/0/27283/coverbig.jpg?v=f991cfdad67c21927ec2b3cfdd6b1e42)
Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, señorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan, Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? 'Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian... Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?
Tierra de oriente, 1872
(Lupain ng Silangan)
Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan-mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.
Ngunit isang babae ang nakaaagaw pansin. Siya ay impit napapahikbi at ang kaniyang mga luha ay nag-uunahang bumabagsak habang kaharap ang lalaking may talukbong sa ulo. Mahinahon itong nakaupo at nakaamba ang garoteng tatapos sa kanyang buhay.
Unti-unting umiikot ang kamay ng orasan. Dahan-dahang dumadausdos ang bawat butil ng buhangin sa orasan, ang makulimlim na langit, ang nagbabadyang pagpatak ng nagbibigatang butil ng ulan na tila nakikisama sa malungkot na paligid.
Ngunit bago ikutin ang garote ay tumakbo papalayo ang binibining nakaitim na saya papunta sa ilog ng Tarok. Sa ilalim ng malaking puno , siya'y marahang lumuhod. Tuloy-tuloy na luha ang siyang walang tigil na kumawala mula sa kanyang mga mata.
"Pagsisising sa huli na lamang nang aking napagtanto. Oh, ilog na katha! Rumaragasa sa banayad na lupain ng Oriente. Kalinisa't dalisay na taglay ng tubig na umaagos, tagapangalaga ng napakarilag na likha, kita'y aking sinasamo!''
Ito ang bawat hinagpis na umaayon sa malungkot na panahon. Nag-angat siya ng paningin at nahagip nito ang isang binibining nasa isang simpleng saya. Sa isang tingin, nalalamang isa itong indio.
"Victoria Amore Esperanza, isang kahilingan ang aking ipagkakaloob sa iyo," anas ng misteryosong binibini.
Nakapandududa man ang akto nito ay walang alinlangang sumagot si Victoria.
"Nais kong maulit muli ang lahat, nais kong iguhit muli sa mga bituin ang aming kwento. Na... sa pangalawang pagkakataong iyon..... muli siyang iibig. Sa binibining itinakda para sa kanya, ang binibining masisilayan niyang muli sa tagpuang ito."
Kakaibang ngiti ang namutawi sa bibig ng indio bago naglabas ng makapal na libro.
"Handa ka ba sa magiging kapalit ng iyong hiling?"
"At ano naman ang nais mong kapalit ng aking hiling?"
Iniabot ng indio ang isang punyal sa binibini. Sandali itong tinitigan ni Victoria. Nahihinuha ang nais kapalit ng indio.
"Kung ako ang dahilan ng kanyang pagkamatay, mabuti yaring bawian na rin ako ng buhay... tatanggapin ko ang iyong inaalok," sagot ng binibini.
Muli ay ngumiti ang matandang indio at binuklat ang librong hawak nito. "Binibining Esperanza, hindi buhay ang nais kong kapalit. Dalisay na hangarin ang aking nais, ikaw ang siyang magiging tulay tungo sa iyong hiling." Nalilitong hinarap ni Victoria ang matanda.
"Anong ibig ninyong iparating?"
"Mula ngayon ay tatanggapin mo ang isang katungkulan kapalit ng hiling na iyong ninanais. Tatawagin ka bilang Mirasol, kalakip ng isang mahalagang tungkulin"
Tumila ang ulan kasabay ng pagsilip ng araw. Nagugulumihanan man sa mga ipinapabatid ng matanda, naroon pa rin ang kagustuhan niyang malaman ang punto nito.
"Ikaw ang magiging gabay ng pag-iibigang nasa magkaibang daan at tungkulin mong muli silang magtagpo." Inilabas ng matanda ang isang kuwintas.
Sing-pula ng mga rosas, kumikislap ito sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Sa pahabang korte nito ay napakagandang pagmasdan.
"Ang iyong hiling ang siyang unang layuning nararapat mong isakatuparan, tatanggapin mo ba... Mirasol?" diretsong sabi ng matanda kasabay ng pagkislap ng pulang kuwintas.
*****
Sa inaakala mong tahimik na buhay, paano kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? Yung tipong hindi mo na nga sineryoso yung history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang bawat kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nang ibang pagpipilian. Ano ang gagawin mo?
Isang misyon....
Hindi inaasahang pangyayari....
Panibagong paglalakbay....
Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handang abutin nang siyam-siyam.
Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya?
Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat?
Paano kung kinakailangan mo nang mamili?
Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang isang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kanyang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kanyang isipan?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.