong Jangseon. Maganda pa kaya ito katulad ng dati?

Lumabas na ako ng pinto nang biglang sumigaw si Dad sa akin.

"Anak, saan ka pupunta? May mga body guards tayo upang gabayan ka!" pahabol niyang sabi ngunit hindi ko na ito pinakinggan pa at tuluyan na ngang umalis.

Kahit kailan man ay hindi ko ginusto na pakialaman nila ako tungkol sa mga bagay na gusto kong gawin lalo na ang pagiging mapag-isa.

Naglakad-lakad ako hangga't sa mapadpad sa iba't-ibang parte ng lugar. May mga tao rin namang naglalakad dito sa daan habang kasama ang kanilang mga kaibigan, pamilya o kasintahan ngunit kung ako ang tatanunungin ay mas gugustuhin ko na lamang ang maglakad nang mag-isa kumpara sa kasama mo ang babaeng walang kasiguraduhan na magiging sa iyo ba pagdating ng itinakdang araw. Kung hindi magiging sa 'yo, ede nagsayang ka lamang ng oras.

Patuloy lamang ang aking paglalakad habang abala pa rin sa panonood sa paligid.

Alam ko ang tungkol sa Jangseon University. May kakilala akong nag-aaral sa paaralang iyon na kailan man ay hindi ko makakalimutan.

At ngayon na nandito na ako, gusto ko din siyang makita at gusto kong makita rin niya ako.

"Dyaryo ho kayo! Dyaryo ho kayo diyan!"

Isang babaeng may malakas na boses na nakasuot ng hotdog costume ang naririnig at nakikita ko ngayon habang papalapit na ako sa direksiyon niya.

Ang sipag niya, paano niya natitiis ang magtrabaho sa ganitong kalamig na panahon?

"Dyaryo ho kay..ahhh!..." Mabilis na nanlaki ang aking mga mata dahil sa sobrang gulat.

Na-out of balance ang hotdog girl na iyon na nagbebenta ng dyaryo at saktong padaan ako kaya't mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya upang saluhin ito.

Mabuti na lamang at nasalo ko ang babaeng ito dahil kung hindi, babagsak siya sa semento at maaapektuhan ang kanyang ulo.

Para kaming natapos na sa sayaw nang dahil sa posisyon namin. Hindi ko maipaliwanag nang klaro ang aming posisyon ngunit medyo nakaka-awkward itong tingnan.

Bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin nang pagtuunan ko ng pansin ang maamo nitong mukha.

Magkahalong gulat at humaling ang aking nararamdaman ngayon.

Isang maputing babae na nasa katamtaman lamang ang tangkad nito ang nakikita ko ngayon mismo sa harapan ko. She was wearing an unparalleled beauty that no one else could ever claim. No one.

Kahanga-hanga ang babaeng ito. Isang beses pa lamang na mangyari ang bagay na ito sa buong buhay ko. Kakaibang-kakaiba siya.

Ano itong nararamdaman ko? Bakit bigla na lang lumalakas ang tibok ng puso ko? Bakit ganito? Hindi ako ito.

Maya-maya pa'y bumalik na muli sa dati ang katinuan ko.

Nang maalala ko ang mga nangyari kanina ay mabilis ko naman siyang binitiwan at nilayuan.

"Lumayo ka nga!"

.

.

.

@nicoxx18

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY