Ngayon ay inaayos ko na ang mga gamit ko ng sa ganon ay makauwi na ako sa aking penthouse at magpahinga. Tomorrow afternoon is my flight kaya may oras pa ako para magpahinga, naayos ko na din ang mga gamit na dadalhin ko sa tulong na rin ng aking yaya Mina.
Naglakad na ako papunta sa pintuan, lumingon muli ako sa aking opisina at sa hindi inaasahan ay nahagip ng aking mga mata ang isang litratong binaon ko na sa limot.
Mga alaalang pilit kong tinatanggal sa aking utak. Gusto ko na siyang kalimutan... gusto ko nang kalimutan ang memorya naming dalawa. Pero kahit anong pilit ko, mahirap talaga.
Siya ang unang lalaking minahal ko...
Ang unang lalaking pinag katiwalaan ko...
Ang unang lalaking nagbigay pag-asa sa mga pangarap ko...
At ang unang lalaking nanakit sa puso ko...
At kapag naalala ko siya, bumabalik lahat... lahat ng sakit na naramdaman ko... lahat ng ginawa ko upang bawin niya ang sinabi niya.
Let's break up...
Let's break up...
Let's break up...
Mga katagang sinabi niya na hanggang ngayon paulit ulit parin sinasambit ng aking isipan.
Mabilis kong pinunasahan ang munting luha na muli sanang dadaloy sa aking mga mukha. Hindi siya karapatdapat iyakan. Hindi!
Mabilis akong tumalikod at binuksan ang pinto. Hindi pa ako nakakahakbang ng may nakita akong tao na nakatayo sa harapan ko.
Unti unti kong itiningala ang aking ulo upang malaman kung sino ito.
Ikaw?
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa lalaking aking nasa harapan. Anong ginagawa niya rito?
"Can we talk?" Bungad sa 'kin ni Benjie paglabas ko sa aking opisina.
"What for?" Malamig na sambit ko sa kanya na may bahid na galit.
Benjamin, that's was his name...
The man that I've been wanting to forget!
Mukhang hindi mangyayari yun dahil kahit sa sarili ko. Aaminin kong siya parin... siya at siya parin.
It's been five months since we broke up. Hindi ko alam kung bakit o paano kami naging ganon kasi kung aalamin ko pa masasaktan lang ako.
Pero nangako na ako sa sarili ko, ayaw ko nang masaktan ulit, ayaw ko nang maghirap ulit kaya I choose to let go of my feelings and forget all my memories with him.
"I just wanted to ask if we could get back together?" Deretsong sabi nya sa akin na syang nakagulat sa akin.
"W-What? What did you say?" Nauutal na tanong ko kay Ben dahil masyadong may pagka-desperado ang pagkasabi niya nun.
"Pwede bang ako na lang ulit... Pwede bang bumalik kana sa akin? P-Please come back to me... please c-choose me! Give me another chance Clea..." Paulit-ulit na sabi niya sa akin.
Para akong pinako sa mga sinabi niya sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko!
I'm not sure what I'm going to say! Is it right for me to give him another chance? For what? For hurting and breaking me again?
You've harmed me once! No way am I allowing that to happen again.
"Ikaw ang unang sumuko, Benjie," Panimula ko. "Ikaw ang unang tumaboy, ikaw ang unang nagsabi na ayaw mo na... Kaya wala kang dapat tanungin sa akin na kung pwede ulit tayo dahil una palang B-Ben, tinanong kita kung nagbibiro ka lang ba... tinanong kita kung k-kung nahihirapan ka na ba... but instead of saying sorry to me... i-iniwan mo ko... You left me!" Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
Pinilit kong pigilan pero natalo na naman ako, naging mahina na naman ako.
Lalapit sana siya sa akin dahil muntikan na akong matumba dahil sa pag-iyak pero mabilis akong lumayo. Pinunasan ko ang mga luha ko at matapang siyang hinarap.
"Sana nung una mo pa ako tinulungan... sana nung una pa, kung saan kailangan na kailangan kita,"
With that I left him. Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko patalikod sa kanya... at sa bawat hakbang ko... sabay ding pagdurog ng puso ko.
Bago pa ako tuluyang makaalis, muli akong lumingon sa gawi niya. Pinagkatitigan siya at ngumiti. Inaalala ang munti naming mga ala-ala.
Masaya pero masakit, matamis pero mapait, gusto pero maraming ayaw...
Ang hirap mong mahalin Ben, ang hirap mong ipaglaban... At ang hirap na yun ang dahilan kung bakit mas ginusto kong sumuko!
Balang araw magagawa ko ding kausapin ka ng hindi na ako nasasaktan, nahihirapan!
Balang araw, Mahal...
__________________________________________________________