Humakbang ako paalis sa kinatatayuan. I got to keep going dahil nakaduty ako. Kapag nahuli na naman ako ng mga katrabaho ko na parang timang na nakamasid sa bintana ay baka isumbong na ako! O baka may ibang tao na makakita sa akin at sabihing hindi ko inaayos ang aking trabaho!
"You are finally doing it, Calista?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng aking katrabaho. So he was waiting for me to ask that question. A smile formed on my lips. I got the courage to respond with a nod.
"Maganda 'yan. Hindi natin kailangang ibaon ang sarili sa nakaraan," he paused for a while bago niya iniba ang paksa. "By the way, do you want some alcohol before you go?"
Nagsalubong ang kilay ko. "Ayoko. Bawal. Nagtatrabaho pa ako saka baka malasing ako bago pa makarating sa destinasyon," I said in one breath. I gasped for air pagkatapos no'n. Nahihirapan pa naman akong huminga lately.
He laughed at me na pati mga malapit sa kinaroroonan namin ay napapalingon. The looks in the their faces were questioning kung bakit may crew na tila nakapasa sa drug test.
Tinuro niya ang isang container. "Tumagay ka ng ethyl alcohol, sige." Oh, so he was referring to those.
"No, thanks. I have five gallons in my bag," pagbibiro ko but I actually wanted to carry those with me. I want to be really careful. "Pero huwag ka ngang magpalusot! Alam kong may tinatago kang alak diyan. May nagtanong na babae tapos sinabi mo out of stock. Sinong niloko mo?"
"Huy, ano ba! How did you know? Huwag kang maingay! Nalaklak ko na kagabi. Pakonti-konti lang naman hanggang sa namalayan ko na ubos na pala." Sinuri niya ang paligid bago ibinulong iyon.
"Huwag mo akong isusumbong, Calista. Please, please! Palagi ka namang may libreng drinks sa akin! And palagi kitang pinagtitimpla ng blue lemonade!" Pananakot niya pa. He went overboard noong lumapit siya sa akin, hinawakan ang aking kamay, at balak pang lumuhod!
'Yung mga tao naman sa paligid got the wrong idea. They started cheering and clapping. May naririning din akong nagsasabi ng 'sana all', 'when kaya', pati 'share your prayer' mula sa mga aming mga kababayan.
"Tumayo ka na! Isusumbong kita sa jowa mo." Eksaheradang 'to. Nasa lugar pa naman kami na kitang-kita ng tao. Natauhan lang siya nang marinig iyon. Umayos siya ng tayo at winagayway ang kamay sa mga chismosong nakatingin.
"Practice only, folks!" anunsiyo niya hanggang sa nagsink-in na rin ang kahihiyang sinimulan niya at napagpasyahang magtago sa mga nakakita. Hindi ko alam kung saan siya nakahugot ng lakas ng loob. Isusumbong ko talaga siya sa kaibigan ko!
"Calista!" Speaking of the devil. "Bababa ka na ba this time?" His voice was hopeful and pleading. He looked around bago inangkla ang braso sa akin. "Hindi ka na mag-iistay rito? Let's have some bonding time together. Unfamiliar din sa'yo ang place na iyon kaya let me, with other crews, tour you around! Hindi namin gusto na malungkot at mag-isa ka." Sumandal siya sa balikat ko ngunit tumayo rin nang maayos noong nakita niya ang jowa niya na akma palang babalik sa kinaroroonan ko.
"Seloso," bulong niya nang nag-iwas ito ng tingin at tuluyang umalis. "Akala niya yata, hindi ko nakita 'yong paluhod-luhod niyang nalalaman sa harapan mo." My friend pouted. "Anyway, ano na, Ista? Payag ka ba?"
"Uhm, it's okay. Hindi niyo naman na ako kailangang samahan ulit. You can enjoy the city without me. Bababa na ako pero may sarili akong lakad." This might feel new to them and so to me.
"Huh? Saan naman? May katagpuan ka? Basta huwag lang mobster, ghoster, o mukhang lobster, okay?"
Huminga ako nang malalim. "I'm actually going to meet him."
"Him?"
Tumango ako. I smiled at him. Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti iyon. Kahit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko matukoy. "I am going to meet him." I raised my hand to show him the ring on my finger. "My fiancé." Nagulat ang iba niyang kasama na walang alam sa pangyayari. Sumeryoso naman ang mukha ng kaibigan ko.
Lingid sa aking kaalaman na iyon na ang huling beses na magagawa ko iyon sabihin. Walang kasiguraduhan ang mundo at puno ng pagsubok at surpresa ang buhay.
Akala ko ay iyon na talaga ang igagawad niyang reaksiyon ngunit sa huli ay may maliit na ngiti na bumalot sa kanyang labi. "I'll let you have some alone time together. Fix and let go of some emotions. Next time, sasama na kami sa iyo! I can't let you be with him alone at baka mapano ka!"
Wala akong nagawa kung hindi sumang-ayon sa kaniya. "Calista, Huwag mo nga palang sasabihin sa iba na nalasing kami noong isang araw, okay? Naubos ko 'yung alcohol na tinatago niya," he let out an awkward laugh. So siya pala ang salarin!
Nagpaalam na siya na pupuntahan ang kaniyang nagtatampong boyfriend. "See you, Calista. Call me if anything bad happens and I will be there. Wala na akong pakialam if I'm on a date that time or if may magseselos. Just... just know that you have someone you can count on." Tumango ako sa kanya. Hinayaan niya akong makapag-isa.
Hindi ko alam na ang ulap na tumatakip sa kalangitan ay biglang magbubuhos ng sama ng loob sa akin. Hindi ko napaghandaan na ang kalmadong dagat ay pwede ring magtangan ng matalim at mabagsik na alon na siyang ikalulunod ko.
Ang buhay ay katulad ng karagatan at kalangitan na patuloy sa pag-usad. But when will everything end? O kailangan ko na namang ihanda ang aking sarili sa walang katapusang hamon na kahaharapin?
When I set my feet on the city grounds, doon ko lang napagtanto na tapos na nga ang lahat. Nilibot ko ang mata sa paligid na dati ay pinagmamasdan ko lang sa malayo. He's not here. The truth struck me. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. The inevitable pain that turned into a scar will always find its way to have a place in my heart, crawling with its sharp claws, digging its way down, and then slowly shattering every bit of my soul.
He left me.
Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at maingat na hinawakan ito
And now, I have nothing but memories.