"Hoy bakla! Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang baliw, late ka na nga, e,"
Tumigil ako sa pagngiti at nagtatanong ang mga matang tinignan ang nagsabi n'on.
"Anong late? Nasa room pa nga ang classmates natin," ani ko saka tinuro ang classroom.
"Tanga! Ibang section 'yan, kanina pa kami nasa lab. O siya mauna na ako may inuutos pa si sir. Ciao!"
"Teka lang, Jestoni!" Habol ko.
"It's Jessi, not Jestoni," maarteng pagkakabigkas nito. "Oh I forgot, ikaw na pala 'yung kumuha ng mga malaking container sa canteen."
Pagkatapos sabihin iyon ni Jessi ay tumalikod na siya at iniwan akong mag-isa rito.
'Di na talaga siya makaka-kopya sa 'kin.
"Napakamalas talaga, arggh!" I stomped my feet in so much frustration.
Nakabusangot akong naglakad papuntang canteen. Kasalanan talaga 'to ng kapatid ko, paulit-ulit ko pang sinabi sa kanya na gisingin ako nang maaga pero wala. Hays.
'Pero okay na rin 'to, bawas sermon, hehe' isip ko.
Ano kaya pwedeng gawin para hindi ako matakam sa ibe-bake namin ngayon? Hindi ko naman naisip na pwede pa lang mangyari 'to, gusto ko lang naman mag-bake at magpatayo ng sariling pastry sa future pero hindi ko naman akalain na ganito kahirap magpigil.
Marupok pa naman ako sa pagkain. Buti nga kahit papaano ay napipigilan ko ang sarili kong pumapak. I'm so proud.
"Ano ba 'yan ang sikip!" malakas na sabi no'ng babae sa 'di kalayuan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
Masikip? Ang laki pa nga ng space palibot sa kaniya.
"Sinabi mo pa. Bakit kasi may dambuhala rito?" sabi naman no'ng isa.
Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya habang pasulyap-sulyap sa lalaking nasa harapan nila.
Parang nakita ko na siya somewhere.
Nakatayo ito at at may hawak na malaking burger at large coke sa magkabilang kamay. Nakasuot ito ng makapal na salamin, hindi naman siya sobrang mataba. Matangkad lang siguro siya malaman, dagdag pa na malaking polo shirt at pantalon ang suot niya. Mas lalo siya nagmumukhang malaki.
Dire-diretso lang siyang naglakad na para bang walang naririnig at nakikita sa paligid niya.
"Miss! Lumayo ka nang kaunti baka maipit ka!" sigaw sa 'kin ng babae.
Inis ko silang binalingan at akmang pagsasabihan na mali ang ginagawa nila nang mawala sa paningin ko ang lalaki kasabay nang pagbalik ko sa katinuan.
May kukunin pa pala ako. Lagot!
-
"Ngayong mayroon na tayong food na ise-serve for the foundation day, anong drinks and dessert naman ang gusto ninyo?" tanong ni Sir. Lachica habang palakad-lakad sa harap at nakikipag-eye-to-eye sa mga kaklase kong naka-upo. Habang ako ay ilang oras nang nakatayo sa dulo ng lab. This serves as my punishment for being late.
"Sir! Dirty ice cream for dessert," sabi ni Kate habang nakataas ang kamay.
"Ano? Bibili tayo?" tanong ni Jared.
"HRM students tayo, bakit bibili?" nakataas ang kilay na tanong ni Kate.
"Any suggestion?"
Natuon ang atensyon namin kay sir na katatapos lang isulat ang suggestion ni Kate.
Tumahimik na ang dalawa at sinamaan ng tingin ang isa't isa bago ibaling ang tingin kay sir.
"Pustahan may future 'tong dalawang 'to," bulong ng katabi kong si Melissa, late rin.
Siya ang weird kong classmate. Tahimik siya pero bigla-bigla na lang magsasalita. Kadalasan sa ganitong situation. Siya rin ang unang nakakaalam ng chismis dito. Tahimik pero matinik.
Nginitian ko na lang siya ng tipid.
"Okay na sa 'kin 'yon, sir," ani ng isa kong kaklase.
Hanggang sa sunod-sunod nang nagsipag-ayunan ang iba pati na rin ako. Sa huli napagdesisyunan na dirty ice cream ang sa dessert, coffee jelly at buko naman sa drinks.
"That's for today, pag-usapan ninyo na kung sino-sino ang gagawa ng ihahanda ninyo for foundation day. Class dismissed." Kinuha ni sir lahat ng gamit niya at naglakad na paalis.
"Ms. Domingo," gulat akong napatingin sa pintuan kung saan nandoon si sir. Akala ko umalis na siya.
"I hope that was the last time that you'll be late. Kakausapin ko na ang parents mo kapag naulit pa 'to. Understand?"
Dali-dali akong tumango habang nilalabanan ang mga titig ni sir. Pagkakita niya sa naging tugon ko ay umalis na siya. Hoo! Parang binabasa niya ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya.
"Hoy, Jam! Tara na, para kang naestatwa riyan,"
Nagbalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Kate. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong kasama na niya sina Jared, Dwayne, Mika, pati si Melissa. Hindi na ako nagulat na kasama siya, kahit sa iba naming classmate ay ganiyan siya, kabute.
"Bakit?" I mouthed.
"Anong bakit? Tanga, kakain na tayo!" malakas na sabi ni Kate. Nakatanggap siya ng kurot kay Mika dahil sa sinabi niya.
Napatawa na lang ako at hinayaan siya, ganiyan talaga siya magsalita kaya laging may war kapag magkasama sila ni Jared.
Tumakbo agad ako palapit sa kanila at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen. Sa aming anim ay sina Kate at Jared lang ang maingay, nag-aasaran, sina Dwayne at Mika naman ay naghaharutan, at kaming dalawa ni Melissa ay tahimik lang.
"Wala si Claris?" tanong ni Jared.
"May nakikita ka ba?" tanong ni Kate kay Jared na agad nitong inilingan.
"Edi wala! Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako," ani Kate ngunit pabulong lang ang huli.
Pinamulahan siya ng mukha kaya napayuko siya. Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano. Mukhang ako lang ang nakarinig ng huli niyang sinabi dahil hindi nag-react si Jared.
Pagkarating namin sa canteen ay kaming apat lang nina kate, Jared, at Melissa ang naupo. Ang mag-jowa ang nag-order ng pagkain nila.
As always, nagbabangayan na naman sila, minsan ay nakikisali si Mel pero parang may sariling mundo talaga ang dalawa, ayaw magpasali.