Pero syempre joke lang 'yon 'no? Baka makulong pa ako. 18 years old na ako at pwede na akong makulong. Iniisip ko pa lang na makukulong ako, kinikilabutan na ako. Yikes!
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bigla na lang magsalita. Umikot-ikot at luminga-linga ako sa paligid para malaman kung sino 'yong nagsalita.
"Sino ka sabi?" Muling sabi no'ng nagsalita.
Napatingin ako sa malaking gate na nasa harapan ko. "Nagsasalita 'tong gate? Hala! Haunted house yata 'to eh. Yikes!" Bigla naman akong napaisip sa sinabi ko. "Kung multo ang nasa loob nito, bakit naman sila order ng pagkain sa'min? Hindi naman nakain ang mga multo eh."
"Miss, give us your name and your reason why are you here or else, mapipilitan kaming paulanan ka ng bala." Nagsalita na naman yung gate. Boses lalaki siya. Wow, may kasarian pala ang mga gate.
Mabilis naman akong umiling. "Manong gate, hindi ako masamang tao. Ako po si Shenaya Madrigal, Shen for short. 'Wag niyo po akong paulanan ng bala." Pagmamakaawa ko ro'n sa gate. "Um-order po kasi ng pagkain yung-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may bigla na lang lumabas do'n sa may box na nasa gitna ng gate na ilaw na kulay pula. Pahaba ito na pahiga. Tumutok ito pamula sa ulo ko hanggang sa paa ko pagkatapos ay bigla itong nawala. "Hala! Laser ba 'yon? Ba't 'di nahati ang katawan ko? Imortal na yata ako. Yikes!"
"You can now enter, Ms. Madrigal." Sabi ulit ni Manong gate sa'kin kasabay ng pagbukas no'ng malaking gate.
Napahanga ako dahil wala namang nagbukas no'ng gate pero bumukas itong mag-isa. Ay, oo nga pala, buhay nga pala 'tong gate na 'to.
Marahan akong naglakad papasok saka nilingon ulit si Manong gate ng nakangiti.
"Salamat po, Manong gate."
Nagtuloy na ako kasi hindi na ako sinagot ni Manong gate eh. Ipinagkibit ko na lang 'yon at pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Mula rito sa gate ay malayo pa yung lalakarin bago makarating sa mismong bahay. Naglalakad ako sa isang kalsada at sa dalawa kong gilid ay may makikitang mga puno na malalayo ang agwat sa isa't-isa. Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa na naglalakad papunta sa palasyo ko.
Nang tuluyan akong makarating do'n sa bahay este mansyon este palasyo pala ay lalo akong napanganga sa laki at ganda nito.
"Wow! Grabe, may palasyo pa pala talaga ngayong present time? Akala ko noong unang panahon lang 'yon eh."
Napatingin ako sa dalawang armadong lalaking lumapit sa'kin.
"Ikaw ba si Shenaya Madrigal, yung delivery girl?" Tanong no'ng isa sa'kin nang tuluyan nila akong malapitan.
Tumango naman ako habang nakangiti. "Opo, Kuya. Ako po yung pinapasok ni Manong gate."
Parehong kumunot ang noo nilang dalawa. "Manong gate?" Tanong naman no'ng isa pang lalaki.
"Opo, yung gate niyo po na nagsasalita." Sagot ko sa kaniya. "Ang astig nga po eh. Sa'n niyo po nabili yung gano'ng gate? Gusto ko rin po sanang bumili ng gano'n kasi madalas kaming manakawan sa shop namin kaya bibili sana ako kahit yung maliit lang. Sobrang laki naman kasi no'ng gate niyo. Mas malaki pa sa shop namin saka baka 'di ko ma-afford bumili ng gano'n kasi-"
Napatigil ako nang bigla silang tumawa.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Kahit hindi ko alam kung bakit sila tumatawa ay tumawa na rin ako. Mahirap na, baka barilin nila ako bigla eh.
"Hahahaha! Mga Kuya, bakit po ba tayo tumatawa? Hahaha!"
Tumigil sila sa pagtawa nila at muling sumeryoso ang mga mukha nila kaya napatigil na rin ako.
"Halika na. Hinihintay na 'yang dala mo sa loob." Sabi ni Kuya na naunang magsalita kanina.
Sinamahan nila akong makapasok sa loob. Mas malaki at maganda pala sa loob nito kaya nakanganga ako habang tumitingin sa paligid. Tumigil kami sa isang pintuan na kulay gold din. Yung mga disenyo niya, ang ganda rin.
"Master, nandito na po yung in-order niyong pagkain." Nagsalita si Kuya ro'n sa pintuan.
"Papasukin niyo na siya." Isang malalim at nakakatakot na boses ang narinig namin mula sa loob no'ng kwartong nasa harapan namin.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan at kinilabutan sa boses niyang 'yon. Pang-monster kasi yung boses niya.
Binuksan ni Kuya yung pintuan. "Pumasok ka na." Sabi niya sabay tulak sa'kin papasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay agad niyang sinarhan yung pintuan. Napatingin sa'kin yung mga taong nasa loob noon. Mga seryoso ang mga muka nilang lahat habang nakaupo sa upuan sa harapan ng isang mahabang lamesa. Sa dulo noon ay ang isang matandang lalaking nakatingin din sa'kin ng seryoso. Napalunok ako bigla sa tingin niyang 'yon.
Yikes! Nakakatakot siya!
"A-Ahh, i-ito na po yung pagkain na in-order niyo. H-Have a h-happy tummy!" Kahit natatakot ay gumawa pa rin ako ng puso gamit ang dalawa kong kamay at inilagay sa ulo ko.
Hindi nagbago ang pagiging seryoso ng mga mukha nila kaya umayos na ako ng tayo.
"Siya ang tinutukoy kong papalit sa'kin." Malamig na sabi no'ng matandang lalaki.
"Who, Master?" Tanong naman sa kaniya no'ng babae.
Itinaas niya ang kamay niya at itinuro ako. "She will be the new Mafia Boss."
Nanlalaki ang mga mata nilang napatingin sa'kin habang ako ay iniisip kung anong ibig sabihin ng Mafia Boss.
Teka, ano nga ba 'yon?