img Suddenly Married (Filipino)  /  Chapter 1 Crush  | 
img
Suddenly Married (Filipino)
img img img
Chapter 1 Crush
853    |    29/03/2022

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapakali si Beth habang panaka-nakang sinusulyapan ang bawat kaklase niya na abala sa paggawa

ng kanilang science experiment.

Muli na naman niyang hinalungkat ang laman ng kaniyang bag, kahit katatapos lang niyang suyurin ang

bawat bulsa nito. Nilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag, mula sa mga notebook ay inisa-isa at

mabusisi niya itong tinignan. Lahat ng pahina ay matiyaga at inisa-isa niyang buklatin. Pero natapos na

niyang buklatin ang lahat ng walong notebook niya ay hindi pa din nito makita ang hinahanap.

Napabuntong hininga siya. Nakaupo lang naman siya pero daig pa niya ang nag- PE class dahil sa pagod

na nararamdaman niya ngayon habang sinusuyod ang laman ng bag. Maging ang kaniyang utak ay pagod

na din.

Sunod naman niyang tinignan ay ang mga libro niya. Kahit pa imposibleng naiipit niya roon ay tinignan

pa din niyang mabuti. Napakamot siya ng ulo. Nakakaramdam na siya ng pagkayamot.

Bumuntong hininga siya. Malakas at mabilis ang tahip ng kaniyang puso at namamawis din ang kaniyang

mga palad. Pakiramdam niya ay binabaliktad ang kaniyang sikmura dahil sa pangamba na

nararamdaman at prustrasyon na lumulukob sa kaniya. Malapit nang mag-uwian kaya dapat mahanap

na niya 'yon.

Nasaan ka na ba? tanong niya sa isip habang pilit inaalala ang mga ginawa at maging ang pinuntahan

niya sa buong maghapon sa eskwelahan. Nakaramdam na siya ng labis na pangamba. Paano kung may

nakapulot na pala?

Sa panghuling subject nila ng hapon na iyon ay halos wala na siyang naisaulo.

Sa murang edad ay abala ang kaniyang utak na mag-imagine ng iba't ibang nakakatakot na senaryo.

Hindi ito isang normal na araw para sa isang batang babae na kagaya niya.

Ang normal na araw para sa kaniya ay ang pagmasdan ng lihim si Kian. Si Kian na pinakaguwapong lalake

sa buong eskwelahan nila. Mula nang nag-transfer ang batang lalake sa kanilang eskwelahan noong nasa

ika-apat na baitang pa lang sila ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip. Maging ang kaniyang panaginip

ay sinakop na nito.

Siya ang kaniyang unang crush. Puppy love kung tawagin.

Bahagya pa siyang nagulat ng tumunog ang bell. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan

na tapos na ang klase nila. Paalis na ng classroom ang teacher nila. Ang mga kaklase niya ay kaniya-

kaniya ng inaayos ang kanilang mga bags.

Walang gana niyang inayos ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. Nang matapos ay muli niyang

pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kanilang classroom.

Mukhang naiwala niya. Umaasa siya na sana ay nasa ba

hay lang nila iyon. Nasa kuwarto niya at hindi nawawala na gaya ng pinapangambahan niya ngayon.

Nakasabay niya sa paglabas ng classroom si Kian. Bahagya siyang sinulayapan ng lalake at tipid na

nginitian. Sa isang iglap ay nawala ang bigat na dala-dala niya. Isang ngiti lang ng crush niya ay napawi na

ang kanina'y labis na pangamba. Pansamantala niyang nakalimutan ang dahilan ng pagkabalisa niya.

Nagtaka siya nang pagdating niya sa gate ng school nila at hindi makita ang kaniyang ama na araw-araw

ay sumusundo sa kaniya tuwing uwian.

"Beth, sumabay ka na sa amin pauwi. Pinakisuyo ka sa akin ng Papa mo," sabi ng daddy ni Kian.

Napangiti si Beth at mabilis na tumango-tango. Magkatapat lang ang bahay nila nina Kian kaya hindi

naman abala sa kanila kung isabay nila ang batang babae sa pag-uwi.

"Tabi na kayo ni Kian sa passenger seat," sabi ng ama ni Kian. Lumundag sa tuwa ang puso ni Beth. Hindi

lang niya makakasabay sa pag-uwi si Kian kundi makakatabi pa niya ito ng upuan. Kung sinuswerte ka

nga naman. Kahit hindi na ako sunduin araw-araw ni Papa, ayos lang, ani sa kaniyang isip habang pigil

ang sarili na mapahagikgik dahil sa kapilayahang naiisip niya.

Inalalayan siya ng ama ni Kian sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Nilagay sa trunk ang kaniyang trolley

bag bago pumasok sa sasakyan at simulang mag-drive.

Magkatabi sila ni Kian na ngayon ay may nakasalpak na head phone sa tenga. Naka-full volume ang

pinapakinggan dahil dinig din niya ang musika.

May ilang pulgada ang pagitan nila. Kilig ang nararamdaman ni Beth sa loob-loob niya. Nakabuti pa ang

hindi pagsundo sa kaniya ng ama.

Napansin niyang nagtanggal si Kian ng headphone. Sinulyapan siya at ginawaran ng tipid na ngiti.

Lumundag ang puso niya. Namula ang kaniyang mukha at napatungo dahil nakaramdam ng pagkailang.

May kinalkal si Kian sa loob ng kaniyang bag. Nilabas niya roon ang dalawang piraso ng chocolate bar.

Ngumiti ang binatilyo sa kaniya bago inumang ang chocolate bar.

Mangha at hindi agad nakakilos si Beth.

Binibigyan niya ako ng chocolate? Tanong niya sa kaniyang isipan. Tila himala ang nangyari.

Agad niyang inabot ang chocolate na binibigay sa kaniya ni Kian. Ngumiti siya at nagpasalamat.

Tumango lang si Kian sa kaniya.

Pagkatapos no'n ay nagsuot ulit ng headphone si Kian. At siya naman ay kulang na lang yakapin ang

dalawang chocolate bar na hawak sa kamay.

Lingid sa kaniyang pansin ay paminsan-minsan, sinusulyapan siya ni Kian. Pigil nito ang ngiti dahil sa inaasta ni Beth. She’s so cute, puri niya na hindi na ginawa pang isatinig.

            
img
img
  /  1
img
img
img
img