/0/26803/coverbig.jpg?v=45ff18d9078975ac4a252fe542d7d095)
Being a Mafia wife is dangerous. It was dangerous enough for her younger brothers. How would she deal with every pain and hardship just to be with Duke and fulfill her role as the Mafia Boss Wife?
Being a Mafia wife is dangerous. It was dangerous enough for her younger brothers. How would she deal with every pain and hardship just to be with Duke and fulfill her role as the Mafia Boss Wife?
[Keight]
Naging abala ako sa pag-aasikaso sa kambal para sa pag-pasok sa school, natagalan pa nga kami dahil sa sobrang kapilyuhan ni Klyde. Pagkatapos nilang mag-ayos at mag-agahan ay inihatid ko na sila, mabuti at malapit lang ang Elementary School dito sa tinitirhan namin at hindi namin kailangan bumyahe ng malayo.
"Behave, huwag makikipag-away at wag tatanggap ng pagkain sa hindi kilalang tao. Huwag sasama sa taong hindi kilala, basta mag-ingat. Bantayan niyong isat-isa-"
"At huwag uuwi ng madumi." magka-sabay nilang banggit, natawa ako at inayos ang buhok nilang dalawa.
"Oo dahil kapag umuwi kayo ng madumi yang Uniform niyo, kayo lalabhan ko." biro ko. Tinawana lang nila akong dalawa, sanay narin sila dahil pare-parehas lang naman ang bilin ko kada araw, nakabisado na nga ni Klyde.
Matapos kong masiguro na maayos silang nakapasok sa school bumalik ako sa bahay para maghanda ng kakainin nila mamayang lunch pagkauwi. And naglinis narin ako ng mga naiwang kalat galing kanina sa pag-aasikaso nila. Pagkatapos dumiretso nako sa kwarto at nagsimula ng mag-ayos para makapasok narin.
And, this is when my real story started.
My name is Keight Humilton, College Student. I'm in my last year now so I hope nothing will happen that will trigger my graduation. I really want my life to be peacefull and –Napatalon ako at halos maghabol ako ng hininga dahil sa gulat.
"Oh, You silly girl! Ginulat mo ko." Sigaw ko sakaniya habang hawak ang dibdib ko at mabilis ang paghinga dahil sa gulat.
"Bessy K! I miss you!" matinis ang boses niya at niyakap ako.
This is my High School bestfriend, Rea Enterina. Nang mawala ang mga magulang ko, isa siya sa pinaka-sinandalan ko. She helps me during those times na nagluluksa ako at hindi ko masyado matutukan ng alaga yung kambal. She's there, right beside me.
"Stop looking at me like that! Are you bullying me inside your head?"
"Iniisip ko lang, anong ginawa kong mabuti noong past life ko para gantimpalaan ako ng maganda at mabait ng Bestfriend?" she smiles sweetly at parang kinikilig pang yumakap saakin.
"I know right? You don't deserve me but who cares? I choose you." She confidently said while dodging at me.
Cheerful and cute. No, cute is not enough to describe her Beauty. Enterina is the real role model of our department. Cheerful, Friendly, has a good grades, and a very Kindhearted Woman.
Kung hindi lang siya loka-loka at childish sa harapan ko ay talagang iisipin kong napaka-sungit niya at mahirap maging kaibigan. But I know her very well, her perfect looks and manners is only for public but when we are in our own world, nakakalimutan na niya na tao siya, nagiging bagra, ganon.
Napahinto ako ng may maamoy akong mabango. What was that? Hmm.. Oh, It's Egg Pie!
I want one. Kaagad kong ikinawit ang braso ko sa braso ni Rea. Napalingon siya saakin kaya ngumiti ako sakaniya ng pagkatamis-tamis.
"What? What's that look?" nakangiwing tanong niya. May pambili naman ako pero diba nga mas masarap ang libre.
"Why so Beautiful My lady? Parang kang Anghel na bumagsk sa langit papunta sa lupa." napailag ako ng hampasin niya ko habang tumatawa siya.
"Wag mo kong bolahin. Alam kong maganda ako, Pero yung description mo baliktad." napakamot ako sa pisngi, napansin niya pa yun.
"Pero totoo namang maganda ka ah! Kaya tara na sa Canteen at baka maubos yung gusto kong bilhin." hila ko sakaniya.
"Sabi na duda ako dito eh." Natatawa ko siyang niyakap. I really love her, pero hindi ko sasabihin. Saka na kapag gutom ako ulit.
Kinagatan ko ang fresh na fresh cook na Egg Pie at viola! What a heavenly taste.
"Hmm.. feeling ko nawala lahat ng pagod ko. It's so good.. hmm- Ack! What the?" umubo ako nang panandaliang mabulunan dahil sa batok niya.
"Bessy K, Just eat that Pie okay? Stop making a sound and say It's so good. Ang Spg." nag-loading yung sinabi niya pero nung naintidihan ko na napatingin ako sa mga tao malapit saakin.
Uwaa, nakakahiya. Pero ang sarap naman kasi talaga. Ngumuso ako at sinubo yung last bite ng pie, pumikit ako para pigilan yung bunganga kong mapaungol sa harap. It's really good.
"Fvck!"
"Damn!"
"Shet!"
"Oh ow."
"Hala sila!"
Akin yang huling sigaw. Sinong hindi mapapasigaw, kumakain lang ako ng Pie dito tapos makakarinig ka ng suno-sunod na mura. Medyo blur pa yung paningin ko dahil sa pagakakapikt kanina pero inilibot ko na yung paningi para hanapin yung mga nagmura.
Napatingin ako kay Enterina na napahawak sa braso ko ng mahigpit. Takot ang mga mata niya habang nakatingin sa harapan ko. Sinundan ko yung tingin niya at napansin ang malaking katawan ng lalaki na nakaputing Polo.
"Oh, your shirt is a mess." kumento ko ng makitang natapon ang ilang laman ng pagkain niya sa damit niya.
"Yeah, It's really is a mess." sagot niya. Wow, ang ganda ng boses niya. Nag-angat ako ng tingin sa mukha niya.
Captain America, Ay hindi. I mean, Wow Gwapo! Napansin ko rin yung tatlo pang lalaki sa likuran niya. Oh, may mga itsura din, pero walang-wala sa isang to.
I wonder bakit nakahinto kaming lahat dito sa gitna at bakit ang daming taong nanunuod saamin. Pakiramdam ko tuloy ito yung eksena ni Dawmingzoo at Shanshay. Inabutan siya ng panyo nung kasama niya.
"Let just Go' Duke."
"Shut Up." nanlaki yung mata ko nung marinig yung sinabi niya.
Aba'y bastos na bata. Siya na ng nga tong binibigyan ng pamunas siya pa tong magagalit? Grabe naman yung ugali ng batang yan.
Napabuntong hininga ako, sayang gwapo pa naman, sana.
Pero sabi nga nila, aanhin mo ang magandang mukha kung mabantot naman ugali.
Hinila ko si Enterina paalis , dahil una sa lahat hindi ko alam bakit parang naging eksena sa pelikula yung set up kanina, pangalawa, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari at pangatlo, hindi ko alam kung ako ba bida o extra lang ba ako, kaya exit na tayo.
"Aray!" nabigla ako nang may malakas na pwersa ang humila sa braso ko.
"And your planning to escape without saying sorry or beg for mercy?" Sorry? Mercy?
Kumunot ang Noo ko at pilit kumawala sa pagkakahawak niya.
"Aray. Hoy, mister gwapo- este Ba.. Bakulaw! Pwede bang bitawan mo ko? Kasi Una sa lahat hindi kita kilala at hindi ako si Celine! I will never be Celine!" binitawan niya ko with his confused reaction. Pfft.
"Who the heck is Celine?" Iritadong-iritado na yung boses niya. I saw his friends trying not to laugh. Takot ba sila dito? Ano to Boss nila? Hanep, may ganon pari n ngayon?
"Miss. Nakikita mo yung dumi sa damit ni Bos- I mean ni Duke?" tanong nung kaibigan niyang Blue buhok. Tumango ako.
"Oh? Don't tell me papalabhan niyo saakin yan. Kahit mga kapatid ko nakakatikim ng pingot kapag umuuwing may mantsa Uniform nila, tapos papalabhan niyo saakin ya-"
"Ikaw may gawa niyan." pagputol niya sa litaniya ko. Ako? Tinuro ko ang sarili ko at tumango siya. Oh.. ow.
Tumingin ako kay Enterina and she's looking at me as if huling araw ko na sa mundo. Siguro nabangga ko yung tray niya kanina? Bat kasi pumikit ako habang kumakain. Tsk.
Tumingin ako doon sa gwapong bakulaw. smile Keight, smile. Ngayong nalaman ko na na may kasalanan ako sakaniya medyo kinabahan na ko. Inilahad ko yung kamay ko sa harap niya. Pero tinitigan niya lang yun.
'Ano ba yan, bakit ba ganiyan siya'
"I know right? Papansin'
'Siguro sinadya niya para mapansin siya ni Duke.'
'Attention seeker.'
Mabilis nagpintig yung tainga ko sa mga narinig ko. I saw Enterina glaring at them.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya, akin na ang polo mo ako na maglalaba para sayo." bukal sa loob kong offer sakaniya pero bigla nalang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya na para bang hindi pa nakontento sa offer ko.
Huwag mong sabihing gusto niyang bayaran ko yung shirt niya? napatingin ako sa pagkain niya na nasa tabing lamesa na nakakalat na. Na-guilty naman ako, siguro kaya siya galit dahil sa pagkain niya.
"Okay, let's go there papalitan ko yung pagkain mo. Sorry talaga- Aw! Hey! Sumusobra ka na ah! Kanina ka pa. Nag-sorry na nga ko, inaalok pa kita ng- Ah." napigil ko yung hininga ko nang ilapit niya yung mukha niya saakin.
"Do you even know me?" kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin ngayon, pupurihin ko kung gaano kakinis ang mukha niya sa malapitan. Pero, naiinis narin ako at masyado ng naging mahaba ang eksenang to.
"Wala akong pake kung sino ka. Nag-sorry na ko, nag-offer pa ko na lalabhan ko shirt mo o kaya papalitan ko yung pagkain mo. Pero galit ka parin, Anong sorry ba gusto mo? Chichay way? Ano ka si Daniel Padilla?" natigilan siya at tinitigan ako na para bang isa akong alien na ngayon niya lang nakita.
Nakahinga ako ng maluwag nung bitawan niya ko.
"You know many names but you don't know what's mine? Huh, Get out of here. Don't show your face in front of me again, weirdo."
"Angas feeling batas, here!." tinaas ko ang gintang daliri ko sakaniya at hinila si Enterina paalis. Wala akong oras para makipagtalo sa mga Boss Boss'san na adik. Makakalayo na sana kami nang magsalita nanaman siya na nakapag-painit talaga ng ulo ko.
"You dare raise your middle finger at me, You want me to fvck you? Is that an Invitation?".
Mabilis ang kilos ko nang maglakad ako papalapit sakaniya at hilahin ang kwelyo niya. Dahilan upang makita ko ang gulat sa mukha niya, napangisi ako ng makita ang marahan niyang paglunok. Iniangat ko ang kamay ko at inihawak sa braso niya upang maka-bwelo.
"You know what, I really...hmb!" tinulak ko siya nang magawa ko na ang balak kong pagsiba sa tuhod niya.
"Fvck! Ah-shit!". daing niya habang hawak ang sariling tuhod.
"I really hate a man like you. Trashy Weakling Bakulaw!". Sigaw ko bago nagtata-takbo papalayo sa bakulaw na yon.
I leave them in shock. I know I'm in trouble now, Pero hindi ko naman hahayaang hindi ako makaganti sakaniya. Napaka-kapal ng mukha niya, ano daw? Fvck me? Huh! Kung nasa magandang lugar- No! I mean how dare he? Manyak.
Pagkarating ko sa room ibinagsak ko kaagad yung katawan ko sa upuan. Nawala yung good mood ko after ko matikman yun pie matapos kong makaharap yung Lalaking yon. What a Disaster.
"Keight!" Tarantang pumasok si Enteina sa Pintuan.
"Keight na hindi na Bessy K?- Aw!" napahawak ako sa ulo ko na basta nalamang niyang hinampas.
"You. You idiot K. Anong ginawa mo. Oh my god! why are you like this? Our peacefull life is now gone!."
"Ano bang sinasabi mo diyan?" tanong ko. Tiningnan niya lang ako na para bang isa akong kabote na kakatubo lang at walang alam sa mundo.
"You really don't know him?" yung lalaki ba kanina tinutukoy niya? Kailangan ba kilala ko kun sino yun? Isa ba siya sa mga Bayani na itatanong sa Test?
"Hindi. Wala akong nabasa sa libro o Internet na bayaning ganon ang Mukha.-Aw! Kanina ka pa ah' kailan ka pa natutong mam-bully? Kapag ako nabobo." napabuntong hininga siya at inabutan ako ng strawberry milk, tinikom ko bibig ko at inabot yun. Dalawang batok para sa Strawberry Milk? Di na luge.
"Duke Leonard Wight. Does it ring a bell?" tanong niya.
Duke... Leonard.. Wight? Wight.. hmm. Oh'
"He's the O-owner of this University and ..." parang may nakalimutan pa ko, alam ko narinig ko na yun dati eh.
Pero isipin ko palang na nakipag-away ako sa may-ari ng University na to namamawis na kamay ko sa kaba.. what if, bulungan niya mga prof ko na babaan grades ko? Yari na.
Pero may mas malala pa pala. Because this day is literally not a good day for me.
"He's the Owner of this University and the Mafia Boss. And the three men beside him is also a member of his organization." pagtatapos ni Rea.
I see, I'm in... a big trouble.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Nadama ni Thea na hindi na siya magiging masaya muli pagkatapos niyang pilitin na pakasalan ang kasumpa-sumpa at misteryosong pilay, na tinawag sa pangalang, Mr. Reynolds. Nabalitaan na ang kanyang bagong asawa ay pangit at napakasama. Dahil dito, inihanda ni Thea ang kanyang sarili na tiisin ang kanyang malungkot na pagsasama. Ngunit nakatanggap siya ng isang malaking pagkabigla pagkatapos. Inulan siya ng buong pagmamahal ng kanyang asawa. Pinaramdam niya sa kanya na espesyal siya.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?
Si Lenny ang pinakamayamang tao sa kabisera. Siya ay may asawa, ngunit ang kanilang pagsasama ay walang pag-ibig. Isang gabi, hindi sinasadyang nakipag-one night stand siya sa isang estranghero, kaya napagpasyahan niyang hiwalayan ang kanyang asawa at hanapin ang batang babae na kanyang nakasiping. Nangako siyang pakasalan siya. Ilang buwan pagkatapos ng diborsyo, nalaman niyang pitong buwang buntis ang kanyang asawa. Niloko ba siya ng kanyang asawa?/Hinahanap ni Scarlet ang kanyang asawa isang gabi at sa hindi inaasahang pag-iibigan ng dalawa. Hindi alam kung ano ang gagawin, tumakbo siya sa takot, ngunit kalaunan ay nalaman na siya ay buntis. Nang handa na siyang magpaliwanag kung ano ang nangyari sa kanyang asawa, bigla na lang itong humiling sa kanya ng hiwalayan./Malaman kaya ni Lenny na ang kakaibang babae na kanyang nakasiping ay talagang asawa niya? Higit sa lahat, ang kanilang walang pag-ibig na pagsasama ay magiging mas mabuti—o mas masahol pa?
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP