/0/26317/coverbig.jpg?v=04c8429f423acbc4c8b033ed052d5ad7)
A bloodthirsty royal family, a wise and elegant twin princes, the battle for power and crown. When the old kingdom ruled the land, nothing is safe in the eyes of the rich, no one will let you tell the truth. Elersa, a lady who serves for the family. What will she discover? Will she be damned if the two powerful Princes fall on her? Will she be able to use her alluring charm to dethrone the darkness reigning in the Kingdom of Pinileo?
Kabanata 1
Jerusalem (32 CE)
"ANO sa tingin niyo? Sino ang dapat kong palayin sa kanilang dalawa? Ang kriminal na ito o ang tinatawag niyong Kristo?" tanong Gobernador sa mga tao. Habang nakaupo ang Gobernador sa harap ng maraming tao ay may ibinulong ang kanyang asawa. Matirik ang araw at tanging ang alikabok ng mga karwaheng binabagtas ang lansangan ang nasa paligid.
"Binayaran ng mga punong saserdote ang mga tao na ang kriminal na iyan ang palayain," bulong sa akin ni Renara, maraming tao sa paligid kaya't hininaan niya ito.
"Isa ka bang huwad? P-paano ka nakasisigurado?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko siya mula sa napakaraming tao at idinala sa likod ng isang karwahe. "Paano mo nalaman? Mapapahamak ka sa iyong winiwika."
"Binigyan ng mga saserdote ang aking asawa kanina ng salapi." May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang apat na drakma. "Naniniwala ka na ba, Elersa?"
Muling sumigaw ang kapita-pitagang gobernador at tinanong sa mga tao kung sino dapat ang palayain. Parami nang parami ang mga tao na dumadalo sa paglilitis at ang karamihan ay nagsisiksikan na. Nagkagulo ang lahat habang sumisigaw.
"Sa kanya? Ano ang dapat kong gawin sa kanya?!?" tanong niya muli at itinuro ang lalakeng pamilyar sa akin, nakatayo ito malapit sa isang kriminal. Maaliwalas ang kanyang mukha at pinapanood lamang ang sangkatauhan habang nakagapos ang kanyang mga kamay.
Para sa akin, wala siyang ginagawang anumang masama, nadinig ko na ang mga turo at payo niya sa mga tao. Nasaksihan ko na ang kanyang mga himala. Ang pagpapakain nya sa libo-libong mga tao at ang mga pagpapagaling niya sa mga may malubhang karamdaman
Ako'y nagtataka rin kung bakit siya dinakip ng mga guwardiya sibil.
"Patayin siya!" sigaw ng mga tao. Nakita ko rin ang asawa ni Renara na sumisigaw rin nito.
"Ano bang kanyang kasalanan? Bakit ganyan ang inyong nais?" tanong ng Gobernador na animo'y inililigtas ang lalake sa kamatayan. Nakita ko rin ang kanyang Ina na labis-labis ang pag-iyak sa kalagitnaan ng maraming tao kasama ang kanilang mga kamag-anak. Pilit silang sumisigaw ngunit mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao.
"Patayin siya!" Mas lalong gumugulo ang mga tao. Nang naulinigan ng Heneral na hindi nagustuhan ng mga tao ang kanyang tanong, napaubo siya. Kumuha siya ng tubig at hinugasan ang kanyang mga kamay sa harap ng mga hindi magkamayaw na tao.
"Hindi ako ang may kagagawan nito. Kayo ang may pananagutan sa naging desisyon. Ipako siya," saad ng Heneral. Iniutos niya sa mga guwardiya sibil na palayain ang lalakeng kriminal na malaki ang ngiti. Naglakad na ang Heneral papalayo at iniwan ang mga nagsisigawang tao.
"Kami at ang aming mga pamilya ang may pananagutan!" sigaw ng buong bayan. Nagulat ako nang may lalakeng humawak sa aking pulsuhan, gulat akong napatingin sa kanya.
"Kailangan na nating umalis, Elersa!" Seryoso ang mukha ng aking asawa, namamawis at hapong-hapo rin ang kanyang mukha na animo'y nagmamadali. Hawak niya sa kamay ang aming anak na apat na taong gulang. Hinila niya ako papalayo sa mga tao at dinala sa isang lilim ng puno ng olibo, isinuot niya sa akin ang aking talukbong dahilan upang hindi makita ang aking mukha.
"B-bakit!?" Naguguluhan ako sa kanyang inaasta. Tumingin siya sa aking mga mata na lalong mas nagpakaba sa akin.
"Nalaman na ng aking kapatid ang ating pinagtataguan, kailangan na nating lumipat." Mabilis na dumating ang isang karwahe na ikinatinginan rin ng ilang tao, ngunit nangingibabaw parin ang atensyon sa paglilitis. "Umalis na kayo."
Ibinigay niya sa akin ang aming anak at akmang tatakbo na siya nang hawakan ko ang kanyang kamay. Nanginginig na ang aming mga kamay dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Nakatingin lang ang dalawan naming anak sa amin na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.
"P-paano ka!? Paano ang ating mga ari-arian!? Hindi ka ba sasama!?" sunod-sunod kong tanong, nangangamba na ako sa mga nangyayari. Limang taon na kami sa Jerusalem at tila ngayon na ang mga huling araw namin dito. Ang mga balintuna ay ngayo'y nagiging katotohanan na.
"Nasusunog na ang ating tahanan, ang mga tupa ay natagpuan nang patay, at ang ating pwesto sa pamilihan ay ninanakaw na. May pupuntahan lang ako sandali," -napatigil siya at lumapit sa akin- "tutungo tayo sa Italya. " Inilahad niya sa akin ang kanyang gintong singsing at hinalikan ang aking noo.
Mas kumirot ang aking dibdib sa kanyang ginawa, tila ba mayroon siyang ipinapahiwatig. Ang lahat ng mga ipinundar at pinaghirapan naming ng ilang taon ay nawala sa isang iglap lamang. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan.
"U-umalis na kayo," dagdag niya at siya'y aking hinagkan. Ramdam ko ring nahihirapan at nababahala siya sa mga nangyayari. Kinuha niya ang aking kaliwang palad at inilagay ang singsing roon. Dali-dali ko siyang yinakap habang dahan-dahang dumadaloy ang aking luha. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kamay niyang sinasapo ang aking buhok. Ang balakid sa aming pag-iibigan ngayo'y dumating na.
Parang dinadaganan ng sako-sakong trigo ang aking dibdib, ako'y labis-labis na nasasaktan. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata at ang pagtulo ng aking mga luha.
"M-magkikita pa tayo," saad niya at bakas ang lungkot sa kanyang tono. Napatingin siya sa aking bilugang tiyan, ilang buwan nalang ang bibilangin ay manganganak na ako. Lumuhod siya sa aking harapan at hinalikan ang aking tiyan.
Sumakay na ako sa karwahe at nagsimula nang tumakbo ang kabayo. Para akong nadudurog sa mga nangyayari, yinakap ko ang aking anak papalayo sa aking asawa. Hindi ko akalaing darating na ang araw na aming inaasahan, sa higit limang taon ay dumating na ang aking kinatatakutan. Ang bawat huni ng kabayo, ang pagtalsik ng tubig sa aming dinaraanan, at ang bawat himig ng hangin ay nagpapaguho ng aking mundo.
Napalingon ako sa durungawan ng karwahe, nakikita ko ang makapal na usok na nanggagaling sa aming tahanan.
"Bakit ka umiiyak, Inay?" Dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Pilit akong ngumiti at ginulo ang kanyang buhok.
"Magpapakabait ka ha, Anak?" Pilit akong ngumingiti habang pinupunasan ang walang tigil na luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nawala na sa aking presensya ang aking asawa sa ilalim ng puno ng olibo, nakakalayo na rin ang karwahe habang tinatahak ang tuyong lupain.
"Hinahanap na tayo ng iyong Ama."
***
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Dahil sa gulo sa pamilya, si Zen Luo, ang dating pinakamayamang apo, ay naging isang alipin. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon, natuklasan niya ang sinaunang sikreto ng paghuhubog ng mga makapangyarihang sandata. Gamit ang kanyang katawan bilang sisidlan at ang kanyang kaluluwa bilang lakas, siya ay dumanas ng libu-libong pagsubok upang maging isang diyos! Ang kanyang pagbangon ay nagsimula sa pagtanggap ng mga palo at suntok. Sa gitna ng labanan ng mga makapangyarihan at digmaan ng mga lahi, siya ay tumindig bilang isang tunay na mandirigma. Gamit ang kanyang katawan na parang isang makapangyarihang sandata, tinalo niya ang lahat ng kanyang mga kaaway!