"P...Pero nasa loob pa po ang kapatid ko! Please po! Tulungan po ninyo siya!"
"Pasensya ka na talaga, Hija."
____
"Labin-limang taon na pala ang lumipas," bulong ni Maude sa hangin habang nakatitig sa malaking building ng kumpanya na puno ng bagong sasakyan sa loob.
Ang lugar na ito ang pinagtayuan ng nasunog na orphanage na kinaroroonan nila Maude noon labinlimang taon na ang nakalipas. Pagkatapos kasi ng insidente ay may nagpatayo na ng building kaya bagong-bago na ang hitsura ng lugar. Gayunpaman, sariwa parin sa isip ni Maude na ang lugar na ito ang siyang dating kinaroroonan ng orphanage kaya tuwing napapadaan siya dito ay hindi niya maiwasang maalala ang malagim na nangyari sa nakaraan.
Sa nasunog na orphanage na 'yon dinala sina Maude at ng kanyang kapatid na si Rix. Hirap na kasi ang magulang nila noon na buhayin pa sila kaya naisipan nilang dalhin na lamang ang magkapatid sa orphanage at kukuhanin na lang sakaling umayos na ang buhay nila ngunit gano'n naman ang nangyari sa bahay-ampunan.
Bumigat ang dibdib ni Maude dahil naalala na naman nito ang nangyari sa nakaraan. Ang kasalanang hindi niya naman intensyong gawin kaya gayon na lang ang inis niya sa sarili at kahit labinlimang taon na ang nakalipas ay hindi niya parin mapatawad ang sarili.
Yumuko ito dahil hindi na nakayanan pa ng mga mata niya na tiisin ang mga luhang namumuo kaya tumulo na ang mga ito.
Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga pangyayari noon. Kung paano magmakaawa sa kanya ang nakakaawang kapatid na iligtas siya sa sunog ngunit iniwan niya lamang iyon dahil sa takot.
Hindi naman iyon ang intensyon ni Maude. Balak niya lang humingi ng tulong sa labas ngunit ang nangyari ay pati ang mga bumbero ay naduwag nang sumugod sa apoy upang iligtas ang kapatid niya.
Puno ng pagsisisi, inis at pighati ang puso ng dalaga. Kung hindi niya sana iniwan si Rix at gumawa siya ng paraan upang matulungan ito, sana ay buhay pa ang kapatid niya ngayon. Sana kasama niya iyon at sana hindi galit ang mga magulang niya sa kanya ngayon.
Hindi man tunay na kapatid ni Maude si Rix ay mahal na mahal niya iyon kaso nabigo siya dahil hindi niya man lang siya nagawang iligtas.
Napahawak ito ng madiin sa dibdib dahil sa matinding lumbay ngunit agad ding napahinto nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng pink jacket niya. Kinuha niya iyon at mabilis na sinagot ang tawag.
"Hello Mr. Flores?" Pinunas niya ang mga luha at inayos ang sarili.
"Ayoko sanang sabihin ito sa'yo, Maude, pero pasensya na. Wala na pala silang bakante sa kumpanya." Nahimigan ni Maude ang awa sa boses ng matanda. Kahit pa hindi siya kita ni Maude ay ramdam niya ang pagsimangot nito sa kabilang linya.
Humugot na lang ng malalim na hininga ang dalaga. Umasa na naman ito. Akala niya ay magkakaroon na siya ng trabaho. Tila sigurado pa naman noon si Mr. Flores nang sabihin niya kay Maude ang tungkol sa bakanteng trabaho pero wala na naman pala.
Isang mapait na ngiti ang nabuo sa kanyang labi bago siya tumingin sa kawalan. "Ayos lang po. Maraming salamat po."
"Makakahanap ka rin, Hija. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Goodluck!" pagpapagaan ng matanda sa damdamin ni Maude.
"Opo. Maraming salamat po ulit." Pinutol na nito ang tawag. Nakasimangot parin ang dalaga na ibinulsa ang selpon pati ang kamay sa bulsa ng hoodie jacket niya, pagkatapos ay muling tinignan ang malaking building bago malaya nang naglakad.
Umaga pa lang kasi at dahil sa hinihintay nito ang tawag ni Mr. Flores ay naisipan niya munang mag-jogging ngunit sa dating lugar ng orphanage naman siya dinala ng mga paa.
Minsan talaga ay nagsasawa na siya sa buhay na meron siya. Tinatanong ang sarili kung bakit lagi na lang siyang pinaglalaruan ng tadhana at tila pinarurusahan. Bakit lagi na lang siya ang natitipuhan na paglaruan? Hirap na hirap na ito pero walang magawa kun'di ang magpatuloy para sa kanilang pangako ni Rix. Ang bigyan ng magandang buhay ang magulang nila. Ngunit dahil matagal nang wala ang kapatid niya ay siya na lamang ang tutupad no'n. Kahit sa gano'n man lang ay matuwa na sa kanya ang mga magulang niya.
"Hindi pwedeng habang buhay akong ganito. Kailangan kong tuparin ang pangako namin ni Rix nang sa gayon ay makabawi naman ako kahit kaunti," positibo nitong bilin sa sarili saka ikinuyom ang kanang palad at siniko pababa ang hangin. Afterwards, she let out a deep sigh.
Ilang kumpanya na kasi ang sinubukan niyang pasukan ngunit lahat sa kanila ay hindi siya pasado. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo pero laking pagtataka niya kung bakit hindi siya natatanggap. Totoo ngang hindi lahat ng taong nakakapagtapos sa kolehiyo ay may magandang buhay. Kaya tuloy minsan napapaisip ito sa sarili, bakit pa kailangang mag-aral ng kolehiyo kung mas maganda pa ang buhay ng mga hindi nakapagtapos kaysa sa kanya?
Isang tunog mula sa cellphone niya ang nagpahinto sa kanyang paglalakad. Mabilis niya itong hinugot sa bulsa at sinagot.
"Hoy, Monde! 'Di ba naghahanap ka ng trabaho? May sasabihin ako!" Halos mabingi na si Maude sa lakas ng sigaw ni Sarah, ang matalik niyang kaibigan mula pa lamang kolehiyo siya na ngayon ay kasama niya sa isang apartment.
"Maude nga, hindi Monde. Ano ako mamon? Sabihin mo na agad! Dali!" paghahamong sigaw ni Maude upang mabingi rin ang kaibigan.
"Meet me at the coffee shop near the company. ASAP!" Pinatay na ni Sarah ang tawag.
Napangiwi si Maude sa biglang pagpatay ng kaibigan sa tawag. Napaisip tuloy ito kung ano na naman ba ang balak sabihin sa kanya ng kaibigan at bakit gano'n na lang ang pagmamadali niyang papuntahin si Maude.
Gayunpaman, agad nang nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga upang mabilis itong makarating. Medyo malayo pa kasi ang coffee shop sa kinaroroonan niya pero pwede namang lakarin kahit papaano.
"OH ANO? Sabihin mo na," pagmamadali nitong utos kay Sarah sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ng kaibigan nang makarating ito sa coffee shop.
Sarah is busy reading on her tablet habang ang mukha niya ay natatakpan ng kanyang hindi gaanong makapal na bangs. Hanggang balikat ang buhok nito at nakasuot din ito ng headband na kulay murang kayumanggi na siyang nakadagdag sa ganda niya.
She is a Assistant Controller at Accounting and Credits Department in RF Hotel, ang isa sa pinakasikat na 5-star hotel sa Pilipinas na maraming hotel branches at resorts sa iba't-ibang parte ng bansa, kaya obviously she's wearing a corporate attire which is black long sleeve turtleneck paired with gray knee-length pencil skirt. Suot niya rin ang kanyang identity card na nakadagdag pa lalo sa pagiging pormal niya.
Nang mapansin na niya si Maude ay agad niya itong sinipat. "Seriously? You came here wearing that jogging pants and jacket?"
Tumango si Maude. "Mm. Bakit, masama ba?"
"Hindi naman sa masama but look, you're the only one who has an outfit like that here." Sarah gestured her hands towards the customers. Tinignan naman ni Maude ang mga iyon at tama nga ang kaibigan. Siya lang ang nakasuot ng gano'n doon. Nakaayos ang lahat samantalang siya, ni hindi pa nakakaligo.
"Ano ngayon? At least may suot. Nakapasok naman ako dito sa coffee so hindi naman siguro bawal ang ganitong suot dito," pagdadahilan nito saka ngumiwi. "Anyways, sabihin mo na. Nag-effort pa akong pumunta dito, ha."
"Okay, ito na." Inayos ni Sarah ang upo saka seryosong tumingin kay Maude. "Our CEO is looking for a new employee at HR Department. There will be a job interview tomorrow, and you must to come if you want a job. Ten o'clock in the morning. Dapat mas agahan mo pa kasi limited lang daw ang kukuhaning applicants," paliwanag nito habang seryoso ang mukha. "And also, bring your resume."
"Sigurado ka ba?" Duda man ay bakas naman ang tuwa sa mukha ni Maude.
"Do I look like joking? Bakit ko sasayangin ang oras ko na pumunta dito just to kid you?" Tinaasan siya ng kilay ni Sarah. Para talagang propesyonal kung umasta ang kaibigan niya na siyang minsan kinaiinggitan ni Maude.
"Oo na. Sige na. Salamat, Sarah!" masaya nitong wika.
"No problem, Monde. See you tomorrow, goodluck!" Tumayo na ang kaibigan saka nagpaalam kay Maude. Pagkatapos ay malaya na itong umalis ng coffee shop.
Hindi mapawi ang ngiti ni Maude habang nakatingin sa malaking kumpanya sa labas. She even squealed lightly so when she realized what she just did, she awkwardly roamed her eyes around the coffee shop. Baka lang may nakarinig sa kanya at isiping nababaliw siya.
Nang makitang wala naman ay tumayo na siya at mabilis nang umalis sa kinauupuan. She was about to reach the doorway when she remembered the Latte which her bestie ordered for her na hindi niya pa nababawasan kahit kaunti kaya bumalik siya sa table upang kuhain ulit iyon. Sayang naman. Sabi pa naman nila na mas masarap ang libre kaysa binili mo gamit ang sariling pera. Isa pa, naisip niyang ang mahal ng kapeng iyon at wala sila sa drama upang gawin props lang ang gano'n.
Pagkalabas nito sa coffee shop ay agad na tumambad ang malaking hotel sa paningin ni Madeline. Sa kabilang kalsada man iyon ay kita parin naman niya ang mga taxi na humihinto sa labas at kalaunan ay may lumalabas namang tao at pumapasok sa loob. Perhaps a guest.
Muling bumuo ang malapad na ngiti ni Maude saka parang baliw na tinitigan ang kumpanya. "Magta-trabaho rin ako dito, soon!" she whispered.