Pagkakita niyang malapit na ito sa kanilang sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto ng L300 van na dala niya.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay dito sa labas," inis na sabi ni Joan sa babaeng kadarating lang. Idinura niya ang bubble gum na kanina niya pa nginunguya sa labas.
Nakita niyang sumulyap muna ang babae sa bandang likod ng sasakyan. Napadako ang tingin nito sa tatlong lalaking nakaitim na may hawak na mga 45 calibre na baril habang nakatingin sa babae. Nakita niyang bigla itong napalunok at napahakbang paatras habang mahigpit na niyakap ang karga nitong bata.
"So-rry po, a-no po ang ba-lak ni-niyo sa bata?"
"Wala ka na ro'n at hindi mo na kailangang malaman pa! Kaya akin na ang bata para matapos na tayo at makapasok ka na sa loob," dikit ang kilay na sabi ni Joan habang nakatingin sa babae.
"Parang awa niyo na po huwag niyo na sana idamay ang bata," sabi ng babae habang tuloy-tuloy na dumadaloy ang masaganang luha sa kanyang mukha.
"Huwag kang mag-alala. Wala naman akong gagawin sa bata. Kailangan ko lang siyang kunin at dalhin sa lugar kung saan di na siya makikita nina Khrystal at John."
"Pero..." Hindi niya na naituloy ang kanyang pagsasalita.
"Akin na ang bata!" sabi niya pagkatapos ay marahas na inagaw niya ang bata na mahimbing na natutulog sa mga bisig nito. "Wala ka ng magagawa kung di ibigay siya. Kung hindi ay mamatay ka at ang pamilya mo! Kaya bumalik ka na sa loob at magkunwaring may kumuha sa bata. Huwag kang magkakamaling magsalita kung di alam mon a ang mangyayari."
Tumingin muna ito sa karga niyang batang babae at umiiyak na tumalikod papasok sa gate. Sinulyapan ni Joan ang batang mahimbing na natutulog sa kanyang bisig. Nakita niya itong ngumiti sa kanya kaya hindi niya maiwasang mamangha sa taglay nitong kainosentehan sa mukha.
"Paandarin mo na ang kotse. Diretso tayo sa condo ko sa Antipolo City. Puwede niyo na rin ako iwan mamaya ro'n pagkarating natin. Tatawagan ko na lang ulit kayo kapag kailangan."
Tumango lang ang mga goons na kasama niya. Sila ang ibinigay ni Marianne na mga tauhan para samahan ako sa pagkuha sa anak ni John. At kung sakaling magka-aberya ay sila ang bahalang promotekta sa kanya.
Alam niyang delikado at puwede siyang makulong dahil sa pag-kidnap niya sa bata at pakikipagsabwatan niya kay Marianne. Pero wala na siyang magagawa kung di makipagtulungan. Alam niya na kasi ang mangyayari kapag hindi niya sinunod ang utos nito.
Kinuha ko ang cell phone sa aking shoulder bag na dala. Pagkatapos ay pumunta ako sa contacts kung saan naka-save ang cellphone number ni Marianne.
Ibinigay ko muna sa isa sa mga goons na kasama ko ang anak ni John para maayos kong makausap si Marianne.
Tatlong beses na nag-ring ang tawag ko bago sinagot ng nasa kabilang linya.
"Oh... Ba't ka napatawag? Nagawa mo ba ang inuutos ko sa 'yo?" Walang kagana-ganang tanong ni Marianne sa akin.
"Oo, nagawa ko na ang pinag-uutos mo. Ano na bang susunod kong gawin dito sa bata?"
Saglit munang tumahimik ang nasa kabilang linya. "Bahala ka kung anong gagawin mo sa bata. Basta huwag mo lang patayin kung di mananagot ka sa akin."
"O sige, huwag kang mag-alala. Hindi ko papatayin ang bata dahil hindi naman ako mamamatay tao. Naisip kong gawin na lang siyang anak ko tutal naman e wala pa kaming anak ng pinsan mo." Pero nasa isip lang niya ay papalakihin niya ito para pagdusahin sa poder niya.
"Bahala ka na kung anong gagawin mo. Basta huwag mong sasabihin sa asawa mo kung kaninong anak ang batang 'yan dahil alam mo na kung anong mangyayari sa atin." Paalalang sabi pa nito.
Napaismid na lang ako dahil parang pinagmumukha nitong tanga ako at hindi alam ang gagawin ko.
"Huwag kang mag-alala Marianne alam ko kung anong ginagawa ko. Basta tuparin mo ang pangako mo, at tutuparin ang pangako ko."